You are on page 1of 5

ALILEM NATIONAL HIGH SCHOOL

DIVISION OF ILLOCOS SUR


IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9 50
Pangalan: ______________________________________ Grade & Section: ________________

PANGKALAHATANG PANUTO: Unawaing mabuti ang bawat tanong at sagutan ito nang maayos.
Gumamit itim o bughaw na panulat (Erasure means wrong)
I. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot at
isulat sa patlang.
____ 1. Ito ay ang pagtitiyaga na maabot o makakuha ang mithiin o layunin sa buhay na may kalakip na pagtitiis at
determinasyon
A. Kasipagan B. katatagan C. Pagsisikap D. Pagpupunyagi
____ 2. Ito ay kakambal ng pagbibigay na nagtuturo sa tao na gamitin ito upang higit na makatulong sa iba?
A. Pag-iimpok B. Pagtitipid C. pagtulong D. pagkakawanggawa
____3. Ang ______ ay pinagpaguran upang kitain ito, kaya kailangan gastusin ito sa tama upang huwag itong mawala
A. Pera B. kayamanan C. Kagamitan
____ 4. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng pagtakda ng tunguhin sa paggawa, maliban sa isa:
A. Nasusukat B. Tiyak C. oras D. Realistiko
____ 5. Ang pamamahala sa ______ ay tumutukoy sa kakayahan mo sa epektibo at produktibong paggamit nito sa paggawa.
A. Trabaho B. oras C. Pera D. kagamitan
____ 6. Ito ay tumutukoy sa isang gawi na gumagamit lagi ng kilos-loob sa pagbibigay ng nararapat sa isang indibidwal.
A. Karapatan B. Katarungan C. Kakayahan D. Kayamanan
____ 7. Ito ang namamahala sa kaayusan ng ugnayan ng tao sa kaniyang kapwa at sa ugnayan ng tao sa lipunan.
A. Katarungang Panlipunan C. Pamahalaan
B. Kaayusang Panlipunan D. Batas sa lipunan
____ 8. Ito ay mabuti sa tai sapagkat naisasakatuparan niya ang kaniyang tungkulin sa sarili, sa kapwa, at sa Diyos.
A. Talento B. Kakayahan C. Paggawa D. Katalinuhan
____ 9. Ito ay tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isnag gawain ng buong puso.
A. Tiyaga B. Kasipagan C. Masigasig D. Disiplina sa Sarili
____ 10. Ito ay tumutukoy sa pagpapatuloy sa paggawa sa kabila ng mga hadlang sa kaniyang paligid.
A. Tiyaga B. Kasipagan C. Masigasig D. Disiplina sa Sarili
____ 11. Ito ay paggawa na nangangailangan ng orihinalidad, pagkamalikhain at sariling kaisipan.
A. Malikhain B. Kasipagan C. Tiyaga D. Masigasig
____ 12. Ito ay ang pagkakaroon ng kasiyahan, pagkagusto at siglang nararamdaman sa paggawa ng gawain o produkto.
A. Masigasig B. Disiplina sa Sarili C. Talento D. Kakayahan
____ 13. Ito ay tumutukoy sa tiyak na tunguhin kung saan nakasisiguro na ito ang nais mangyari sa paggawa/trabaho.
A. Attainable B. Measurable C. Specific D. Realistic
____ 14. Ito ay tumutukoy sa paggawa kung saan kailangan pagnilayan kung ito ba ay tugma sa iyong kakayahan.
A. Attainable B. Measurable C. Specific D. Realistic
____ 15. Ito ay tumutukoy sa paggawa kung saan ito ay makatotohana, naabot, at mapanghamon.
A. Time Bound B. Measurable C. Attainable D. Realistic
____ 16. Ito ay pagbibigay ng takdang oras para maisakatuparan ang anumang gawain.
A. Time Bound B. Measurable C. Attainable D. Realistic
____ 17. Ito ay tumutukoy kung saan sinisiguro na makatotohanan at nagagamit ang anumang gawain sa paggawa
A. Realistic B. Attainable C. Measurable D. Specific
____ 18. Ang mga sumusunod ay dahilang kung bakit kailangan na mag-impok ang tao ayon kay Francisco Colayco
A. Para sa Pagreretiro C. Para makapamasyal
B. Para sa pagkain D. Para may inspirasyon sa buhay
