You are on page 1of 19

PANITIKAN

● Alamat - kuwento o salaysay na nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao at karaniwan


tungkol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay.
● Kasaysayan - tala tungkol sas mga ulat na matagal nang nakaraan o nakalipas na.
● Nobela - kwento na mahaba, maraming tauhan at tagpuan na nahahati sa mga
kabanata.
○ Tagpuan- Lugar at panahon ng mga pinangyarihan
○ Tauhan- Napapagalaw at nagbibigay-buhay sa nobela
○ Banghay- Pagkakasunud-sunod ng mga pangyayarisa nobela
○ Pananaw- Panauhang ginagamit ng may-akda
■ Una - Kapag kasali ang may-akda sa kwento
■ Pangatlo- Batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda
■ Omniscient- Nalalaman ang lahat (naririnig ang saloobin ng lahat ng mga
tauhan)
○ Tema- Paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela
○ Damdamin- Nagbibigay kulay sa mga pangyayari sa nobela
○ Pamamaraan-estilo ng manunulat (paraan ng pagsalaysay, paggamit ng wika,
teoryang pampanitikan)
○ Pananalita- Diyalogong ginagamit sa nobela
○ Simbolismo- Nagbibigay nang mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at
pangyayari
● Pabula - kuwento na ang karaniwang nagsisiganap ay mga hayop, nag-iiwan ng
magandang aral sa mambabasa.
● Mitolohiya - salaysay hinggil sa pinagmulan ng sansinukuban, kalipunan ng iba't ibang
paniniwala sa mga diyos at diyosa, kuwento ng tao at ng mga mahiwagang nilikha.
○ Diyos at Diyosa, makulay at puno ng imahinasyon ang pagganap ng tauhan, may
taglay na kapangyarihan, at lahat ay magagawa
○ Pagkakaiba ng Epiko at Mito - Ang mitolohiya ay isang halimbawa ng tuluyan,
pakikipagsapalaran at buhay ng isang diyos o diyosa habang ang epiko ay
ginaganap sa pamamagitang ng sayaw- dula na may kasaliw na musika at
tungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihan ng isang taong may pambihirang
katangian
● Maikling Kuwento -kuwento na nag-iiwan ng isang kakintalan sa mambabasa, maikli at
maaring matapos sa isang upuan lamang dahil ang madulang karanasan ng
pangunahing tauhan ay inilahad sa isang tagpuan lamang.
○ Panimula- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin
kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kuwento.
○ Saglit na Kasiglahan- Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang
masasangkot sa suliranin.
○ Suliranin- Problemang haharapin ng tauhan.
○ Tunggalian- May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa
lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan.
○ Kasukdulan- Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng
kanyang ipinaglalaban.
○ Kakalasan- Tulay sa wakas.
○ Wakas- Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kuwento.
○ Tagpuan- nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksiyon o mga
insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento.
○ Paksang Diwa- pinaka kaluluwa ng maikling kuwento.
○ Kaisipan- mensahe ng kuwento.
○ Banghay- pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento
May sampung uri ng maikling kuwento:
● Sa kuwento ng tauhan inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga
tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng
isang mambabasa.
● Sa kuwento ng katutubong kulay binibigyang-diin ang kapaligiran at mga
pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa
nasabing pook.
● Sa kuwentong bayan nilalahad ang mga kuwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan
ng buong bayan.
● Sa kuwento ng kababalaghan pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi
kapanipaniwala.
● Naglalaman ang kuwento ng katatakutan ng mga pangyayaring kasindak-sindak.
● Sa kuwento ng madulang pangyayari binibigyang diin ang kapanapanabik at
mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
● Sa kuwento ng sikolohiko ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng
isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling
kuwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.
● Sa kuwento ng pakikipagsapalaran, nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng
kuwento.
● Sa kuwento ng katatawanan, nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa
mambabasa.
● Sa kuwento ng pag-ibig, tungkol sa pag iibigan ng dalawang tao
○ Bahagi
○ Simula -bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang haharapin
ng pangunahing tauhan. Napapasama rin dito ang pagpapakilala ng ilan sa mga
tauhan at ng Tagpuan.
○ Gitna- Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang
saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga
tauhang masasangkot sa suliranin. Ang tunggalian naman ang bahaging
kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan
laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa
kalikasan. Samantalang, ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan
makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang
ipinaglalaban.
○ Wakas - Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang
bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa
maigting na pangyayari sa kasukdulan. At ang katapusan ang bahaging
kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaring masaya o
malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.
○ Gayunpaman, may mga kuwento na hindi laging winawakasan sa pamamagitan
ng dalawang huling nabanggit na mga sangkap. Kung minsan, hinahayaan ng
may-akda na mabitin ang wakas ng kuwento para bayaang ang mambabasa ang
humatol o magpasya kung ano, sa palagay nito, ang maaring kahinatnan ng
kuwento.
● Editoryal - sanaysay na naglalahad ng kuru-kuro ng patnugutan ng isang pahayagan o
dyaryo.
● Dula - kwento na sinulat para itanghal sa entablado, may mga tauhang gumaganap na
naglalarawan ng buhay o ugali ng tao.
○ Dula- imitasyon ng buhay, pagsanib ng pagsulat at pagganap
○ Banghay- pagkasunod-sunod ng mga pangyayari
○ dulang pantanghalan - ginaganap sa entablado o tanghalan
○ dulang pampelikula - inilalabas sa sine o telebisyon
○ pangkasaysayang dula - batay sa kasaysayan
○ Melodrama - ang sangkap ay malungkot, nagwawakas nang kasiya-siya para sa
mga pangunahing tauhan
○ Komedya- may di-karaniwang problema at nagtatapos nang kasiya-siya at
nagkakasundo ang mga tauhan
○ Trahedya - malungkot ang wakas para sa pangunahing tauhan, may masidhing
