You are on page 1of 36

DULA

Dula
- Ito ay hango sa salitang
Griyego na “drama” na
nangangahulugang gawin
o ikilos.
Dula
- Ito ay isang pampanitikang
panggagaya sa buhay upang
maipamalas sa tanghalan.
Ang dula ayon kay Aristotle:

- Ito ay isang imitasyon o


panggagagad ng buhay.
Rubel:
Ang dula ayon kay

Ito ay isa sa maraming


paraan ng pagkukwento.
Ang dula ayon kay Sauco
Ito ay isang uri ng sining na may
layuning magbigay ng makabuluhang
mensahe sa manonood sa
pamamagitan ng kilos ng katawan,
dayalogo at iba pang aspekto nito.
Schiller at
Ang dula ayon kay
Madame de Staele:
Ito ay isang uri ng akdang may
malaking bisa sa diwa at ugali ng
isang bayan.
Kahalagahan ng Dula

Gaya ng ibang panitikan


karamihan sa mga dulang
itinatanghal ay hango sa totoong
buhay.
Kahalagahan ng Dula

Inaangkin nito ang lahat ng


katangiang umiiral sa buhay gaya
ng mga tao at mga suliranin.
Kahalagahan ng Dula

Inilalarawan nito ang mga


damdamin at pananaw ng mga
tao sa particular na bahagi ng
kasaysayan ng bayan.
Elemento ng Dula
Iskrip o Nakasaulat na dula
- ito ang pinakakaluluwa ng isang dula;
lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa
dula ay naaayon sa isang iskrip; walang
dula kapag walang iskrip
Elemento ng Dula
Gumaganap o aktor 
ang mga aktor o gumaganap ang
nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila
ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang
nagpapakita ng iba’t ibang damdamin; sila
ang pinanonood na tauhan sa dula
Elemento ng Dula
Tanghalan
anumang pook na pinagpasyahang
pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na
tanghalan; tanghalan ang tawag sa
kalsadang pinagtanghalan ng isang dula,
tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng
mga mag-aaral sa kanilang klase
Elemento ng Dula
Tagadirehe o director
– ang direktor ang nagpapakahulugan sa
isang iskrip; siya ang nag-i-interpret sa
iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng
tagpuan, ng damit ng mga tauhan
hanggang sa paraan ng pagganap at
pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende
sa interpretasyon ng direktor sa iskrip
Elemento ng Dula
Manonood
– hindi maituturing na dula ang isang
binansagang pagtanghal kung hindi ito
napanood ng ibang tao; hindi ito
maituturing na dula sapagkat ang layunin
ng dula’y maitanghal; at kapag sinasabing
maitanghal dapat mayroong makasaksi o
makanood
Elemento ng Dula
Eksena at tagpo
Ang eksena ay ang paglabas-masok sa
tanghalan ng mga tauhan samantalang ang
tagpo nama’y ang pagpapalit o ang iba’t
ibang tagpuan na pinangyarihan ng mga
pangyayari sa dula.
Mga Sangkap ng Dula

