You are on page 1of 4

ALILEM NATIONAL HIGH SCHOOL

DIVISION OF ILLOCOS SUR


IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
S.Y. 2022-2023
Pangalan: Date:

Baitang: Pangkat:

PANGKALAHATANG PANUTO: Unawaing mabuti ang bawat tanong at sagutan ito nang maayos.
Gumamit ng itim o bughaw na panulat (Erasures means wrong)
I. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot
at isulat sa patlang.

____ 1. Ito ay isang Gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa at pakamalikhain.


A. Trabaho B. Gawain C. paggawa D. produkto
____ 2. Alin sa mga sumusunod ang hindi umaayon sa Likas na batas moral.
A. Pagkaltas ng SSS, pag-ibig, at buwis sa mga manggagawa ng walang konsultasyon.
B. Pagmungkahi sa mga ina na regular na magpatingin sa malapit na center sa kanilang lugar.
C. Pagtuturo sa mga bata ng tamang pangangalaga sa sarili.
D. Paghikayat sa mga tao na magsimba sa araw ng linggo
____ 3. Ang ating lipunan ay binubuo ng mga batas na nilikha para sa kabutihang panlahat. Ang mga sumusunod ay tunay na
diwa nito maliban sa isa.
A. Ingatan ang interes ng marami
B. Protektahan ang mayayaman at may kapangyarihan
C. Itaguyod ang karapatang pantao
D. Kondenahin ang mapagsamantala sa kapangyarihan
____ 4. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan na tama ang isang pasiya o desisyon?
A. Ito ay ayon sa mabuti B. walang nasasaktan c. makapagpapabuti sa tao
____ 5. Alin sa mga sumusunod ang wasto at mabuting panukala?
A. Nagbabago ang likas na batas moral sa paglipas ng panaho
B. Nag-iiba ang likas na batas moral batay sa kultura at kinagisnan
C. Ang likas na batas moral ay para sa lahat.
D. Maraming anyo ang likas na batas moral
____ 6. Ito ay uri ng karapatan na nakapaloob sa saligang batas at hindi maaaring baguhin ng kongreso.
A. Karapatang Pantao B. karapatang Likas C. Karapatang statutory D. Karapatan Konstitusyonal
____ 7. Sa paanong paraan natututuhan ang likas na batas moral?
A. Ibinubulong ng anghel C. Itinuturo ng magulang
B. Naiisip na lamang D. Sumisibol mula sa konsensiya
____ 8. Ito ay tumutukoy sa karapatan na hindi itinakda ng saligang batas.
A. Karapatang Pantao B. karapatang Likas C. Karapatang statutory D. Karapatan
____ 9. Ito ay isang bagay na hindi na matatakasan at kailangan harapin sa bawat araw
A. Paggawa B. Tungkulin c. Karapatan D. Obligasyon
____ 10. Ito ay ang karapatang itinakda ng batas at pinagtibay ng kongreso ng bansa.
A. Karapatang Pantao B. karapatang Likas C. Karapatang statutory D. Karapatan Konstitusyonal
____ 11. Ito ay ang mga bagay na tutulong sa pagbuo ng sarili.
A. Kasipagan B. Mabuti C. Pagsisikap D. Tama
____ 12. Ito ay uri ng karahasan gamit ang marahas na paraan para makamit ang pansariling interes sa pulitika, o relihiyon
A. Terrorismo B. massacre C. pang-aabuso D. pag-aalsa
____ 13. Alin ang batayan ng pagiging pantay ng tao sa kaniyang kapwa.
A. Karapatan B. isip at kilos-loob C. kalayaan D. Dignidad
____ 14. Ito ay ang kapangyarihang moral na gawin, hawakan, pakinabangan at angkinin ang mga bagay na kailangan ng tao.
A. Kabutihan B. tungkulin C. Karapatan D. Pagmamahal
____ 15. Ito ay ang pinakamataas na antas ng karapatan.
A. Karapatang magpakasal B. karapatang sumamba C.Karapatang mabuhay D. karapatan
____ 16. Sa karapatang ito, sinasabi na may obligasyon ang lipunan o pamahalaan na magbigay ng trabaho o hanapbuhay sa
mga mamamayan.
A. Karapatan sa pribadong ariarian
B. Karapatang maghanapbuhay
C. Karapatang mabuhay