damdamin: kabiguan/kamatayan
○ walang tinigang dula- isang dula na aksyon lamang at walang salita
○ dulang walang katotohanan- ang mga pangyayari ay hindi hango sa tunay na
buhay ng tao
○ Tauhan - kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula, ginampanan ng mga aktor,
nagbibigay-buhay sa mga tauhan sa iskrip, bumibigkas sa diyalogo,
nagpapadama sa dula
○ Tagpuan- panahon at pook o tanghalan
○ sulyap na suliranin- kung walang suliranin, walang saysay ang dula, maaaring sa
simula o kalagitnaan
○ saglit na kasiglahan- saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning
nararanasan
○ Tunggalian- uri ng pakikipaglaban ng mga tauhan, maaaring higit pa sa isa o
patung-patong na tunggalian ng isang dula
○ Kasukdulan- nasusubok dito ang katatagan ng tauhan,
pinakamatindi/pinakamabugsong damdamin
○ Kakalasan- unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa
mga tunggalian
○ Katapusan - sa sangkap na ito nalulutas, nawawakas at natatapos ang mga
suliranin at tunggalian sa dula, maaari ring magpakilala ng panibagong mga
suliranin at tunggalian sa panig ng mga manood
○ Iskrip- pinakakaluluwa ng isang dula, lahat ng mga kinakailangan ng isang dula
ay naayon sa isang iskrip, walang dula kung walang iskrip
○ epektong pantunog- mahalagang malinaw na naipahahatid ang bawat linya ng
dula sa pamamagitan ng maayos na tunog
○ Yugto/act- nagsisilbing mga kabanata, pagpatay sa ilaw o pagladlad ng kurtina
○ Eksena (scene)- bumubuo sa yugto
○ Tagpo (frame)- bumbuo sa eksena, nagbabago ang tanghalan ayon sa kung
saan gaganapin ang susunod na pangyayari, paglabas at pagpasok ng kung
sinong tauhang gumaganap sa eksena
● Balita - paglalahad ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa kapaligiran at maging sa
ibang bansa.
● Anekdota - kwento o salaysay na ang pangyayari ay hango sa tunay na karanasan,
nakawiwili at kapupulutan ng aral.
● Parabula - kuwentong karaniwang hango sa bibliya na naglalarawan ng isang
katotohanang moral o ispiritwal sa isang matalinghagang paraan.
● Ulat - karaniwang nasusulat sapagkat ito'y palagiang tala at napagkukunan ng
madaliang impormasyon. Bunga ito ng isinagawang pananaliksik, pagsusuri, pag-aaral,
pagbabasa at iba pa.
● Talumpati - sinulat upang bigkasin sa harap ng maraming tao na may layuning umakit,
humikayat, magpaliwanag at iba pa.
○ Ang pagtatalumpati ay isang sining ng pakikipagtalastasan na naglalayong ilahad
ang kaisipan at damdamin hinggil sa isang paksa sa pamamagitan ng wasto at
mabisang pagbigkas.
○ Mga Hangarin ng Pananalumpati
○ 1. Makapagbigay ng Kabatiran-Maaaring magbigay ang isang talumpati ng mga
bagong kaalamang makadaragdag sa mga nalalaman ng mga tagapakinig.
○ 2. Makapagturo o Makapagpaliwanag-Ang isang talumpati ay maaaring magturo
ng isang paraan o paniniwala tungkol sa isang kaisipan. Maaari ring maglahad
ng bagong anggulo o relasyon ng mga bagay-bagay upang maiangat ang
pang-unawa ng mga tagapakinig hinggil sa isang bagay.
○ 3. Makapanghikayat-Ang isang talumpati ay may kapangyarihang makahikayat
ng mga tagapakinig. Naglalayon itong umakit sa mga tagapakinig na tanggapin
ang isang pinagtatalunang palagay o kalagayan Karaniwang ginagamit ito ng
mga politiko sa pangangampanya.
○ 4. Makapagpaganap o Makapagpatupad-Ang isang talumpating naglalayong
magpaganap o magpatupad ay karaniwang ginagamit sa pagpapasinaya ng
isang proyekto, batas, o ordinansang makabubuti para sa nakararami. Itinutulak
nito ang mga tagapakinig na umaksiyon sa isang kaisipan.
○ 5. Manlibang-Bagama’t ang hangaring ito ay makapagbigay ng kasiyahan at
kawilihan sa mga tagapakinig, nararapat lámang na maging katambal ito ng
bawat talumpati. Anuman ang hangarin ng isang talumpati, ito ay dapat maging
kawili-wili.
○ Pagsulat ng Talumpati
○ Bago pa bigkasin o basahin ng mananalumpati ang kanyang piyesa ay
kailangang pagtuonan ng pansin ang paghahanda nito. Naririto ang mga
hakbang sa pagsulat ng talumpati.
○ 1. Alamin kung anong klase ang iyong mga tagapakinig, tulad ng kung silá ba ay
grupo ng kabataang tulad mo, grupong magsisipagtapos ng elementarya,
magulang, at iba pa. Kailangang maláman mo ito upang maiakma ang paksa at
paraan kung paano ito sasabihin.
○ 2. Alaming mabuti ang paksa. Minsan kapag naimbitahan ka sa isang pagtitipon,
mayroon silang tema na dapat mong sundan.
○ 3. Kapag nakakuha na ng paksa, gumawa na ng balangkas. Mahalaga ito
sapagkat matutukoy mo kung ano-anong kagamitan ang kailangan mong
saliksikin. Gayundin, madali mo nang maisusulat ang iyong talumpati.
○ Hakbang sa Pagbabalangkas ng Talumpati
○ Pambungad ng Talumpati
○ Panimula-Sa paggawa ng panimula, nararapat na umisip ng isang panimulang
nakapupukaw o nakagugulat upang makatawag-pansin sa mga tagapakinig. Sa
puntong ito kailangang maikondisyon ang mga tagapakinig sa paksa ng
talumpati.
○ Katawan ng Talumpati
○ Paglalahad-Sa puntong ito kailangan ng sistematiko at malinaw na paglalahad ng
mga kabatiran, masusing pagpapaliwanag, at mahusay na panghihikayat.
○ Bigay-diin o Emphasis-Matapos ang paglalahad ng ideya o paninindigan, sundan
agad ito ng pagbibigay-diin o emphasis upang ang bisa nito ay tumimo sa isip at
kalooban ng mga tagapakinig.
○ Pagwawakas ng Talumpati
○ Impresyon-Kung kinakailangan ng isang panimulang pupukaw sa isip at
damdamin ng tagapakinig, nararapat ding wakasan ang pagsulat ng talumpati sa
pamamagitan ng pagbabahagi ng impresyong ang kaisipang inilahad o
paninindigan ay pawang katotohanan lámang. Sa puntong ito maaaring wakasan
ang talumpati ng isang tanong, hámon, o quotation na titimo sa kanilang puso at
mag-iiwan ng impresyon sa kanilang isipan.
○ 4. Kapag tapos na ang balangkas, maaari nang isulat ang talumpati. Iwasan ang
pagsulat ng napakahabang talumpati. Kung minsan ay nagbibigay ng takdang
oras ang mga nag-imbita. Siguraduhing hindi lalampas sa itinakdang oras ang
talumpati. Dapat tandaan na makabagong kalakaran ng pananalumpati, ang
maikli, maliwanag, at malamáng talumpati ay higit na pinapupurihan at
kinawiwilihan kaysa sa mahaba at maligoy na talumpati.
● Talambuhay - kuwento o salaysay ng buhay ng isang tao.
● Sanaysay - tumatalakay sa isang tanging paksa. Ang sariling opinyon o pananaw ay
