You are on page 1of 5

Badas National High School

Unang Markahan Pagsusulit


Edukasyon sa Pagpapakatao
Grade 9
Pangalan: _________________________________ Taon/Pangkat: ______________________

PANGKALAHATANG PANUTO:
Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat
ang titik nito sa sagutang papel.

____1. Ayon kay Dr. Manuel Dy, isang propesor ng Pilosopiya sa Ateneo de Manial University, binubuo ng tao ang
lipunan at binubuo ng lipunan ang tao. Ito ay nangangahulugang:
a. Ang tao ang gumagawa sa lipunan at kaalinsabay nito ay ang lipunan at hinuhubog ng lipunan ang mga tao
b. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil mula sa kaniyang pagsilang ay nariyan na ang pamilyang nag-aaruga sa
kaniya; binubuo ng lipunan ang tao dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito.
c. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil ang kanilang mg kontribusyon ang nagpapalago at nagpapatakbo dito;
binubuo ng lipunan ang tao dahil ang lipunan ang nagbubuklod sa lahat ng tao.
d. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil pamilya ang nag-aruga sa tao at dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng
bahagi nito; binubuo ng lipunan ang tao dahil sa lipunan makakamit ang kaniyang kaganapan ng pagkatao.

____2. Ang mga sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat maliban sa:

a. Paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad


b. Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiiambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng iba
c. Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit pagtanggi sa pagbabahagi para sa
pagkamit nito
d. Pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan.

____3. Ano ang pagkakaiba ng lipunan sa komunidad?


a. Sa lipunan, ang nangingibabaw ay ang iisang tunguhin o layunin samantalang sa komunidad ang mahalaga ay
ang pagkakabukod-tangi ng mga kabilang nito.
b. Sa lipunan, ang pangkat ng mga tao ay may nagkakaisang interes, mithiin at pagpapahalaga samatalang sa
komunidad, ang namumuno ang nagbibigay ng direksiyon sa mga taong kasapi nito.
c. Sa lipunan, ang namumuno ay inatasan ng mga mamamayan na kamtin ang mithiin ng mga kasapi nito
samantalang sa komunidad, nararapat na manaig sa pagkamit ng kanilang mga mithiin.
d. Sa lipunan, mas malaking pamahalaan ang nakasasakop samantalang sa komunidad ay mas maliit na
pamahalaan.

_____4. Ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang pangungusap ay:


a. Tama, dahil sa lipunan lamang siya nakapamumuhay
b. Tama, dahil lahat ng ating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon sa ating kapwa
c. Mali, dahil may mga pagkakataong ang tao ang nagnanais na makapag-isa
d. Mali, dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging panlipunan

_____5.Ang mga sumusunod ay elemento ng kabutihang panlahat maliban sa:


a. Kapayapaan
b. Katiwasayan
c. Paggalang sa indibidwal na tao
d. Tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng lahat

____6. “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para sa iyo, kundi itanong mo kung ano ang magagawa
mo para sa iyong bansa.” Ang mga katagang ito ay winika ni:
a. Aristotle b. St. Thomas Aquinas
c. John F. Kennedy d. Bill Clinton

____7. Ano ang tunay na layunin ng lipunan?


a. kapayapaan c. katiwasayan
b. kabutihang panlahat d. kasaganaan

____8. Ano ang kabutihang panlahat?


a. Kabutihan ng lahat ng tao
b. Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan
c. Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan
d. Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi nito

____9. Ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa tunguhin ng bawat indibidwal. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil sa pagkakataon na ganito lamang matitiyak na makakamit ang tunay na layunin ng lipuhnan
b. Tama, dahil mahalagang makiayon ang bawat indibidwal sa layuning itinalaga ng lipunan
c. Mali, dahil may natatanging katangian at pangangailangan ang bawat isang indibidwal
d. Mali, dahil ang bawat indibidwal sa lipunan ang nararapat na nagtatakda ng mga layunin

____10. Kalayaan at pagkakapantay-pantay ang nararapat na manaig sa lipunan. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil ito ang mahalaga upang mangibabaw ang paggalang sa mga karapatan ng tao
b. Tama, dahil ito ay inilaan na makamit ng tao sa lipunan ayon sa Likas na Batas
c. Mali, dahil sa kalayaan, masasakripisyo ang kabutihang panlahat at sa pagkakapantay-pantay,
masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal
d. Mali, dahil sa kalayaan, masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal at sa pagkakapantay-pantay,
masasakripisyo ang kabutihang panlahat