D. Karapatang pumunta sa ibang lugar
____ 17. Ito ay tumutukoy sa batayang nagbibigay sa isang tao ng proteksyon laban sa pang-aabuso.
A. Karapatang Pantao B. Likas na karapatan C. Karapatang statutory D. Karapatan
____ 18. Kasama sa pagiging ________ng tao ang pagtupad ng tungkulin.
A. tutok sa prayoridad
B. moral
C. ginagawa agad ang Gawain kahit hindi ito nagugustuhan
D. masipag
____ 19. Kaakibat sa karapatan ng tao ang _______ ng kaniyang kapuwa na igalang ito.
A. pamamahala sa oras B.karapatan C. tungkulin D. obligasyon
____ 20. Ang __________ ay ang obligasyon ng tao na gawin o hindi gawin ang isang Gawain.
A. Tungkulin B. Gawain C. Obligasyon D. karapatan
____ 21. Ito ay ang karapatan ng tao na bumuo ng sariling pamilya.
A. Karapatang magpakasal C. karapatang maikasal
B. Karapatang magkaroon ng maghanapbuhy D. karapatang mabuhay
____ 22. Ang dokumentong ________ay naglalaman ng ilang karapatang individual na kinilala sa buong daigdig.
A. Universal declaration of Human rights C. primun non nocere
B. Pacem in Terris D. moral na batas
____ 23. Ito ay siyang batayan ng pagiging pantay ng tao sa kaniyang kapuwa.
A. moral B. isip at puso C. karapatan D. puso
____ 24. May obligasyon ang________________ na magbigay ng trabaho o disenteng hanapbuhay sa mga
mamamayan upang mapakinabangan nila ang karapatang mabuhay.
A. bawat isa B. pamahalaan C. mayayaman D. bawat tao
____ 25. Hindi maiaalis sa tao ang karapatan sa______________ dahil kailangan niya ito paramabuhay.
A. Pribadong ari-arian B.Hanapbuhay C. buhay D. makisalamuha
____ 26. Ang ___________ ng paggawa ay ang kalipunan ng mga Gawain, resources, instrument at teknolohiya na
ginagamit ng tao upang makalikha ng isang produkto.
A. Obheto B. Kahalagahan C. Subheto D. Katuturan
____ 27. Ang tao ay itinuturing na ________ ng paggawa.
A. Centro B. utak C. Dahilan D. Subheto
____ 28. Ito ay isang tungkulin na kailangan mong gawin sapagkat kung ito ay hindi mo isinagawa ay mayroong
mawawala sa iyo.
A. Bolunterismo B. Pakikilahok C. paggawa D. pakikipagkapwa
____ 29. Ito ay isang paraan ng paglilingkod at pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa at sa lipunan.
A. Pagpapahalaga B. pagtulong sa mahihirap C. bolunterismo D. pakikilahok
____ 30. Ito ay isang tungkulin na kailangan isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at kakayahan tungo sa kabutihang.
panlahat.
A. Pagkawanggawa B. Bulonterismo C. Pakikilahok D. Pagtulong
II. Unawain at suriing mabuti ang mga sumusunod na sitwasyo, isulat ang letra ng sagut sa patlang
____ 31 . Bakit mahalaga na may kamalayan at pananagutan sa pakikilahok
A. Upang matugunan ang pangangailangan ng lipunan
B. Upang magampanan ang mga Gawain o isang proyekto na mayroong pagtutulungan
C. Upang maibahagi ang sariling kakayahan na makatutulong sa pagkamit sa kabutihan panglahat
D. Upang maipakita ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahalan
____ 32. Hindi nakalahok si Rico sa Oplan Linis ng kanilang barangay dahil inalagaan niya ang kaniyang bunsong kapatid na
maysakit ngunit siya ay nagbigay ng gamit sa paglilinis tulad ng walis tingting at sako na paglalagyan ng basura. Anong
antas ng pakikilahok ang ipinakita ni Rico.
A. Impormasyon B. Konsultasyon C. Sama-samang pagkilos D. pagsuporta
____ 33. Alin ang hindi maituturing na benepisyo ng bolunterismo?
A. Nagkakaroon ng tao ng personal na pag-unlad
B. Mas higit niyang nakikilala ang kaniyang sarili
