You are on page 1of 6

MADDELA MARVELOUS GRACE CHRISTIAN SCHOOL, INC.

National Highway Buenavista, Maddela, Quirino


E-mail Add: mgcs_maddela@yahoo.com

Unang Panahunang Pagsusulit sa


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
Grade 9 - Faithfulness
S.Y. 2022-2023

Pangalan : Nakuha:________
Petsa:

I. Multiple Choice
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at Piliin ang titik ng tamang sagot.

______1. Ito ang samahan ng mga tao na nag-uugnayan sa isa’t isa sa pamamagitan ng isang pinagkasunduang
sistema at patakaran.

A. Barangay C. Komunidad
B. Estado D. Lipunan

_______2. Ito ay binubuo ng mga indibidwal na magkakapareho ng mga interes, ugali o pagpapahalagang
bahagi ng isang partikular na lugar.

A. Barangay C. Komunidad
B. Estado D. Lipunan

______3. Ang lipunan ay samahan ng mga tao na may_____.


A. Iisang layunin C. Magagandang pangarap
B. Iisang paniniwala D. Magkakaugnay na mithiin
______4. Sino ang may akda ng Summa Theologica?
A. Dr. Manuel Dy Jr. C. John Rawls
B. Jacques Maritain D. Sto. Tomas Aquinas
______5. Ang pangangailangan na gaya ng pagkain, tubig, tahanan at kasuotan.
A. Pisyolohikal C. Pagmamahal at makisapi
B. Seguridad at kaligtasan D. Kaganapan ng pagkatao
______6. Kabuuang kondisyon ng lipunan na nagbibigay daan sa agad na pagtamo ng kaganapan ng pagkatao
ng lahat ng kasapi ng lipunan.

