You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV – CALABARZON
Schools Division of Calamba City
Eduardo Barretto Sr. National High School
Pansol, Calamba City, Laguna

Ikalawang Markahang Pagsusulit


Edukasyon sa Pagpapakatao 9
A.Y 2022-2023

PANGALAN:_______________________ PETSA:_________________
BAITANG/SEKSYON: ____________________________

Panuto:
I Basahing mabuti ang bawat pahayag o katanungan at isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ang tao ay itinuturing na kawangis ng Diyos na lumikha sa kanya dahil__________.
a. Siya ay may dignidad b. Siya ay may Karapatan c. Siya ay may tungkulin d. Siya ay malaya
2. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, may anim na karapatang di maaalis (inalienable rights), alin ang may pinakamataas na antas dito?
a. Karapatan sa pribadong ari-arian c. Karapatan sa pagpapakasal o pagbuo ng pamilya
b. Karapatan sa buhay d. Karapatang pumunta sa ibat-ibang lugar
3. Ito ang pinakamataas na antas ng Karapatan dahil kung wala ito, hindi mapakikinabangan ng tao ang ibang Karapatan.
a. Karapatan sa pribadong ari-arian c. Karapatan sa pagpapakasal o pagbuo ng pamilya
b. Karapatan sa buhay d. Karapatang pumunta sa ibat-ibang lugar
4. Ito ay kapangyarihang moral na gawin, hawakan, pakinanbangan at angkinin ang mga bagay na kailangan ng tao sa kanyang estado sa
buhay.
a. Karapatan b. Kalayaan c. Tungkulin d. Dignidad
5. Ano ang kaakibat ng karapatan na ibinigay sa tao?
a. Kapangyarihan b. Tungkulin c. Kayamanan d. Katanyagan
6. Itinuturing na moral na obligasyon ang tungkulin dahil_____.
a. Nakasalalay sa malayang kilos-loob c. Nakasalalay sa malayang pag-iisip
b. Nakasalalay sa sariling kagustuhan d. Nakasalalay sa ibang tao
7. Ang mga sumusunod ay mga paraan kung papaano ka makagaganap ng tungkulin na may pagsasaalang-alang sa karapatan ng iyong
kapwa, maliban sa______.
a. Igalang ang dignidad ng bawat tao. c. Isaalang-alang lamang ang sariling kapakanan
b. Pagmalasakitan ang lahat ng may buhay. d. Sundin ang prinsipyo ng gintong aral
8. Alin sa mga sumusunod ang hindi pagtupad sa tungkulin upang mapangalagaan ang karapatan?
a. Paggalang sa dignidad ng bawat tao c. Pagsunod sa batas
b. Paggamit ng pribilehiyo d. Pagmamalasakit sa lahat ng may buhay
9. Ito ang obligasyong moral na gawin o iwasan ang isang gawain.
a. Karapatan b. Kalayaan c. Tungkulin d. Dignidad
10. Itinuturing na kapangyarihang moral ang Karapatan dahil nagdudulot ito ng kaligayahan, kapayapaan at_______.
a. Pagkakaisa b. pagmamahal c. pag-aaruga d. pagkukusa
11. Alin ang hindi nagpapakita ng tungkuling kaakibat ng karapatan sa buhay?
a. Iniwasan ni Andrew na kumain ng karne at matatamis na pagkain.
b. Nagpatayo ng bahay-ampunan si Gng. Reyes para sa mga batang biktima ng pang-aabuso
c. Sumasali si Jayson sa mga isport na mapanganib tulad ng drag racing para sa motorsiklo.
d. Nagsimula ng soup kitchen si Aling Mameng para sa mga batang kalye.
12. Aling karapatan ang isinasaad sa bawat tungkuling nasa ibaba?
- Suportahan ang pamilya sa sapat at masustansiyang pagkain
- Gabayan ang mga anak para makaiwas sa panganib
a. Karapatan sa buhay c. Karapatang magpakasal/bumuo ng pamilya
b. Karapatang pumunta sa ibang lugar d. Karapatang maghanapbuhay
13. Aling karapatan ang kaakibat ng tungkuling patuloy sa pag-aaral upang umangat sa karera at maitaas ang antas ng pamumuhay?
a. Karapatan sa buhay c. Karapatan sa pribadong ari-arian
b. Karapatang maghanapbuhay d. Karapatang pumunta sa ibang lugar
14. Alin sa mga sumusunod ang tamang panukala?
a. Nagpapalit ang likas na batas moral sa paglipas ng panahon.
b. Iba-iba sa mga iba-ibang kultura ang likas na batas moral.
c. Isa lang ang likas na batas moral para sa lahat.
d. Ang likas na batas moral na may iba-ibang anyo.