____ 19. Alin sa mga sumusunod ang kilos ng makatarungang tao?
A. Pinag-usapan ng mga manggagawa ang kasalukuyang nangyayari sa sistemang legal ng bansa
B. Inaalan ng mga mag-aaral ang kanilang tungkulin at karapan sa lipunan
C. Binisita ng mga guro ang mga mag-aaral na ayaw ng pumasok upang kausapin ang kaniyang mga magulang na
bumalik ito sa pag-aaral
D. Nagagabayan ng mga mahal sa buhay na lumaking may paggalang sa karapatan ng iba
____ 20. Alin ang nagpapatunay na nagsisimula sa pamilya ang pagiging makatarungan?
A. Natutong tumayo sa sarili at hindi na umaasa ng tulong sa pamilya
B. Nagiging bukas ang loob na tumanggap sa pagkakamali at hindi naninisi ng iba
C. Nagkakaroon ng kamalayan sa sarili sa tulong ng mga magulang at mga kapatid
D. Nagagabayan ng mga mahal sa buhay na lumaking may paggalang sa karapatan ng iba
____ 21. Bakit mahalagang maunawaan ang mga pagpapahalaga na kaugnay ng katarungang panlipunan?
A. Malalaman mo kung bakit kaugnay ang mga ito sa katarungang panlipunan
B. Makikita mo kung alin sa mga kaugnay na pagpapahalaga ang kailangan mo para sa iyong sarili
C. Mabisang paraan ito sa iyong pagsisikap na magpakatao at sa pagtugon sa hamon ng pagiging makatarungan sa
kapuwa.
D. Mabuting kaalaman ito para sa kapwa at sa Diyos
____ 22. “Ang batas ay para sa tao at hindi ang tao para sa batass.” Ano ang kahulugan ng batas na ito?
A. Nakatakda na ang batas na kailangan sundin ng tao habang siya ay nabubuhay
B. Ang mga itinakda na batas ay para sa ikabubuti ng tao kaya dapat niyang sundin lahat ng mga ito
C. Malalaman ng tao ang mangyayari sa kaniyang buhay kung susuwayin niya ang mga itinakda ng batas
D. Itinakda ang batas upang gabayan ang tao sa kaniyang pamumuhay at hindi upng diktahan nito ang kaniyang buhay
____ 23. Alin ang makabuuang paraan ng pagsasabuhay ng katarungang panlipunan?
A. Sundin ang batas trapiko at ang mga alituntunin ng paaralan
B. Maging mabuting mamamayan at mag-aaral ng bansa
C. Igalang ang karapatan ng kapuwa
D. Pag-aralan at sundin ang mga alituntunin ng tahanan, paaralan, lipunan at simbahan
____ 24. Bakit isinaalang-alang ng katarungang panlipunan ang paggalang sa dignidad ng tao?
A. Binubuo ng tao ang lipunan
B. Magkakasama na umiiral sa lipunang kinabibilangan
C. Mahalaga ang pakikipagkapuwa sa lipunang kinabibilangan
D. May halaga ang tao ayon sa kaniyang kalikasang taglay bilang tao
____ 25. Ang mga sumusunod ay mabisang pagsasanay sa pagiging makatarungan maliban sa isa.
A. Pag-unawa sa kamag-aral na palaging natutulog sa klase
B. Paggabay ng magulang sa anak habang ito ay lumalaki
C. Pagninilay sa mga nagawa sa buong araw bago matulog sa gabi
D. Pagsisikap na gumawa ng mga mabubuting bagay para sa kapuwa araw-araw
____ 26. Ano ang naglalarawan sa pinakamahalagang paraan ng pagtitipid?
A. Maging mapagkumbaba at matutong makuntento
B. Maging mapagbigay at matutong tumulong
C. Maging maingat sa paggastos at matutong mabuhay ng simple
D. Maging masipag at matutong maging matiyaga
____ 27. Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit kailangan mag-impok ang tao, maliban sa isa.
A. para sa pagreretiro
B. para sa mga hangarin sa buhay
C. para maging inspirasyon sa buhay
D. para sa proteksyon sa buhay
____ 28. Hindi dapat taglayin ng tao ang ugaling katamaran. Ang sumusunod na pangungusap ay nagbibigay ng kahulugan
nito maliban sa:
