You are on page 1of 3

Fourth Quarter Exam

ESP 6

Name:__________________________________________________ Score:__________

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang tungkulin mo bilang pinakamahalaga sa mga nilikha ng Diyos?


a. Tagalinis
b. Tagapagpalaganap
c. Tagapangasiwa
2. Bilang tagapangalaga, paano mo inaalagaan ang iyong tahanan?
a. Sinisiguradong napapangalagaan ang mga nanganganib na mawalang mga hayop
b. Tinitiyak na napapalitan ang mga punong pinuputol
c. Tinitiyak na may pagkakaisa at mapayapang pamumuhay sa loob ng tahanan
3. Ano ang pananagutan mo bilang tagapangasiwa ng daigdig?
a. Pananagutan ng mga tao na pangalagaan ang daigdig at lahat ng tinataglay nito at
mga nanahan dito.
b. Pananagutan na bantayan ang mga nanganganib na mga mawalang hayop
c. Pananagutan nag awing mapayapa ang kagubatan
4. Upang mapangalagaan ang mga nanganganib na mg likas na yaman ano ang dapat mong
gawin?
a. Magkaroon ng kaalaman sa pangangalaga sa kapaligiran
b. Magkaroon ng angkop na mga bata at implementasyon nit
c. A at B
5. Sino ang binatang aktibista na bumuo ng Team Win na nangangasiwa sa paggamit muli ng
mga e-waste?
a. Alex Lin
b. Greg Woodburn
c. Marlowe Peyton
6. Binuo nila ang Plastic Patrol bilang panimula ng kanilang pandaigdigang pagsisikap na
makagawa ng pagbabago bilang isang bata.
a. Alex Lin
b. Greg Woodburn
c. Marlowe Peyton
7. Sinimulan niya ang Give Running noong 2006 na nangangalap at nagbibigay ng mga gamit
na ngunit maayos pang mga sapatos na pantakbo sa mga mahihirap at mga ulila.
a. Alex Lin
b. Greg Woodburn
c. Marlowe Peyton
8. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng wastong paggasta?
a. Pagbili ng mga produkto kahit wala sa budget
b. Ipagpaliban ang pagbibigay-kasiyahan kung di naman kailangan
c. Gumastos ng higit sa kinikita
9. Ito ay ang responsableng paghahati – hati at paggamit ng pera.
a. Wastong pamimili
b. Wastong pagbabayad
c. Wastong paggasta
10. Alin sa mga sumusunod ang sa tingin mo ay katangian ng batang may pagmamahal sa
paggawa?
a. Tamad
b. Iresponsable
c. Malikhain
11. Taglay ng isang taong may diwa sa pagiging negosyante ang mga katangiang ito maliban
sa…
a. katatagan ng loob
b. sigasig
c. kakayahang makipagsapalaran
12. Ang sumusunod ay mga hakbang na maaari mong gawin kung magsisimula ka ng negosyo
maliban sa…
a. umiwas na makagawa ng pagkakamali.
b. Maghanap ng suliranin sa paligid.
c. Maghain ng produkto o serbisyo, kalkulahin ang kinakailangang
puhunan para sa pagsasagawa nito
13. Mahalaga ang paggawa dahil sa mga sumusunod maliban sa…
a. Nagbibigay ito ng pagkakataon upang kumita para saikabubuhay
ng pamilya
b. Nagbibigay-daan ito upang mapagbuti ang talento at kakayahan
c. Nagbibigay kita ito ng pagkakataon upang makapamuhay ng masagana
14. Alin sa mga sumusunod ang nagtataguyod sa dangal ng paggawa?
a. paggawa ng iyong takdang aralin nang buong kaluguran
b. padaskol-daskol na paggawa ng iyong provekto upang
makapaglaan ng oras sa paglalaro
c. pagsama sa mga gawin tungkol sa pangkat dahil itinakda ng paaralan
15. Alin sa mga sumusunod ang hindi naglalarawan ng paggawa?
a. kinakailangan ang tamang kakayahan at pananaw sa paggawa
upang maging makahulugan ito.
b. Maaaring magtagumpay nang hindi kinakailangan ang
pagbabanat ng buto.
c. May dangal sa matapat na paggawa

Panuto: Isulat ang T sa linya kung TAMA ang pinapahayag ng pangungusap at M kung MALI.

___________16. Makikita ang pagmamahal ng isang tao sa kanyang bayan sa paraan ng pag-awit
niya ng pambansang awit.

___________17. Ang karunungan sa wastong paggasta ay nangangahulugan ng pagtatabi ng iyong


pera at paggamit nito para sa iyong sariling kapakinabangan

___________18. Bahagi ng kalikasan ng tao ang mamuhay sa isang pamayanan at makipag-


ugnayan sa kanyang kapwa.

___________19. Ang pagiging bahagi ng isang pangkat ay makatutulong sa iyo sa paghubog ng


iyong sariling pagkakakilanlan.

___________20. Makapamumuhay at malilinang nang ganap ang isang nilikha nang hindi na
kailangang makipag-ugnayan sa iba.

___________21. Bahagi ng pagkakaroon ng kamalayang pampamayanan ang pagmumungkahi ng


mga solusyon sa mga suliranin ng pamayanan.

___________22. Nilikha ang daigdig upang gamitin ito ng tao ayon sa kanyang ninanais.

___________23. Hindi nauubos ang pera.

___________24. Ang wastong paggasta ay nangangahulugan ng kakayahang matukoy ang mga


pangangailangan at ang mga ninanais

___________25. Maaaring maging instrumento ng pag-ibig ang pera.

Panuto: Tukuyin ang inilalarawan sa bawat pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot.

A. Bakawan
B. Pangangalaga sa kalikasan
C. Paggawa ng may kalakip na pagmamahal
D. Hanapbuhay
E. Tagpangasiwa
F. Pagkakaisa

__________________26. Ito ay nangangahulugan ng pananagutan sa pag-aalaga sa mga nilikha ng


Diyos.

__________________27. Ito ang nagbibigay daan upang magkaroon ng inakabubuhay.

__________________28. Ito ang kailangan ng mga tao upang malabanan ang matinding pag – init
ng daigdig.

__________________29. Ito ang kakayahan na maging malikhain, makagawa ng pagbabago, at


mapamaraan upang kumita ng ikabubuhay.

__________________30. Ito ang tahanan ng mga isda sa karagatan.

You might also like