A. Kabutihang panlahat C. Kaunlaran


B. Kapayapaan D. Pagkakasundo
______7. Alin ang hindi kabilang sa elemento ng kabutihang panlahat?
A. Kapayapaan
B. Katiwasayan
C. Paggalang sa indibidwal na tao
D. Tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan
______8. Alin ang hindi kabilang sa hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat?
A. Paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad
B. Pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan
C. Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiiambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng iba
D. Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit pagtanggi sa pagbabahagi para
sa pagkamit nito
______9. Alin ang prinsipyo na nagpapakita na ang bawat kasapi o bahagi ng lipunan ay may kanya-kanyang
gampanin o tungkulin para sa pagtamo ng kabutihang panlahat.
A. Consolidation C. Sovereignty
B. Solidarity D. Subsidiarity
______10. Siya ay isang halimbawa ng may puso para sa lipunan dahil sa adbokasiya niya ng pagkilala sa tao
lagpas sa kulay ng balat.
A. Abraham Lincoln C. Martin Luther King
B. Malala Yuosafzai D. Ninoy Aquino
_____11. Ang proseso ng paghahanap sa kabutihang panlahat at pagsasaayos ng sarili at ng pamayanan
upang higit na matupad ang layuning ito.
A. Komunidad C. Pamayanan
B. Layuning Politikal D. Pamilya
______12. Sino ang kinikilala bilang tunay na boss sa isang lipunang pampolitika?
A. mamamayan C. pinuno ng simbahan
B. pangulo D. kabutihang panlahat
______13. Saan inihahambing ang isang pamayanan?
A. Pamilya C. Barkadahan
B. Organisasyon D. Magkasintahan
______14. Ano ang tawag sa nabuong gawi, tradisyon, paraan ng pagpapasiya, at mga hangarin ng isang
pamayanan?
A. Kultura C. Batas
B. Relihiyon D. Organisasyon
______15. Saan katotohanan nakaugat ang paniniwala na “ang tao ay pantay - pantay”?
A. Likha ang lahat ng Diyos C. Lahat ay dapat mayroong pag-aari
B. Lahat ay iisa ang mithiin D. Lahat ay may kani-kanyang angking kaalaman
______16. Ang paggamit ng likas na yaman para sa pagproseso, produksyon, distribusyon at pagkonsumo ng
mga produkto na kailangan sa lipunan?
A. Ekonomiya C. Pamayanan
B. Pamahalaan D. Pinuno
______17. Saan inihahambing ang isang pamayanan?
A. Pamilya C. Barkadahan
B. Organisasyon D. Magkasintahan
______18. Ang pamamamaraan ng tao sa pagkamit na mga pangangailangan upang patuloy na mabuhay.
A. Paglilibang C. Pakikipagkapwa
B. Pamamahinga D. Paghahanapbuhay
______19. Sino ang may tungkuling pangasiwaan ang patas na pagbabahagi ng yaman ng bayan?
A. Kabataan C. Mamamayan
B. Kapitalista D. Pamahalaan
______20. Ano nag pangunahing layunin ng lipunang sibil?
A. Pagtalakay ng suliraning panlipunan C. Pagpansin sa kakulangan ng pamahalaan
B. Pagbibigay ng karangalan sa pamahalaan D. Pagbibigay ng lunas sa suliranin ng karamihan
______21. Sektor ng lipunan na naglalayong mailahad ang katotohanan ayon sa kautusang moral upang
maiayos ang lipunan.
A. Media C. Pamilya
B. Organisasyong Di-pampamahalaan D. Simbahan
______22. Ano ang kahulugan ng mass media?
A. Impormasyong hawak ng marami
B. Paghahatid ng maraming impormasyon
C. Impormasyong nagpasalilsalin sa marami
D. Isahang ngunit paghahatid ng impormasyon sa nakakarami
______23. Ano ang pangunahing layunin ng lipunang sibil?
A. Pagtalakay ng mga suliraning panlipunan
B. Pagpaparating ng karaingan sa pamahalaan
C. Pagbibigay lunas sa suliranin ng karamihan
D. Pagbibigay pansin sa pagkukulang ng pamahalaan
_____24. Ang mga institusyon ay may tungkuling moral sa bawat isa sa atin. Nararapat lamang na ang mga
gawain na kanilang pinaiiral ay naaayon sa kabutihang panlahat. Nangangahulugan ito na:
A. Ang lipunan ay may pananagutan sa mga institusyon.
B. Nararapat na ang mga gawain ng mga institusyon ay makakabuti sa lahat.
C. Dapat magpairal ng mga gawain ang mga institusyon na naaayon sa mga mayayaman.
D. Ang mga gawain ng mga institusyon ay nararapat na umaayon sa kanilang pansariling kabutihan.
_____25. Ang mga pamamaraan at sistema sa lipunan ay kailangang:
A. Magkakaiba C. Pinagdebatihan
B. Magkakaugnay D. Pinagkasunduan
_____26. Ang lipunan ay para sa tao. Nangangahulugan ito na:
A. Ang mga tao ay para sa lipunan. C. Ang layunin ng lipunan ay para sa tao.
B. Ang lipunan ay binubuo ng mga tao. D. Ang lipunan at mga tao ay magkakaugnay.
_____27. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng kabutihang panlahat?
A. Kabutihan ng lahat ng tao
B. Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan
C. Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan
D. Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng kasapi nito
_____28. Ang pamahalaan ay gumagawa at nagpapatupad ng batas upang matiyak na:
A. Ang lahat ay magiging masunurin.
B. Walang magmamalabis sa lipunan.
C. Matutugunan ang mga pangangailangan ng lahat.
D. Bawat mamamayan ay may tungkling dapat gampanan.
_____29. Alin ang kahulugan ng prinsipyo ng proportio ayon kay Sto. Tomas Aquinas?
A. Pantay na pagkakaloob ng yaman sa lahat ng tao
B. Angkop na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan ng tao
C. Angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa pangangailangan ng tao
D. Pantay na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan at pangangailangan ng tao