A. ito ang pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay o trabaho.
B. Ito ang pumipigil sa tao upang siya ay magtagumpay.
C. Ito ay maaaring sumira sa ating kinabukasan
D. Ito ay magdadala ng panganib sa buhay
____ 29. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng tunguhin sa paggawa?
A. mapabibilis ang paggawa
B. magkakaroon ng sense of achievement
C. magiging epektibo sa pamamahala sa paggamit ng oras o paggawa
D. matutugunan ang mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata
____ 30. Alin ang nagpapahayag na napamamahalahan ang pagpapabukasbukas?
A. tutok sa prayoridad
B. may nabuo na tunguhin ng Gawain
C. ginagawa agad ang Gawain kahit hindi ito nagugustuhan
D. nagkakaroon ng oras ng pamamahinga, paglilibang at pagkakawanggawa
____ 31. Aling kakayahan ng tao ang tumutukoy sa epektibo at produktong paggamit ng oras sa anumang aspekto?
A. pamamahala sa oras
B. nagagawa ang lahat ng gawaing bahay
C. marami ang nasasalihan na organisasyon sa paaralan
D. pamamahala ng mga patung-patong na proyekto ng mga asignatura
____ 32. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng epektibong pag-iiskedyul ng mga Gawain?
A. may tunguhin, prayoridad, pamamahinga, paglilibang, pagkakawanggawa
B. may tunguhin, oras sa prayoridad,pamamahinga, paglilibang, pagkakawanggawa
C. may tunguhin, prayoridad, espasyo para sa interapsyon, pamamahinga, pagkakawanggawa
D. may tunguhin, oras sa prayoridad, pamamahinga,paglilibang, pagkakawanggawa, master, iskedyul
____ 33. Paano natin makakamit ang mas mataaas na layunin ng paggawa?
A. pagsisikapan ang mahihirap na Gawain
B. bibilisan ang paggawa upang makahabol sa dedlyn
C. paggawa ng maayos at pagtatapos ng Gawain bago ang takdang oras
D. magpapaturo sa kasamahan na sanay sa Gawain upang maging maayos ang kalalabasan.ng ginagawa
____ 34. Ano ang kahalagahan ng pamamahinga, paglilibang, at pagkakawanggawa sa iyo at sa bansa pagkatapos ng iyong
paggawa?
A. magagamit ang mga ito ayon sa gusto mong gawin para sa sarili at sa bansa
B. magsisilbi ang mga ito na regalo mo sa iyong sarili ng dahil sa iyong tagumpay sa paggawa
C. mapatutunayan ng mga ito ang iyong pagiging katiwala sa oras
D. mababalanse ng mga ito ang iyon buhay at mapapanibago ang iyong lakas at sigla sa paggawa.
____ 35. Ang sumusunod ay kahulugan ng kasipagan maliban sa isa.
A. Ito ay ang pagsisikap na gawin o tapusin ang isang Gawain na mayroong kalidad
B. Nakatutulong ito sa tao sa kaniyang pakikipagrelasyon sa kaniyang Gawain, kapuwa, ay lipunan
C. Tumutulong ito sa tao na malinang ang mabubuting katangian tulad ng tilawa sa sarili, mahabang pasensya,
katapatan, at disiplina.
____ 36. Si Ino ay nagsisikap ng gawing “on time” ang Filipino time.” Alin sa mga sumusunod niyang ginagawa ang
nagpapakita nito?
A. lagging nagmamadaling umuwi ng bahay
B. maaga siyang gumising dahil nasasanay na siya sa gawaing ito
C. hindi siya nahuhuli sa flag ceremony kahit malayo ang kanilang bahay
D. nagsisimula siyang mag-aral dalawang lingo bago ang pagsusulit.
____ 37. Lagging pagod si Jaira sa trabaho niya bilang tagalutoat tagahugas ng plato sa pinapasukang karinderya pero hindi
siya nagrereklamo at nagpapabaya sa kaniyang tungkulin. Paano isinasabuhay ni Jaira ang kagalingan niya sa paggawa.