____11. Saan inihambing ang isang pamayanan?


a. Pamilya b. Organisasyon c. Barkadahan d. Magkasintahan

____12. Ang mahusay na pamamahala ay may kilos na ito.


a. Mula sa mamamayan patungo sa namumuno
b. Mula sa namumuno patungo sa mamamayan
c. Sabay
d. Mula sa mamamayan para sa nasa mamamayan

____13. Nasa kanilang kamay ang tungkulin na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan ng pamayanan.
a. Mga Batas b. Mamamayan c.Kabataan d.Pinuno

____14. Ang dahilan ng pagiging pinuno ng isang indibidwal ay…

a. Personal na katangiang pinagtitiwalaan ng pamayanan


b. Angking talino at kakayahan
c. Pagkapanalo sa halalan
d. Kakayahang gumawa ng batas

____15. Siya ay isang halimbawa ng may puso para sa lipunan dahil sa adbokasiya niya ng pagkilala sa tao lagpas sa
kulay ng balat.
a. Ninoy Aquino b. Malala Yuosafzai c. Martin Luther King d. Nelscon Manhdela

____16. Ang tunay na “boss” sa isang lipunang pampolitika ay ang…

a. Mamamayan b. pangulo c. pangulo at mamamayan d. halal ng bayan

____17. Ito ay ang proseso ng paghahanap sa kabutihang panlahat at pagsasaayos ng sarili at ng pamayanan upang
higit na matupad ang layuning ito
a. Lipunang Pulitikal b. Pamayanan c. Komunidad d. Pamilya

_____18. Ito ay mga halimbawa ng Prinsipyo ng Subsidiarity, maliban sa…


a. pagsasapribado ng mga gasolinahan
b. pagsisingil ng buwis
c. pagbibigay daan sa Public Bidding
d. pagkakaloob ng lupang matitirikan para sa pabahay

_____19. Ito ay mga halimbawa ng Prinsipyo ng Solidarity, maliban sa…


a. sama-samang pagtakbo para sa kalikasan
b. pagkakaroon ng kaalitan
c. bayanihan at kapit-bahayan
d. pagkakaroon ng panahon sa pagpupulong

____20. Ang paniniwala na “ang tao ay pantay-pantay” ay nakaugat sa katotohan na…


a. lahat ay dapat mayroong pag-aari
b. lahat ay may kani-kanyang angking kaalaman
c. lahat ay iisa ang mithiin
d. likha ang lahat ng Diyos

____21. Ano ang kahulugan ng prinsipyo ng proportio ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
a. Pantay na pagkakaloob ng yaman sa lahat ng tao
b. Angkop na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan ng tao
c. c.Angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa pangangailangan ng tao
d. Pantay na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan at pangangailangan ng tao

____22. Sa ating lipunan, alin sa mga sumusunod ang patunay na naitatali na ng tao ang kanyang sarili sa bagay?
a. Mas nararapat lamang na makatanggap ang isang tao ng tulong mula pamahalaan, kahit na kaya naman niya
itong bilhin o kaya ay hindi naman kaliangan, dahil karapatan niya ito bilang mamamayang nagbabayad ng buwis.
b. b. Hindi mabitawan ni Sheila ang kanyang lumang mga damit upang ibigay sa kamag-anak dahil mayroon itong
sentimental value sa kanya.
c. Inuubos ni Jerome ang kaniyang pera sa pagbili ng mamahaling relo na sa ibang bansa lamang mahahanap.
Ayon sa kaniya, sa ganitong paraan niya nakukuha ang labis na kasiyahan
d. Lahat ng nabanggit

_____23. Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa lipunang pang-ekonomiya maliban sa:


a. Maihahalintulad sa pamamahala ng budget sa isang bahay
b. Pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan
c. Pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao
d. Pagkilos upang masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa pamamagitan ng pangangasiwa ng
yaman na bayan
____24. Sa lipunang pang-ekonomiya, ano ang pagkakaiba ng pantay sa patas?
a. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay
pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kanyang pangangailangan
b. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat tao sa lipunan, ang patas ay pagbibigay
ng nararapat para sa tao batay sa kanyang kakayahan
c. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, patas ay ang
paggalang sa kanilang mga karapatan
d. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay pagtiyak
na natutugunan ng pamahalaan ang lahat ng pangangailangan ng mga tao
____25. Ito ang pinakamabigat na dahilan kung bakit kailangan nating magpatulong sa iba:
a. Iba’t iba tayo ng mga kakayahan.
b. Magkakaroon tayo ng panahon para sa iba pa nating nais gawin.
c. Hindi lahat ng pangangailangan natin ay matatamo nating mag-isa.
d. Nais nating magkaroon ng saysay ang kakayahan ng iba.

