You are on page 1of 4

___ 1. Ano ang tunay na layunin ng lipunan?

a. Kapayapaan b. Kabutihang panlahat c. Katiwasayan d. Kasaganaan


___ 2. “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para sa iyo, kundi itanong mo kung ano ang
magagawa mo para sa iyong bansa.”
a. Aristotle b. St. Thomas Aquinas c. John F. Kennedy d. Bill Clinton
___ 3. Ang salitang “lipunan” ay nagmula sa salitang ugat na:
a. ipon b. naipon c. lipon d. Griyego
___ 4. Ano ang pinakamahalagang dahilan upang maging pinuno ang isang indibidwal?
a. Personal na katangiang tanggap ng pamayanan c. Pagkapanalo sa halalan
b. Angking talino at kakayahan sa pamumuno d. Kakayahang gumawa ng batas
___ 5. Ano ang tawag sa nabuong gawi, tradisyon, paraan ng pagpapasiya at mga hangarin ng isang pamayanan?
a. kultura b. relihiyon c. batas d. organisasyon
___ 6. Sino ang nagsilbing halimbawa ng may puso para sa lipunan dahil sa adbokasiya niya ng pagkilala sa tao
lagpas sa kulay ng balat?
a. Ninoy Aquino b. Malala Yuosafzai c. Nelson Mandela d. Martin Luther
King
___ 7. Ang kinikilala bilang tunay na “boss” sa isang lipunang pampolitika ay:
a. mamamayan b. pangulo c. pinuno ng simbahan d. kabutihang panlahat
___ 8. Ang tawag sa proseso ng paghahanap sa kabutihang panlahat at pagsasaayos ng sarili at ng pamayanan upang
higit na matupad ang layuning ito ay:
a. Pamilya b. Komunidad c. Lipunang Politikal d. Pamayanan
___ 9. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, ang prinsipyo ng proportio ay nangangahulugang?
a. Pantay na pagkakaloob ng yaman sa lahat ng tao
b. Angkop na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan ng tao
c. Angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa pangangailangan ng tao
d. Pantay na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan at pangangailangan ng tao
___ 10. Ano ang kahulugan ng Griyegong salita na “oikos”?
a. paaralan b. bahay c. simbahan d. palengke
___ 11. Ano ang kahulugan ng salitang “nomos”?
a. pamahalaan b. pamamahala c. pamunuan d. lipunan
___ 12. Ano ang katotohanan sa likod ng paniniwala na “ang tao ay pantay-pantay”?
a. lahat ay may kani-kaniyang angking kaalaman
b. likha ang lahat ng Diyos
c. lahat ay mayroong pag-aari
d. lahat ay iisa ang mithiin
___ 13. Ang kahulugan ng mass media ay:
a. impormasyong hawak ng marami. c. impormasyong nagpapasalin-salin sa marami.
b. paghahatid ng maraming impormasyon. d. isahan ngunit maramihang paghahatid ng impormasyon.
___ 14. Ang pamahalaan ay gumagawa at nagpapatupad ng batas upang matiyak na:
a. ang lahat ay magiging masunurin c. bawat mamamayan ay may tungkuling gampanan
b. matutugunan ang mga pangangailangan ng lahat d. walang magmamalabis sa lipunan
___ 15. Ito ay tumutukoy sa kusang-loob na pag-oorganisa ng ating mga sarili tungo sa sama-samang pagtuwang sa
isa’t isa.
a. Lipunang Politikal b. Lipunang Pang-Ekonomiya c. Lipunang Maharlika d. Lipunang Sibil
___ 16. Ano ang kabutihang panlahat?
a. Kabutihan ng lahat ng tao
b. Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan
c. Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan
d. Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi nito
___ 17. Ito ay kailangan upang maisulong ang kabutihang panlahat para sa ikauunlad ng lipunan. Ano ito?
a. Interes ng bawat tao c. Partisipasyon ng mamamayan
b. Personal na tunguhin d. Magkatugmang pananaw
___ 18. Si Mang Tony ay mahilig mag-alaga ng hayop lalong-lalo na sa mga baboy. Kung kaya ang kanyang personal
na hilig ay nagdudulot ng hindi kanais-nais na amoy sa pamayanan. Kahit na gustung-gusto niya, unti-unti niyang
ibinenta ang mga alagang baboy para sa ikabubuti ng sariwang hangin sa pamayanan. Ano ang ipinahihiwatig ng
salaysay?
a. Ang pag-aalaga ng baboy ay nakatutulong sa araw-araw na gastusin.