kitang-kita sa sumulat. Maaring pormal o di-pormal ang paglalahad.
● Tulang Liriko - naglalahad ng mga saloobin, damdamin, imahinasyon at karanasang
maaring sarili ng may-akda o ibang tao.
○ pinakamatandang uri ng tulang isinusulat
○ naglalaman ng saloobin o damdamin at madala ding gamiting titik sa mga awitin.
○ hal: awit, pastoral, oda, dalit, soneto, elehiya
● Tulang Pasalaysay - naglalahad ng makukulay at mga mahahalagang tagpo sa buhay
tulad ng pag-ibig, pagkabigo, tagumpay mula sa kahirapan. Inilalahad din ang kagitingan
at katapangan ng mga bayani sa pakikidigma.
○ uri ng tula na naglalahad ng tagpo o pangyayari sa pamamagitan ng mga
taludtod
○ hal: epiko (tulabunyi), tulagunam (ballad), tulasinta (Metrical Romance) at
Tulakanta (Thyme of Metrical Tale)
● Tulang Padula o Pantanghalan - katulad ng karaniwang dula ngunit ang diyalogo ay
binibigkas nang patula ng mga tauhan
○ tulang isinasadula sa entablado o iba pang tanghalan
○ hal: Tulang Mag-isang Salaysay, Tulang Dulang Katatawanan, Tulang Dulang
Kalunos-lunos, Tulang Dulang Madamdamin, Tulang Dulang Pauroy
● Tulang Patnigan - pagtatalong patula na kinapapalooban ng matalinong
pangangatwiran, talas ng pag-iisip at lalim ng diwa.
○ ito ay tulang sagutan na itinatanghal ng magkatunggaling makata ngunit hindi sa
paraang padula.
○ Paligsahan ng mga katwiran at tagisan ng talino at tulain.
○ hal: karagatan, duplo, balagtasan at batutian
● Pastoral - tulang naglalayong ilarawan ang tunay na buhay sa kabundukan.
● Panubong - mahabang tula ng pagpaparangal o paghahandog sa isang may nagdaraos
ng kaarawan o kapistahan o kung may pinapararangalang panauhin.
● Awit/Kanta - madamdamin ang nilalaman nito dahil ang karaniwang pinapaksa ay
tungkol sa pag-ibig, kabiguan, kalungkutan, pag-asa, pangamba at kaligayahan.
● Elehiya - tulang pandamdamin patungkol sa patay. Malungkot at may panaghoy.
● Soneto - Ang isang soneto ay isang tula lamang na nakasulat sa isang tiyak na format.
Maaari mong tukuyin ang isang soneto kung ang tula ay may mga sumusunod na
katangian:
○ 14 linya. Ang lahat ng mga sonnets ay mayroong 14 na linya na maaaring
mabuwag sa apat na seksyon na tinatawag na quatrains.
○ Isang mahigpit na rhyme scheme. Ang rhyme scheme ng Shakespearean sonnet
ay ABAB / CDCD / EFEF / GG (tandaan ang apat na natatanging mga seksyon
sa rhyme scheme).
● Oda - nagpapahayag ng papuri at masiglang damdamin na patungkol sa isang kaisipan.
● Pasyon - aklat na patula na naglalarawan sa buhay, pasakit at pagdurusa ni Hesukristo.
● Dalit - awit na pumupuri sa Diyos o sa Mahal na Birhen Maria at nagtataglay ng mga
pilosopiya ng buhay at patakaran ng relihiyon.
● Epiko - mahabang tulang pasalaysay ng magiting na pakikipagsapalaran at kabayanihan
ng isang taong may pambihirang katangian, ang mga tagumpay niya sa digmaan, at
pakikitunggali sa mga kaaway.
● Awit - tulang maromansa na nakaharap sa pakikipagsapalaran ang mga tauhan nito sa
higit na makatotohanan o hango sa tunay na buhay ang mga pangyayari.
● Korido - tulang maromansa, ang mga tauhan ay may kapangyarihang supernatural.
● Zarsuela - dulang musikal na binubuo ng tatlong akto at tumutukoy sa pangunahing
damdamin ng tao gaya ng pag-ibig, kasakiman, poot at iba pa.
● Panunuluyan - paghahanap ng matutuluyan nina Birhen Maria at Jose para roon isilang
ang sanggol na si Hesus. Itinatanghal ito sa gabi bago sumapit ang Pasko.
● Tibag - itinatanghal tuwing buwan ng Mayo at ang mga tauhan ay sina Reyna Elena at
Prinsipe Constantino. Hinanap nila ang krus na pinagpakuan kay Hesus na
matatagpuan sa ilalim ng temple ni Venus.
● Senakulo - ginagawa tuwing buwan ng Abril kung kuwaresma, tungkol sa paghihirap at
kamatayan ng Poong Hesukristo.
● Moro-moro - nagpapakita ng hidwaan at labanan ng kristiyano at di-kristiyano.
● Duplo - larong patula na karaniwang masasaksihan sa mga paglalamay sa patay sa mga
baryo.Paligsahan ito ng pangangatwiran sa patulang pamamaraan.
● Karagatan - tungkol ito sa isang singsing na sadyang inihulog ng prinsesa sa dagat sa
hangarin niyang mapangasawa ang kasintahang mahirap at maisakatuparan ang utos
ng hari na ang makakuha ng singsing ay kanyang mapapangasawa.
● Balagtasan - galing sa salitang "Balagtas", tagisan ng talino sa pangangatwiran sa
paraang patula.
● Tanka at Haiku - Anyo ng tula na pinahalagahan ng panitikang Hapon. Masasalamin sa
uri ng tulang mula sa bansang Hapon ang kanilang pagiging payak at hindi maligoy.
Bagama't mahirap arukin ang ibig sabihin ng tanka at haiku, sinasabing ibang kaluguran
ang nakukuha kapag napagtanto mo na ang tunay na kahulugan sa likod ng mga
taludtod.
○ Ika-8 siglo nagsimula ang Tanka
○ Ika-15 siglo nagsimula ang Haiku
■ Tanka - Ibig Sabihin ay MAIKLING tula, karaniwang paksa nito ay
pagbabago, pag-iisa,o pag-ibig. ito ay binubuo ng tatlumpu't isang (31)
tiyak na bilang ng pantig na may limang taludtod ang tradisyunal na
Tanka. Tatlo sa mga taludtod ay may tigpipitong bilang ng pantig
samantalang tiglilimang pantig naman ang dalawang taludtod.
■ 31 pantig, limang taludtod, 5-7-5-7-7
■ Haiku - Tatlong taludtod hinahati sa labimpitong(17) pantig. Maaring
limang pantig sa unang taludtud, pito sa ikawala, at lima muli sa huling
taludtud. Karaniwang naglalarawan ng kalikasan(nature) at mag
bagay-bagay
■ 17 pantig, tatlong taludtod, 5-7-5
Uri ng Tauhan
Ang isa sa pinakamahalagang elemento ng mga kuwento. Ito ang nagbibigay buhay sa
kabuuan ng kuwento
● Protagonista
○ Ito ay pangunahing tauhan na pinagtutuunan ng pansin sa isang akda.
● Antagonista
○ Ito ay ang tauhang nagbibigay ng kapana-panabik na pangyayari sa
protagonista.
● Bilog
○ Ito ay tawag sa karakter na marami o nagbabago ang pag-uugali sa akda.
○ tauhang may multi-dimensiyonal o maramin saklaw ang personalidad
○ tauhang mula sa pagiging api ay natututong lumaban sa wakas; mula sa
pagiging salbahe ay nagiging mabait at ang kabaligtaran nito
● Lapad
○ Ito ay ang tauhang hindi nagbabago ang pag-uugali sa isang akda.
○ tauhang nagtataglay ng iisang katangiang madaling matukoy o predictable
○ tauhang hindi nagbabago ang pag-uugali kung ano ang gawi, kilos at katangian
niya sa simula ng akda hanggang katapusan
○ tauhang mula sa simula ay may mabuting kalooban hanggang sa wakas ay
ganito pa rin siya

