You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
JOSE V. YAP NATIONAL HIGH SCHOOL
FORMERLY TARLAC NATIONAL HIGH SCHOOL ANNEX
SAN MIGUEL, TARLAC CITY
__________________________________________________________________________________
___

Pangalan: ______________________________________________________________ Iskor:


_________________
Antas/Pangkat: _________________________________________________________ Petsa:
_________________

Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Ikalawang Markahang Pagsusulit

Panuto: Basahin mabuti ang bawat aytem. Piliin at isulat ang tamang sagot.

1. to ang kapangyarihang moral na gawin, hawakan, pakinabangan at angkinin ang mga bagay na kailngan ng tao sa
kaniyang estado sa buhay.
a. Pag-ibig b. Bahay c. Karapatan d. Tungkulin

2. Ito ang batas na nagpapataw ng obligasyon sa lahat ng tao na igalang ang mga karapatan ng tao.
a. Likas na Batas Moral b. Likhang Batas na Moral c. Likas na Batas Militar d. Likhang Batas Militar

3.Ito ay hindi maaring puwersahin o pilitin ng tao ang kanyang kapwa na ibigay sa kanya nang sapilitan o pwersahin ang
mga bagay na kailangan niya sa buhay.
a. Moral b. Immoral c. Tungkulin d. Karapatan

4. Ito ang pinakamataas na antas sa lahat ng karapatan.


a. Karapatan sa buhay b. Karapatan Magpakasal c. Karapatan sa Pribadong Ari-arian d. wala sa nabnggit

5. Ito ay ang obligasyon moral na gawin o di gawin ang isang gawain.


a. Pag-ibig b. Buhay c. Tungkulin d. Karapatan

6. Ito ay isang karapatan na ang isang tao ay binibigyan ng pagkakataon na pumili ng relihiyon na magpapaunlad sa
kanyang pagkatao at mapalalim ang ugnyan sa Diyos.
a. Karapatan Magpakasal b. Karapatan Pumili ng Relihiyon c. Karapatan Pumili ng Rehiyon d. wala sa
nabanggit

7. Ito ay isang karapatan na kung saan ang tao ay maaring lumipat o tumira sa ibang lugar na may oportunidad tulad ng
trabaho at ligtas sa anumang sakuna at panganib.
a. Karapatan sa Buhay b. Karapatan Maghanap-buhay c. Karapatan Pumunta sa ibang Lugar d. Karapatan
sa Pribadong Ari-arian.

8. Tungkulin ng karapatang ito na pangalagaan ang kalusugan at sarili sa panganib ng katawan at kaluluwa ay sa anong
karapatan?
a. Karapatan sa pribadong ari-arian b. karapatan sa buhay c. Karapatan Magpakasal d. Karapatan
magtrabaho

9. Tugkulin ng karapatang ito na suportahan ang pamilya at gabayan ang mga anak upang maging mabuting tao ang mga
ito.
a. Karapatan sa buhay b. Karapatan magpakasal c. Karapatan magtrabaho d. Karapatan sa ari-arian

10. Ang bawat tao ay nilikha ng Diyos sa kanyang __________ at ___________ .

1
a. wangis; imahe b. mukha; itsura c. tindig;tikas d. porma; ayos

11. Tungkulin ng karapatang ito na pangalagaan at palaguin ang ari-arian ng tao at gamitin ito upang paunlarin ang
pamayanan
a. Karapatan Magpakasal b. Karapatan sa Buhay c. Karapatan Magtrabaho d. wala sa nabanggit

12. Ito ay isang karapatan ng tao na magkaroon ng isang ligtas, maayos at desentang hanap-buhay.
a. Karapatan sa pribadong Ari-arian b. Karapatan sa buhay c. karapatan maghanap-buhay d. wala sa
nabanggit

13. Ito ay tinuturing na kaisa-isang batas ng tao.


a. pagiging makatao b. pagiging magulang c. pagiging matalino d. wala sa nabanggit

14. Paano malalaman ang mabuti?


a. nauunawaan b. nasasaisip c. nararamdaman d. lahat ng nabanggit

15. Sang-ayon sa kanya ang lahat ng tao ay may kakayahang mag-isip at makaunawa sa kabutihan.
a. Max Scheler b. St. Tomas de Aquino c. Dr. Manuel Dy Jr. d. Wala sa nabanggit

16. Ito ay siyang kilos ng pagsisikap na laging kumilos tungo sa pagbuo at pagpapaunlad ng sarili at ng mga ugnayan.
a. Tama b. Mabuti c. Maganda d. Wala sa nabanggit

17. Ito ay prinsipyo ng mga manggagamot.


a. first do no harm b. respect one another c. pro deo et patria d. semper fidelis

18. Sang- ayon sa kanya ang pag-alam ng kabuthian ay hindi lamang gumagalaw sa larangan pag-iisip kundi sa larangan
din nag pakiramdam.
a. St. Tomas de Aquino b. Max Scheler c. John F Kennedy d. Dr. Manuel Dy Jr.

