You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Cebu Province
Juancho and Placida Padayao National High School
Tubod - Dugoan , Dumanjug, Cebu, 6035

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP 9


Name: _________________________________________ Yr. & Section:____________________ Date:____________
I. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at bilugan
ang titik.
1. Ano ang tunay na layunin ng lipunan?
a. Kapayapaan b. Kabutihang panlahat c. Katiwasayan d. Kasaganaan
2. Ano ang kabutihang panlahat?
a. Kabutihan ng lahat ng tao
b. Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan
c. Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan
d. Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi nito.
3. Ang mga sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat maliban sa:
a. Paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad
b. Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiaambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng iba
c. Pakikinabang sa benepisyong hated ng kabutihang panlahat subalit pagtanggi sa pagbabahagi para sa pagkamit nito
d. Pagkakait ng tulong para sa kapuwa na nangangailangan
4. Ang mga sumusunod ay elemento ng kabutihang panlahat maliban sa:
a. Kapayapaan c. Paggalang sa indibidwal na tao
b. Katiwasayan d. Tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng lahat
5. Saan nanggagaling ang salitang komunidad na nangangahulang common or nagkakapareho?
a. Communis b. Communist c. Community d. Cemmanis
6. Sa isang lipunang pampolitika, sino/alin ang kinikilala bilang tunay na boss?
a. Mamamayan b. Pangulo c. pinuno ng simbahan dj. Kabutihang panlahat
7. Ano ang tawag sa proseso ng paghahanap sa kabutihang panlahat at pagsasaayos ng sarili at ng pamayanan upang higit na matupad ang layuning ito?
a. Lipunang politikal b. Pamayanan c. Komunidad d. Pamilya
8. Ano ang tawag sa nabuong gawi, tradisyon, paraan ng pagpapasiya, at mga hangarin ng isang pamayanan?
a. Kultura b. Relihiyon c. Batas d. Organisasyon
9. Alin sa sumusunod ang maaring ihambing ang isang lipunan?
a. Pamilya b. Barkadahan c. Organisayon d. Magkasintahan
10. Sino ang may tungkulin na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan at kinabukasan ng pamayanan?
a. Batas b. Kabataan c. Mamamayan d. Pinuno
11. Sino ang nagsulat ng aklat na may akda na Summa Theologica na nagsasabi na sa pamamagitan lamang ng lipunan makakamit ng tao ang layunin ng kaniyang
pagkakalikha.
a. St. Thomas Aquinas b. Marthen Luther c. Dr. Manuel Dy d. Aristotle
12. Ano ang tunay na tunguhin ng lipunan?
a. Kabutihan ng lahat ng tao
b. Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan
c. Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan
d. Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi nito
13. Paano natin masasabi na ang ating gawain ay panlipunan?
a. Dahil ito ay ating natutuhan kasama ang ibang tao sa lipunan
b. Dahil ito ay gawaing mabuti
c. Dahil ito ginawa ayon sa batas
d. Dahil ito ay gawain pangkomunidad
14. Ang mga sumusunod ay mga kondisyon sa pagkamit ng kabutihang panlahat, maliban sa.
a. Ang lahat ng tao ay dapat na mabigyan ng pagkakataong makakilos nang Malaya na ginagabayan ng diyalogo, pagmamahal, at katarungan.
b. Ang pangunahing karapatang pantao ay nararapat na mapangalagaan
c. Ang bawat indibidwal ay nararapat na mapaunlad patungo sa kaniyang kaganapan
d. Ang dapat isipin ng tao ay para sa kanyang sarili lamang
15. Alin sa sumusuno ang hindi nagpapakita ng Prinsipyo ng Solidarity?
a. Sama-samang pagtakbo para sa kalikasan c. Bayanihan at kapit-bahayan
b. Pagkakaroon ng kaalitan d. Pagkakaroon ng panahon sa pagpupulong
16. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng Prinsipyong Subsidiarity?
a. Tutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na magawa nila ang makapagpapaunlad sa kanila
b. Sisiguraduhin nito na walang hahadlang sa kayaan ng mga mamamayan mula sa pinuno sa pamamagitan ng pag-aambag sa estado ng kanilang buwis.
c. Hindi paghihimasukan ng mga lider ng pamahalaan kung paano mapaunlad ng mga mamamayan ang kanilang sarili.
d. Boss dapat ang tingin ng mga tao sa pinuno
17. Sino ang itinuring mayaman na tao sa isang lipunan?
a. Ang tao na nakikilala ang sarili sa bunga ng kaniyang paggawa.
b. Ang tao na umasenso sa buhay sa pamamagitan ng pagkaroon ng mga material na bagay.
c. Ang tao na matalino at nagging abogado
d. Ang tao na maraming anak at napalaki ito ng maayos.