WIKA
Sa pinakapayak nitong kahulugan, ang wika ay isang sistema ng kumunikasyon naginagamit ng
mga tao. Ito ay koleksyon ng iba’t ibang simbolo at mga salita na nagpapahayagng kahulugan.
Ito ay nagsisilbing behikulo upang maipahayag natin ang ating mga kaisipan,mga saloobin at
nararamdaman. Maaring maihayag ang wika sa pamamagitan ng sulat opananalita, maituturing
din na wika ang kumpas ng kamay o sign language.
Ang iba pang katawagan sa wika ay “lengguwahe” (Language sa Ingles). Ito aynagmula sa
salitang Latin na “lingua”, literal na nangangahulugang “dila”. Pinaniniwalaangdito nagmula ang
salitang ito sapagkat nakagagawa ito ng iba’t ibang kombinasyon ng tunogna nagagamit
upang makapaghatid ng damdamin o ekspresyon. Tinatayang mayroonghumigit
kumulang anim na libong wika ang umiiral dito sa mundo. Kaugnay nito, may mgataong
pinag-aaralan ang iba’t-ibang wika at kung paano at saan ito nagmula. Ang tawag sapag-aaral
ng wika ay lingguwistika. Tinatawag namang lingguwista ang taong dalubhasa atpinag-aaralan
ito.
● Wikang Pormal. Ito ay itituturing na mas angkop at katanggap-tangap na paggamit ng
wikasa lipunan. Ito ay karaniwang ginagamit ng mga mag-aaral at propesyonal. Masuri
itongbinubuo sa pamamagitan ng paggamit ng pinakawastong salita, at
pagsunod sa mgapanuntunan tulad ng balarila o gramatika. Tinatawag ding
impersonal o siyentipikosapagkat ito ay ginagamit upang maghatid ng mahahalagang
impormasyon.
● Wikang Impormal / Di-Pormal. Ito ang karaniwang ginagamit natin sa araw-araw
paramakipag-usap sa ating kapwa. Ito ay mas personal kumpara sa wikang pormal.
Hindi itonangangailangan ng mataas na kawastuhan sa gramatika kumpara sa wikang
pormal
● Pormal
● 1. Pambansa – Ito ay karaniwang ginagamit sa paaralan at pamahalaan. Ito ay
ginagamit napanturo; ginagamit din ito sa debate sa senado
● .2. Pampanitikan (Panretorika) – Ito naman ay karaniwang ginagamit sa mga
akdangpampanitikan tulad ng libro, tula at awit. Ang katangian ng antas na
ito ay masining,makulay, at mayroong malalim na pagpapakahulugan
● .Di- Pormal
● 1. Panlalawigan – Ito ay ginagamit ng isang partikular na pook o lalawigan.
Nagkakaroon ngwikang panlalawigan sapagkat may mga rehiyon na gumagamit ng
sarili nilang dialekto.Maaring magkaroon ng pagkakaiba sa istilo ng paggamit ng
lengguwahe ang bawat lalawigansa pamamagitan ng pagkakaroon ng sariling tono o
punto ng pagsasalita, at maging sa mgapanghaliling salita na kanilang ginagamit.
● 2. Salitang Balbal – Tinatawag na slang sa wikang Ingles. Ito ay mga salitang bigla na
lamangsumusulpot sa kasalukuyang panahon at karaniwang ginagamit ng kabataan.
Ang balbal osalitang kanto ay inimbento ng pangkat ng mga tao na gustong
magkaroon ng sarilingpagkakakilanlan. Itinuturing itong pinakadinamiko
sapagkat napakabilis nitong magbago;maaring ang salitang balbal na uso ngayon ay
laos na kinabukasan.
● 3. Kolokyal – Ito ay hinango sa mga pormal na salita at karaniwang ginagamit sa
pang-araw-araw na pakikipagtalastasan. Ang pagpapaiki ng mga salita ay kabilang sa
antas na ito.

