You are on page 1of 7

SIMULA: SISA

Makikita si Sisa na umiiyak sa harap ng simbahan sa may plaza.

SISA: Basilio, anak... Basilioo anak ko... Andito na ang nanay. Crispin... Basilio… Crispin...
Basilio… Andito ang nanay. Mga anak ko... H'wag nyo akong iwan. Bakit ninyo ako iniwan?
( Hindi ko kayaaa)² Basilio… Crispin..

Umiiyak habang nag ha-hallucinate na papalapit na sina Crispin at Basilio pero bigla ring nawala.

SISA: Anak? Mahal kayo ng nanay Anak ko?! Basilio, nasan na kayo... Crispin… hindi ko kaya…
wag na kayong mag tago sa nanay, anak… Anak, wag na magtago, lapit na sa nanay, lapit na sa
nanay. (Mahal na mahal kayo ng nanay)³ hindi kaya ng naanay… Mga anak ko...

Nag tawanan ang mga tao na sana plaza na nakasaksi ng pagkabaliw ni sisa.

EXTRA #1: Hahaha. Baliw baliw baliw. Si Sisa ay nababaliw. Hahaha

SISA: (umiiyak habang tumatawa) BALIW?! HAHAHAHA AKO BALIW? HAHAHAHA.

SISA: (itinuro ang mga tao) KAYO... KAYO ANG MGA BALIW NAKIKITA NYO BA ANG MGA
NAKIKITA KONG MGA LUMILIPAD NA MGA PERA? HAHAHA SA AKIN ANG MGA ‘TO. SA AKIN
LANG.

SISA: (umiiyak) Akin lang, sa akin lang ang mga anak ko… Crispin, Basilio, asan na kayo? Crispin?

SISA: (Nagturo ng random na tao) IKAW? NASAN NG NGA ANAK KO? KILALA MO BA SI BASILIO
AT CRISPIN? HINDI MO SASABIHIN?

SISA: (Kumuha ng patalim at idinuro duro sa mga tao) HINDI NYO SASABIHIN?!

SISA: (Drops the knife) Pwes, san nyo dinala ang mga anak ko? Sino ang kumuha sa kanila?
Crispin? Basilio? Mahal na mahal kayo ni nanay.

SISA: (Sings ) ohh mga anak ko... asan na ba kayo? ‘Pagkat nakapaghanada ng hapunan ang
inyong nanay. Oras oras ay nag durusa

SISA: (nakaluhod habang nag dadasal) Birheng Maria, ilayo mo po ang aking mga anak sa lagim,
dinggin mo po ang aking panalangin. O Birheng Maria…

SISA: (tumayo bigla at sumigaw nang pagalit) HINDI MO AKO NARIRINIG? HINDI MO AKO
NARIRINIG?!

SISA: (Tulala sa kawalan habang sinasabi ang mga kataga) Sino ba ako?! Ahhh, ako si Sisa.
Naalala ko pa, nung unang gabi kong pinaghanda ng pagkain sina Basilio at Crispin.
EXTRA #2: (hinawakan si sisa at malumanay ang pagsasalita) Tama na, Sisa

SISA: (umiiyak. Mukhang takot) Pedro? Pedro, wag. Maawa ka (Huwag mo akong saktan.)²

SISA: (nagsisigaw) MAKINIG KAYO, SI BASILIO, SI CRISPIN. HINDI SILA MAG NANAKAW. HINDI
MAG NANAKAW ANG MGA ANAK KOO. HINDI...

EXTRA #2: (Patuloy pa ring tinatahan si Sisa) Tama na Sisa at baka masaktan mo pa ang sarili
mo.

SISA: (Nagsisigaw habang umiiyak. Itituturo ang mga pasa at galos) BITAWAN MO AKO,
BITAWAN MO AKO! MASAKIT? MARAMING MASAKIT. DITO, DITO DITO. HUWAG! HUWAG NYO
AKONG HAHAWAKAN. WAG NYO AKONG HAHAWAKAN!

