You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Cebu
District of San Fernando II
Ikalawang Lagumang Pagsusulit sa Ikatlong Markahan sa ESP 9
Pangalan:________________________ Taon&seksyon:9-LAVENDER Petsa:Mayo 17,2021
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng pinakatamang sagot. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.
___1. Mula sa saknong sa isang tula, “Marami ang nagtuturing na mahirap daw itong buhay, Araw-araw ay paggawang tila rin
walang humpay; Datapuwat isang pantas ang nagbadya at nagsaysay; Tagumpay ay nakakamit kapag tao ay masikhay.”
a. Mahirap ang buhay kaya’t ang tao ay kinakailangan na magtiis.
b. Kahit mahirap ang buhay ang tao ay dapat na maging marangal.
c. Sa kabila ng kahirapan, ang tao ay kinakailangan na maging masipag.
d. Mahirap man ang buhay ang tao ay hindi dapat mawalan ng pag-asa.
___2. Si Rony ay sadyang masipag, hindi siya nagmamadali sa kaniyang mga gawain at sinisiguro niya na magiging maayos ang
kalalabasan nito. Ano kayang palatandaan sa kasipagan ang taglay ni Rony?
a. Hindi umiiwas sa anumang gawain
b. Ginagawa ang gawain nang may pagmamahal
c. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa
d. Hindi nagrereklamo sa ginagawa
___3. Ang isa sa palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan ay hindi pag-iwas sa anumang gawain. Alin sa mga halimbawa
ang nagpapakita nito?
a. Si Marife ay hindi na kailangan pang utusan ng kaniyang ina sa gawaing bahay. Siya ay gumagawa nang mayroong pagkukusa.
b. Si Jazmine ay palaging nagbibigay ng kaniyang malasakit sa anumang gawain na ipinapagawa sa kaniya ng kaniyang ina.
c. Masipag mag-aaral sa Hans; sa tuwing siya ay nag-aaral ay ibinibigay niya ang kaniyang panahon at oras ditto nang buong
husay.
d. Sa tuwing gumagawa ng proyekto sa paaralan si Marianne ay hindi niya ginagawa ito basta lamang matapos, kundi
naghahanap siya ng perpeksiyon dito.
___4. Ito ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang mithiin o layunin sa buhay na may kalakip na pagtitiis at determinasyon.
a. Kasipagan b. Katatagan c. Pagsisikap d. Pagpupunyagi
___5. Hindi dapat taglayin ng tao ang ugaling katamaran. Ang sumusunod na
pangungusap ay nagbibigay ng kahulugan nito maliban sa:
a. Ito ang pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay, o trabaho.
b. Ito ang pumipigil sa tao upang siya ay magtagumpay.
c. Ito ay maaaring sumira sa ating kinabukasan.
d. Ito ay nagdadala ng panganib sa buhay.
___6. Ang sumusunod ay kahulugan ng kasipagan maliban sa:
a. Ito ay pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad.
b. Ito ay pagtingin ng kasiyahan at negatibo sa isang gawain.
c. Nakatutulong ito sa tao sa kaniyang pakikipagrelasyon sa kaniyang gawain, kapuwa, at lipunan.
d. Tumutulong ito sa tao na malinang ang mabubuting katangian tulad ng tiwala sa sarili, mahabang pasensiya, katapatan, at
disiplina.
___7. Ano ang naglalarawan sa pinakamahalagang paraan ng pagtitipid?
a. Maging mapagkumbaba at matutong makuntento c. Maging maingat sa paggastos at matutong maging simple
b. Maging mapagbigay at matutong tumulong d. Maging masipag at matutong maging matiyaga
___8. Ano ang sinasabi ng Teorya ni Maslow, the Heirarchy of Needs, tungkol sa pera?
a. Ang pera ay nagsisilbing pantulong sa araw-araw na kailangan.
b. Ang pera ay dapat nating ingatan at huwag sayangin.
c. Ang pera ay tumutulong sa tao na maramdaman ang kaniyang seguridad sa buhay lalo na sa hinaharap.
d. Ang pera ay nagbibigay sa tao ng kasiguraduhan upang ang kaniyang buhay ay maging maayos sa hinaharap.
___9. Ang sumusunod ay dahilan kung bakit kailangan na mag-impok ang tao ayon kay Francisco Colayco maliban sa:
a. Para sa pagreretiro c. Para maging inspirasyon sa buhay
b. Para sa mga hangarin sa buhay d. Para sa proteksyon sa buhay
___10. Ito ay kakambal ng pagbibigay na nagtuturo sa tao na gamitin ito upang higit na
makapagbigay sa iba.
a. Pag-iimpok b. Pagtitipid c. Pagtulong d.
Pagkakawanggawa