19. . Ito ang lagging pakay at layon ng tao. Ito ang mga bagay na tutulong sa pagbuo ng sarili. Ano ito?
a. Masama b. Mabuti c. Tama d. Mali

20. Iba-iba man daw ang pormula ng likas na batas moral, iisa lamang ang itinuturo nito. Ito ay ang:
a.Paggawa ng mabuti b. Pagtupad sa pangako c. Hindi ko kakasangkapin ang tao d. Pagiging matapat

21. Ang tama ay pagsunod sa mabuti. Ito ay tama dahil


a. Umaayon sa lahat ng panahon at pagkakataon. b. Mula sa sariling pag-alam at pakiramdam.
c. Angkop sa pangangailangan at kakayahan d. Para sa ikabubuti at hindi ng iilan lamang.

22. Nais ni Maria na makatapos ng pag-aaral kaya siya ay pumasok sa isang bahay aliwan. Kaya nagtatrabaho siya sa
gabi at nagaaral sa araw. Mula sa ginawa ni Maria, masasabing:
a.Tama ang kanyang pasya subalit mali ang kanyang kilos.
b.Tama ang kanyang intensyon subalit mali ang kanyang pasya.
c. Mali ang kanyang intensyon subalit tama ang kanyang pasya
d. Mali ang kanyang kilos at tama ang kanyang intension

23. -25. Magbigay ng tatlong karaptan na matatagpuan sa Artikulo III ng Konstitusyon ng Pilipinas.

26. Alin ang hindi nagpapakita ng tungkulin na kaakibat ng karapatan sa buhay?


a. Iniwasan ni Milang kumain ng karne at matamis na pagkain.
b. Nagpatayo ng bahay-ampunan si Gng. Roa para sa mga batang biktima ng pang-aabuso
c. Sumasali si Danilo sa mga isport na mapanganib tulad ng car racing.
d.Nagsimula ng soup kitchen si Fr. Joseph Weljinski sa Peru para sa mga batang kalye.

27. Alin ang hindi nagpapakita ng tungkulin na kaakibat ng karapatan sa buhay?


a. Iniwasan ni Milang kumain ng karne at matamis na pagkain.
b. Nagpatayo ng bahay-ampunan si Gng. Roa para sa mga batang biktima ng pang-aabuso
c. Sumasali si Danilo sa mga isport na mapanganib tulad ng car racing.

2
d.Nagsimula ng soup kitchen si Fr. Joseph Weljinski sa Peru para sa mga batang kalye.

28. Alin ang batayan ng pagiging pantay ng tao sa kanyang kapwa?


a. Karapatan b. Isip at kilos-loob c. Kalayaan d. dignidad

29. Obligasyon ng lipunan o ng pamahalaan na magbigay ng disenteng hanapbuhay sa mga mamamayan nito.upang
mapakinabangan nila ang karapatang mabuhay.
a. tama b. mali c. depende d. di-tiyak

30. Ang pagtupad ng tungkulin ay kaakibat ng karapatan.


a. tama b. mali c. depende d. di-tiyak

31. Ayon sa aklat na “work: The Channel of Values Education” Ito ay isang aktibidad o gawain ng tao.
a. paggawa b. paglitis c. pagtulong d. wala sa nabanggit

32. Ang paggawa ay isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa, at pagkamalihain at ang
produkto nito, materyal man o hindi ay magbubunga ng pagbabago sa anumang bagay.
a. tama b. mali c. depende d. di-tiyak

33. Ang mga sumusunod ay mga layunin ng paggawa maliban sa isa.


a. upang kitain ng tao ang salapi sa kanyang pangangailangan upang matugunan ang kanyang pangunahing
pangangailangan
b. upang higit na magkaroon ng kabuluhan ang pag-iral ng tao.
c. upang tulungan ang nangangailangan
d. upang maglakwatsa at magliwaliw

34. Ang buhay na walang patutunguhan ay walang katuturan at paggawa ang magbibigay ng katuturan dito.
a. tama b. mali c. depende d. di-tiyak

35. Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa.
a. tama b. mali c. depende d. di-tiyak

36. Ang paggawa ay higit pa sa pagkita lamang ng salapi, ang pinakamataas na layunin ng paggawa ay ang pagkamit ng
kaganapan bilang tao.
a. tama b. mali c. depende d. di-tiyak

37. Ang mga batas ng lipunan ay nilikha upang:


a. Protektahan ang mayaman at may kapangyarihan b. Ingatan ang interes ng maramic
c. Itaguyod ang karapatang pantao d. Kondenahin ang mapagsamantala sa kapangyarihan