EXTRA #2: (Umalis ng dahan dahan pero di pa rin maalis ang tinging puno ng awa para kay Sisa)

SISA: (picks up the knife again, and points at someone/crying) Ikaw… Ikaw ang dahilan kung
bakit wala na sakin ang mga anak ko. Ninakaw mo ang mga anak ko sakin. Kasalanan mo kung
bakit wala na sakin ang mga anak ko.

EXTRA #2: (Hindi nakatiis, bumalik ulit )

SISA: (Itinutok sa extra #2 yung patalim pero she drops it naman kalaunan) Ano? Tutulungan
mo ako? Tutulungan? Nasan kayo? Nasan kayo noong sinasaktan nila ako? Nasan ka noong
ninanakaw nila sakin ang mga anak ko? Wala. Wala, pinabayan mo ako, pinabayaan nyo ako.
Hinayaan nyong saktan nila ako. Hinayaan nyong kunin nila sakin ang mga anak ko. Papatayin
kita. Papatayin ko kayong lahat.

SISA: (Nakahawak sa tenga na parang may naririnig. Mukhang takot) Naririnig ko na ang mga
yapak nila, sasaktan na naman nila ako. Hindi, hindi mo na uunawaan. Kahit anong tahimik ko,
pagtutulungan nila ako. Wag, wag nyo akong saktan. Maawa kayo. Waaaag.

EXTRA #2: (Paakap nang inaalis si Sisa sa harap ng masa)

SISA: (Umiiyak habang isinisigaw ang mga kataga) MGA ANAAK, BASILIO, CRISPIN. NASAN NA
KAYO? BASILIO, CRIISPIN? MGA ANAK KO. NASAN NA KAYO? MGA ANAK KO!

Ang pangyayaring kumosyon ay nasaksihan nina Maria Clara at Ibarra ng sila ay papuntang
simbahan.
Pamagat: Noli Me Tangere - Bago Ikulong si Ibarra

LOOB NG SIMBAHAN

Sa lilim ng mga kandila, makikitang nag-uusap sina Ibarra at Maria Clara sa loob ng simbahan
bago siya dalhin sa bilangguan.

IBARRA (Ivan): (nangungusap ng mahinahon) Maria Clara, ang gabi na ito ay nagdadala ng
malalim na dilim sa aking kapalaran.

MARIA CLARA (Jessa): (nag-aalala) Ibarra, hindi ko alam kung paano ko kayang mabuhay ng
wala ka.

IBARRA (Ivan): (hawak ang kamay ni Maria Clara) Hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa. Sa
likod ng bawat ulap, may liwanag na maghihintay.

MARIA CLARA (Jessa): (tahimik na umiiyak) Mahal kita, Ibarra.

IBARRA (Ivan): (mahinahon) At mahal na mahal din kita, Maria Clara. Huwag kang mag-alala,
babalik ako para sa'yo.

Biglang bumukas ang pintuan ng simbahan, at pumasok ang mga guwardiya na dala ang posas
kasama si kapitan Tiago

CAPTAIN TIAGO: Ibarra, oras na para dalhin ka sa bilangguan.

Hinuhuli ng mga guwardiya si Ibarra at iniuugma siya palabas. Hindi mapigilan ni Maria Clara
ang kanyang luha habang tinitigan si Ibarra na ngayo'y dala na ng mga guwardiya, naiwan siya
na umiiyak sa loob ng simbahan.

Pagkakapiit kay Ibarra

LOOB NG ISTASYON NG PULIS

Nakaupo at nakaposas si Ibarra sa madilim na ilaw ng istasyon ng pulis, na nasa paligid ng mga
armadong guwardiya.

CAPTAIN TIAGO: (galit) Ibarra, inaakusahan ka ng paghihimagsik laban sa Korona ng Espanya.


Ano ang masasabi mo?

IBARRA (Ivan): Walang kasalanan! Wala akong ginawang masama. Malaking pagkakamali ito.
CAPTAIN TIAGO: Ibenta mo ang mga kasinungalingan mo sa hukuman, Ibarra. Haharapin mo
ang mga kahihinatnan ng iyong mga gawain.

IBARRA (Ivan): (sumisigaw) Ito'y isang kawalan ng katarungan! Hinahanap ko lamang ang
katarungan para sa aking ama!