Address: # 143 Jalandoni Street, Purok 1, Brgy. Pansol, Calamba City,Laguna 4027, Philippines
Telephone No: (049) 834-2329
Email Address: 301518@deped.gov.ph
FB Page: @DepEdTayoEBSNHS301518
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV – CALABARZON
Schools Division of Calamba City
Eduardo Barretto Sr. National High School
Pansol, Calamba City, Laguna

15. Ang sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng tunay na gumagawa maliban sa isa.


a. Si Mang Joel ay matagal ng karpintero, nakilala na siya sa kanilang komunidad dahil sa kanyang pulidong trabaho. Hindi lamang
siya umaasa sa disenyo ng arkitekto o inhinyero kundi nagbibigay din siya ng mungkahi sa mga ito kung paano mas mapatitibay at
mapagaganda ang pagkakagawa ng isang bahay.
b. Si Henry ay isang kilalang pintor. Ang kanyang panahon ay kanyang inilalaan sa loob ng isang silid para sa buong maghapong
pagtatapos ng isang obra.
c. Si Renato ay isang batang nagpupunta sa mga bahay upang kumolekta ng mga basura. Umaasa lamang siya sa kaunting barya na
ibibigay ng kanyang mga kapitbahay upang may maipambaon sa paaralan dahil gusto niyang makatapos.
d. Mula pagkabata, si Anthony ay napilitang tumira sa isang malaking pabrika bilang trabahador. Iniwan na siya ng kanyang mga
magulang sa lugar na ito dahil mayroong siyang naiwang utang at hindi nabayaran. Bilang kapalit, si Anthony ay magtatrabaho rito
ng ilang taon.
16. Ito ay tumutukoy sa isang sistema na ipinatutupad sa pamamagitan ng mga institusyon ng lipunan upang gabayan at kontrolin ang mga
kilos ng tao.
a. Batas b. Likas na batas moral c. Paggawa d. Tungkulin
17. Ito ang kinikilalang batayan ng lahat ng batas.
a. Konstitusyon b. Likas na batas moral c. bibliya d. tao
18. Ang mga sumusunod ay katangian ng likas na batas moral, maliban sa___________.
a. Unibersal b. eternal c. nagkokontrol d. obhetibo
19. Ang likas na batas moral ay nakaugat sa _________.
a. Eternal Law/Batas ng Kalikasan c. Batas ng tao c. Konstitusyon d. International Law
20. Ang likas na batas moral ay katotohanan, hindi batay sa opinion ninuman.
a. Obhetibo b. eternal c. unibersal d. subhetibo
21. Ang mga sumusunod ay mahalagang layunin ng paggawa, maliban sa:
a. Ang tao ay gumagawa upang may magamit para sa kaniyang mga pangangailangan.
b. Makapagbigay kontribusyon sa pag-unlad ng teknolohiya at siyensiya.
c. Maisulong ang tradisyon, paniniwala, kaugalian at etika ng pamayanan.
d. Maisulong ang sariling kapakanan
22. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng panlipunang dimensyon ng paggawa?
a. Ang paggawa ay paggawa para sa kapwa at kasama ang kapwa.
b. Ang paggawa ay paggawa ng isang bagay para sa iba.
c. Ang paggawa ay nagbubukas para sa pagpapalitan, ugnayan at pakikisangkot sa ating kapwa.
d. Ang paggawa ay pagkilala sa kagalingan ng mga likha ng kapwa.
23. Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng bolunterismo?
a. Tuwing Sabado at Linggo ay tinuturuan ni Karen ang mga batang hindi nakapag-aaral sa kanilang lugar upang matutong bumasa at
sumulat.
b. Si Jerick ay pumupunta sa bahay ampunan ng mga bata upang alagaan ang mga ito tuwing bakasyon.
c. Tuwing eleksyon ay sinisigurado ni Rechelle na bumoto at piliing mabuti ang tunay na karapat-dapat na mamuno.
d. Sumali si Darlyn sa paglilinis ng paligid sa kanilang barangay sapagkat nais niyang makiisa sa layunin nitong mapanatili ang
kalinisan at kalusugan ng kanyang mga kapit-bahay.
24. Hindi nakalahok si Rico sa Oplan Linis ng kanilang barangay sapagkat inalagaan niya ang kanyang bunsong kapatid na maysakit ngunit
siya ay nagbigay ng gamit sa paglilinis tulad ng walis tingting at sakong paglalagyan ng basura. Ano kayang antas ng pakikilahok ang
ipinakita ni Rico?
a. Impormasyon b. Konsultasyon c. Sama-samang Pagkilos c. Pagsuporta
25. Ilan sa mga hakbang na maaring gawin ng tao upang mapagbuti ang paggawa ay ang mga sumusunod:
a. Isaisip na ang pagkilos ay para sa kapurihan ng Lumikha.
b. Isaisip na ang paggawa ay biyaya para sa sariling kapakinabangan lamang
c. Isapuso na kabahagi ang iyong kakayahan sa pagbubuo ng isang nagkakaisang lipunan.
d. Gawin ang buong makakaya sa paggawa sapagkat ito ay makapag-papaunlad ng iyong sarili gayundin sa iyong kapwa.
26. Ito ay ang paggawa na bukal sa loob at hindi napipilitan lamang. Isa ito sa mga paraan ng pagpapakita ng malasakit sa kapwa.
a. Bolunterismo b. Karapatan c. Tungkulin d. Pakikilahok
27. Ito ay mga responsibilidad na ibinigay sa tao upang kaniyang gampanan ng may kasiglahan tungo sa kaayusan ng nakararami.
a. Bolunterismo b. Karapatan c. Tungkulin d. Pakikilahok