A. ginagawa niya ng may kahusayan ang kaniyang tungkulin
B. may pagmamahal at pagtatangi siya sa kaniyang katrabaho
C. ang kaganapan ng kaniyang pagiging mabuting manggagawa ay kaaganapan ng kaniyang pangarap
D. ang pagnanais na magkaroon ng karagdagang benepisyo sa trabahong ginagawa.
____ 38. Maganda ang pagkakagawa ng pamilya ni Clara sa mga bag na yari sa tetra pack ng juice. Mabibili ang mga ito lalo na
iyong may iba-t –ibang kulay at disenyo. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasabuhay o nagpapakita sa mga
kagalingan ng tao sa paggaawa?
A. nagiging malikhain ang tao sa paggamit ng mga kaniyang mga kakayahan
B. nakagagawa ng paraan ang tao upang iangat ang kaniyang pamumuhay
C. nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magsama-sama sa mithiin ng lipunan
D. nagkakaroon ng kadahilanan ang tao upang mabuhay
____ 39. Pinalitan ni Dora ang nagretirong punong-guro ng kanilang paaralan. Maraming nagsasabing hindi niya kayang
higitan ang kabutihang nagawa at tagumpay na narrating ng huli. Alin sa mga sumusunod ang dapat niyang linangin
upang mapatunayan na siya ay karapat-dapat sa posisyong ibinigay sa kaniya?
A. magpakumbaba at ipagpatuloy ang mga programang nasimulan ng dating punong-guro
B. gamitin ang ganda, angking karisa, talino, at kasipagan
C. maging masipag, masigasig, at malikhain sa pagsasabuhay nang kaniyang trabaho
D. sundin ang payo at gusto ng mga matatandang guro upang maging maganda ang relasyon ng mga ito
____ 40. Malapit na ang pasko, abala na ang mga gumagawa ng mga palamuti dekorasyong siguradong mabenta. Ano ang
magandang motibasyon na dapat isaalang-alang nang gumagawa nito?
A. material na bagay at pagkilala ng lupinan
B. personal na kaligayahan na makukuha mula ditto
C. pag-unlad ng sarili, kapuwa at bansa
D. kaloob at kagustuhan ng Diyos
____ 41. Hindi nakapagtapos si Juan sa kolehiyodahil sa hirap ng buhay. Sa kabila nito aiya ang matagumpay dahil sa
negosyong kaniyang itinayao at pinaunlad. Nagging madali ito para sa kaniya dahilito ay ayon sa kaniyang gusto at
hilig. Ano ang katangian mayroon si juan?
A. masipag, madiskarte at matalino
B. may pananampalataya, malikhain, may disiplina sa sarili
C. maganda ang relasyon niya sa Diyos, may pagpapahalaga sa sarili, kapuwa at bansa
D. may angking kasipagan, pagpupunyagi, at tiwala sa sarili
____ 42. Sa pagreretiro ni mang Peter, nakatanggap siya ng mga benepisyong hindi niya inaasahan mula sa pabrikang
kaniyang pinaglingkuran ng mahigit 40 taon. Bukod dito, binigyan din siya ng plake ng pagkilala bilang natatanging
manggagawa ng pabrika. Palatandaan ba ng kagalingan niya sa paggawa ang pagtanggap nang benepisyo at pagkilala?
A. Oo, sapat na basehan ang 40 na taon niyang paglilingkod.
B. Hindi, binibigay talaga ang pangaral at benepisyo sa isang manggagawa sa oras na siya ay magretiro bilang bahagi
nang kaniyang karapatan bilang isang manggagawa
C. Oo, hindi ibibigay ng isang kumpanya ang pagkilala at benepisyo sa manggagawang hindi nararapat bigyan o
gawaran nito.
D. Hindi, sapagkat marami pa siyang maaaring gawin para maging karapat-dapat na makatanggap
____ 43. Bata pa lang si Daniel, pinangarap na niyang mging isang guro tulad ng kaniyang mga magulang. Alin sa mga
sumusunod ang dapat niyang isaalang-alang upang maging madali sa kaniya na maabot ang pangarap at sa huli’y
magkaroon ng kagalingan sa paggawa?
A. maging masipag, mapagpunyagi at magkaroon ng disiplina sa sarili
B. magkaroon ng sapat na kaalaman sa paghawak ng pera at paraan ng paggastos
C. maging matalino, marunong magdala ng damit, magaling makipag-usap
D. magkaroon ng kakayahang kontrolin ang sarili sa lahat ng pagkakataon
____ 44. Hindi nagging madali kay Ms. Javier ang pagpapaunlad ng kanyang business. Sa kabila ng mga pagsubok,
napagtagumpayan pa rin niyaito. Paano kaya tinignan ni Ms. Javier ang pagkabigong dinanas kaya ito nagtagumpay.
