You are on page 1of 2

ANG HINAGPIS NI SISA

Mga bata pa ang aking mga anak… Sampung taong gulang lamang si Basilio…
Si Crispin? Pitong taong gulang … Dapat na ba silang maging sacristan?

Pilosopo Tasio, maraming salamat po sa tapang baboy-ramo. Tiyak na


magugustuhan ito ni Basilio. Ang hita ng patong bundok? Para kay Crispin
ito…

Todos los Santos ngayon… bakit malaki ang pagkakaiba ng mga mayaman sa
mga dukha? Napipilitang magkasala dahil sa karukhaan! Kailangan kong
tapusin ang apurahang patahi…piso rin ang kikitain ko rito…Ah…hindi na ako
magsisimba…sayang din ang dalawang oras pagpunta sa bayan at pag-uwi …
Wala rin akong dalawang piso para sa misa… at wala akong pambili ng bula…
Patawad po Mahal na Poon…at patawarin mo po ang kaluluwa ng namatay kong
ama’t ina…

Wala na akong natitirang salapi…Ibinigay ko na sa’yo ang kaunting naipon ko.


Hindi pa sumasahod ang mga anak mo. Aray! Aray! Tama na.... Maawa ka…
hu hu hu…

Tirhan mo naman ang mga bata. Paborito ni Crispin ang inihaw na tuyong
tawilis…kahit isang piraso lang…

Basilio! Ang kawawa kong anak! Anong nangyari sa’yo? Nasaan ang kapatid
mo? Duguan ka anak! Guwardia sibil? Pinatawan ka ng dalawang real… Alas
diyes ka lang pinauwi? … Daplis na bala…Matulog na tayo…Bukas…susunduin
ko si Crispin sa kumbento…

Basilio…gumising ka…’ya’y masamang panaginip lamang… Sana nga anak…


matupad sana ang mga pangarap mo…payagan ka sana ni Crisostomo Ibarra na
magpastol ng kanyang mga kalabaw at baka… at hindi ka na magsasakristan…
Sana nga ay bigyan ka ng isang guya ni Ibarra… kapag nakita niya ang iyong
kasipagan…Tama ka anak…lalo ngang mas maganda kung bibigyan ka ni Ibarra
ng isang kapirasong lupa na iyong masasaka… At pag-aaralin mo si Crispin kay
Tandang Tasio… tapos sa Maynila…Matulog na tayo anak…

Para sa kura ang mga gulay na ito…Nasaan ang anak ko?

Si Crispin? Tumakas kagabi? Hindi!... Hindi magnanakaw ang anak ko… Hindi
tooto ang ibinibintang ‘nyo! Pinalaki ko sila sa kagandahang asal at pagkatakot
sa Diyos…

(Humihingal si Sisa)
Maawa po kayo… Wala rito ang aking mga anak… Hindi sila magnanakaw…
Wala rito ang hinahanap ninyong salapi…Opo…sasama po ako sa inyo…huwag
lamang ninyong saktan ang aking mga anak … (nagtatakip ng mukha si Sisa)

Muchas gracias Senyor Alferez…’

Fraile…guardia sibil….kura… sacristan mayor…Senyor, por favor…Dale mas


palos senyor! Por favor senyor…Dale mas palos Senyor…

Basilio? Crispin? Kakain tayong sabay-sabay…bagong kanin…sariwang


gulay…inihaw na tuyong tawilis…Ha ha ha ha! Hu hu hu hu…

Don Crisostomo Ibarra…tulungan mo po si Basilio…Pilosopo Tasyo…matalino


po si Crispin ko…di po ba? Senorita Maria Clara…maganda… ang inyong saya!
(aawit)

“At ikaw, Relihiyon… na itinuturo sa nagdurusang sangkatauhan… nalimutan mo


na ba ang iyong misyon…na aliwin ang inaapi sa kaniyang pagdaralita… at
payukuin ang makapangyarihan sa kaniyang kapalaluan? Bakit ngayon… may
mga pangako ka lamang sa mga mariwasa… at ukol sa mga makapagbabayad
sa iyo?”

Crispin! Basilio! Media Noche…tapang baboy-ramo…hita ng patong


bundok….Bukas…Pasko na … Basilio? Crispin? Lalarin-larin

You might also like