Address: # 143 Jalandoni Street, Purok 1, Brgy. Pansol, Calamba City,Laguna 4027, Philippines
Telephone No: (049) 834-2329
Email Address: 301518@deped.gov.ph
FB Page: @DepEdTayoEBSNHS301518
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV – CALABARZON
Schools Division of Calamba City
Eduardo Barretto Sr. National High School
Pansol, Calamba City, Laguna

28. Ilan sa mga pakinabang sa tao ang pagsasakatuparan ng bolunterismo ay ang mga sumusunod, maliban sa:
a. nagbibigay ito ng kagalakan sa taong gumagawa
b. napauunlad ang kaniyang sarili
c. nagiging bahagi ng kaayusan at kabutihan ng pamayanan
d. Makakamit ang sariling layunin nang walang pagsaalang-alang sa kapakanan ng kapwa.
29. Sa patuloy na paggamit nito ay iyong napauunlad at nagiging kabahagi ng kabutihan ng iyong kapwa.
a. Kakayahan b. Kayamanan c. Kultura d. Pakikisalamuha
30. Ang tao ay “panlipunang nilalang,” ito ay ayon kay________.
a. Sto. Tomas de Aquino b. Dr. Manuel Dy Jr. c. Plato d. Aristotle

II Isulat kung Tama o Mali ang bawat pahayag.


31. Bawat karapatan ay may kaakibat na tungkulin. Ang karapatang pantao na kaloob ay hindi pansarili lamang.
32. Ang bawat tao - anuman ang kasarian, lahi, estado sa lipunan, opinyon sa mga isyung politikal, wika, edad, nasyonalidad, o relihiyon –
ay may tungkulin na pakitunguhan ang lahat ng tao sa paraang makatao.
33. Ang batas ng tao ay ginawa ng tao upang protektahan ang mga may kapangyarihan.
34. Ginawa ang batas para sa tao at hindi ang tao para sa batas.
35. Ginawa ang batas upang kontrolin lamang ang kilos at kagustuhan ng tao.
36. Ang Likas na Batas Moral ay batayan ng lahat ng batas.
37. Ang Likas na Batas Moral ay katotohanan na hindi batay sa opinion ninuman.
38. Ang gawi at pananaw sa paggawa ay maaaring makatutulong o hindi makatulong upang matapos ang gawain.
39. Ang gawain ng tao ay likas na hindi nakaugnay sa gawain ng kanyang kapwa.
40. Ang tunay na halaga ng tao ay nakabatay sa kung paano niya pinagsisikapang hubugin ang kanyang mabuting pagkatao. Hindi ito
nakabatay sa anumang pag-aari o yaman.

III Pagtapat-tapatin: Tukuyin ang kaakibat na tungkulin ng bawat Karapatan. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot.
Karapatan Tungkulin
41. Magtrabaho/maghanapbuhay a. Pangalagaan
42. Sumamba/ihayag ang pananampalataya b. Palaguin/gamitin upang tumulong sa pamayanan
43. Buhay c. Supotahan/gabayan
44. Pribadong ari-arian d. Igalang
45. Pumunta sa ibat-ibang lugar e. Sundin ang mga panuntunan
f Gawing marangal

IV Sa iyong sagutang papel, buuin ang mahalagang kaisipang ito.

Pribilehiyong maituturing ang mga (46) k _ _ _ _ _ t _ n na mayroon ang isang tao. Ibinigay ito sa tao sapagkat ito ay mga bagay na
kinakailangan upang siya ay mabuhay nang (47) m _ _ _ w _ _ _ y, umuunlad at nagiging kabahagi ng pagtupad ng layunin ng (48) l _ p _ _ _ n.
Kaakibat ng mga karapatan na ipinagkaloob sa indibidwal ay ang mga (49) t _ _ g _ _ _ _ n na dapat niyang gampanan upang lalo pang
mapaunlad ang kaniyang pagkatao. Malaya kang makapamumuhay nang may kagalakan at kasapatan kung iyong gagawin ang mga naiatang na
gampanin. Magagawa mo ito kung isasaalang-alang ang (50) d _ _ _ i _ _ d ng iyong kapwa at kung ang tungkulin mo ay gampanan upang
karapatan ng iba ay matamasa.

Inihanda Ni: Iniwasto Ni: Pinagtibay Ni:

JAYSON T. OCA IRENE N. PANTOJA CHARITO V. BERNAS


Teacher I, EsP Head Teacher III, TLE/ESP Princi

Address: # 143 Jalandoni Street, Purok 1, Brgy. Pansol, Calamba City,Laguna 4027, Philippines
Telephone No: (049) 834-2329
Email Address: 301518@deped.gov.ph
FB Page: @DepEdTayoEBSNHS301518

You might also like