18. Ano ang kahulugan ng prinsipyo ng proportion ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
a. Pantay na pagkakaloob ng yaman sa lahat ng tao
b. Angkop na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan ng tao
c. Angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa pangangailangan ng tao
d. Pantay ng pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan at pangangailangan ng tao
19. Ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil sa lipunan lamang siya nakapamumuhay
b. Tama, dahil lahat n gating ginagawa at kinikilos ay nakatuon sa ating kapuwa
c. Mali, dahil may mga pagkakataong ang tao ang nagnanais na makapag-isa
d. Mali, dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging panlipunan
20. Sino ang may tungkulin na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan at kinabukasan ng pamayanan?
a. Batas b. Kabataan c. Mamamayan d. Pinuno
21. Sino ang nagsilbing halimbawa ng may puso para sa lipunan dahil sa adbokasiya niya ng pagkilala sa tao lagpas sa kulay ng balat?
a. Malala Yousafzai b. Martin Luther King c. Nelson Mandela d. Ninoy Aquino
22. Sino ang may tungkulin na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan at kinabukasan ng pamayanan?
a. Batas b. Kabataan c. Mamamayan d. Pinuno
23. Ano ang pinakamahalagang dahilan upang maging pinuno ang isang indibidwal?
a. Personal na katangiang tanggap ng pamayanan
b. Angking talino at kakayahan sa pamumuno
c. Pagkapanalo sa halalan
d. Kakayahang gumawa ng batas
24. Paano masisiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa Lipunang Pang-ekonomiya?
a. Nagbibigay ng tulong pinansyal ang pamahalaan sa mga mahihirap na pamilya
b. Sa pangunguna ng estado, napangasiwaan at naibabahagi ng patas ang yaman ng bayan
c. Sinisikap ng estado ang mga manggawa na makahanap ng hanapbuhay sa ibang bansa
d. Tinutulungan ng estado ang mga manggagawa na makahanap ng hanapbuhay sa ibang bansa
25. Bakit mas epektibo ang patas kaysa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan?
a. Sa pamamagitan nito, mas isaalang-alang ang kakayahan at pangangailangan ng bawat isa
b. Walang kakayahang magpasiya para sa sarili at sa iba mga mamamayan
c. Karapatan ng bawat mamamayan na matanggap ang narrapat sa kaniya
d. Hindi pantay-pantay ang mga tao, ngunit may angkop para sa kanila
26. Bakit magkaugnay ang pag-unlad ng sarili sa pag-unlad ng bayan?
a. Nakikilala at sumisikat ang mga taong umuunlad
b. Malaki ang maitutulong sa bansa kung maraming pera ang bawat tao
c. Ang bawat mahusay na paghahanapbuhay ng tao ay may mabuting dulot sa pag-unlad ng bansa
d. Nagkakaroon ng maraming oportunidad sa hanapbuhay ang taong mahilig paunlarin ang sariling kakayahan
27. “Ang tunay na mayaman ay ang taong nakikilala ang sarili bunga ng kaniyang paggawa. Hindi sa pantay-pantay na pagbabahagi ng kayamanan ang tunay na
kayamanan. Nasa pagkilos ng tao sa anumang ibinigay sa kaniya ang kaniyang ikayayaman.”Ano ang kahulugan ng pahayag na ito?
a. Ang tunay na mayaman ay hindi takot gumastos para sa mga hilig niya.
b. Naipakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa husay niya sa paggawa
c. Mahusay ang taong may kakayahang makabili ng lahat ng kaniyang naisin
d. Maipagmamalaki ng tao ang kaniyang sarili sa mga kagamitan na mayroon siya
28. Pangunahing layunin ng lipunang sibil ang :
a. Pagpaparating ng mga karaingan sa pamahalaan
b. Pagbibigay-lunas sa suliranin ng karamihan
c. Pagtalakay ng mga suliraning panlipunan
d. Pagbibigay-pansin sa pagkukulang ng pamahalaan
29. Ano ang kahulugan ng mass media?
a. Impormasyong hawak ng marami
b. Isahan ngunit maramihang paghahatid ng impormasyon
c. Impormasyong nagpapasalin-salin sa marami
d. Paghahatid ng maraming impormasyon
30. Bakit nagkukusa tayong mag-organisa at tugunan ang pangangailangan ng nakararami?
a. Sa ganito natin maipapakita ang ating pagkakaisa
b. Ang sama-samang pagkilos ay nagpapagaan sa gawain
c. Pagtalakay ng mga suliraning panlipunan
d. Pagbibigay-pansin sa pagkukulang ng pamahalaan
31. Tungkulin ng mass media ang pagsasaad ng katotohanan dahil:
a. Wala tayong ibang mapagkukunan ng impormasyon
b. Nagpapasiya tayo ayon sa hawak nating impormasyon
c. Maaari nating salungatin ang isinasaad nitong impormasyon
d. Pinaglalagakan lamang ito ng impormasyon
32. May kasinungalingan sa mass media kung mayroong:
a. Paglalahad ng mga impormasyong hindi pakikinabangan
b. Pagpapahayag ng sariling kuro-kuro
c. Paglalahad ng isang panig ng usapin
d. Pagbanggit ng maliliit na detalye
33. Ang samahang nagsasagawa ng_____________ay maituturing na isang lipunang sibil.
a. Malayuang pagbibisikleta c. Pagtatanim ng mga puno
b. Pagmamasid sa mga ibon d. Pagsisid sa mga bahura(coral reefs)
34. Ano ang katotohanan sa likod ng paniniwala na “ang tao ay pantay-pantay”?
a. Lahat ay may kaniya-kaniyang angking kaalaman c. lahat ay iisa ang mithiin
b. Lahat ay dapat mayroon pag-aari d. likha ang lahat ng Diyos
35. Ano ang pagkakaiba ng lipunan sa komunidad?
a. Sa lipunan, ang nangingibabaw ay ang iisang tunguhin o layunin samantalang sa komunidad ang mahalaga ay ang pagkakabukod-tangi ng mga kabilang
ditto.
b. Sa lipunan, ang pangkat ng mga tao ay may nagkakaisang interes, mithiin, at pagpapahalaga samantalang sa komunidad, ang namumuno ang nagbibigay
ng direksiyon sa mga taong kasapi nito
c. Sa lipunan, ang namumuno ay inatasan ng mga mamamayan na kamtin ang mithiin ng mga kasapi nito samantalang sa komunidad, ang mga tao ang
nararapat na manaig sa pagkamit ng kanilang mithiin.
d. Sa lipunan, mas malaking pamahalaan ang nakasasakop samantalang sa komunidad ay mas maliit na pamahalaan.
II. Unawain ang bawat pangungusap at sabihin kung ito ay Mali o Tama. Isulat ang T bago ang numero kung ito ay tama at M kung ito ay mali.
1. Ang pag-unlad ng isang lipunan ay hindi gawa ng pinuno kundi gawa ito ng pag-aambag ng talino at lakas ng mga kasapi sa kabuuang pagsisikap ng lipunan.
2. Ang pangulo o lider at ang mamamayan ay kapuwa boss sa lipunan.
3. Ang salitang lipunan ay nagmula sa salitang ugat na lipon na nangangahulugan pangkat.
4. Binubuo ang tao ng lipunan at ang tao ay binubuo ng lipunan.
5. Hindi kalayaan o pagkakapantay-pantay ang nararapat na manaig kundi ang panlipunan at sibil na pagkakaibigan, na palaging nangangailangan ng katarungan.
6. Namimili ng edad o antas sa buhay ang pagtiyak na mananaig ang kabutihang panlahat.
7. Tradisyon ang tawag sa mga nabuong gawi ng pamayanan.
8. Ang pamamahala ay usapin ng pagkakaloob ng tiwala.
9. Ang tunay na mayam ay ang taong hindi kumikilala sa sariling kagalingan sa paggawa.
10. Ang tungkulin ng media ay maghatid ng maling impormasyon sa mga tao.

Inihanda ni: TVDR

You might also like