● Denotasyon/Denotatibo- literal o totoong kahulugan ng salita, matatagpuan sa


diksyonaryo ang kahulugan
○ Ito ay nagtataglay o nagpapahiwatig ng neutral o obhetibongkahulugan
ng mga termino.Ito ay tawag sa kahulugang hinango sa diksyunaryo na
ginagamit sapinakasimpleng pahayag.Ito ay nagbibigay ng tiyak na kahulugan o
mas tinatawag na literal ototoong kahulugan ng isang salita.
● Konotasyon/Konotatibo- pansariling kahulugan ng isa o grupo ng tao sa isang salita
○ Tumutukoy isa sa ekstrang kahulugang taglay ng isang salita depende sa
intensyon o motibo ng taong gumagamit nito.Pagpapakahulugan sa mga
salita, parilala o pangungusap na hindi tuwiran.Ito ay tumutukoy sa
iba’t ibang kahulugan na ibinibigay sa salita depende sa intensiyon
(agenda).Maaaring magtaglay ng pahiwatig na emosyon na umaangkop sa gamit
ng isang pahayag at pag-iba-iba ayon sa saloobin, karanasan at
sitwasyon ng isang tao.

PANG-UGNAY
● Pang-angkop
● Ito ay ang mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan. Ito ay
nagpapaganda lámang ng mga pariralang pinaggagamitan. May dalawang uri ng
pang-angkop.
● Ang pang-angkop na na ay ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos sa katinig
maliban sa n. Hindi ito isinusulat nang nakadikit sa unang salita. Inihihiwalay ito.
Nagigitnaan ito ng salita at ng panuring.
○ Halimbawa: mapagmahal na tao, bukas na aklat, mahusay na pinuno
● Kapag ang unang salita naman ay nagtatapos sa titik n dinaragdagan ito ng titik -g.
○ Halimbawa: huwarang mamamayan, maalalahaning magulang, masunuring bata
● Ang pang-angkop na -ng ay ginagamit kung ang unang salita ay nagtatapos sa mga
patinig. Ikinakabit ito sa unang salita
○ Halimbawa: mabuting nilalang, masayang natututo, malayang isipan
● Pang-ukol
● Ito ay kataga/salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang mga salita sa
pangungusap. Narito ang mga kataga/pariralang malimit na gamiting pang-ukol.

sa ng

kay/kina alinsunod sa/kay

laban sa/ kay ayon sa/kay

hinggil sa/ kay ukol sa/ kay

para sa/ kay tungkol sa/kay

● Ang pang-ukol na nagtatapos sa “sa” ay kalimitang sinusundan ng pangalang


pambalana o panghalip panao.
○ Halimbawa:
○ Ang kanyang pagsusumikap ay para sa kanyang pamilya.
○ Ayon sa pinakahuling ulat ng DOH patuloy na bumababa na ang kaso ng taong
may sakit na Covid-19.
● Ang pang-ukol naman na nagtatapos sa ni, nina, kay, at kina kalimitang sinusundan ng
pangalang pantangi.
○ Halimbawa.
○ Ang bagong biling mga gamit sa paaralan ay para kay Jose.
○ Bumili ako ng mga pansahog sa aking lulutuing sinigang kina Aling Marites.
○ Mahigpit na ipinagbibilin sa akin ni Nanay Rosa na huwag akong makikipag-usap
sa hindi ko kakilala.
● Pangatnig
● Tawag sa mga kataga/salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay. Narito
ang iba’t ibang uri ng pangatnig.

at ni o kaya maging man saka

pati dili kaya gayundin kung alin sa halip kung sino siya rin

kung kung datapwat subalit bagkus samantal habang


saan gayon a

maliban bagaman kung sa bagay kundi kapag sakali

sana pagkat sapagkat kasi kung palibhasa dahil


kaya sa

sanhi ng anupa samakatuwid sa madaling


salita
Ponemang Suprasegmental
● Ponema:pinakamaliit na yunit ng makabuluhang tunog. Ang ponema ay isa sa mga
yunit ng tunog na nagpapakita ng kaibahan ng isang salita mula sa isa pang salita ng
partikular na wika. Ang pagkakaiba ng kahulugan ng mga salitang Filipino na “baha” at
“bahay” ay bunga ng pagkakaroon ng dagdag na ponemang /y/ sa salitang “bahay”.
Kung gayon, ang ponema ay ang pundamental at teoretikong yunit ng tunog na
nagbubuklod ng salita. Nakakabuo ng ibang kahulugan kapag pinapalitan ang isang
ponema nito.
Ang mga ponemang suprasegmental ay nakatuon sa diin (stress), tono o intonasyon (pitch), at
hinto o antala (juncture).
● Ang diin ay ang bigat ng pagbigkas ng pantig na maaaring makapag-iba sa kahulugan
ng mga salita maging ang mga ito man ay magkapareho ng baybay.
Halimbawa:
haPON-bigkas mabilis at may diin sa ikalawang pantig (Japanese)
HApon-bigkas malumay at may diin sa unang pantig (afternoon)
BUhay-bigkas malumay at may diin sa unang pantig (life)
buHAY-bigkas mabilis at may diin sa ikalawang pantig (alive)
● Ang tono o intonasyon ay tumutukoy sa pagtaas o pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng
pantig ng isang salita, parirala, o pangungusap upang higit na maging malinaw ang
pagsasalita at nang magkaunawaan ang nag-uusap.
● Ang pagbigkas ng salita ay maihahalintulad sa musika, may tono o intonasyon-may
bahaging mababa, katamtaman, at mataas. Maaaring makapagpahayag ng iba’t ibang
damdamin o makapagbigay ng bagong kahulugan ang pagbabago ng tono o intonasyon.
● Subukin mong magsalita nang hindi nababago ang tono o intonasyon at hindi mo
maipararating nang tama ang iyong mensahe.
Halimbawa
Nagpapahayag: Madali lang ito.
Nagtatanong: Madali lang ito?
Nagbubunyi: Madali lang ito!
● Ang hinto o antala ay tumutukoy sa saglit na pagtigil ng pagsasalita upang higit na
maging malinaw ang mensaheng ipinahahayag. May hinto bago magsimula ang isang
pangungusap at may hinto rin pagkatapos nito. May hinto rin sa loob ng pangungusap
kung may kailangang ihiwalay na mga ideya upang higit na maunawaan ang nais nitong
ipahayag. Kuwit (,) ang ginagamit sa hinto.
Halimbawa:
Hindi siya si Kessa.
(Nása dulo ang binto at nagsasaad na hindi si Kessa ang pinag-uusapan.)
Hindi, siya si Kessa.
(Ipinahahayag ng binto pagkatapos ng “hindi” na si Kessa ang pinag-uusapan.)
Hindi siya, si Kessa.
(Ipinahihiwatig ng hinto pagkatapos ng “siya” na hindi ibang tao ang nása isip kundi si Kessa.)

