Professional Documents
Culture Documents
Filipino 9
Pangalan:_________________ Petsa:_____________
Baitang:__________________ Iskor:_____________
I. Pag-unawa sa Napakinggan
5. “Sadyang ang ngiti ay masasabing isang palamuti lamang ng naghahandog ngunit aliw sa
buhay ng pinaghahandugan.” Ano ang ibig ipakahulugan ng may akda na ang ngiti ay isang
palamuti?
A. Ang ngiti ay pandekorasyon lamang.
B. Ang ngiti ay para lamang sa magaganda.
C. Ang ngiti ay para sa kapaskuhan lamang.
D. Ang ngiti ay nakadaragdag ng kagandahan sa tao.
10. Batay sa binasang parabula, ano ang pagkakaiba nito sa iba pang uri ng panitikan?
A. Ito ay salaysay na hango sa Bibliya.
B. Ito ay tala ng kasaysayan ng buhay ng isang tao.
C. Tinatalakay nito ang pinagmulan ng mga bagay/lugar.
D. Layunin nitong gisingin ang isipan ng mga mambabasa sa mga
pangyayaring huhubog sa kanilang pagkatao.
A. Panuto: Basahin ang elehiya. Pagkatapos, suriin ang mga elemento nito at sagutin ang mga
sumusunod na tanong.
Elehiya sa Anak Pawis
Kay ka Lando Olalia
Aawitan ka kasama
Sa gabi ng aming dusa
Tagulaylay ng pag-asa
Na hihimig sa umaga
B. Panuto: Basahin ang akdang “Ang Alamat ng Batik ng Buwan.” Suriin ang
pahayag sa bawat bilang. Isulat ang M kung makatotohanan at DM
kung di-makatotohanan.
May mag-asawang naninirahan sa malayong lugar. Sila ay ang araw at ang buwan. May
mga anak sila at ito ay ang mga bituin. Isang araw ay iniwan muna ng buwan ang kanyang mga
anak upang maglaba. Nagbilin siya sa asawa na huwag na huwag lalapit sa kanilang mga anak
dahil sa oras na lumapit ay matutunaw ang mga ito. Masayang naglalaro ang mga bituin at hindi
napigilan ng araw na yakapin ang kanyang mga anak. Nang makauwi na ang buwan ay hinanap
niya ang kanyang mga anak pero hindi talaga niya ito makita. Nagalit siya sa asawa at sinumbatan
“Niyakap mo sila? Huwag kang magsinungaling!” Hindi naghintay ng sagot ang buwan. Agad
niyang binunot ang isang punong saging at ipinukol sa asawa. Dumampot naman ang araw ng
isang dakot na buhangin at inihagis sa mukha ng buwan. Hinabol ng buwan ang araw upang
makaganti sa ginawa ng asawa sa kanya at hanggang ngayon ay hinahabol pa rin ng buwan ang
araw.
22. May isang alibughang anak na hiningi ang kaniyang bahagi ng mana sa kanyang ama kahit ito
ay nabubuhay pa.
A. Mapagmahal B. Masunurin C. Matapat D. Suwail
23. Nilustay ng bunsong anak ang lahat niyang kayamanan sa lahat ng bisyo.
A. Ginamit B. Ginasta C. Itinago D. Pinalago
24. Nagdiwang ang buong kaharian dahil ang nawawalang anak ay nabuhay at muling
nasumpungan.
A. Nakita B. Nasilayan C. Natagpuan D. Natanawan
C. Panuto: Piliin ang salitang hindi nabibilang sa pangkat ayon sa salitang may
salungguhit.
25. Ang estado ay mananatili sa pamamagitan ng iba’t ibang mga sangay nito.
A. Ekonomiya B. Mamamayan C. Pamahalaan D. Silid aklatan
26. Maiiwasan ang polusyon kung magiging responsable ang bawat mamamayan.
A. Basura B. Kasuotan C. Kemikal D. Usok
D. Panuto: Tukuyin kung saang salita nagmula ang mga salita na nasa bawat bilang. Isulat ang
sagot sa patlang.
40. Punan mo _____________ ang lahat ng lalagyan dahil tiyak na mawawalan ng kuryente dahil
sa bagyo.
41. Sa tuwing nalulungkot si Joan ay mas nais niyang tumigil sa ____________ dahil naaaliw siya
sa mga bata roon.
42. Hindi ako makapaniwalang wala na si Ambo, _____________ay dumalaw pa siya sa akin.
C. Panuto: Piliin sa Hanay B ang mga matatalinhagang pahayag na bubuo sa mga kaisipan na nasa
Hanay A.
A B
Inihanda ni:
Jocelyn G. Temporosa
Guro I
Binigyang pansin ni:
1. D
2. C
3. C
4. D
5. D
6. C
7. D
8. C
9. A
10. A
11. D
12. B
13. A
14. B
15. D
16. DM
17. DM
18. M
19. D
20. B
21. A
22. A
23. D
24. B
25. C
26. D
27. B
28. C
29. A
30. E
31. D
32. C
33. Kaagad
34. Silid-aralan
35. Kamakalawa
36. B
37. C
38. D
39-50. Pagsulat
Ang Ngiti
Ang ngiti ay hindi nahihiram ,hindi nauutang, hindi nabibili, at lalong hindi nanakaw. Ito ay
hindi ipinaghihirap ng buhay ng nagbibigay ngunit nagpapayaman sa binibigyan. Ito ay maaaring
isang bagay na walang anuman sa nagkakaloob datapwat halagang ginto sa pinagkakalooban.
