You are on page 1of 1

Pagsusulit sa Filipino 6

Bilang 1.1

I. A. Bilugan ang pangngalan sa pangungusap. Isulat ang K kung ito
ay kongkreto;DK- di- kongkreto at L kung lansakan.
____ 1. Nagtangkang manakop si Ferdinand Magellan at nagtagumpay siya.
____ 2. Pinapastol niya ang mga kawan ng tupa.
____ 3. Ang kabayanihan niya ay ipinagdiriwang palagi.
____ 4. Ang mga lumang diyaryo ay maaari pang gamitin.
____ 5. Ang koro ay handa nang umawit.
B. Salangguhitan ang mga pangngalan sa loob ng pangungusap. Isulat sa patlang
ang PB kung ito ay pambalana at PT kung pantangi.
______ 6. Magaganda ang tanawin sa Baguio.
______ 7. Dentista ang tumulong sa kaniya.
______ 8. Ang Kalakhang Maynila ay maunlad ngunit magulo.
______ 9. Sa isang maliit na karindirya sila kumain ng hapunan.
______ 10. Nakita niya ang mga binili ng dalaga.

C. Tukuyin ang gamit ng pangngalang may salangguhit sa pangungusap. Pumili ng
sagot sa ibaba. Isulat ang titik lamang.
A. simuno C. Tuwirang Layon E. panawag
B. panaguri D. layon ng pang-ukol F. pamuno

______ 11. Ang tagapagsalita ay pinalakpakan dahil sa husay niya.
______ 12. Binigay ko kay Jose ang mga pinaglumaan kong damit.
______ 13. Ginapas ng magsasaka ang mga tubo sa halamanan.
______ 14. Luis, halika nga rito.
______ 15. Si Louil, na matalik kong kaibigan, ay nasa Italya na.
______ 16. Ang aking kapatid ay isang doktor.
______ 17. Isang maunawaing ina si Doris.
______ 18. Binili ni Karen ang mga laruan sa Hongkong.
______ 19. Inayos ng ama niya ang mga nasirang upuan.
______ 20. Namumunga na ang mga pananim ni Lolo.

II. Kilalanin kung anong damdamin ang ipinahahayag ng mga pangungusap.
21. Baka hindi kami magkakaintindihan ng apo ko dahil Ingles ang alam niyang
salita.
A. pag-aalala B. pagkainis C. pagmamahal D. pag-unawa
22. Naiintindihan ka namin ng Inang mo, Anak. Kung may pagkakataon ay kayo
naman ang dumalaw sa Pilipinas.
A. pagkakainis B. pagmamalaki C. pag-uunawa D. pagyayabang
23. Inay, Itay mahal na mahal ko po kayo at gusto kong makasama kayo
habambuhay.
A. pagkakaunawa B. pagmamahal C. pagyayabang D. pasasalamat
24. Alin sa ibaba ang nagpapahayag na si Charlene ang nagbigay ng regalo.
A. Hindi si Charlene/ ang regalo.
B. Hindi / si Charlene ang nagregalo.
C. Hindi si Charlene ang nagregalo.
D. Hindi / si Charlene / ang regalo.
25. Sa wakas, magkakaanak na rin tayo.
A. pagtatanong B. pagpapaliwanag C. pagtataka D. pagkagalak

You might also like