You are on page 1of 2

ZAMBOANGA NATIONAL HIGH SCHOOL WEST

R.T. Lim Boulevard, Zamboanga City

PANIMULANG PAGTATAYA SA IKATLONG MARKAHAN


FILIPINO 8
Pangalan:__________________________________________ Marka:
Baitang at Seksyon:___________________ Petsa:______________

I. Pagtutukoy
Panuto: Tukuyin ang mga popular na babasahin sa sumusunod na larawan. Piliin lamang sa loob ng kahon ang titik
ng tamang sagot at isulat sa patlang nakalaan.
A.Pahayagan B.Magasin C.Komiks D. Tabloid E. Broadsheet

1. _____ 2. _____ 3. _____ 4. _____ 5. _____


B. Pagtapat-tapat (Magazine)
Panuto: Pagtapat-tapatin ang hinihingi sa Hanay A mula sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot.
HANAY A HANAY B
_____ 6. Ito ay magasin para sa mga abalang ina. A. Entrepreneur
_____ 7. Ito ay isang magasin pangkababaihan. B. Metro
_____ 8. Magasin tungkol sa Fashion, mga pangyayari, shopping at mga C. Good Housekeeping
Isyu hinggil sa kagandahan ang laman nito. D. T3
_____ 9. Isang magasin para sa mga gadget at pag-aalaga sa napapanahong E. Candy
Gadget.
_____10. Ito ay magasing naglalaman ng mga artikulong makatutulong
sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng negosyo.
C. Panuto:Isulat ang titik sa patlang na inilaan bago ang bilang ng tamang estratehiya ng pangangalap ng mga datos
o
impormasyon sa pagsulat sa ibinigay na kahulugan.
_____11. Ito ay isang talaan ng mga pansariling Gawain, mga repleksiyon, mga naiisip o nadarama, at ano-ano pa.
a. Pagsulat ng Journal b. Obserbasyon c. Pakikipagpanayam o interbyu
_____12. Ito ay sadyang paglalagay ng isang sarili sa isang karanasan o Gawain upang makasulat hinggil sa
karanasan o gawaing kinapalooban.
a. Imersiyon b. Pag-eeksperimento c. Pagsasarbey
_____13. Sa paraang ito, sinusubukan ang isang bagay bago sumulat ng akda.
a. Pag-eeksperimento b. Pagsasarbey c. Sounding-out Friends
_____14. Ito ay isang paraan ng pangangalap ng impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa sa pamamagitan ng
pagsagot ng questionnaire sa isang respondent.
a. Pagsulat ng Journal b. Pagsasarbey c. Brainstorming
_____15. Ito ay isang paraan ng pangangalap ng impormasyon sa o pamamagitan ng pagmamasid sa mga bagay-
bagay, tao o pangkat o pangyayari.
a. Pagbasa o pananaliksik b. Pagsulat ng Journal c. Obserbasyon
_____16. Mabisa itong ginagamit sa pagpapalawak sa isang paksng isusulat at pangangalap ng mga kaugnayan na
karagdagang kaalaman gamit ang mga aklat o internet.
a. Obserbasyon b. Pagbasa at Pananaliksik c. Brainstorming
_____17. Makakapagtipon din ng mga kaalaman at impormasyon sa mga taong malaki ang karanasan o awtoridad
sa
paksang hinahanap.
a. Pakikipanayam o interbyu b. Obserbasyon c. Imersyon
_____18. Sinasagot sa pamamagitan ng paglalatag ng mga tanong ang isang tiyak sa paksang gustong isulat.
Kadalasang ginagamitan ng 5Ws at 1H s pagtatanong.
a. Pagtatanong o Questioning b. Brainstorming c. Imersyon
_____19. Mabisa itong ginagamit sa pangangalap ng opinyon at katwiran ng ibang tao.
a. Brainstorming b. Obserbasyon c. Pagsasarbey
_____20. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng isa-isang paglapit sa mga kasambahay, kaibigan, kapitbahay, o
kasama sa trabaho upang magsagawa ng pakikipagtalakayan sa kanila hinggil sa isang paksa.
a. Sounding-out Friends b. Imersiyon c. Brainstorming
D. Kaisipan at Damdamin
Panuto: Alamin kung anong kaisipan o saloobin ang ipinapahayag ng sumusunod na pangungusap. Isulat ang titik sa
patlang.
_____21. Ang pahinang ito ay nag-aanunsyo o para sa mga taong namatay.
a. Isport b. obitwaryo c. Libangan
_____22. Nagsikap siyang mabuti sa pag-aaral upang mabago ang kanyang buhay.
a. Paraan at Layunin b. Kondisyon at Resulta c. Sanhi at Bunga
_____23. Nagsikap siyang mabuti sa kanyang pag-aaral kaya gumanda ang kanyang buhay.
a. Sanhi at Bunga b. Paraan at Resulta c. Paraan at Layunin
_____24. Kung nakinig ka sana sa iyong magulang hindi magiging ganyan ang iyong buhay.
a. Kondisyon at Resulta b. Paraan at Bunga c. Paraan at Layunin
_____25. Tila mahirap ang sinasabi mo kaya baka hindi ko magawa ang bagay na iyan.
a. Sanhi at Bunga b. Pag-aalinlangan at pag-aatubili c. Kondisyon at Resulta
_____26. Nagbago ang kanyang buhay sa tulong ng kanyang mga kaibigan.
a. Sanhi at Bunga b. Paraan at Resulta c. Kondisyon at Resulta
_____27. Talagang hindi hadlang ang kahirapan sa buhay at walang dudang napatunayan koi to.
a. Pag-aalinlangan at Pag-aatubili b. Pagtitiyak at Pagpapasidhi c. Paraan at Resulta
_____28. Ang pahinang ito ay naglalaman tungkol sa mga artista, pelikula, telebisyon at iba pang sining.
a. Libangan b. Balitang Komersyo c. Lifestyle
_____29. Ito ay naglalaman sa balitang poampalakasan.
a. Isport b. Pangmukhang pahina c. Anunsyo Klasipikado
_____30. Mababasa sa pahinang ito ang mga balitang nagaganap sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
a. Pangulong tudling b. Balitang Pandaigdig c. Balitang Panlalawigan
E. Pagsusuri
Panuto: kilalanin ang mga salitang nakasalungguhit sa loob ng pangungusap at tukuyin ang antas ng wika nito.

A. lalawigan B. balbal C. kolokyal D. banyaga

____________31. Sa bahay na tayo manood para hindi na mapagalitan ni Ermat.


____________32. Ang dako naman ng saging, mabango at masarap kainin.
____________33. Kumain tayo habang nanonood ng videotape.
____________34. Ang ganda ng balasang na nakilala ko sa paaralan.
____________35. Dalawang order ng spaghetti ang binili ko para sa atin.

You might also like