____26. Ang pamahalaan ay gumagawa at nagpapatupad ng batas upang matiyak na:


a. ang lahat ay magiging masunurin.
b. matutugunan ang mga pangangailangan ng lahat.
c. bawat mamamayan ay may tungkling dapat gampanan.
d. walang magmamalabis sa lipunan.

____27. Bakit nagkukusa tayong mag-organisa at tugunan ang pangangailangan ng nakararami?


a. Sa ganito natin maipapakita ang ating pagkakaisa.
b. Ang sama-samang pagkilos ay nagpapagaan sa gawain.
c. Walang ibang maaaring gumawa nito para sa atin.
d. Hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang tumugon.

____28. Pangunahing layunin ng lipunang sibil ang:


a. pagpaparating ng mga karaingan sa pamahalaan.
b. pagbibigay-lunas sa suliranin ng karamihan.
c. pagtalakay ng mga suliraning panlipunan.
d. pagbibigay-pansin sa pagkukulang ng pamahalaan.

____29. Ang kaahuluganrng “mass media” ay:


a. impormasyong hawak ng marami.
b. isahan ngunit maramihang paghahatid ng impormasyon.
c. impormasyong nagpapasalin-salin sa marami.
d. paghahatid ng maraming impormasyon.

____30. Tungkulin ng mass media ang pagsasaad ng katotohanan dahil:


a. wala tayong ibang mapagkukunan ng impormasyon.
b. nagpapasya tayo ayon sa hawak nating impormasyon.
c. maaari nating salungatin ang isinasaad nitong impormasyon.
d. ang mass media ay pinaglalagakan lamang ng impormasyon.

____31. May kasinungalingan sa mass media kung mayroong:


a. paglalahad ng mga impormasyong hindi pakikinabangan.
b. pagpapahayag ng sariling kuro-kuro.
c. paglalahad ng isang panig ng usapin.
d. pagbanggit ng maliliit na detalye.

____32. Ang pananatili nating kaanib ng isang institusyong panrelihiyon ay bunga ng:
a. kawalan ng saysay ng buhay sa gitna ng mga tinatamasa.
b. kalakarang kinamulatan natin sa ating mga magulang.
c. kapangyarihang hawak ng mga lider ng relihiyon.
d. pagkakatantong hindi tayo nag-iisa sa paghahanap ng katuturan ng buhay.

____33. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng lipunang sibil, maliban sa:
a. kawalan ng pangmatagalang liderato.
b. pagsasalungatan ng iba’t ibang paninindigan.
c. kawalan ng kuwalipikasyon ng mga kaanib.
d. panghihimasok ng estado.

____34. Ang likas na batas na moral ay:


a. nilikha ni Tomas de Aquino
b. nauunawaan ng tao.
c. inimbento ng mga pilosopo.
d. galing sa Diyos.

____35. Ang mabuti ay:


a. paggawa ng tama.
b. pagsunod sa batas.
c. pagbuo ng sarili.
d. pagsunod sa Diyos.

____36. Piliin sa mga sumusunod ang hindi ayon sa likas batas na moral:
a. Pagkaltas ng SSS, Pag-ibig, at buwis sa mga manggagawa
b. Pag-utos sa mga magiging ina na regular na magpatingin sa doctor
c. Pangungulit sa bata na maligo
d. Pagpilit sa mga tao na magsimba

____37. Paano natututunan ang likas na batas moral:


a. binubulong ng anghel.
b. tinuturo ng magulang.
c. basta alam mo lang.
d. sinisigaw ng konsensya.

____38. Piliin sa mga sumusunod ang tamang panukala:


a.Nagpapalit ang likas na batas moral sa paglipas ng panahon.
b. Iba-iba sa mga iba-ibang kultura ang likas na batas moral.
c. Isa lang ang likas na batas moral para sa lahat.
d. Isa lang ang likas na batas moral na may iba-ibang pag-aanyo.

____39.Ang tama ay pagsunod sa mabuti:


a. sa lahat ng panahon at pagkakataon.
b. ayon sa sariling tantya.
c. angkop sa pangangailangan at kakayahan.
d. nang walang pasubali.

____40. Tama ang isang bagay kung:


a. ito ay ayon sa mabuti.
b.walang nasasaktan.
c.makapagpapabuti sa tao
d.magdudulot ito ng kasiyahan.
Answer key:
1. D
2. B
3. A
4. B
5. B
6. C
7. B
8. D
9. C
10. B
11. C
12. D
13. B
14. B
15. C
16. A
17. A
18. A
19. B
20. D
21. D
22. D
23. A
24. A
25. C
26. B
27. D
28. B
29. B
30. B
31. C
32. D
33. D
34. C
35. A
36. A
37. B
38. D
39. A
40. A

You might also like