b. Maaaring magbago ang buhay kung may pagsisikap
c. Nakatutulong sa pag-unlad ang pagiging masipag
d. Ang personal na kabutihan ay hindi dapt sumalungat sa kabutihang panlahat.
___ 19. Alin ang hindi magandang estratehiya para makatulong sa panlipunang pag-unlad?
a. Pagkakaroon ng disiplina sa pagtatapon ng basura c. Pagboto sa popular na kandidato
b. Pagsisikap na makatapos sa pag-aaral d. Paglahok sa gawaing pansibiko
___ 20. Si Jerry ay nakatira at lumaki sa iskwater. Sa kanyang kinagisnang kapaligiran malamang na sa paglaki niya
ay maging laman din siya ng lansangan. Kung ikaw si Jerry, ano ang pinakamainam mong gawin?
a. Magsumikap na baguhin ang takbo ng buhay c. Tanggapin ang buhay na maluwag sa puso
b. Mapoot sa lipunang kinagisnan d. Pagyamanin ang buhay-iskwater
___ 21. Alin sa mga sumusunod na halimbawa ang nagpapakita ng pagkakaisa sa mga proyekto at gawaing
pampayanan?
a. Pagdalo ng meeting sa barangay c. Pagsasawalang-kibo sa mga isyung panlipunan
b. Pagbabalewala sa mga tungkuling pampamayanan d. Lahat ng mga nabanggit
___ 22. Sinasabing kailangang unahin ito ng tao kaysa “tinapay”. Ano ito?
a. sarili b. kapwa c. halaga d. edukasyon
___ 23. Sa lipunang pang-ekonomiya, ano ang pagkakaiba ng pantay sa patas?
a. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay pagbibigay
ng
nararapat para sa tao batay sa kanyang pangangailangan
b. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat tao sa lipunan, ang patas ay pagbibigay ng
nararapat para sa tao batay sa kanyang kakayahan
c. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, patas ay ang paggalang sa
kanilang mga karapatan
d. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, patas ay pagtiyak na
natutugunan ng pamahalaan ang lahat ng pangangailangan ng mga tao
___ 24. Naging kasapi ng Rotary Club si Mang Cris. Nakaugalian na ng samahan na magkaroon ng programang
makatutulong sa mga mahihirap sa pamamagitan ng Medical Mission bawat taon. Ano ang pinahihiwatig ng
sitwasyon?
a. Pagmamalasakit sa mga nangangailangan c. Pagconduct ng Family Planning Seminar
b. Pagbibigay ng payo d. Lahat ng mga nabanggit
___ 25. Ang pangunahing layunin ng lipunang sibil ay:
a. pagpaparating ng mga karaingan sa pamahalaan c. pagtalakay ng mga suliraning panlipunan
b. pagbibigay-lunas sa suliranin ng karamihan d. pagbibigay-pansin sa pagkukulang ng pamahalaan
___ 26. Sa pamamagitan nito natutuhan ng tao ang katotohanan ukol sa Diyos na hindi karaniwang natutuhan sa iba
pang institusyon. Ano ito?
a. Pamahalaan b. Simbahan c. Paaralan d. Pamilya
___ 27. Si Aling Rona bilang Brgy. Kagawad ay nagtataguyod sa ikabubuti ng pamayanan at lipunan sa
pangkalahatan. Hawak niya ang pangangasiwa sa “Health and Sanitation Program” ng barangay. Ngunit sa kasamaang
palad, ang panganay niyang anak ay nalulong sa mga ipinagbabawal na gamot. Ano ang nararapat niyang gawin?
a. Sundin ang batas ng lipunan c. Ipapadala sa rehabilitation center ang may problemang anak
b. Itakwil ang anak d. Maunang maging modelo sa pamayanan sa pagpapahuli sa anak
___ 28. Ang pag-unlad, pagbabago at pagsasaayos ng lipunan at bansa ay nakasalalay sa mga kasaping ______.
a. walang pakialam b. masayahin c. responsable d. duwag
___ 29. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng makatarungang aksyon?
a. Hinuhuli ang mga bata sa lansangan
b. Binibigyan ng limos ang pinakamahirap na bata
c. Inaanyayahan ang mga batang lansangan sa programa para sa kanila
d. Pinababayaan ang mga bata sa lansangan
___ 30. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng Prinsipyo ng Subsidiarity?
a. pagkakaloob ng lupang matitirikan para sa pabahay c. pagsisingil ng buwis
b. pagsasapribado ng mga gasolinahan d. pagbibigay daan sa Public Bidding