II.Panuto: Tukuyin kung alin sa mga sumusunod na katangian na kailangan upang maisabuhay ang kagalingan
sa paggawa nabibilang ang mga sumusunod na sitwasyon. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa patlang.
A. Pagiging Palatanong (Curiosita)
B. Pagsubok ng Kaalaman Gamit ang Karanasan, Pagpupunyagi (Persistence) at ang Pagiging Bukas na Matuto
sa mga Pagkakamali (Dimostrazione)
C. Patuloy na Pagkatuto Gamit ang Panlabas na Pandama Bilang Paraan Upang Mabigyang-buhay ang
Karanasan (Sansazione)
D. Pagiging Bukas sa Pagdududa, Kawalang Katiyakan (Sfumato)
E. Ang Paglalapat ng Balanse sa Sining, Siyensya Lohika at Imaginasyon (Arte/Scienza)
F. Ang Pananatili ng Kalusugan at Paglinang ng Grace, Poise (Corporalita)
G. Ang Pagkilala sa Pagkakaugnay-ugnay ng Lahat ng Bagay (Connessione)
_____1. Pag-iwas sa anumang bisyo na nakasasama sa katawan.
_____2. Pangangalap ng impormasyon sa isang bagay.
_____3. Kailangan ng tao ang pagkain na nagmumula sa mga hayop, puno at halaman. Bilang kapalit at bahagi
ng kapaligiran, pinangangalagaan ng tao ang mga hayop, puno at halaman.
_____4. Sa kabila ng kanyang kapansanan, naging isang matagumpay na manlalaro si Martin.
_____5. Pinangarap ni Mark na magkaroon ng isang restaurant kaya nagsimula siyang magluto ng mga ulam na
binebenta sa mga kapitbahay. Sa unang subok ng pagluluto, konti lang ang naibentang ulam. Pumasok sa isang
eskwelahan ng pagluluto si Mark at pursigidong matapos at makapag-umpisa uli.
_____6. Ang pagsasaliksik ng mga kilalang indibidwal upang makabuo o makalikha ng produkto na
makatutulong at magiging kapaki-pakinabang sa tao.
_____7. Ang paggamit ng panaginip sa paggawa ng mga disenyo sa kanyang proyekto.
_____8. Pakikipanayam sa mga matagumpay na tao sa larangang nais.

III.Panuto: Basahing mabuti ang bawat sitwasyon sa ibaba. Tukuyin kung anong katangian ang ipinamamalas
nito. Isulat sa patlang ang sagot: KASIPAGAN, PAGPUPUNYAGI, o PAGTITIPID.
__________ 1. Tinitiyak na magiging maayos ang kalalabasan ng gawain.
__________ 2. Hindi sumusuko hanggat hindi natatapos ang gawain.
__________ 3. Naglalakad imbis na sumakay kung malapit lang ang pupuntahan.
__________ 4. Tinitiis ang pagod matapos lamang ang gawain.
__________ 5. Ibinibigay ang buong kakayahan, lakas, at panahon sa gawain nang buong husay.
__________ 6. May oras lamang sa paggamit ng TV, computer, electric fan, at iba pa.
__________ 7. Hindi umiiwas sa gawain lalo na kung nakaatas ito sa kaniya.
__________ 8. Patuloy na sinusubukan na gawin ang gawain kahit na maramingbeses na nagkakamali.
__________ 9. Nagbabaon na lamang ng pagkain kaysa bumili ng mamahaling pagkain sa kantina o sa labas ng
paaralan.
__________ 10. Kahit maraming pinagdaraanang pagdurusa ay hindi tumitigil sa ginagawa

You might also like