You are on page 1of 5

Gawain 1

Mga Salawikain/Kasabihan/Sawikaing- Kahulugan

1. Ang kalusugan ay ang ating kayamanan- dapat ingatan natin ang ating kalusugan sapagkat ito
ang ating kayamanan.
2. Kung wala kang itinusok, wala kang madudukot- kung wala tayong inipon na pera wala tayong
magagamit.
3. Magdidildil ng asin- ang ibig sabihin nito ay maghihirap.
4. Ligtas ang may alam- kung mayroon tayong nalalaman, tiyak na maiiwas tayo sa kapahamakan.
5. Ang kaalamang taglay ay isang yaman- dapat marunong at may kaalaman tayo dahil isa itong
yaman na hindi makukuha ng iba.
6. Bukas palad at may pusong mamon- mga taong handang tumulong at magbigay na walang
hinihinging kapalit.
7. Lantang-gulay- ibig sabihin nito ay pagod

Gawain 2

1. Pilik mata
2. Saging
3. Kandila
4. Mata
5. Unan

Gawain 3

1. Ano man ang tibay ng piling abaka ay wala ring lakas kapag nag-iisa- parang tao lang hindi tayo
mabubuhay na mag-isa dapat mayroon tayong kasangga.
2. Magdildil ng asin- ibig sabihin ay maghihirap.
3. Pagkatapos ng bagyo ay sisikat din ang araw- pagkatapos ng ating mga problema ay mayroon din
tayong makikitang pag-asa.
4. Mahapdi ang bituka- ibig sabihin nito ay nagugutom.
5. Huling hantungan- ibig sabihin nito ay ang ating huling pupuntahan.
6. Gaano man ang iyong lakas, daig ka ng munting lagnat- kung tayo ay magkakasakit tiyak na
matatalo tayo kahit malakas tayo.

Paglalapat

1. Ang kalusugan ang ating kayamanan- ngayon na nararanasan natin ang pandemic dapat magsuot
lagi tayo ng mask upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.
2. Ligtas ang may alam- dapat maghugas lagi ng kamay upang maiwasan ang sakit.
3. Bukas-palad- ngayong pandemya dapat maging ibahagi natin ang ating kayamanan sa iba.
4. Sisikat din ang araw- huwag tayong mawalan ng pag-asa na babalik din sa normal ang lahat kasama
na ang pagbubukas ng klase.
Pagpapayaman

Pagkakatulad

1. Kapwa na nabuo sa matagal nang panahon.


2. Pareho na ginagamit sa mundo ng sulating Pilipino.
3. Magsing halaga sila dahil nagbibigay ito ng aral.
4. Pare-parehong mga maiikling talata na malikhain at may malalim na pagpapakahulugan.
5. Kapwa nagpapahayag ng makabuluhang mga bagay, ang mga ito ay nagbibigay ng mga
pangunahing aral sa buhay at mahahalagang bagay na dapat tandaan at isabuhay.

Pagkakaiba

1. Di – gaano magkapareha ang tuntunin o kautusang kinilala at pinatibay ng karanasan.


2. Hindi magkapareha ang taglay naman nilang pagkakaiba ay ang kanilang nilalaman.
3. Ang sawikain naman ay mga parirala o maiiksing pahayag na ang pagpapakahulugan ay hindi
tumpak sa mga nabuong salita at pagdating sa kababihan di hamak na naglalayong magpahayag
ng payo at nagsasaad ng katotohanan.
4. Hindi magkapareha ang paglalarawan at ang kahulugan ng bawat isa.
5. Labis na maganda ang salawikain sapagkat may sukat at tugma.

Refleksiyon

1. Ang aking natutuhan sa aralin ay ang pagkakaiba ng salawikain, bugtong, kasabihan at sawikain
sa isa’t isa. Natutuhan ko rin ang mga kahulugan at ang paggamit nito kaugnay sa nararanasan
nating sitwasyon ngayon. Mas nabigyan ko ito ng pansin lalo na sa tuwing gagawa ako ng mga
kuwento, tula at sanaysay.

Subukin

1. B
2. B
3. B
4. A
5. D
6. A
7. B
8. B
9. B
10. B
11. B
12. B
13. B
14. B
15. B

Gawain 1

A.
1. Ang babae sa unang larawan ay maganda ang mukha, maganda rin ang kanyang ayos, siya ay
nakangiti at disente itong titigan habang ang babae sa ikalawang larawan ay hindi nakangiti parang
nakasimangot at malungkot na nakakawala ng magandang awra sa kanyang mukha.