CAPTAIN TIAGO: Katarungan? Binabaklas mo ang mapanganib na daang iyan, Ibarra.

Pagtakas sa Tulong ni Elias

Si Ibarra ay natutulog sa selda ng prisinto, nag-aalinlangan at nag-aalala. Biglang bumukas ang


pintuan at dumating si Elias, na dala ang susi.

ELIAS: (nang mababa ang boses) Ibarra, oras na para tayong maglayas. Narito ang susi, at may
bangka na naghihintay sa ilog.

IBARRA: (tumitig kay Elias, puno ng pasasalamat) Maraming salamat, Elias. Hindi ko ito kayang
gawin mag-isa.

Sa silong ng dilim, makikitang nagtatagumpay si Ibarra sa pagbuksan ang kanyang selda gamit
ang natagong susi.

IBARRA (Ivan): (sa sarili) Hindi ko pwedeng hayaang mawala ang pag-asa. Kailangan kong
lumaban para sa katarungan.
WAKAS: Ang Habulan sa Lawa

(habang nagsasagwan si Elias at Ibarra)

IBARRA (Ivan): Elias, maaari ko bang malaman ang iyong mga plano?

ELIAS: Ginoo, makinig kang mabuti. Plano kong itago ko kayo sa bahay ng aking kaibigan sa
Mandaluyong. Huhukayin ko ang mga salapi at alahas na itinago ko sa puno ng balite na. Maaari niyo
itong gamitin papunta sa ibang bansa.

IBARRA (Ivan): Ano naman ang gagawin ko sa ibang bansa?

ELIAS: Doon ay mamumuhay ka ng tahimik at walang gulo. Maari kayong magtagumpay doon. Kung
daranasin niyo ang hirap dito ay baka kasuklaman ninyo ang ang inyong bayan.

IBARRA (Ivan): Walang katotohanan ang mga sinasabi mo! Kaylanman ay hindi ko magagawang itakwil
ang aking bayan. Wala akong ibang iniisip kundi ang makabubuti sa sarili kong bayan.

(Malapit na sila sa palasyo ng Kapitan Heneral at kitang nagkakagulo na ang mga gwardiya sibil.)

ELIAS: May mga gwardya sibil sa palasyo ng Kapitan Heneral. Mahiga kayo upang matakluban ko kayo ng
mga damo, hindi kayo maaaring makita ng mga gwardya-sibil.

GWARDYA-SIBIL #1: Siguraduhin niyong madadakip ninyo si Ibarra. Hindi maaaring makatakas ang isang
Pilibusterong katulad niya!

(Paikot-ikot ang mga gwardiya sa paligid dahil tiyak na alam na ng mga ito ang gagawing pagtakas ni
Ibarra. Tinakpan ni Elias si Ibarra ng mga damo upang hindi ito makita.)

GWARDYA-SIBIL #2: Sandali lamang… Saan ka nanggaling!?

ELIAS: Galing po akong Maynila at magrarasyon ng damo para sa alagang kabayo ng konsehal at kura.

GWARDYA-SIBIL #2: Ganoon ba? kung gayon ay maaari ka nang magpatuloy sa iyong paglalakbay ngunit
huwag na huwag kang magpapasakay kung mayroon mang humingi ng tulong sa'yo dahil may isang
bilanggo ang nakatakas.

ELIAS: Makakaasa po kayo. Mauuna na ako, ginoo.

(Nakahinga nang maluwag ang dalawa dahil malayo na sila sa gwardiya ngunit meron silang napansin na
lantsang paparating na parang sumusunod sa kanila. Iyon ang mga konstabularyo na mukhang ikinakasa
ang kanilang mga riple at nakaasinta sa kanila.

ELIAS: Don Crisostomo, hinahabol tayo ng mga gwardya-sibil! Kayo na ang mamangka, tatalon ako at
ililigaw ko sila! Iisipin nilang ako ang kanilang hinahanap.
(Tatalon na sana si Elias nang hawakan sya ni Ibarra)Ibarra: huwag kayong umalis! Lumaban nalang
tayo..