___ 31. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng Prinisipyo ng Solidarity/Pagkakaisa?
a. pagkakaroon ng kaalitan c. sama-samang pagtakbo para sa kalikasan
b. bayanihan at kapit-bahayan d. pagkakaroon ng panahon sa pagpupulong
___ 32. Pinapangunahan ito ng estado na nangunguna sa pangangasiwa at patas na pagbabahagi ng yaman ng bayan.
a. agrikultura b. industriya c. ekonomiya d. hanap-buhay
___ 33. Para kay ______, bahagi ng pagiging tao ng tao ang pagkakaroon ng magkakaibang lakas at kahinaan.
a. Max Scheler b. Dr. Manuel Dy c. Morgan Freeman d. St. Thomas Aquinas
___ 34. Ang sumusunod ay mga katangian ng lipunang sibil, maliban sa:
a. kawalan ng pangmatagalang liderato.
b. pagsasalungatan ng iba’t ibang paninindigan.
c. kawalan ng kuwalipikasyon ng mga kaanib.
d. panghihimasok ng estado.
___ 35. Ang mga sumusunod ay iba’t ibang anyo ng Lipunang Sibil, maliban sa:
a. Pagkukusang-loob c. May pang-uuri
b. May isinusulong na pagpapahalaga d. Pagiging organisado
___ 36. Ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil sa lipunan lamang siya nakapamumuhay.
b. Tama, dahil lahat ng ating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon sa ating kapwa.
c. Mali, dahil may mga pagkakataong ang tao ang nagnanais na makapag-isa.
d. Mali, dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging panlipunan.
___ 37. Ang mga sumusunod ay mga gawain o serbisyong ibinibigay ng pamahalaan. Alin ang hindi?
a. Pagbibigay ng trabaho sa mahihirap
b. Pagkakaroon ng mga batas at programa
c. Matulungan at mapaglingkuran ang mga tao
d. Sumiil sa mga mamamayan
___ 38. Bakit mas epektibo ang patas kaysa sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan?
a. Karapatan ng bawat mamamayan na matanggap ang nararapat sa kaniya.
b. Sa pamamagitan nito, mas naisasaalang-alang ang kakayahan at pangangailangan ng bawat isa.
c. Walang kakayahang magpasiya para sa sarili at sa iba ang mga mamamayan.
d. Hindi pantay-pantay ang mga tao, ngunit may angkop para sa kanila.
___ 39. Bakit magkaugnay ang pag-unlad ng sarili sa pag-unlad ng bayan?
a. Nakikilala at sumisikat ang mga taong umuunlad.
b. Malaki ang maitutulong sa bansa kung maraming pera ang bawat tao.
c. Ang bawat mahusay na paghahanapbuhay ng tao ay may mabuting dulot sa pag-unlad ng bansa.
d. Nagkakaroon ng maraming oportunidad sa hanapbuhay ang taong mahilig paunlarin ang sariling
kakayahan.
___ 40. Bakit nagkukusa tayong mag-organisa at tugunan ang pangangailangan ng nakararami?
a. Hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang tumugon.
b. Ang sama-samang pagkilos ay nagpapagaan sa gawain.
c. Sa ganito maipapakita ang ating pagkakaisa.
d. Walang ibang maaaring gumawa nito para sa atin.
___ 41. Ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa tunguhin ng bawat indibidwal. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil mamahalagang makiayon ang bawat indibidwal sa layuning itinalaga ng lipunan.
b. Tama, dahil sa pagkakataon na ganito lamang matitiyak na makakamit ang tunay na layunin ng lipunan.
c. Mali, dahil ang bawat indibidwal sa lipunan ang nararapat na nagtatakda ng mga layunin.
d. Mali, dahil may natatanging katangian at pangangailangan ang bawat isang indibidwal.
___ 42. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng mahusay na pamamahala?
a. May pagkilos mula sa namumuno patungo sa mamamayan
b. May pagkilos mula sa mamamayan para sa kapwa mamamayan lamang
c. May pagkilos mula sa mamamayan patungo sa namumuno
d. Sabay ang pagkilos ng namumuno at mamamayan
___ 43. Alin ang hindi naglalarawan sa lipunang pang-ekonomiya?
a. Maihahalintulad sa pamamahala ng budget sa isang bahay
b. Pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan
c. Pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao
d. Pagkilos upang masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa pamamagitan ng pangangasiwa ng
yaman ng bayan

