You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division Of Pampanga
SAN MATIAS NATIONAL HIGH SCHOOL
L. Gomez Subd. San Matias, Sto. Tomas, Pampanga
Tel. No. (045) 436-0669 Email Ad. depedsmnhs@yahoo.com
Second Grading Summative Test sa EsP 9

Panuto : Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang bago ang bilang.(1-15)

_C__1. Ang ating lipunan ay binubuo ng mga batas na nilikha para sa kabutihang panlahat.
a.Protektahan ang mayayaman at may kapangyarihan.
b.Ingatan ang interes ng marami.
c.Itaguyod ang karapatang-pantao.
d.Kondenahin ang mapagsamantala sa kapangyarihan.

__D__2. Saan matatagpuan at makikilala ang likas na Batas Moral?


a.Mula sa aklat ni Tomas de Aquino
b.Mula sa pagkaunawa ng isip ng tao
c.Mula sa kaisipan ng mga pilosopo
d.Mula sa Diyos

__B__3. Sa paanong paraan natututuhan ang Likas na Batas Moral?


a.Ibinubulong ng anghel
b.Itinuturo ng bawat magulang
c.Naiisip na lamang
d.Sumisibol mula sa konsensiya

_B___4. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan na tama ang isang pasiya o desisyun?
a.ito ay ayon sa mabuti
b.Walang nasasaktan
c.Makapagpapabuti sa tao.
d.Magdudulot ng kasiyahan

__D__5. Paano mailalarawan ang isang taong buo ang pagkatao?


a.May pagsaklolo sa iba
b.Pagiging matulungin sa kapuwa
c.Pagkampi sa tao
d.Tunay ang pagsunod sa utos ng Diyos

__A__6. Alin ang batayan ng pagiging pantay ng tao sa kaniyang kapuwa?


a.Karapatan
b.Isip at kilos-loob
c.Kalayaan
d.Dignidad

___A__7. Aling karapatan ang kaakibat ng tungkulin ng patuloy na pag-aaral upang umangat ang
karera at maitaas ang antas pamumuhay.
a.Karapatan sa buhay
b.Karapatan sa pribadong ari-arian
c.Karapatang maghanapbuhay
d.Karapatang pumunta sa ibang lugar

__A___8. Alin ang hindi kahulugan ng pakikilahok?


a.Isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat ng mayroong kamalayan at
pananagutan tungo sa kabutihang panlahat.
b.Isang malayang pagpili.Hindi maaaring pilitin ang tao para isagawa ito.
c.Maaaring tawaging bayanihan,damayan,o kawanggawa.
d.Tumutulong sa tao upang maging mapanagutan sa kapuwa.

___B__9. Alin ang taglay ng tao kaya siya karapat-dapat sa pagpapahalaga at paggalang ng
kaniyang kapuwa?
a.Bolunterismo b.Dignidad c.Pakikilahok d.Pananagutan

mabfa2019
__A___10. Ano ang dapat kilalanin ng tao upang makagawa ng pakikilahok?
a.Pananagutan b.Tungkulin c.Dignidad d. Karapatan

___D__11. Hindi nakilahok si Roco sa Oplan Linis ng kanilang barangay dahil inaalagaan niya ang
kaniyang bunsong kapatid na maysakit ngunit siya ay nagbigay ng gamit sa paglilinis tulad
ng walis tingting at sako na paglalagyan ng basura.Ano kayang antas ng pakikilahok ang
ipinakita ni Roco?
a.Impormasyon b.Konsultasyon c.Sama-samang pagkilos d.Pagsuporta

__A__12. Ano-ano ang dapat makita sa isang taong nagsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo?
a.Pagmamahal,Malasakit, at Talento
b.Panahon,Talento,at Kayamanan
c.Talento,Panahon, at Pagkakaisa
d.Kayamanan,Talento, at Bayanihan

__B__13. Ano ang makakamit ng ating lipunan kung ang bawat isa ay nagsasagawa ng pakikilahok
at bolunterismo?
a.Pagkakaisa b.Kabutihang Panlahat c.Pag-unlad d. Pagtataguyod ng Pananagutan

__D__14. Nagbigay ng kakayahan upang makagawa ang tao.


a.Magulang b.Lider c. Kaibigan d. Diyos

__A_15. Ito ay ang kapangyarihang moral na gawin,hawakan,pakinabangan at angkinin ang mga


bagay na kailangan ng tao.
a.Karapatan b. Tungkulin c. Paggawa d. Bolunterismo.

16-30 Isulat ang salitang TAMA kung ang isinasaad ng pangungusap ay tama at MALI kung hindi tama
ang isinasaad ng pangungusap.

MALI 16. Karapatan ng tao na sarilinin ang mga pribadong ari-arian kahit ito ay sobra-sobra.
TAMA_____17. Sa karapatang sumamba ay tungkulin ng tao na igalang ang relihiyon o paraan ng
pagsamba ng iba.
TAMA____18. Ang tungkulin ay dapat tanggapin ng bawat-isa.
MALI______19. Sa paggawa tama lang kung ano ang nais ibibigay.
TAMA_____20. Ang paggawa ay higit pa sa pagkita lamang ng salapi.
MALI______21. Kapurihan sa sarili lamang ang pagbibigay ng panahon at pagod sa paggawa.
MALI______22. Mahalaga ang layunin sa paggawa kesa sa taong gumagawa.
TAMA_____23. Ang tao ay may pananagutan na magbahagi sa kaniyang kapuwa at sa lipunang
kinabibilangan.
TAMA_____24. Isa sa kabuluhan ng pakikilahok ay ang naibabahagi ang sariling kakayahan na
makatulong dsa pagkamit ng Kabutihang Panlahat.
MALI______25. Nasa Genesis 2:19 nakasaad ang “hindi mainam na mag-isa ang tao bibigyan ko siya
ng makakasama at makakatulong.
TAMA_____26. Isa sa antas ng pakikilahok ang magkaroon ng impormasyon
MALI______27. Ang pakikilahok may dapat minsanan lamang.
TAMA_____28. Mapapadali ang trabaho kung ikaw lang mag-isa walang istorbo.
MALI______29. Sa bolunterismo,kung hindi mo gagawin ,ay hindi ka apektado.
TAMA_____30. Isa sa bolunterismo ang pakikilahok sa paglilinis sa paligid ng iyong baranggay.
MALI______31. Natutunan lang natin ang mabuti sa ating mga magulang.
MALI_____32. Ang masama ang laging pakay at layon ng tao.
TAMA_____33. Likas sa tao ang hangarin ang mabuti.
MALI______34. Lahat ng tao ay nagiging makatao.
MALI______35. Iba-iba ang pormula ng likas na batas moral, itinuturo nito ay isa
lamang , kakasangkapanin ang tao.
36-50- Sagutin ang mga sumusunod na katanungan
36-40-Magbigay ng limang karapatan na sa iyong palagay ay naisasabuhay mo na sa
kasalukuyan.Ipaliwanag bakit ang mga ito ang nagingb kasagutan.
41-45-Ipaliwanag sa limang pangungusap ayon sa iyong sariling pagkaunawa ang Prinsipyo ng “First
Do NO Harm”.”
46-50-Ayon sa iyong sariling pananaw ,bakit mahalaga ang paggawa sa tao?
.
To God be the Glory in Everything we do!
Prepared by:

mabfa2019
Mrs.Ruby R. Manalastas
EsP Teacher

mabfa2019

You might also like