ELIAS: hindi tayo mananalo sa kanila! May mga dala silang baril at nakaasinta na sa atin! Magkita na
lamang tayo sa Gubat, sa libingan ng iyong mga ninuno! Mauna na kayo, ginoo. Paalam…

(Naghubad ng damit si Elias at biglang talon sa tubig.. Tinignan pang muli ni Ibarra si Elias ngunit wala na
siyang nagawa at nagpatuloy sa pagsasagwan.)

Sa tuwing inilalabas ni Elias ang ulo ay nakakarinig si Ibarra ng mga putok ng baril.

(Nagpatuloy sa pagsisid at paglangoy si Elias. Makikita na ang pagod sa mukha nito. Malapit nang
makarating si Elias sa pampang nang inasinta siya ng gwardya-sibil)

GWARDYA-SIBIL #1: May dugo! Mukhang napatay na natin ang taong yan. Halina kayo at bumalik sa
palasyo ng Kapitan Heneral.

(NEXT SCENE)

SA GUBAT

BASILYO: inay, inay nasan po kayo inay, inay,inay kung naririnig mo man ako parang awa nyo na po mag
pakita na kayo inay.

Di kalayuan ay may narinig na tinig si basilyo na pamilyar sa kanya na kaseng boses nang kanyang ina

SISA: (kumakanta at tumatawa)

Basilyo:inay!!

Lumapit si basilyo papunta sa kanyang ina. Bago pa man makalapit si Basilyo ay tumakbo ang kanyang
ina, hinabol naman ito ni Basilyo.

BASILYO: inay ako po to! ang anak nyo, si basilyo

SISA: Lumayo ka sa akin! Hindi ikaw ang anak ko!! Crispinnn!! Basilyo!!! Mga anak ko!!!

Maya -maya’y biglang nanghina si Sisa at malapit nang mahimatay

BASILYO: nayyy!

Napitan ito ni Basilyo at kinarga sa bisig niya

BASILYO: Nay! Ako po ito, si Basilyo.

SISA: B-basilyo? Anak? Ikaw ba yan? Nasaan ang kapatid mong si Crispin?
SISA: (Sabi ni Sisa habang nanghihina) anak mahal na mahal ka ni inay, mahal na mahal ko kayo, lagi
mong tatandaan na kahit kaylan ay hindi ko kayo pinag isipan ni Crispin na kayo ay mang mang at
magnanakaw.

Biglang humandusay si Sisaat tuluyang nawalan nang buhay

BASILYO: Nay,nay,nay nay anyare nay,nay wag mo akong iwan nay ,parang awa nay wag mo ako’ng
iwan,inay wag nyo kaming iwan. Gising nayyy, gising! inay inayyyyyy inayyyyyy!!!!

Ginawa ni basilyo ang lahat para magising ang ina ngunit naging isang malamig na bangkay na lamang
ito. Maya-maya’may dumating na isamg Lalaki—si Elias.

ELIAS: S-sino ang babaeng yan?

BASILYO: Siya po si Sisa, ang aking inay. A-ano pong nangyari sainyo at ganyan po ang inyong kalagayan?

ELIAS: Makinig kang mabuti sa akin. May sugat ako at dalawang araw na akong hindi kumakain at
umiinom, ilang oras na lamang siguro ay mamamatay na rin ako. Ganito ang ga-aahhh (Namimilipit na
siya sa sakit ng kanyang sugat) G-ganito ang gagawin mo. Sunugin mo ang mga bangkay namin ng iyong
ina. Kung walang dadarating na sinuman ay hukayin mo ang mga ginto na ibinaon ko sa ilalim ng balete.
Ariin mong iyo ang mga iyon at gamitin mo sa pagaaral. Naiintindihan mo ba a-ako?

BASILYO: o-opo

(Bago malagutan ng hininga si Elias ay tumingala siya at nagsabi)

ELIAS:: Mamamatay akong hindi man lang makikita ang bukang-liwayway sa mahal kong bayan. Kayong
mga nakasaksi nito, batiin niyo siya at huwag sanang kalimutan kaming mga namatay at nagtanggol sa
Inang-bayan. (Kasabay ng paglubog ng araw ay ang pagkawala rin ng buhay ni Elias.)

You might also like