You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA
SAN VICENTE SAN FRANCISCO HIGH SCHOOL
SAN FRANCISCO, MACABEBE, PAMPANGA

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP 9


2023-2024
Name: ________________________________ Grade 9 - ________________ Date:_______________
I. MARAMIHANG PAGPIPILIAN
PANUTO: Isulat ang TITIK ng iyong sagot sa sagutang papel.
____1. Ano ang tawag sa Samahan ng mga tao na nag-uugnayan sa isa’t-isa sa pamamagitan ng isang
layunin?
a. samahan b. lipunan c. grupo d. magkakaibigan
____2. Ito ang tunay na layunin at tunguhin ng lipunan?
a. kapayapaan b. kabutihang panlahat c. katiwasayan d. kasaganaan
____3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI elemento ng kabutihang panlahat?
a. Paggalang sa indibidwal na tao b. Katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat
c. Kapayapaan d. Pagpapahalaga na nagbibigay ng tunay na kaganapan.
____4. Upang mabuo ang isang lipunan at magbuklod ang mga tao, kailangan ang..
a. Pagkakasunduan b. Pagbibigayan c. Pag-uugnayan d. Paggalang sa bawat isa
____5. Ano ang kabutihang panlahat?
a. Kabutihan ng iisa lamang b. Kabutihan ng isang pangkat sa lipunan
c. Kabutihan ng tao d. Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi nito.
____6. Ang mga sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat maliban sa:
a. Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiiambag ng sarili kaysa sa iba
b. Pakikinabang lamang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat
c. Pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan
d. Pagkilos na naaayon sa ikabubuti ng karamihan.
____7. “Binubuo ng tao ang lipunan at binubuo ng Lipunan ang tao”. Ang katagang ito ay winika ni?
a. Sto. Tomas de Aquino b. Dr. Manuel Dy c. Joseph dela Torre d. Bill Clinton
____8. “Sa pamamagitan lamang ng lipunan makakamit ng tao ang layunin ng kanyang pagkakalikha. Ang
katagang ito ay ayon kay;
a. Sto. Tomas de Aquino b. Dr. Manuel Dy c. Joseph dela Torre d. Bill Clinton
____9. Alin sa mga sumusunod ang hindi masasabing katuwang ng institusyon ng lipunan?
a. paaralan b. pamilya c. bahay pasugalan d. simbahan
____10. Ano ang pagkakaiba ng lipunan sa komunidad?
a. Sa lipunan, ang nangingibabaw ay ang isang tunguhin o layunin samantalang sa komunidad ang mahalaga
ay ang pagakakabuklod-tangi ng mga kabilang dito.
b. Sa lipunan, ang pangkat ng mga tao ay may nagkakaisang interes, mithiin at pagpapahalaga, samantalang
sa komunidad, ang namumuno ang nagbibigay ng direksyon sa mga taong kasapi nito.
c. Sa lipunan, ang namumuno ay inatasan ng mga mamamayan na kamtin ang mithiin ng mga kasapi nito,
samantalang sa komunidad, ang mga tao ang nararapat na manaig sa pagkamit ng kanilang mithiin.
d. Sa lipunan, mas malaking pamahalaan ang nakasasakop samantalang sa komunidad ay mas maliit na
pamahalaan.
____11. Ang mga sumusunod ay mga hadlang sa kabutihang panlahat ng tao, maliban sa ______________.
a. Ang indibiwalismo o ang paggawa ng tao ng kaniyang personal na naisin.
b. Ang bawat indibidwal ay gustong mamuhay sa lipunan dahil sa kaniyang pangangailangan.
SAN VICENTE SAN FRANCISCO HIGH SCHOOL
Address: #23 San Francisco Macabebe, Pampanga
Contact Number: 0917-117-1786
Email: svsfhs@gmail.com
c. Ang pakiramdam na nalalamangan o mas malaki ang naiaambag niya kaysa sa nagagawa ng iba.
d. Nakikinabang lamang sa mga benepisyong hatid ng kabutihang panlahat, subalit tinatanggihan ang
bahaging dapat gampanan upang mag-ambag sa pagkamit nito.
