You are on page 1of 7

Inspired from ​Kadenang Ginto

*SPG
*Sound track*

SCENE 1: ​Meeting

Nakaupo ang lahat ng empleyado at magkakasama sa iisang lamesa (maliban kay Daniela at
Romina).

Pumasok si Robert sa silid.

ROBERT: Magandang Hapon Camilla Team! Ilang araw na lang bago magsimula ang Seafood
Expo. Pero, meron akong emergency meeting na kailangan puntahan. Alam niyo naman kung
gaano kahalaga sa ating kompanya ang expo na ito. Kaya’t napagdesisyonan ko na iantasan ko
sa isa sa inyo ang pamumuno sa booth natin Seafood Expo.

Daniela nag-eexpect na siya ang tatawagin para mamuno.

ROBERT:​ Ang napili ko ay si Romina

Lahat ng empleyado pinalakpakan si Romina habang si Daniela at Savannah mahinang


nagpapalakpakan at nagtitinginan sa isa’t-isa. (Daniela gets jealous)

Pupuntahan si Romina sa harap.

Magsasalita si Romina upang pasalamatan at ma-ilahad na din, ang mga ideya at suhestiyon
niya para sa Seafood Expo.

Umupo muna si Robert, isa sa mga upuan sa harapan.

ROMINA: Magandang hapon sa inyong lahat. Salamat, Sir Robert. Umasa po kayo na
gagalingan ko sa proyekto na to. May suhestiyon na po ako para sa proyekto at ito ang
paggawa ng panibagong timpla na magiging patok sa masa.

Karamihan sa mga empleyado ay sumasang-ayon.

Nagsalita si Daniela.

DANIELA: Bagong timpla? Bakit pa kailangan natin gumawa ng bagong timpla. Ehh, kaya nga
nakilala ang Camilla Sardines because of its original taste.

ROMINA: Well, hindi ba’t mas maganda kung makakatikim pa ng iba pang timpla (flavor) ang
mga mamimili (buyers) para mas kilala pa nila ang Camilla Sardines.
DANIELA: Kailangan natin magtuon ng pansin sa mga mayayamang mamimili dahil sila ang
magbubuhay ng ating kumpanya.

Tumayo si Robert at nagsalita.

ROBERT: Sa tingin ko, maganda yung ideya mo na yan, Romina. Umaasa ako na
magtatagumpay yan. Romina, malaki ang tiwala ko sa iyo.

Humarap si Robert sa mga empleyado.

ROBERT: Okay everyone, dito na matatapos ang ating pagpupulong. Magpapaalam na ako.
Goodluck, CS team!

LAHAT NG EMPLEYADO:​ Goodbye Sir!

EMPLEYADO 1​: Ingat po kayo Sir.

EMPLEYADO 2:​ Happy trip Sir.

EMPLEYADO 3:​ Congrats, Romina para sa’yo talaga ang project na toh.

EMPLEYADO 4:​ Wag ka mag-alala tutulungan ka namin.

ROMINA:​ Salamat ha, galingan natin para sa Camilla Sardines!

Nagsilabasan sa eksena ang ibang empleyado.

Lumapit si Daniela at Savannah kay Romina.

DANIELA: Hayy, Iba ka talaga Romina (may kasamang palakpak) . Alam ko naman na hindi
mapupunta sa’yong proyekto na toh kung hindi mo inaakit si Sir Robert.

ROMINA:​ Anong ibig mong sabihin Daniela?

DANIELA: Wag ka nang magamang-amangan pa. Halatang-halata naman. Nagpapacute ka


kay Sir, tiba.

SAVANNAH:​ True, Dani Girl.

ROMINA: Hindi totoo yan, Daniela. Masaya lang talaga ako dahil ipinagkatiwala sa akin ni Sir
Robert ang proyekto na ito. At bakit namin ako magpapacute kay Sir? Sinasabi mo lang yan
dahil naghahanap ka lang ng butas sa pagpili sa akin, at hello? dati na akong cute.
DANIELA:​ Oh don't flatter yourself Romina, cute nga pero pang masa.

ROMINA​: I don't have time for this Daniela. (Wala akong oras para dito, Daniela.)

Umalis si Romina iniwan si Daniela at Savannah sa eksena.

SAVANNAH: Ano balak mo Dani Girl? Alam ko naman na kailangan mo din yung proyektong
ito.*sound effect

DANIELA​: Magagawan ko ng paraan yan Savy. “I can do better than her”. Mas
mapagbubutihan ko yan kaysa kanya.

*sound effect 7

SCENE 2:​Introduction of the Product

Nakaupo ang lahat ng empleyado para sa isang pagpupulong.

Dumating ng huli si Daniela.

Romina nakatayo sa harap para ipakilala ang bagong konsepto.

ROMINA​: Para sa bagong konsepto, napansin ko na mas maganda kung mag pokus tayo sa
pang pamilya at pantahanan.

Biglang nagsalita si Daniela.

DANIELA​: Hindi ba bababa ang kalidad ng Camila Sardines kung ipagpapatuloy natin ang
konsepto na yan. Para sakin... dapat sumabak tayo sa mas mamahalin na timpla. Mas
maganda kung ta-taasan natin ang class ng Camila Sardines. Di ba?

Karamihan sa empleyado, sumang-ayon.

ROMINA​: Kung ang konsepto natin ay pang pamilya at tahanan. Mas marami ang bibili ng
produkto natin. Hindi lang kalidad ang maibibigay natin sa masa pati na ang makapilipinong
panlasa.

Hindi nakinig si Daniela kay Romina at nagsalita.