Iba’t Ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin


May iba’t ibang paraang ginagam it upang maipahayag ang emosyon damdamin ng mga tao.
Ilan sa mga ito ay sa pamamagitan ng:
1. Padamdam at maikling sambitla. Ito’y isang uri ng pangungusap na walang paksang
nagpapahayag ng matinding damdamin. Ginagamitan ito ng bantas na tandang padamdam (!).
Halimbawa: Galing! Aray! Ay! Yehey! Sakit! Sarap! Grabe! Wow!
Maaari ring isama ang mga padamdam at maikling sambitlang ito sa parirala o sugnay upang
maging higit na tiyak ang damdamin o emosyong nais ipahayag.
Halimbawa: Yehey, maganda ang tingin sa akin ng mga tao!
2. Mga pangungusap na nagsasaad ng tiyak damdamin o emosyon ng isang tao.
Padamdam ang tawag sa ganitong uri ng pangungusap. Nagpapahayag ito ng damdamin gaya
ng galit, tuwa, lungkot, inis, o gigil. Nagtatapos ito sa tandang padamdam.
Bagaman may mga pagkakataong ang damdamin ng nagpapahayag ay hindi gaanong matindi
ngunit mahihinuha pa rin ang damdamin. Ang ganitong pahayag ay nasa anyong pasalaysay
paturol na pangungusap

HALIMBAWA:
● Kasiyahan: Natutuwa ako at isa akóng babaeng Pilipina.
● Pag-ayaw: Pasensiya na, pero hindi ko gusto ang pagtrato ninyo sa inyong kababaihan.
● Pagkainis: Nakakainis talaga ang mga laláking walang respeto sa mga babae.domani
sono
● Pagtataka: Bakit ganoon kababa ang inyong tingin sa akin?
● Pagmamalaki: Ako’y isang babaeng malaya!
3. Mga pangungusap na nagpapahiwatig ng damdamin sa hindi diretsahang paraan.

HALIMBAWA:
● Mas maganda sigurong hindi ka na magsalita (kahulugan: manahimik na lámang)
● Sana kunin ka na ni Lord! (kahulugan: mamatay ka na sana.)
● Isa kang anghel sa langit. (kahulugan: mabait at mabuti ang tao)

Pagpapasidhi ng Damdamin
Ang mga salita ay may antas ng kahulugan batay sa damdamin at emosyon ng taong
nagpapahayag. Nagagamit ito sa pamamagitan ng pag-iiba-iba ng mga salitang may ugnayang
sinonimo o magkasingkahulugan.
Mga halimbawa
Ang bilang isa (1) ay para sa salitang may pinakamababang kahulugan/ antas/ o tindi ng
damdamin at ang bilang apat (4) naman ay sa pinakamasidhing kahulugan/ antas/ tindi o ng
damdamin.

1. inis 3. galit
2. asar 4. poot
1. paghanga 3. iyak
2. pagsinta 4. hagulgol
3. pagliyag 1. galit
4. pamamahal 2. poot
1. damot 3. muhi
2. sakim 4. suklam
3. gahaman 1. lungkot
4. ganid 2. hapis
1. hikbi 3. lumbay
2. nguyngoy 4. pighati
Ang bilang isa (1) ay para sa salitang may pinakamababang kahulugan/ antas/ tindi ng
damdamin at ang bilang talo (3) naman ay sa pinakamasidhing kahulugan/ antas/ tindi ng
damdamin.

1. kaba 1. nagandahan 1. bulong


2. takot 2. naakit 2. sigaw
3. pangamba 3. nabighani 3. hiyaw
1. ngiti 1. natakot 1. yamot
2. tawa 2. nabalisa 2. inis
3. halakhak 3. nagimbal 3. suklam
1. hikbik 1. nag-alala 1. natutuwa
2. iyak 2. nabahala 2. nasisiyahan
3. hagulgol 3. natigatig 3. masaya

ETIMOLOHIYA
Ang salitang “etimolohiya” ay mula sa salitang Griyego na etumologia na binubuo ng dalawang
salita, etumon at logos.
● etumon: “may ibig-sabihin” o “may kahulugan”
● logia o logos: “pag-aaral ng”, “pagsasalita, orasyon, salita”
Ito ay pag-aaral ng pinagmulan ng mga salita at kasaysayan ng mga salita kung paano nag-iba
ang kanilang anyo at kahulugan sa paglipas ng panahon.