____12. “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para sa iyo, kundi itanong mo kung ano
ang magagawa mo para sa iyong bansa.” Ang mga katagang ito ay winika ni;
a. Aristotle b. St. Thomas Aquinas c. John F. Kennedy d. Mother Teresa of Calcuta
____13. Paano mo masasabi na ikaw ay isang mabuting kasapi ng lipunan? Iniiisip ang….
a. kabutihan para sa sarili c. kakainin sa susunod na araw
b. kabutihan para sa iba d. nagiging vigilante sa mga bagay bagay
____14. Alin sa mga sumusunod ang maaring ihambing ang isang lipunan?
a. Pamilya b. Barkada c. Organisasyon d. Magkasintahan
____15. Ito ay proseso ng paghahanap sa Kabutihang Panlahat at ang ideya ay mabigyang prayoridad at
pagpapahalaga ang mga ugnayan sa loob ng pamayanan.
a. Lipunang Politikal c. Pinuno at pamayanan
b. Pananagutan ng mga pinuno d. Prinsipyo at Pagkakaisa
____16. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng mahusay na pamamahala?
a. May pagkilos mula sa mamamayan para sa kapwa mamamayan lamang.
b. May pagkilos mula sa mamamayan patungo sa namumuno.
c. May sabay na pagkilos ng namumuno at mamamayan.
d. May pagkilos mula sa namumuno patungo sa mamamayan.
____17.Ano ang tawag sa nabuong gawi, tradisyon,paraan ng pagpapasiya at mga hangarin ng isang
pamayanan?
a. batas b. kultura c. organisasyon d. relihiyon
____18. Ito ang tawag sa paraan ng pagsasaayos ng lipunan upang masiguro na ang bawat isa ay malayang
magkaroon ng maayos na pamumuhay at makamit ang pansariling mithiin sabay ang kabutihang panlahat.
a. pampolitika b. pagkakaisa c. pagtutulungan d. pagbubuklod-buklod
____19. Ang mga sumusunod ay ideya sa Lipunang Poltikal maliban sa…
a. Naglilingkod ng para sa sariling kapakanan lamang.
b. Nagtitiwala ang mga mamamayan sa pangulo.
c. Ang pangulo ang maglilingkod sa mga mamamayan.
d. Kapwa “boss” ang pangulo at ang mamamayan.
____20. Ang Lipunan ay nanggaling sa salitang ‘lipon’ na nangangahulugang pangkat. Ang komunidad
naman ay galitang sa latin na salita na _____________ na nangangahulugang nagkakaparepareho.
a. common b. commune c. communis d. commun
____21. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng Prinsipyo ng Pagkakaisa, maliban sa isa.
a. Pakikilahok sa mga gawain ng barangay. c. Pagbibigay ng panahon sa pakikipagpulong
b. Pagkakaroon ng di pagkakaunawaan. d. Pakikiisa sa mga proyekto na makakatulong sa iba.
____22. Binibigyang diin ng prinsipyo ng subsidiarity ang mga sumusunod, maliban sa:
a. karapatan b. kalayaan c. pagkakapantay-pantay d. katauhan ng isang indibidwal
____23.Alin sa sumusunod ang makakapagpatatag ng lipunan?
a. pagsisikap ng bawat tao c. pagsasabuhay ng moral na pagpapahalaga
b. mapanatili ang kabutihang panlahat d. lahat ng nabanggit
____24. Ang tunay na “boss” sa isang lipunang pampolitika ay ang:
a. mamamayan b. pangulo c. pangulo at mamamayan d. kabutihang panlahat
____25. Ang mahusay na pamamahala ay may kilos na:
a. Mula sa mamamayan patungo sa namumuno c. Parehong a at b
b. Mula sa namumuno patungo sa mamamayan d. Mula sa mamamayan para sa nasa mamamayan
____26. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng Prinsipyo ng Subsidiary?
a. Ang pagsasapribado ng mga gasolinahan c. Ang pagsisingil ng buwis sa mga mamamayan
b. Ang pagbibigay ng mga Public Bidding d. Ang pagbibigay ng mga pabahay para sa mga mahihirap.
____27. Ano ang kahulugan ng prinsipyo ng proportio ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
a. Pantay na pagkakaloob ng yaman sa lahat ng tao.
b. Angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa kakayahan ng tao.