A. itinuring niya itong hamon na kailangan malampasan
B. pinag-aralan ang sitwasyon at pinag-isipan ang gagawing hakbang
C. ang pagkabigo ay paraan ng pagsusulit sa kaniya
D. ang pagkadapa ay hindi senyales upang tuluyang malugmok
____ 45. Alin ang hindi nagpapakita ng katangiang patuloy na pagkatuto gamit ng panlabas na pandama.
A. Lagging nakikinig sa iba’t-ibang instrument si Roberto, imbentor ng karaoke
B. Gumugugol ng maraming oras si Leonardo upang mapagmasdan ang mga ibong lumulipad
C. Pinaunlad ng mga magsasaka ang pagtatanim ng maraming puno sa tabi ng palaisdaan dahil nahihinuha nila ang
kaugnayan ng malusog na isda sa malusog na ecosystem
D. Inoobserbahan ng mga scientist ng maraming oras ang kanilang specimen bago bumuo ng konklusion tungkol ditto.
____ 46. Bakit mahalaga sa katarungan na ibinabatay sa moral na batas ang leagal na batas?
A. Ang moral na batas ay napapaloob sa Sampung utos ng Diyos
B. Ang moral at legal na batas ay parehong nagdudulot ng kabutihan sa buhay ng tao.
C. Hindi maaaring paghiwalayin ang moral at legal na batas upang magkaroon ng katarungan ang lipunan
D. Ang pagpapakatao ay napapatingkad
____ 47. Mula sa saknong ng isang tula, “marami ang nagtuturing na mahirap daw itong buhay, araw, araw ay paggawang tila
walang humpay; datapuwat isang pantas ang nagbadya at nagsaysay; tagumpay ay makakamit kapag tao ay masikhay.”
Ano ang ibig sabihin ng saknong na ito.
A. mahirap ang buhay kaya’t ang tao ay kinakailangan magtiis.
B. Kahit na mahirap ang buhay, ang tao ay dapat na maging marangal
C. Sa kabila ng kahirapan, ang tao ay kinakailangan na maging masipag
D. Mahirap man ang buhay, ang tao ay hindi dapat mawalan ng problema.
____ 48. Sino sa mga sumusunod ang hindi nakakatulong sa pag-angat ng antas kultural ng bansa sa pamamagitan ng kanilang
paggawa.
A. Si Anton na gumagawa ng muwebles na yari sa rattan at buli at nilalapatan ng modernong desenyo
B. Si Renee na gumagawa ng mga damit na yari sa material natanging sa bansa nakikita at inilalapat sa yari ng mga
damit ng mga banyaga
C. Si Romeo na nag-eexport ng mga produktong gawa sa mga kalapit na bansa
D. Si Shiela na gumagawa ng mga pelikulang tungkol sa mga isyung panlipunan ng bansa na iniaalok sa mga timpalak
sa buong mundo.
____ 49. Si Jan ay litung-lito kung ano ang gagawin dahil nagkataong lahat ng mga asignatura ay may mga gagawin na kailangang
isumite. Alin sa mga sumusunod ang mabisang paraan na gamitin niya sa pagkakataong ito?
A. Magtakda ng tunguhin
B. Gumawa ng prayoritisasyon
C. Bumuo ng iskedyul
D. Gamitin sat ama ang oras
____ 50. “ Bilang kabataan, simulan nang hugutin sa bawat oras mo ang lahat na kaya mong gawin at lahat na kaloob sa iyo na
maaari mong gamitin upang makaambag sa kaunlaran ng bansa”. Ano ang kahulugan ng pangungusap na ito.
A. Sulitin ang oras ng paggawa bi;ang pagtulong sa bansa
B. Alamin kung ano ang agarang pangangailangan ng bansa
C. Gamitin ang oras upng tuklasin ang kayang gawin sa pagpapaunlad sa bansa
D. Pamahalaan ang paggamit ng oras at gamitin ang talent at kakayahan para sa bansa.

Prapared by: Checked by:


Mailyn D. Equias Hildegarde M. Tiglao
Subject Teacher Master Teacher I

Noted:
Romeo S. Venancio
Principal II

You might also like