Mga Halimbawa
Ang salitang estatwa o sa Ingles ay statue ay mula sa salitang Latin na satua o hinulmang
imahe. Ito ay rebultong nakatayo at maaaring gawa sa bato o metal.
Ang salitang babae o sa Ingles woman ay hango sa sinaunang Ingles nawīfmann. Ang wīf na
mula sa salitang wife o asawa. Ang mann naman ay nangangahulugang tao o indibidwal.
Ang salitang bulaklak o sa Ingles ay flower ay mula sa sinaunang Pranses na Flor o flour na
natuklasang mula rin sa salitang Latin na Flos o flor. Unang naitalang ginamit ito sa prologo ng
libro ni Geoffrey Chaucer na “The Canterbury Tales” noong 1300s.
Ang salitang pag-ibig o sa Ingles ay love na nasa anyong pandiwa ay mula sa
Proto-Indo-European na salitang leubh na nangangahulugang pag-iingat, pag-aalaga at
pagnanais. At kalaunan nagbagong anyo ito sa wikang Latin na lubet na naging libet.
Ang salitang templo o temple sa Ingles ay mula sa salitang Latin na templum na ang ibigsabihin
ay sagradong lugar para sa mga diyos-diyosan.

Mga salitang umusbong sa makabagong henerasyon


Pagbabaliktad
● bente – etneb
● bata – atab
● loob – oblo
● mismo – omsim
● malupit – petmalu
● tayo na, tara – arat
● pogi – igop
● talo – olats
● wala – alaws
Pagbabago ng Ispeling
● ako – acoe
● ano ba – enebe
● cool – kewl
● ganoon – ganern
● hala – luh
● hayun – ayown
● okay – okey, keri
● kumadre – mare, mars
● mama – momshie
Akronim
● all right – AYT
● as far as I know – AFAIK
● at the moment – ATM
● be right back – BRB
● good game – GG
● good game, well played – GGWP
● I don’t care – IDK
● I don’t know – IDK
● just got home – JGH
● laugh out loud – LOL
Pagpapalit ng Salita
● as in – salt
● awit – sagwa
● gulat – shookt
● hindi nga – weh
● ka-lovelife – sparks
● kaibigang lalaki – paps, papi
● lakad, alis – gora
● burger – bugrits
● galit – triggered
Pagbabago ng Kahulugan
● asin; salt – pinagsamang as at in
● Potassium; POTS – mula sa kemikal na simbolo ng Potassium
● saging; sags – pagbabalat ng saging o sa Ingles peel it.
● tingin; sharks – pating + in (to look)
Pagbuo ng Ekspresyon
● beast mode – galit
● eme-eme – hindi masabi o maalala
● hanash – maraming sinasabi o komento
● lamnadis (alam na this) – tanging magkakai
Pag-uugnay sa Pangalan ng Tao o Politika
● Carmi Martin – karma
● Grado Versoza – haggard, pagod
● Gelli de Belen – nagseselos
● Luz Valdez – talunan
● Tom Jones – gutom
● Ka-DDS – kabarkada, kagrupo
● Dutertards – tagapagtanggol ni dating Pang. Duterte

PANG-ABAY
● Pang-Abay – Ito ay ang katawagan sa salita o lipon ng mga salitang nagbibigay-turing
sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay. Uri ng Pang-Abay Pamanahon, Panlunan,
Pamaraan, Panagano, Kataga o Ingklitik
Pang-Abay na Pamanahon – sumasagot kung kailan ginawa ang kilos ng pandiwa. Ito ay
nagsasaad kung kailan ginanap, ginaganap o gaganapin ang sinasabi ng pandiwa sa
pangungusap. Sumasagot sa tanong na kailan. May tatlong uri ang pang-abay ng pamanahon:
may pananda, walang pananda at nagsasaad ng dalas
May Pananda – gumagamit ng mga salitang nang, sa, noon/noong, kung, kapag, tuwing,
buhat, mula/simula, umpisa at hanggang at iba pa.
● Natutong mamuhay mag-isa ang mga magkakapatid buhat ng iwan sila ng kanilang
magulang.
● Simula sa isang linggo ay magkakaroon ng malawakang protesta kontra pagtaas ng
mga bilihin.
● Nang isilang ka sa mundong ito laking tuwa ng magulang mo.
Walang Pananda – gumagamit ito ng mga tiyak na salitang nagsasaad ng panahon tulad ng
kanina, kahapon, mamaya, bukas, sa makalawa, sandali at iba pa.
● Magkakaroon ng pagpupulong ang mga magulang bukas para sa darating na JS Prom.
● Dumating kahapon ang binili kong mga gamit sa Shopee.
● Sa ilang sandali na lamang ay magsisimula na ang palatuntunan.
Nagsasaad ng Dalas – gumagamit ng mga sumusunod na ekspreksyong: araw-araw, tuwing
umaga, tuwing Lunes, tuwing gabi, taun-taon, atbp.
● Nagkakaroon ng flag raising ceremony sa tuwing Lunes ng umaga.
● Ipinagdiriwang namin ang aking kaarawan taun-taon.
● Namamalengke ang aking nanay tuwing umaga.
Pang-Abay na Panlunan –Sumasagot sa tanong kung saan ginawa ang kilos. Ito ay
nagsasaad kung saan ginanap, ginaganap o gaganapin ang sinasabi ng pandiwa sa
pangungusap. Ito ay kakabit sa pariralang sa.
● Namimili kami ng mga sahog panluto sa palengke ng Hulong Duhat.
● Maraming turista ang bumibisita sa Boracay tuwing tag-init.
● Sa Legazpi Albay matatagpuan ang Cagsawa Ruins.
Pang-abay Pamaraan –sumasagot sa tanong kung paano ginanap ang kilos. Ito ay sumasagot
sa tanong paano ginagap, ginaganap, o gaganapin ang sinasabi ng pandiwa sa pangungusap.
Ginagamitan ng panandang nang, na at -ng.
● Mabilis na tumakbo patungong silid si Joel.
● Umiyak nang malakas ang sanggol dahil sa gutom.
● Tahimik na pumasok sa silid-aralan si Noel upang hindi mapansin ng guro.
Pang-Abay na Panggaano – Ito ay ang pang-abay na nagsasaad ng sukat o timbang
● Ang aking Ina ay bumili nang isang kilong bangus para sa aming hapunan.
● Bumigat ang aking timbang nang kalahating kilo.
● Onti lamang ang kinain kong almusal.
Pang-Abay na Kataga o Ingklitik – Ito ay ang mga katagang sumusunod sa unang salita ng
pangungusap. Mga kataga: (man, kasi, sana, nang, kaya, yata, tuloy, lamang/lang, din/rin, ba,
pa, muna, pala, na, naman, daw/raw)
● Hindi pa rin nakatatakas si Michelle sa masakit na nakaraang kanyang pinagdaanan.
● Pipiliin ko muna ang aking sarili.
● Tayo lamang ang makapagpapabago sa ating sitwasyong kinahaharap.
Iba pang Pang-abay
Pang-agam - nagsasaad ng pag-aalinlangan o kawalang katiyakan.
Benepaktibo - nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao
Kawsatibo - nagsasaad ng dahilan ng pagganap sa kilos
Kondisyonal - nagsasaad ng kondisyon para maganap ang kilos na isinasaad ng pandiwa
Panang-ayon - nagsasaad ng pagsang-ayon
Pananggi - nagsasaad ng pagtanggi

PAGHAHAMBING

Ano ang paghahambing?