C. Nagkakaroon siya ng kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti ng lipunan.
D. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makabuo ng suporta at ugnayan sa iba
____ 34. Sa bolunterismo, kung hindi mo ito gagawin, hindi ka apektado, kundi yaong iba na hindi mo tinulungan. Ang
pahayag na ito ay:
A. Tama, sapagkat maraming tao ang nangangailangan ng iyong tulong.
B. Mali, sapagkat ang hindi mo pagtulong ay isang bagay na maaaring makaapekto sa iyo.
C. Tama, sapagkat maaari kang managot sa iyong konsensiya sapagkat hindi ka tumugon sa pangangailangan ng
iyong kapwa sa mga sandalig iyon
D. Mali, sapagkat hindi maaaring pilitin ang tao sa kaniyang gagawin. Ito dapat ay manggaling sa puso.
____ 35. Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng bolunterismo?
A. Tuwing sabado at lingo ay tinuturuan ni Karen ang mga batang hindi nakapag-aral sa kanilang lugar upang
matutong bumasa at sumulat.
B. Si Jerick ay pumunta sa bahay ampunan ng mga bata upang alagaan ang mga ito tuwing bakasyon
C. Tuwing eleksiyom ay sinisiguro ni Rechelle na bumuto at piliing mabuti ang karapat-dapat na mamuno
D. Sumasali si Darlyn sa paglilinis ng paligid sa kanilang barangay dahil nais niyang makiisa sa layunin nitong
mapanatili ang kalinisan at kalusugan ng kaniyang mga kapit-bahay
____ 36. Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na kaniyang kailangan upang matugunan ang kaniyang pangunahing
pangangailangan. Alin sa mga pahayag ang tama.
A. Likas sa tao na unahin tugunan ang kaniyang pangunahing pangangailangan.
B. Hindi mabibili ng tao ang kaniyang pangangailangan kung wala siyang pera
C. Hindi nararapat na pera ang maging layunin ng paggawa
D. Mas mahalagang isipin na matugunan ang pangangailangan ng kapuwa bago ang sarili.
____ 37. Ang paggawa ay isang moral na obligasyon sa kapuwa, sa kaniyang pamilya, sa lipunan na kaniyang kinabibilangan
at sa bansa. Ito ay nangangahulugang:
A. Hindi nararapat na isipin ng tao ang kaniyang sarili sa kaniyang paggawa
B. Kailangan kasama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatulong sa kaniyang kapuwa.
C. Kailangan ng tao na maghanap ng hanapbuhay na ang layunin ay makatulong at magsilbi sa kapuwa.
D. Lahat ng nabanggit
____ 38. Paano mailalarawan ang isang taong buo ang pagkatao.
A. May pagsaklolo sa iba C. pagiging matulungin sa kapuwa
B. Pagkampi sa tao D. tunay na pagsunod sa utos ng Diyos
____ 39. Paano nagbibigay sa tao ang prinsipyong “First Do No Harm” sa medical na doctor?
A. Gawin lagi ang tama
B. Anuman ang kalagayan ng isang tao, huwag tayong mananakit
C. Gamutin ang sariling sakit bago ang iba
D. Ingatan na huwag saktan ang ibang tao.
____ 40. Paano sinikap ng ating estado na iangkop ang kultura bilang pagkilala sa karapatang pantao ng bawat mamamayan.
A. Sa pamamagitan ng pagbuo ng konstitusyon kalakip ang mga karapatan at proteksiyon ng mga mamamayan
B. Sa pamamagitan ng paglikha ng maraming batas
C. Sa pamamagitan ng pagtatayo ng maraming imprastraktura senyales ng pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
D. Sa pamamagitan ng pagtatatag ng iba’t-ibang samahan na sasagot sa pangangailang ng bawat mamamayan.
____ 41. Ang karapatan ay kapangyarihang moral. Alin sa mga sumusunod ang hindi ibig sabihin nito?
A. Hindi maaaring pwersahin ng tao ang kaniyang kapuwa na ibigay sa kaniya nang sapilitan ang mga bagay na
kailangan niya sa buhay.
B. Hindi nito maaapektuhan ang buhay pamayanan
C. Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyong ng kaniyang kapuwa na igalang ito.
D. Pakikinabangan ito ng tao lamang dahil tao lamang ang makakagawa ng moral na kilos.
____ 42. Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa. Ano ang kahulugan nito?
A. Hindi kasangkapan ang tao na kinakailangan para mapagyaman ang paggawa bagkus kailangan ang paggawa
upang makamit ang kaniyang kaganapan.
B. Hindi kailangan ang tao upang mapagyaman ang paggawa bagkus kailangan siya upang mapayaman ang mga
kasangkapan na kinakailangan sa pagpapayaman ng paggawa.
C. Ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nilikha na bunga ng paggawa ngunit hindi dapat iasa lamang niya ang
kaniyang pag-iral sa mga produktong nilikha paraa sa kaniya ng kaniyang kapuwa.
____ 43. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng panlipunang dimensiyon ng paggawa?
A. Ang paggawa ay paggawa para sa kapuwa at kasama ang kapuwa.
B. Ang paggawa ay paggawa ng isang bagay para sa iba.
C. Ang paggawa ay nagbubukas para sa pagpapalitan, ugnayan, at pakikisangkot sa ating kapuwa.
D. Ang paggawa ay pagkilala sa kagalingan ng mga likha ng kapuwa.
____ 44. Sino sa mga sumusunod ang hindi nakakatulong sa pag-angat ng antas kultural ng bansa sa pamamagitan ng kanilang
paggawa.
A. Si Anton na gumagawa ng muwebles na yari sa rattan at buli at nilalapatan ng modernong desenyo
B. Si Renee na gumagawa ng mga damit na yari sa material natanging sa bansa nakikita at inilalapat sa yari ng mga
damit ng mga banyaga
C. Si Romeo na nag-eexport ng mga produktong gawa sa mga kalapit na bansa
D. Si Shiela na gumagawa ng mga pelikulang tungkol sa mga isyung panlipunan ng bansa na iniaalok sa mga timpalak
sa buong mundo
____ 45. Ano ang nagiging epekto sa pagiging produktibo ng tao sa paggawa ng pag-unlad ng agham at teknolohiya.
A. Hindi nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magamit ang kaniyang pagkamalikhain
B. Mas nababawwasan ang halaga ng isang produkto dahil hindi ito nahawakan ng tao.
C. Nagkakaroon ng katuwang ang tao sa mabilis na paglikha ng maraming produkto.
D. Nababago na ang kahulugan ng tunay na paggawa.
____ 46. Alin ang hindi nagpapakita ng tungkulin na kaakibat ng karapatan sa buhay?
A. Iniiwasan ni Mila ang kumain ng karne at matamis na pagkain
B. Naagpatayo ng bahay-ampunan si Gng. Rosa para sa mga batang biktima ng pag-aabuso
C. sumasali si Danilo sa mga isport na mapanganib gaya ng car racing
D. nagsimula ng soup kitchen si Fr. Joseph para sa mga batang kalye
____ 47. “ Bilang kabataan, simulan nang hugutin sa bawat oras mo ang lahat na kaya mong gawin at lahat na kaloob sa iyo
na maaari mong gamitin upang makaambag sa kaunlaran ng bansa. Ano ang kahulugan ng pangungusap na ito.
A. Sulitin ang oras ng paggawa bi;ang pagtulong sa bansa
B. Alamin kung ano ang agarang pangangailangan ng bansa
C. Gamitin ang oras upng tuklasin ang kayang gawin sa pagpapaunlad sa bansa
D. Pamahalaan ang paggamit ng oras at gamitin ang talent at kakayahan para sa bansa.
____ 48. Bakit nagkukusa tayong mag-organisa at tugunan ang pangangailangan ng nakakarami?
A. Sa ganito natin naipapakita an gating pagkakaisa
B. Ang sama-samang pagkilos ay nagpapagaan sa Gawain
C. Hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang matugunan ito
D. Walang ibang maaaring gumawa nito para sa atin.

Para sa bilang 49-50, gumawa ng slogan tungkol sa pagpapahalaga sa karapatang pantao.

== MDE

You might also like