SAN VICENTE SAN FRANCISCO HIGH SCHOOL


Address: #23 San Francisco Macabebe, Pampanga
Contact Number: 0917-117-1786
Email: svsfhs@gmail.com
c.Angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa pangangailangan ng tao.
d. Pantay na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan at pangangailangan ng tao.
____28. Ano ang kahulugan ng salitang “oikos”?
a. paaralan b. bahay c. simabahan d. palengke
____29.Ano ang kahulugan ng salitang “nomos”?
a. pamahalaan b. pamamahala c. pamunuan d. lipunan
____30. Ang mga sumusunod ay katotohanan sa likod ng paniniwala na ang tao ay nilikhang pantay-pantay
maliban sa.
a. Ang lahat ay nilikha ng Diyos c. Ang lahat ay may angking kakayahan.
b. Ang lahat ay mayroong iisang mithiin d. Ang lahat ay mayroong mga ari-arian
____31. “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para sa iyo, kundi itanong mo kung ano
ang magagawa mo para sa iyong bansa.” Ang mga katagang ito ay winika ni:
a. Aristotle b. Bill Clinton c. John F. Kennedy d. St. Thomas Aquinas
____32. “Ang tunay na mayaman ay ang taong nakikilala ang sarili bunga ng kaniyang paggawa. Hindi sa
pantay-pantay na pagbabahagi ng kayamanan ang tunay na kayamanan. Nasa pagkilos ng tao sa anumang
ibinigay sa kanya ang kaniyang ikayayaman.Ano ang kahulugan ng pahayag na ito?
a. Maipagmamalaki ng tao ang mga kagamitan na mayroon siya.
b. Naipapakita ng tao ang kaniyang sarili sa husay niya sa paggawa.
c. Ang tunay na mayaman ay hindi takot gumastos para sa mga hilig niya.
d. Mahusay ang taong may kakayahang makabili ng lahat ng kaniyang naiisin.
____33. Paano masisiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa Lipunang Pang-ekonomiya?
a. Nagbibigay ng pinansyal na tulong ang nasa pamahalaan.
b. Tinutulungan ng estado ang mga manggagawa na makahanap ng trabaho.
c. Sinisikap ng estado na mabigyan ng maayos na trabaho ang mga mamamayan.
d. Sa pangunguna ng estado, napangangasiwaan at naibabahagi ang patas na yaman ng bayan.
____34. “Ang bahagi ng pagiging tao ng tao ang pagkakaroon ng magkaibang lakas at kahinaan.” Ang
katagang ito ay ayon kay
a. Max Scheler b. Emile Durkheim c. Karl Marx d. Sto. Tomas de Aquino
____35. Ang pamahalaan ay gumagawa at nagpapatupad ng batas upang matiyak na:
a. Bawat mamamayan ay may tungkuling dapat gampanan
b. Matutugunan ang mga pangangailangan ng lahat
c. Walang magmamalabis sa lipunan
d. Ang lahat ay magiging masunurin
____36. Alin sa mga sumusunod ang makatarungang programa ng gobyerno?
a. Paggiba sa mga tahanan ng mga iskwater
b. Paglilipat ng mga mahirap sa mga probinsya
c. Paggawa ng mga bahay na abot-kaya ng mga mahihirap
d. Paglulunsad ng housing project para marentahan ang mga mayayaman
____37. Bakit magkaugnay ang pag-unlad ng sarili sa pag-unlad ng bayan?
a. Ito ay samahan ng mga kababaihan na nagtipun-tipon noong 1984 at nabuo bilang isang lipunang sibil at
kalaunan ay nagkaroon ng kinatawan sa Kongreso.
a. Gabriela b. Couples for Christ c. Peace Advocates Zamboanga d. Wala sa nabanggit
____38. Ang media ay pinaglalagakan lamang ng mga katotohanang kailangan ng lipunan para sa ikabubuti
ng bawat kasapi nito. Ito ay hindi isang lakas na nananalasa kundi isang pag-ibig na lumikha ay winika ni.
a. San Ignacio b. Malala Yousafzai c. Mother Teresa of Calcuta d. Papa Juan Pablo II
____39. Ang kahulugan ng mass media ay:
a. Ang paghahatid ng maraming impormasyon. b. Mga impormasyong nagpasalin salin sa marami
d. Mga impormasyong hawak ng marami. c. Sabay-sabay at maramihang paghahatid ng impormasyon.
____40. Ang mass media ay may hatid ding kasinungalingan kung________________.
a. Pagsambit ng mga maliit na detalye
b. Pagpapahayag ng kani-kaniyang opinyon
c. Paglalahad ng isang panig ng usapin lamang
d. Paglalahad ng mga impormasyon hindi lamang pakikinabangan