Ang paghahambing ay paglalarawan ng antas o lebel ng katangian ng tao, bagay, hayop, ideya
at pangyayari. Naghahambing ng dalawang magkaibang antas o lebel ng katangian ng tạo,
bagay, ideya, pangyayari, at iba pa. May dalawang uri ang kaantasang pahambing.
May dalawang uri ang kaantasang pahambing. Paghahambing na magkatulad at di-magkatulad.
Ang pahiwatig na paghahambing ay metaphor — isang uri ng panghahambing ng dalawang
bagay na magkaiba, ngunit tinutukoy kung ano ang katangiang pinag-uusapan. Tinatawag din
itong pagwawangis sa Tagalog.

Paghahambing na magkatulad
Ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing ay may patas na katangian. Ginagamitan ito
ng mga panlaping ka-, magka-, ga, sing kasing-, magsing, magkasing – at mga salitang paris,
wangis/ kawangis, gaya, tulad, hawig/ kahawig, mistula, at mukha/ kamukha.
MGA HALIMBAWA
● Si Rama at Lakshamanan ay magkasingkisig.
● Si Hanuman ay tulad ng isang malakas na mandirigma.
● Mistulang diwata ang kagandahan ni Sita.
(ang panlaping magkasing-, mistula at tulad – ay nangangahulugang kaisa o katulad)
MGA HALIMBAWA
● Magkasingganda ang bansang India at Singapore.
● Kasimbilis ng kidlat ang pagsulong ng bayang ito sapagkat sila ang sentro ng
teknolohiya.
● Ang dalawang bansa ay magkasingyaman.
Ang panlaping kasing- at kasim- na ginamit sa pangngusap aygaya rin ng ka-, nagagamit ito sa
lahat ng uri ng pagtutulad, Ang pinagtutulad ay mapapansin sa paksa ng pangungusap.

Paghahambing na Di-Magkatulad
Nagbibigay ito ng diwa ng pagkakait, pagtanggi, o pagsalungat sa pinatutunayang
pangungusap. Ito ay may dalawang uri hambingang pasahol at palamang.
Hambingang Pasahol: May higit na katangian ang pinaghahambingan sa bagay na
inihahambing.
Hambingang Palamang: may higit na katangian ang inihahambing sa bagay na
pinaghahambingan.

HAMBINGANG PASAHOL
● Ginagamit ang lalo, di-gasino, di-gaano at di-totoo upang maipakita ang ganitong uri ng
paghahambing.
● Lalo – nangangahulugan ng pagdaragdag o pagpapahigit sa kulang na katangian.
Sinusundan ito ng katuwang na panghambing na kaysa kay, kung ngalan ng tao ang
pinag- hahambingan, kaysa o kaysa kung ngalan o pangyayari ang ihahambing.
Halimbawa: Lalong mahusay sa labanan si Rama kaysa sa mga alagad ni Ravana.
● Di-gasino – ginagamit sa paghahambing ng uri o katangian ng mga tao. Sinusundan ito
ng alinman sa mga katagang naghahambing, kabilang ang gaya, tulad, para, o paris na
sinisundan ng panandang ni.
Halimbawa:
● Di-gasinong maalalahanin si Sita tulad ni Lakshamanan.
● Di-gasinong naging maingat si Maritsa paris ni Surpanaka.
● Di-gaano– tulad lang din ng di-gasino ang gamit subalit sa mga hambingang bagay,
lugar o pangyayari lamang ginagamit.
Halimbawa: Di-gaanong mapayapa sa Lanka kaysa Ayodhya.
● Di-totoo – nangangahulugan ng pagtawad o pagbabawas sa karaniwang uri. Nagagamit
itong pamalit sa di-gasino at di-gaano.

HAMBINGANG PALAMANG
● May mahigit na katangian ang inihahambing sa bagay na pinaghahambingan.
Naipakikita ito sa tulong ng sumusunod:
● Lalo – Ang diwa ng paghahambing ay magiging kalamangan at di kasahulan kung ang
sinasamahang pang-uri ay nagpapahayag ng kalakhan, kataasan, kalabisan at
kahigitan. Muli, katuwang nito ang kaysa/kaysa sa/kay.
Halimbawa: Lalong kahanga-hanga ang katapangan ni Rama kaysa kay Maritsa.
● Higit/ mas/ labis – tulad ng kaysa/ kaysa sa/ kay: sa sarili ay nagsasaad ng kalamangan
kung ginagamit ito sa paghahambing.
Mga Halimbawa:
● Higit na malakas si Rama kaysa kay Ravana.
● Labis ang pagmamahal ni Rama sa kanyang asawa na si Sita.
● Di-hamak – kung ginagamit ay karaniwang isinusunod sa pang-uri.
Halimbawa: Di-hamak na matapang at maalalahanin si Lakshamanan kaysa kay Sita.

MODERASYON O KATAMTAMAN
Ang moderasyon o katamtaman na uri ng pang-uring pahambing ay naipakikita sa pag-uulit ng
pang-uring may panlaping ma-, sa paggamit ng salitang medyo na sinusundan ng pang-uri ,sa
paggamit ng katagang may na sinusundan ng pang-uring nabuo sa pamamagitan ng mga
panlaping kabilaang ka/-han.
Halimbawa: Medyo kinabahan si Maritsa nang labanan si Rama.

You might also like