38. Kayong magkaka-eskuwela ay nasa paborito ninyong kainan. May pumasok na binatilyo na hindi maikakailang ay
may kapansanan sa paglalakad. Napansin mong walang bakanteng lamesa at upuan para sa binatilyo na tila uhaw at
gutom na.
a. Tatawagin ko siya para umupo nang sandali sa aming lamesa habang naghihintay siya ng malulugaran.
b. Hahayaan ko siya at patuloy akong makikipagkwentuhan at tawanan sa aking mga kaeskwela.
c. Tatawagin ko ang pansin ang isa sa mga service crew para maglaan ng lugar para sa mga taong may kapansanan.
d. Makikipagkilala at makikipagkwentuhan ako sa binatilyong may kapansanan habang hindi pa siya nakakahanap ng lugar
sa kainan.

39. Nakita mo ang iyong nakatatandang kapitbahay na pinapalo ang kanilang pusa sa kadahilanang itinakbo nito ang
pagkain nila na nasa hapag-kainan.
a. Kukuhanin ko ang pusa at kakalingain ko ito sa aming tahanan.
b. Kukuhanan ko nang video ang pangyayari at ia-upload sa Youtube.
c. Aawatin ko ang aming kapitbahay bago pa niya lalo pang masaktan ang pusa.
d. Papanoorin ko na lang ang pananakit ng matanda dahil maysala ang pusa.

3
40. Ang nagbibigkis sa lahat ng kamalayang bumubuo ng ating sarili ay:
a. Diwa ng Tao b. Halaga ng Tao c. Puso ng Tao d. Isip ng Tao

41. Nakita mo ang iyong nakatatandang kapitbahay na pinapalo ang kanilang pusa sa kadahilanang itinakbo nito ang
pagkain nila na nasa hapag-kainan.
a. Kukuhanin ko ang pusa at kakalingain ko ito sa aming tahanan.
b. Kukuhanan ko nang video ang pangyayari at ia-upload sa Youtube.
c. Aawatin ko ang aming kapitbahay bago pa niya lalo pang masaktan ang pusa.
d. Papanoorin ko na lang ang pananakit ng matanda dahil maysala ang pusa.

42. Ano sa mga sumusunod ang hindi gaanong importanteng batayan ng pagkatao at halaga ng tao?
a. Konsensiya b. Dignidad c. Katwiran d. Kilos-loob

43. Piliin sa mga sumusunod ang tamang panukala:


a. Nagpapalit ang likas na batas moral sa paglipas ng panahon.
b. Iba-iba sa mga iba-ibang kultura ang likas na batas moral.
c. Isa lang ang likas na batas moral para sa lahat.
d. Isa lang ang likas na batas moral na may iba-ibang pag-aanyo.

44. Ang mabuti ay:


a. laging tama. b. iba-iba sa tao. c. minsan tama. d. pare-pareho sa tao

45. Ang paggawa ay mayroong panlipunang aspekto at hindi kailangang ihiwalay ang pananagutan ng tao para sa pang-
angat ng kultura at moralidad ng lipunang ating kinabibilangan.
a. tama b. mali c. di-tiyak d. depende

46. Ang pagbibigay ng iyong lahat ng panahon at pagod sa paggawa ay hindi dapat nagwawaglit sa pag-aalay nito para sa
kapurihan ng Diyos.
a. Mali b. Tama c. depende d. di-tiyak

47. Ano ang obheto ng paggawa?


a. Kalipunan ng mga gawain, resources, instrumento at teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng mga produkto
b. Mga taong gagamit ng mga produktong nilikha
c. Tunay na layunin ng tao sa kaniyang paglikha ng mga produkto
d. Kakayahang kakailanganin ng tao upang makalikha ng isang produkto

48. Ano ang obheto ng paggawa?


a. Kalipunan ng mga gawain, resources, instrumento at teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng mga produkto
b. Mga taong gagamit ng mga produktong nilikha
c. Tunay na layunin ng tao sa kaniyang paglikha ng mga produkto
d. Kakayahang kakailanganin ng tao upang makalikha ng isang produkto

49. Saan nakikita ang tunay na halaga ng paggawa?


a. sa proseso na pinagdaanan bago malikha ang isang produkto
b. sa kalidad ng produkto na nilikha ng tao
c. sa haba ng panahon na ginugol upang malikha ang isang produkto
d. sa katotohanan na ang gumawa o lumikha ng produkto ay tao
50. Ito ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang
kapwa.
a. Bolunterismo b. Pakikilahok c. Dignidad d. Pananagutan

Prepared by: Checked by: Noted by:

de Jesus, Noelito, Y. Robert V. Pring Rommel S. Carreon, Ed.D


EsP Teacher I EsP Head Teacher I OIC-School Head

4
5

You might also like