You are on page 1of 2

Class Prophecy

Isang buwan na lang kung bibilangin, ilang araw na lang ang kokonsumihin.

Sa makatuwid, konting pnahon na lang kayo’y maghihiwa – hiwalay na rin. Malungkot


man sa damdamin, kailangan tanggapin na hindi lahat, hindi lahat ng tao, bagay ay
makakasama natin habang buhay. Sabi nga nila “ The only permanent thing in this world is
change”

Kaya pansamantala, Halina’t tayo’y maglakbay, sa kasalukuyan lamang, kung saan


makikilala tayo, hindi bagong tao, ngunit bagong katauhan ng bawat isa sa inyo.

Minsan, ako’y naglalakad sa isang pamilyar na daan ngunit di ko maintindihan dahil iba
ang aking pakiramdam, ito ba ang aming daan, o iba lang ang aking nadaanan, ngunit ganon pa
man, nagtuloy ako sa aking mga hakbang. Napadpad ako sa isang paaralan. Pamilyar na hitsura
ngunit hindi sa pakiramdam, kasabay nang mga yabag ko ay ang pagkalito.

Nagpatuloy ako sa isang silid – aralan, masaya, masaya ang mga batang bumabati ng
“Good Morning, Teacher Cathy”, samantalang abala naman sa kabilang silid si Teacher Blessed
sa Pagtuturo ng English, Ngunit sa kabilang dako pa, makikita ang mga guro, kasama ng mga
mag – aaral na bumabati rin ng “Good Morning Teacher Abegail”, Teacher Laira Mabuhay”.

Sa bawat ngiti nila ay sadyang madadala, hanggang isang tao ang nakasalubong ko, base
sa kanyang suot, siya ang pinuno, di ng Vendeta ngunit puno ng paaralan.

Kaya bilang paggalang, siya ay aking binati “Magandang Umaga Principal Celdwin”.
“Mukhang maganda ang iyong araw. Nilisan ang paaralan at muling naglakbay hanggang
mapadpad ako sa isang pier na may malaking barko. Nakadaong, nakakamangha ang laki nito,
pati na rin ang disenyo, ng biglang bumaba ang hagdan at may dalawang bulto ng tao ang
nagsibaba. Kilala ko sila, sina Captain Marcos Lopez at Captain Gershom Paul Mojica. Sila ay
hinahangaan ng lahat dahil sa kanilang galling. Lumayo na ako sa pier at nagtungo sa isang
Resto, sa aking pagpasok ay bumungad ang modernong disenyo na kayganda sa paningin,
napadpad ako sa kusina ng Resto, “Oh Kusina Daw”, puno ito ng eksperto, eksperto sa kusina at
habang pinagmamasdan mo sila ay makikita mo ang pagmamahal nila sa kanilang ginagawa.

Isang matamis na ngiti ang hatid nina, si Chef Regine kasama si Chef Sofia. Sa kabilang
dako naman, ay nagluluto si Chef Graciel katulong si Chef Aprilyn. Samantalang tumatanggap ng
order si Chef Bernadette at sa aking pagtatanong, nalaman kong si Ceasar Alvarez at Reden
Evangelio ang nagmamay – ari ng Restaurant, sila ay mga kilalang Chef din. Lumabas ako ng
Kusina at pinagmasdan ang buong paligid, punong – puno ng tao, abala ang lahat ng mga
nagtatrabaho at naiwika na lang, “Successful na ang resto na to. Sa kabila nito ay isang Bar,
alam ko ang bar na ‘to, sikat kasi ito, sikat dahil sa kakaibang alak, mga pinaghalo - halong alak
na binuo ni Ms. Jodie Bautista, siya ang tanyag na Bartender sa buong bansa.

Nagpatuloy ako sa paglalakad, nakaramdam nako ng pagod, pero nagtuloy pa rin ako.

(MOTIVATION PART)

Habang akoy naglalakad, may biglang sumigaw, isang awtoridad, “Huwag kang kikilos ng
masama”. Sumuko ka na lang! Napatingin ako at nakita ko si Senior Inspector Ivy Lyn Jaloro.
Wag mong idamay ang batang iyan, sumuko ka na”.Di natinag ang lalaki kaya nagdeklara si
Senior Superintendent Carla Jane ng “Protection Position Move”. Kaya agad pumuwesto sina
PO2 Ana, PO3 Yna, PO1 Mhariel, SPO1 Rica, kabilang sina SPO2 Estefany at SPO3 Lourise na
siyang nagsisilbing backup, sa pangunguna ni Chief Superintendent Marasigan. Dahil sa
kaguluhan di maiwasang madamay ang isang musmos.

Agad isinakay ang bata sa ambulansya at dito ay ginamot siya ni Dr. Roi kasama si Nurse Jenny “
Check the vital sign Miss Jenny” sabi ni Doc at umalis na sila papuntang ospital. Nagpatuloy na
ako kahit puno ng tensyon, tumakbo upang makalayo sa kaguluhan hanggang isang ginagawang
gusali ang aking natagpuan, puno ng trabahador ang gumagalaw at sa tabihan ay may apat na
taong animoy bumubuo ng plano habang nagtatalo, ito ay sina Engr. Julia, Engr. Kenneth, Engr.
Tiejay at Engr. Jilo habang naguusap naman sina Mechanical Engr. Villaluna at Mechanical Engr.
Alonzo kung papaano maaaayos ang mga mekanismong ikakabit sa loob ng gusali,
nakakamangha na sila mismo ang namamahala sa ganitong bagay katulad na lamang ni
Commander Reymart Mendoza na siya mismo ang nagtatanggol sa ating bansa bilang sundalo.

Hanggang sa napadaan ako sa isang Bangko at doon nasulyapan sina Accountant Jewel
Barcelon at accountant Kristy Ata na abalang abala sa pagbibilang ng napakaraming pera, sila
ang mga natatanging accountant na tumutulong sa paaralan ng Bunducan, sa pamamagitan ng
pagbibigay donasyon gaya ng tulong pinansyal na ginagamit sa pagpapa-ayos ng paaralan.
Lumampas na ako at narealize kong malayo na pala ako.

Nais ko nang umuwi ngunit kaylayo kung lalakarin kong muli, kaya nagtungo ako sa isang gusali,
hindi basta gusali ngunit basta gusali, ngunit aking napagtanto na ito ay isang napakalaking
paliparan, madaming eroplano at sumakay ako sa isa dito. Bumungad sakin ang mga Flight
Attendant, agad akong binati ni Flight Attendant Jessica at ginabayan naman ako ni Flight
Attendant Kim patungo sa aking upuan. Ang eroplanong ito ang nagbalik sa akin sa kasalukuyan
na kaya pala pamilyar ang lugar at iba ang aking pakiramdam, dahil ang lugar na aking tinatahak
ay ang daan sa tunay na tagumpay. Nagagalak ako sapagkat kayong mag – aaral ng Baitang
sampu ay nagtagumpay sa landas na inyong tinahak kaya sulitin na ang bawat araw, alalahanin
lahat ng karanasan, yakapin ang isa’t – isa, ipamalas ang pagmamahal dahil ilang panahon na
lamang, ang bawat isa ay tatahak sa ibat – ibang landasin sa tulong ng Panginoon. Gawing
inspirasyon ang bawat aral hanggang ang lahat ng pangarap ay maging isang katuparan.
Salamat at sana ay magtagumpay tayong lahat.

You might also like