Sadyang ang ngiti ay masasabing isang palamuti lamang ng naghahandog ngunit aliw sa buhay ng
pinaghahandugan. Ang ngiti ay higit na kinakailangan ng mga hindi makapagbigay o walang
maibibigay sapagkat ang tunay na kahalagahan nito ay naisasalaysay sa mga idinudulot sa
sinumang tumatanggap.
Ang ngiti ng isang pinipintuhong dilag ay nagdudulot ng isang di masuyod na ligaya. Tila ba ga
sa ngiting iyon ay nahawi ang mga sagwil sa landas na tinatahak. Waring sa ngiting iyon
nababanaagan n’yang nanunungaw ang tagumpay na pinakananais kaya’t nag-uumapaw ang puso
sa kaligayahan. Ang isang matamis na ngiti sa kaaway ay tila hudyat na natapos na ang tunggalian.
Walang pagsalang sa sandaling tatanggapin niya ang ngiti, ang masasamang ninanasa kung
mayroon man ay agad na mapaparam sa kanyang gunita. At hindi kataka-takang kahihiyan sa sarili
ang babakahin niyang mag-isa. Ibaling natin ang ngiting panalubong ng magiliw na maybahay sa
kanyang kabiyak. Ang kahalintulad niyon ay samyo ng hanging amihan sa kaluluwang
naaalinsanganan. Tila nahuhubdan siya ng pagod at sakit at nababaruang muli ng sigla. Ang
ngumingiting sanggol ay batis ng ligaya at hindi niya alam ang ngiti at kung ito ay may halaga. Isang
katotohanang hindi maikakait na siya ay nagdudulot ng kwintas ng kaligayahan.
May isang taong may dalawang anak na lalaki, Ang wika ng bunso , “Ama, ibigay na po ninyo sa akin
ang mamanahin ko.” At ibinahagi sa kanila ng ama ang kanyang ari-arian at nagtungo sa malayong
lupain, taglay ang buo niyang kayamanan, at doo’y nilustay na lahat sa di wastong pamumuhay.
Nang malustay na niya ang kanyang kayamanan, nagkaroon ng matinding taggutom sa lupaing yaon,
at nagdalita siya.Kaya’t namasukan siya sa isang mamamayan ng lupaing yaon. Siya’y pinapunta
nito sa bukid upang mag-alaga ng baboy.Ibig sana niyang punan ang kanyang pagkain kahit ng mga
bungang-kahoy na ipinapakain sa mga babaoy ngunit walang magbigay sa kanya.Nang mapag-isip-
isip niya ang kanyang ginawa, nasabi niya sa kanyang sarili,“Ang mga alila ng kanyang ama ay may
sapat na pagkain at lumalabis pa,samantalang ako’y namamatay sa gutom dito. Babalik ako sa
kanya at sasabihin ko “Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na
tawagin ninyong anak; ibilang na lamang ninyo akong isa sa inyong mga alila.” At tumindig siya at
pumaroon sa kanyang ama. Malayo pa’y natanawan na siya ng ama at ito’y labis na nahabag sa
kanya,kaya’t patakbo niyang sinalubong, niyakap, at hinagkan. Sinabi ng anak ,”Ama,nagkasala
po ako sa Diyos at sa inyo.Hindi na po ako karapat-dapat na tawagin ninyong anak.” Ngunit tinawag
ng ama ang kanyang mga alila. “Madali !Dalhin ninyo rito ang pinakamahusay na damit at isuot sa
kanya.Suutan siya ng singsing at panyapak. Kunin ang pinatabang guya at patayin; kumain tayo at
magsaya! Sapagkat namatay na ang anak kong ito ngunit muling nabuhay; nawala ngunit
nasumpungan” at sila’y nagsaya.Nasa bukid noon ang anak na panganay. Umuwi at nang malapit na
sa bahay ay narinig niya ang tugtugan at sayawan.Tinawag niya ang mga alila at tinanong. “Bakit?
May ano sa atin.” “Dumating po ang inyong kapatid,” tugon ng alila. “Pinapatay ng iyong ama ang
pinatabang guya, sapagka’t nagbalik siyang buhay at walang sakit.” Nagalit ang panganay at
ayaw nitong pumasok sa bahay. Kaya’t lumabas ang kanyang ama at inamu-amo siya. Ngunit sinabi
nito, “Pinaglingkuran ko po kayo sa loob ng maraming taon, at kailanma’y hindi ko kayo sinuway.
Ngunit ni minsan ay hindi ninyo ako binigyan ng kahit isang bisirong kambing para magkatuwaan
kami ng aking mgakaibigan. Subalit nang dumating ang anak ninyong lumustay ng inyong kabuhayan
sa masasamang babae, ipinapatay pa ninyo ang pinatabang guya!” Sumagot ang ama, “Anak, lagi
kitang kapiling. Ang lahat ng ari-arian ko ay sa iyo. Ngunit dapat tayong magsaya at
magalak sapagkat namatay na ang kapatid mo, ngunit muling nabuhay; nawala ngunit muling
nasumpungan.”