You are on page 1of 2

ESP 7

4TH Grading- Module 12 A

Subukin
1. Ang aking napili ay B dahil sa panahon ngayon mas napapadali ang mga gawain sa paggamit ng mga
teknolohiya kagaya ng kompyuter at internet. Ang napili ko rin ay B dahil mas nais kong makasama
ang aking pamilya tuwing kakain kami dahil yan ang aking nakasanayan.
2. Ang sitwasyon kong saan gumawa ako ng mahalagang pagpapasya ay yung tinanong ako ng aking
magulang kung ano ang aking bibilhin sa aking pera. Pinag-isipan ko talaga ito ng mabuti dahil marami
akong nais na bilhin. Kalaunan ay napagtanto ko na mag-iipon na lang ako ng pera. Ngayon, humanga
ako sa aking sarili dahil sa desisyon na aking nagawa.
3. Ito ay nakabatay sa kahalagahan at pag-iisip ng mabuti kong ano talaga ang nararapat at tamang
gawin.
4. A
5. B
6. C
7. A
8. C
9. A
10. C

Tuklasin
1. May nakita kang wallet na nahulog sa kalsada.
 Alternatibo Blg. 1: Pupulutin ko ang wallet at bibigay sa barangay upang malagay sa “lost and
found items”
 Ang maaring mangyari ay pupunta ang may-ari sa barangay upang ereport ang kanyang
nawawalang wallet

 Alternatibo Blg. 2: Kukuhanan ko ng litrato ang wallet at ipopost ko sa facebook para maibahagi
ng ibang tao at malaman ng may-ari.
 Ang maaring mangyari ay malalaman ng may-ari na nasa akin ang wallet dahil sa tulong ng mga
tao sa pagbabahagi nito sa social media.

2. Nakikiusap ang iyong matalik na kaibigan na samahan siya sa mall dahil may bibilhin siya , kaya lang
magcutting classes kayo.
 Alternatibo Blg. 1: Sasabihan ko siya na pagkatapos na lang ng klase kami pupunta.
 Ang maaring mangyari ay papayag siya at makakadalo kami sa aming klase.

 Alternatibo Blg. 2: Sasamahan ko siya sa mall baka kasi magtampo siya sa akin.
 Ang maaring mangyari ay mapapagalitan kami ng aming magulang dahil sa ginawa naming
pagcutting class.

3. Kinumbinse ka ng isang kaibigan na uminum ng alak.


 Alternatibo Blg. 1: Hihingi ako ng tawad sa kanya dahil hindi ko tatanggapin ang kanyang alok
dahil hindi ako umiinum ng alak.
 Ang maaring mangyari ay magalit siya dahil tinalikuran ko ang kanyang alok o kaya ay
rerespetuhin niya ang aking desisyon.

 Alternatibo Blg. 2: Ipapaintindi ko sa kanya na hindi ako umiinum ng alak.


 Ang maaring mangyari ay tatanggapin niya ang aking desisyon at sila na lang ang iinum.

Pamprosesong Tanong:
1. A. Ibibigay ko ito sa barangay dahil alam kong babalikan ito ng may-ari.
B. Ipapaintindi ko sa aking kaibigan na pagkatapos ng aming klase ay sasamahan ko siya.
C. Tatangihan ko ang kanyang alok dahil hindi ako umiinum ng alak.
2. Oo, dahil nakabatay ito sa tamang desisyon na gagawin.
3. Oo, dahil mas napagtanto ko kung alin ang mas nararapat na gawin.
4. Para hindi tayo magkaroon ng mga paghihinayang dahil sa mga desisyon na ating ginawa.

Pagyamanin
1. Ang aking napili ay ang aking kaibigan na si Catliya.
2. Nagkaroon kami ng pag-uusap.
3. Ibinahagi ko sa kanya ang mga dapat gawin kung gagawa ng desisyon.

Isaisip
1. Ang nakuha kong aral mula sa aking karanasan ay maging isang modelo sa aking kapwa sa paggawa
ng kabutihan. Naniniwala ako na kung tayong lahat ay magtutulungan, lahat ay possible at wala
tayong mga paghihinayang sa buhay. Gumawa rin tayo ng mga desisyon na alam natin ay tama at mas
nakakabuti sa atin.

Isagawa
1. Ang pagsubok ng ibang bagay, ang pagpapahalaga sa hilig at talento, hindi pagsuko, at pagbibigay
ng tulong sa kapwa upang mapaunlad ang bansa ay ang mga mahalagang pagpapasya na ginawa ni
Chit. Hindi siya sumuko at patuloy lamang na lumaban upang maabot ang tagumpay.
2. Oo, dahil nais kong gawin ang mga bagay na aking hilig, dahil sabi nga nila magtatagumpay ka kung
mahal mo ang ginagawa mo.
3. Iniwan niya ang mataas na posisyon dahil kinalaingan ng kanyang coffee shop business ang kanyang
buong atensyon upang mas mapalago at mapaunlad ito.
4. Ang pagsasakripisyo, pagiging masipag at matiyaga, at pagsubok ng mga bagay at hindi pagsuko
nito.
5. Dahil sa mga pasya ni Chit naging matagumpay siya, hindi niya sinukuan ang mga hilig at talento
niya na nagdala ng tagumpay sa kanyang buhay. Naging masipag siya, pinag-aralan niya ng mabuti ang
kanyang negosyo upang umasenso ito.
6. Mahalaga ang mabuting pagpapasya upang maabot ang tagumpay dahil bago ka magpasya dapat
pagisipan muna ng madaming beses at alamin ang magigibg resulta ng pasya at maging handa ka. Ang
ating kinabukasan ay nakabase sa ating mga desisyon sa buhay. Ang bawat desisyon ay nararapat lang
na pag-isipan ng mabuti sapagkat sa isang pagkakamali ay maaring magbago ang ating kinabukasan.

Tayahin
1. Ang naging misyon ni Lucita sa buhay ay ang maging matagumay at pagbabahagi sa lahat ng
tagumpay sa kapwa upang mapaunlad ang ating bansa.
2. Naisakatuparan niya ang kanyang misyon sa pamamagitan ng pagpapahalaga ng oras at kaalaman,
hindi pagsuko sa talento at hilig, pagiging matatag sa buhay at masipag ang nagdala sa kanya ng
tagumpay sa buhay.

Karagdagang Gawain
1. Ang aking personal na pahayag sa misyon sa buhay ay hindi ako susuko at haharapin ko ang lahat
ng hamon na dadating sa aking buhay. Magiging masipag ako at papahalagahan ko ang bawat oras,
pag-aaralan ko ng mga mabuti ang mga bagay upang umasenso sa buhay. Kung dumating man ang
panahon na magtatagumpay ako, tutulungan ko ang mga mahihirap na makaahon sa kahirapan.

You might also like