___ 44. Paano maipapakita ang tamang ugnayan ng tao sa kaniyang pag-aari?
a. Sa pagbibigay ng higit na mataas na pagpapahalaga ng kaniyang mga ari-arian kaysa kaniyang sarili.
b. Sa pag-iwas na maitali ang kaniyang halaga bilang tao sa kaniyang pag-aari.
c. Sa pagpapakita na may kakayahan siyang bumili ng mga mamahaling gamit.
d. Sa pagmamayabang sa mga kakilala at kaibigan ang dami ng naimpok na salapi.
___ 45. May kasinungalingan sa mass media kung mayroong:
a. paglalahad ng mga impormasyong hindi pakikinabangan.
b. pagpapahayag ng sariling kuru-kuro.
c. paglalahad ng isang panig ng usapin.
d. pagbanggit ng maliliit na detalye.
___ 46. “Ang tunay na mayaman ay ang taong nakikilala ang sarili sa bunga ng kaniyang paggawa. Hindi sa pantay-
pantay na pagbabahagi ng kayamanan ang tunay na kayamanan. Nasa kilos ng tao sa anumang ibinigay sa kaniya ang
kaniyang ikayayaman.” Ano ang kahulugan ng pahayag na ito?
a. Ang tunay na mayaman ay hindi takot gumastos para sa hilig niya.
b. Naipakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa husay niya sa paggawa.
c. Mahusay ang taong may kakayahang makabili ng lahat ng kaniyang naisin.
d. Maipagmamalaki ng tao ang kaniyang sarili sa mga kagamitan na mayroon siya.
___ 47. Ito ang pinakamabigat na dahilan kung bakit kailangan nating magpatulong sa iba?
a. Nais nating magkaroon ng saysay ang kakayahan ng iba
b. Iba’t iba tayo ng mga kakayahan
c. Magkakaroon tayo ng panahon para sa iba pa nating nais gawin
d. Hindi lahat ng pangangailangan natin ays matatamo ng mag-isa
___ 48. Ang pananatili nating kaanib ng isang institusyong panrelihiyon ay bunga ng:
a. kawalan ng saysay ng buhay sa gitna ng mga tinatamasa
b. kalakarang kinamulatan natin sa ating mga magulang
c. kapangyarihang hawak ng mga lider ng relihiyon
d. pagkakatantong hindi tayo nag-iisa sa paghahanap ng katuturan ng buhay.
___ 49. Ang samahang nagsasagawa ng ____________ ay maituturing na isang lipunang sibil.
a. pagsisid ng mga bahura (coral reefs) c. malayuang pagbibisikleta
b. pagmamasid sa mga ibon d. pagtatanim ng mga puno
___ 50. Ngayong nasa ikatlong taon ka na sa hayskul, paano mo higit na matutulungan ang iyong mga magulang?
a. mananatili sa bahay b. mag-aaral ng mabuti c. makikipagbarkada d. maglalaba araw-araw

GODBLESS!!!

Inihanda ni: Iwinasto ni:

MARY JANE P. EMOCLING SONIA F. MAMARIL, PhD


Guro sa Asignatura Principal III

You might also like