You are on page 1of 2

IKALAWANG MARKAHAN (LAGUMANG PAGSUSULIT 2)

Filipino 8
S.Y. 2022-2023

Pangalan:________________________________________________________ Petsa:________________
Baitang at Seksyon: ________________________________________________ Marka:_______________
A. Panuto: Basahin ang bawat tanong at piliin ang tamang sagot. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa patlang bago
ang bilang.
_____ 1. Isang realistikong dulang may kantahan at sayawan, na mayroong isa hanggang limang kabanata, at nagpakita ng
mga sitwasyon ng Pilipino na may kinalaman sa mga kuwento ng pag-ibig at kontemporaryong isyu.
A. Sarsuwela B. Musikal C. Kontemporaryo D. Palabas
_____ 2. Siya ay kilala sa tawag ng “Lola Basyang” tinaguriang ama ng Sarsuwelang Tagalog.
A. Severino Reyes B. Juan Abad C. Hermogenes Ilagan D. Atang Dela Rama
_____ 3. Ito ang grupo na itinatag ni Alejandro Cubero kasama ni Elisea Raguer na sinasabing unang grupo ng mga Pilipinong
sarsuwelista sa Pilipinas.
A. Teartro Jimenez B. Teatro Marquez C. Teatro Gutierez D. Teatro Fernandez
_____ 4. Sa anong panahon namayagpag o namulaklak ang sarsuwela?
A. Espanyol B. Malay C. Amerikano D. Hapon
_____ 5. Anong pagtatanghal ang nagpahina o pumalit sa sarsuwela na naging dahilan upang mawalan ng mga manonoon?
A. Bodalbi B. Bobildo C. Bodabil D. Bobobil
_____ 6. Siya ang lihim na karelasyon ni Tenong. Ang magpapakasal kay Miguel ngunit hindi niya mahal ang lalaki.
A. Julia B. Kathryn C. Liza D. Bianca
_____ 7. Kapitan ng paghihimagsik. Ito ay taong walang takot sa labanan. Ang tanging mahal ni Julia.
A. Tenyong B. Tadeo C. Kapitan Puten D. Miguel
_____ 8. Bakit pinamagatang WALANG SUGAT ang akda ni SEVERINO REYES?
A. sapagkat ito ay kabaligtaran sa kanyang Pangangatawan dahil siya ay makinis.
B. sapagkat hindi nasugat ang lahat ng Tauhan sa sarsuwela.
C. sapagkat sa kwento ay wala naman talagang sugat si Tenyong, isa sa pangunahing tauhan. Sinabi niya na wala
siyang sugat at mamamatay na dahil sa kagustuhan niyang makasal kay Julia.
D. sapagkat nais ipakita ni Severino Reyes na ang mga Pilipino noon ay hindi nasasaktan sa panahon ng mga
Dayuhan
_____ 9. Ang nagsulat ng maikling kwentong pinamagatang “Saranggola”?
A. Efren A. Abueg B. William Shakespeare C. Efrin J. Abueg D. Efren J. Abueg
_____10. Sa unang bahagi ng maikling kuwento, ano ang hinihingi ng batang lalaki mula sa kanyang ama?
A. Laruan kotse B. Load C. Valorant points D. Saranggola
_____11. Ang tinaguriang ama ng komisyon sa Wikang Filipino?
A. Severino P. Reyes b. Ponciano B.P. Pineda C. Andres Bonfacio D. Antonio Luna
_____12. Ano ang pinakamalaking tungkulin dapat nating gampanan sa ating bansa?
A. De-amerikanisasyon B. Amerikanisasyon C. De-komisyon D. Pag-kamakabayan
_____13. Sa mga depinisyon na nakatala sa ibaba, ano ang pinakamahusay na nag-uukol sa sanaysay?
A. Ang sanaysay ay nababalot ng sariling opinyon o kuro-kuro ng isang sumusulat
B. Ang sanaysay ay masining na pagsasalaysay na maikli ang kaanyuan at diwa
C. Ang sanaysay ay nagbibigay kaalaman na ipaunawa ang diwang inilalahad
D. Ang sanaysay ay naglalaman ng katotohanan sa iisang paksa
_____14. Saan inihango ang salitang “sanaysay” o “essay”?
A. Analects B. Essayer C. Estilo D. Tao Te Ching
_____15. Sa mga pahina ng kasaysayan, malimit nating mababasang ang mga Pilipino ay tinaguriang?
A. America’s Little Brother B. Enemy of the People
C. Asia’s Soft Underbelly D. Little Brown Americans
B. Panuto: Isulat ang titik T kung tama ang pahayag at M naman kung mali.
_____16. Ang pagpapaliwanag, pagbibigay-kaalaman o pakahulugan ay mga katangian ng isang paglalahad.
_____17. Ang salitang sanaysay ay hango sa salitang Pranses.
_____18. Maaaring makasulat ng isang magandang paglalahad ang isang taong may limitadong kaalaman sa paksang nais
sulatin.
_____19. Mas nagiging epektibo ang paglalahad sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga tiyak at di makatotohanang
halimbawa.
_____20. Ang pagpapaliwanag, pagbibigay-kaalaman o pakahulugan ay katangian ng isang paglalahad.

Inihanda ng mga guro sa Filipino 8


SUSI SA PAGWAWASTO

1. A 11. B

2. A 12. A

3. D 13. A

4. C 14. B

5. C 15. D

6. A 16. T

7. A 17. T

8. C 18. M

9. A 19. M

10. D 20. T

You might also like