2. Sa aking palagay ganyan ang reaksyon ng babae sa ikalawang larawan dahil naiingit siya sa mga
magagandang babae.

A. Unawain

1. B
2. C
3. D
4. F
5. E
6. G
7. I
8. J
9. A
10. H

Pagsusuri

1. Ang kahalagahan ng Gawain B ay mas maunawaan natin ang mga salita na mahihirap upang mas
lalong maintindihan ang nais iparating ng kwento.
2. Dapat mabait, maalaga, hindi madaling magselos, nakakaintindi, at magalang ang dapat taglayin
ng isang babae bonus na rin kapag maganda ito.
3. Sa aking palagay ay oo, dahil tayong lahat ay iba-iba ang pagkatao na tayo lamang ang
nakakaalam.
4. Oo, dahil mas nawawalan tayo ng kumpyansa sa ating sarili.

Paglalahad

1. Nawalay ang anak ng Sultana dahil lumusob ang ibong Garuda at natakot sila.
2. Ang katangian ni Bidasari ay maganda, mabait, at hindi gumaganti.
3. Ang nakapulot sa sanggol ay isang mangangalakal na ang pangalan ay si Diyuhara.
4. Nagawang saktan ni Lila Sari si Bidasari dahil sa labis na selos sa kagandahan nito.
5. Tinuring niya itong parang anak at princesa at minahal ito ng labis.

Mga Gawain 2

Pagseselos ni Lila Sari

1. Naging masama siya dahil umabot sa sitwasyon kung saan sinaktan at kinulong niya si Bidasari.
2. Iniwan siya ng Sultan at nagpakasal ito sa iba.
3. Nawala sa kanya ang kanyang asawa at hindi na siya ang dama ng kaharian.

Pagiging Mabuti ni Bidasari

1. Minahal siya ng mga taong nakapulot sa kanya at tinuring na parang anak.


2. Pinakasalan siya ng sultan at nagging mataas ang kanyang posisyon sa kaharian.
3. Naging masaya at maganda ang kanyang buhay dahil sa kanyang kabutihan.

B.

Pagkakaiba ni Bidasari at Lila Sari

1. Mabait si Bidasari samantalang si Lila Sari ay masama.


2. Mabuti ang loob ni Bidasari samantalang si Lila Sari ay inggit ang nadarama.
3. Selosa at mapang-api si Lila Sari samantalang si Bidasari ay maunawain.

Pagkakatulad ni Bidasari at Lila Sari

1. Pareho silang naging asawa ni Sultan Mogindra.


2. Pareho silang naging dama ng kaharian.

Paglalapat

1. Mababae man o lalaki, dapat pantay pantay ang pagtingin natin sa bawat isa. Hindi man
magkapareha ang taglay nating kilos, personalidad, katangian pero tayong lahat ay mahalaga.
Para sa akin, ang isang babae ay maging isang modelo ng kabutihang loob, maasikaso sa
pamilya, maalaga kanino man, mayroong pusong mamon at maganda ang pisikal at panloob na
kaugalian. Ang isang lalaki naman ay matapang, na handang protektahan ang kanyang pamilya.

Pagpapayaman

A.
Positibo na kaugalian
1. Maunawain
2. Mabuti ang loob
3. Matulungin
4. Mabait
5. Bukas palad

Negatibo na kaugalian

1. Selosa
2. Sakim
3. Mapang-api
4. Masama ang ugali
5. Mapanga-abuso
B.
1. Si Bidasari ang mayroong kaaya-ayang katangian dahil kahit kinulong at sinaktan siya ni Lila sari
ay naging maunawain pa rin ito at sinabi pa niya kung papaano siya mamamatay.
2. Ang pagseselos at pang-aapi sa ibang babae ay nangyayari din sa totoong buhay dahil talagang
hindi maiiwasan ang magselos.
3. Hindi, dahil hindi ko sasaktan ang ibang babae para lamang sa aking sariling kapakanan at ng
dahil lamang sa isang lalaki. Hindi ako gagawa ng kasalanan na pagsisisihan ko sa huli.
Refleksiyon

1. Hindi, dahil masama iyon at magkakasala tayo sa ating kapwa at lalo na sa Diyos.
2. Oo, dahil tinago ni Lila Sari ang lahat ng mga masasamang ginawa niya, nagselos ito kahit hindi
naman nararapat, para sa akin toxic na ang kanilang relasyon na dapat ng putulin.
3. Dapat maging kontento kung ano ang meron, palaging magdasal para maiwasan ang mainggit.

Pangwakas na Pagtataya

1. B
2. A
3. B
4. A
5. C
6. C
7. B
8. D
9. B
10. C
11. B
12. B
13. B
14. C
15. B

You might also like