SAN VICENTE SAN FRANCISCO HIGH SCHOOL


Address: #23 San Francisco Macabebe, Pampanga
Contact Number: 0917-117-1786
Email: svsfhs@gmail.com
____41. Walong taong gulang na sumulat ng blog na naglalarawan kung gaano kadelikado ang mag-aral sa
gitna ng panggigipit ng mga Taliban.
a. San Ignacio b. Malala Yousafzai c. Mother Teresa of Calcuta d. Papa Juan Pablo II
____42. Ito ang pangunahing layunin ng lipunang sibil
a. Pagtalakay sa mga suliraning Panlipunan.
b.Pagbibigay-lunas sa suliranin ng karamihan.
c. Pagbibigay-pansin sa pagkukulang ng pamahalaan
d. Pagpaparating ng mga karaingan ng mga mamamayan
____43.Ang kauna-unahang grupo na nagpatayo ng pabahay para sa isang mahirap na mag-anak sa Bagong
Silang.
a. Gabriela b. Couples for Christ c. Peace Advocates Zamboanga d. Wala sa nabanggit
____44. Ito ay grupo ng mga tao na nagpatatag sa ugnayan ng mga Kristiyano at Muslim.
a. Gabriela b. Couples for Christ c. Peace Advocates Zamboanga d. Wala sa nabanggit
____45.Ang Gabriela ay samahan ng mga kababaihan na nagtipun-tipon noong 1984 at nabuo bilang isang
lipunang sibil at kalaunan ay nagkaroon ng kinatawan sa Kongreso. Isinusulong ng grupo ang kapakanan ng
mga kababaihan,maliban sa;
a. Anti-Rape Law c. Anti-Sexual Harassment Act
b. Anti-Trafficking of Persons Act d. Catholic Women’s League
____46.Bakit nagkukusa tayong mag-organisa at tugunan ang pangangailangan ng nakararami?
a. Hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang tumugon sa pangangailangan ng mga mamamayan.
b. Ang sama samang pagkilos ay nagpapagaan sa gawain.
c. Walang ibang maaring gumawa nito para sa atin.
d. Sa ganito natin maipapakita an ating pagkakaisa
____47. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na lipunang sibil?
a.malayang pagsisid sa karagatan c.pagbabasa ng mga magazines
b.pamamasyal sa park o mall d.paggawa ng mga compost pit upang paglagyan ng nabubulok na basura.
____48.Ito ang pinakamabigat na dahilan kung bakit tayo nagpapatulong sa iba.
a. Hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan na matugunan ang ating mga pangangailangan.
b.Dito naipapakita natin ang pagkakaisa.
c. Hindi natin kayang tugunan ang lahat ng ating pangangailangan ng nag-iisa.
d.Gusto nating magkaroon ng kabuluhan ang taglay na kakayahan ng iba.
____49. Ang iyong ___________ay naisasabuhay mo sa pamamagitan ng pagtuwang sa lipunan.
a. pagsisikap b. pagpupunyagi c. pananalangin d. pananampalataya
____50. Alin sa mga ito ang hindi halimbawa ng mass media.
a. telebisyon b. aklat c. diyaryo d. radyo

“Be the change you want to see in the world” - Mahatma Ghandi

Prepared by:

Ma’am Anjaneth B. Perez

Checked by:

Ma’am Luzviminda R. Canilao

SAN VICENTE SAN FRANCISCO HIGH SCHOOL


Address: #23 San Francisco Macabebe, Pampanga
Contact Number: 0917-117-1786
Email: svsfhs@gmail.com

You might also like