DANIELA​: If that's the case (Kung gayon), hatiin natin ang CS team sa dalawa. Tignan natin
kung sino ang mas makakaraming benta sa Seafood Expo.
ROMINA​: Mas magandang magtulungan na lang tayo sa proyektong ito.

DANIELA​: Lahat ng pabor na maghati ang team, magtaas kayo ng kamay.

Empleyado 1 at Savy nagtaas ng kamay.

DANIELA​: Okay, so nakapag-decide na. May the best team win *sound effect

*sound effect 9

SCENE 3: ​Making of the product

Nagpapakita ng kooperasyon si Romina sa kanyang mga kasama.

ROMINA​: Sige, tulungan na kita diyan.

EMPLEYADO 4​: Salamat, Romina.

Habang sa grupo ni Daniela, nagpapakita ng hindi magandang ugali.

Nagbigay ang isang empleyado ng draft o papel tungkol sa kanilang konsepto.

DANIELA​: No! No! Hindi ba sinabi ko na mas malaki at yung kulay mas dark mas maganda.
Ikaw, bilis-bilisan mo naman marami pa tayong kailangan tapusin.

SAVANNAH​: Dani, chill ka lang. Kasamahan natin sila at hindi mo trabahador.

DANIELA​: Paano ako kakalmado Savy, hindi naman nila ginagawa ng tama yung mga trabaho
nila.

SAVANNAH​: Edi tulungan mo sila, Dani.

DANIELA​: Hindi Savy, trabaho nila yan.

Hindi pinansin ni Daniela si Savannah.

SCENE 4​: ​Launch date Seafood expo

May dalawang table na nagsisilbing kunware stall ng Camilla Sardines.

ROMINA​: Ate, ate, tikman niyo ang Camilla Sardines.


Maraming tao ang lumapit sa stall ni Romina.

MAMIMILI 1​: Ate pabili naman ng limang Camilla Sardines.

1MAMIMILI 2​: Ang sarap! Hmmm.

MAMIMILI 3:​ Tara punta tayo doon mukhang may free-taste.

Napansin ni Daniela na maraming buyers kay Romina. Tinawagan niya si Savannah.

DANIELA​: Savy, kailangan ko ng tulong mo!


P
SAVANNAH:​ O nandito na ko, ano kailangan mo?

DANIELA​: Kailangan ko makahanap ng paraan kung paano ko masasabutahe ang mga


produkto ni Romina.

SAVANNAH​: Wag kang mag-alala Dani girl may plano na ako.

*sound effect 7​ Nilagyan ni Savannah ng maraming asin ang patikim (test sample) ni Romina.

MAMIMILI 3:​ *Uubuhin* Ang ALAT! *ubo* *ubo*

Nagtaka si Romina. Tinikman niya ito. Inubo si Romina.

ROMINA​: Hindi naman ito yung una kong inilabas na test sample. Bakit nag-iba ang lasa?

Nakita ni Daniela na nagtagumpay ang plano niya.

DANIELA​: Nagtagumpay ang plano ko. *ngumisi* (smirk).

Tumingin si Romina sa paligid. Nagkatinginan sila ni Daniela. ​*sound effect 9 Pinuntahan ni


Romina si Daniela.

ROMINA​: Daniela, ikaw ba ang may kagagawan kung bakit maalat ang produkto ko?

DANIELA​: Don’t you dare, Romina. Wala akong alam sa pagbibintang mo.

ROMINA​: Alam kong ikaw yun. Dahil una pa lang naiinggit ka na talaga sa akin dahil ako ang
pinagkatiwalaan ni Sir Robert para mamuno para sa Seafood expo.

Tinawag ni employee 4 si Romina.


EMPLEYADO 4:​ Romina, may natitira pa tayong sample test.

Bago puntahan ni Romina si empleyado 1. Biglang hinatak ni Daniela ang kamay ni Romina​.

DANIELA​: Hindi pa tayo tapos mag usap.

ROMINA​: Daniela bitawan mo ko!

Nagsimula mag-away sina Romina at Daniela.

Biglang dumating si Robert.

ROBERT​: Anong kaguluhan ito?! Romina. Daniela. Dito pa talaga kayo nagaway. Alam niyo
naman na dinadala niyo ang pangalan ng kompanya. Pinagkatiwalaan ko sa inyo ang proyekto
na ito para sa Seafood Expo at ito *slight pause and shows a hint of disappointment* ang
ipapakita niyo sa akin.

DANIELA​: Sir, 5 taon na po ako nagtatrabaho sa Camila Sardines. Sir, kahit isang beses di
niyo ako binigyan ng pagkakataon para mapatunayan ko ang sarili ko, pero si Romina, 5 buwan
pa lang.

ROBERT​: Daniela, alam kong isa ka sa mga naging tapat na empleyado ng kompanya ko at
paumanhin kung hindi kita masyado napapakinggan. Hindi ko mapagkakaila na ako ay nabigo
sa iyong inasal. Pwede mo naman akong kausapin.

DANIELA​: Paumanhin po, Sir. Dahil sakin, muntikan na hindi bumili ang masa ng produkto ng
Camille Sardines. Paumanhin po talaga at di na mauulit, sa iyo rin Romina, pasensiya na sa
nagawa ko.

ROMINA​: Naiintindihan ko, basta wag na mauulit.

ROBERT​: Napag isip isip ko na maari naman natin ipagsama ang inyong mga mungkahi at
magkakaroon pa ng pagpipilian ang masa kung alin ang napupusuan nilang lasa.

EMPLEYADO 1​: Oo nga!

EMPLEYADO 2:​ Tama yun!

EMPLEYADO 3:​ Agree ako diyan!

*sound track

You might also like