_____30. Alin ang bunga ng paglago ng ekonomiya?


A. Ang mga mahihirap ay biktima ng ekonomiya.
B. Ang lahat ng kasapi ng lipunan ang nagpapatakbo ng ekonomiya.
C. Ang pamahalaan lamang ang may karapatang mamahala sa takbo ng ekonomiya.
D. Ang mayayaman lang ang nakikinabang sa ekonomiya dahil sila lang ang maraming pambili ng
mga produkto.
_____31. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa lipunang ekonomiya?
A. Limitadong galaw sa pakikipagkalakalan
B. Pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan
C. Ang mga may kapital lamang ang nakakapagbukas ng negosyo
D. Paglustay sa kaban ng bayan upang masiguro na ang bahay ay magiging tahanan
______32. May kasinungalingan sa mass media kung mayroong:
A. Pagbanggit ng maliliit na detalye.
B. Pagpapahayag ng sariling kuro-kuro.
C. Paglalahad ng isang panig ng usapin.
D. Paglalahad ng mga impormasyong hindi pakikinabangan
______33. Bakit nagkukusa tayong mag-organisa at tugunan ang pangangailangan ng nakararami?
A. Walang ibang maaaring gumawa nito para sa atin.
B. Sa ganitong paraan natin maipapakita ang ating talento.
C. Ang sama-samang pagkilos ay nagpapasaya sa gawain.
D. Hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang tumugon.
______34. Sa prinsipyo ng subsidiarity, tutulungan ng pamahalan na makamit ng mga mahihirap ang kanilang
mga pangangailangan kaya,
A. Maaari nang umasa sa mga pulitiko.
B. Maghintay na lamang ng biyayang matatanggap
C. Bahala na ang pamahalaan sa lahat ng gastusin ng mga mahihirap
D. Tutulungan ng pamahalaan na maging produktibo ang mga mamamayan upang matamo nila ang
kanilang mga pangangailangan.
______35. Alin sa mga sumusunod ang gawain na nakakatulong sa paglago ng ekonomiya?
A. Pag-iipon ng barya sa alkansiya.
B. Paggamit ng angking talento sa pagtatrabaho.
C. Pag-iimbak ng bawang upang tumaas ang presyo.
D. Pagdadagdag ng malaki sa presyo ng paninda upang mas lumaki ang tubo.
_____36. Alin sa mga sumusunod ang mabisang paraan ng pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa?
A. Pagtaas ng presyo ng mga bilihin. C. Pagbabawal sa pagtatayo ng mga negosyo.
B. Paglikha ng mga trabaho sa kanayunan. D. Pagpapataw ng malaking buwis sa mga tao.
_____37. Alin sa mga sumusunod ang gawain ng isang lipunang sibil?
A. Pagmamasid ng ibon D. Malayuang pagbibisikleta
B. Pagtatanim ng puno
C. Pagsisid sa coral reefs
44. Ang mga sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat maliban sa:
A. Paggawa ng tao ayon sa demand ng industriya.
B. Pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan.
C. Pakiramdam na mas malaki ang naiiambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng iba.
D. Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit pagtanggi sa pagbabahagi para
sa pagkamit nito.
45. Ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil sa lipunan lamang siya nakapamumuhay.
B. Mali, dahil may pagkakataong ang tao ay nagnanais na makapag-isa.
C. Tama, dahil lahat ng ating ginagawa at kinikilos ay nakatuon sa ating kapwa.
D. Mali, dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging panlipunan.
46. Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa ekonomiya maliban sa:
A. Maihahalintulad sa pamamahala ng budget sa isang bahay
B. Pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan
C. Paglustay sa kaban ng bayan upang masiguro na ang bahay ay magiging tahanan
D. Pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao
47. Ayon kay Dr. Manuel Dy ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil:
A. Ang tao ang gumagawa sa lipunan at kaalinsabay nito ay ang lipunan at hinuhubog ng lipunan ang
mga tao.
B. Mula sa kaniyang pagsilang ay nariyan na ang pamilyang nag-aaruga sa kaniya; binubuo ng lipunan
ang tao dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito.
C. Ang kanilang kontribusyon ang nagpapalago at nagpapatakbo dito; binubuo ng lipunan ang tao dahil
ito ang nagbubuklod sa lahat ng tao.
D. Ang pamilya ang nag-aruga sa tao at dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito; binubuo ng
lipunan ang tao dahil sa lipunan makakamit ang kaniyang kaganapan ng pagkatao.
48. Sa lipunang pang-ekonomiya, ano ang pagkakaiba ng pantay sa patas?
A. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa kanyang pangangailangan
lipunan, ang patas ay pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kanyang pangangailangan
B. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat tao sa lipunan, ang patas ay
pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kanyang kakayahan
C. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat tao sa lipunan, ang patas ay
paggalang sa kanilang mga karapatan
D. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay
pagtiyak na natutugunan ng pamahalaan ang lahat ng pangangailangan ng mga tao
49. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng mabuting ekonomiya?
A. Ang mga tao ay may malasakit sa karapatan ng iba.
B. Ang mayayaman lamang ang may mainam na pamumuhay
C. Ang mga tao ay walang karapatang makilahok sa mga panlipunang gawain.
D. Ang mga manggagawa ay napipilitang magtrabaho ng higit sa kanilang sinasahod.
50. Ang pananatili nating kaanib ng isang institusyong panrelihiyon ay bunga ng:
A. Kapangyarihang hawak ng mga lider ng relihiyon.
B. Kalakarang kinamulatan natin sa ating mga magulang.
C. Kawalan ng saysay ng buhay sa gitna ng mga tinatamasa.
D. Pagkakatantong hindi tayo nag-iisa sa paghahanap ng katuturan ng buhay.
51. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng lipunang sibil, maliban sa:
A. Panghihimasok ng estado.
B. Kawalan ng pangmatagalang liderato.
C. Kawalan ng kuwalipikasyon sa mga kaanib.
D. Pagsasalungatan ng iba’t ibang paniniwala

You might also like