Simula Gitna Wakas

Tauhan Tagpuan Kalutasan


Kasukdulan

Tunggalian Kakalasan
Sulyap sa suliranin

Saglit na Kasiglahan
Mga Sangkap ng Dula
Tauhan
Ang mga kumikilos at nagbibigay
buhay sa dula.
Mga Sangkap ng Dula
Tagpuan
Ang panahon at pook kung saan
naganap ang mga pangyayaring
isinasaad sa kwento.
Mga Sangkap ng Dula
Sulyap sa Suliranin
Pagpapakilala sa problema ng
kwento. Pagsasalungatan ng mga
tauha, o kaya’y suliranin ng tauhan sa
sarili niyang likha o gawa.
Mga Sangkap ng Dula
Saglit na Kasiglahan
Ito ay ang saglit na paglayo o
pagtakas ng mga tauhan sa suliraning
nararanasan.
Mga Sangkap ng Dula
Tunggalian
Maaaring sa pagitan ng mga
tauhan, tauhan laban sa kanyang
paligid, at tauhan laban sa kanyang
sarili; maaaring magkaroon ng higit sa
isa o patung-patong na tunggalian.
Mga Sangkap ng Dula
Kasukdulan
Sa puntong ito nasusubok ang
katatagan ng tauhan. Dito
pinakamatindi at pinakamabugso ang
damdamin o ang pinakakasukdulan
ng tunggalian.
Mga Sangkap ng Dula
Kakalasan
Ang unti-unting pagtukoy sa
kalutasan sa mga suliranin at pag-
ayos sa mga tunggalian.
Mga Sangkap ng Dula
Kalutasan
Dito nawawaksi at natatapos ang
mga suliranin at tunggalian sa dula.
Bahagi ng Dula

Yugto
Tanghal-eksena
Tagpo
Bahagi ng Dula
Yugto ( Act)
Kung sa nobela ito ay kabanata. Ito ang
pinakakabanatang paghahati sa dula.
Bahagi ng Dula
Tanghal-eksena(Scene)
Ang bunubuo sa isang yugto. Ito ay
maaaring magbadya ng pagbabago ng
tagpuan ayon sa kung saan gaganapin
ang susunod na pangyayari.
Bahagi ng Dula
Tagpo ( Frame)
Ito ay ang paglaba at pagpasok ng kung
sinong tauhang gumanap o gaganap sa
eksena.
MGA URI NG DULA
- Komedya
- Trahedya
- Melodrama
- Parsa
- Parodya
- Proberbyo
MGA URI NG DULA
Komedya
Kapag masaya ang tema, walang iyakan at
magaan sa loob, at ang bida ay laging
nagtatagumpay.

Trahedya
Kapag malungkot at kung minsan pa ay
nauuwi sa isang matinding pagkabigo at
MGA URI NG DULA
Melodrama o “Soap Opera”
Kapag magkahalo naman ang lungkot
at saya, at kung minsan ay eksaherado
ang eksena, sumusobra ang pananalita
at ang damdamin ay pinipiga para lalong
madala ang damdamin ng mga nang sila
ay maawa o mapaluha sa nararanasan
ng bida.
MGA URI NG DULA
Parsa
Kapag puro tawanan at walng saysay
ang kwento, at ang mga aksyoon ay
puro “Slapstick” na walang ibang ginawa
kundi magpaluan at maghampasan at
magbitiw ng mga kabalbalan.
MGA URI NG DULA
Parodya
Kapag mapanudyo, ginagaya ang
kakatwang ayos, kilos, pagsasalita at
pag-uugali ng tao bilang isang anyo
ng komentaryo, pamumuna o kaya
ay pambabatikos na katawa-tawa
ngunit nakakasakit ng damdamin ng
Mga Mungkahi upang madaling
Makapagsulat ng Kwento
a. Sino ang iyong pangunahing tauhan
(protagonista)? Ano ang gusto niyang gawin?
b. Ano ang mga gagawin niyang pagkilos upang
matupad ang kanyang nais na mangyari?
c,. Ano ang mga hindi inaasahang pangyayari –
kaugnay sa ikinilos protagonist – ang
magpapaigting sa damdamin ng kwento?
Mga Mungkahi upang madaling
Makapagsulat ng Kwento
d. Anu-anong mga detalye sa tagpuan, usapan at umiiral na
damdamin ang makatutulong upang mabuo mo ang iyong
kwento?

e. Anong desisyon ang gagawin ng iyong tauhan sa kasukdulan


ng kwento? (Nararapat lamang na makatarungan ang
desisyong ito at hindi inaasahan ng mga mambabasa.)Ipakita
ito sa mahusay na paggamit ng mga salita upang gisingin ang
damdamin ng mga bumabasa.

You might also like