You are on page 1of 6

TLE 8 PETA SCRIPT

Narrator: Magandang araw Binibining Arlene at mga kaklase, kami ang Group Boys para sa
aming 3rd Quarter Performance Task sa TLE

Narrator: At ngayon, aming iprepresenta sa inyo ang aming inihandang istorya na tungkol sa
dalawang entrepreneur na si Kian at Simon na napagisipan na sila ay magumpisa ng kanilang
sariling negosyo pagkatapos ang isang karanasan. Sabay sabay nating tunghayan ang kanilang
kwento!

Narrator: Nang isang araw, Noong naghahanap ang dalawang magkaibigan ng makakain para
mapunan nila ang kanilang gutom. Napa daan sila sa isang bilihan na nagtitinda ng mga
masasarap na meryenda at sabay sa pagkatapos nilang umorder at kumain, napaisip sila.

Setting #1: Kainan

Kian(Kurt): Ano kaya kung tayo rin ay magsimula ng isang negosyo kagaya ng ating kinakainan
ngayon?

Simon: Oo nga ‘no! Tutal may sapat pa naman tayong perang naitabi para pam puhunan.

Kian: Abay sige, tayo na’y magumpisa magplano sa mga bagay bagay pero napapaisip ako, kung
saan tayo pwepesto at ang ipapangalan ng negosyo natin?

Simon: Ano kaya kung sa beach? Tutal napapanahon naman ang init ngayon at tsaka sikat!
Aking rin napapansin ay malago ang mga nagtatayo ng negosyo roon dahil sa mga turista at
mga naliligo. At sa pangalan… Di kaya’y ientitulo natin itong, “Street Food ni Aling Kathleem” na
halip ay magbibigay ng tradisyonal at simpleng feel sa mga tao para na kanilang magugustuhan!
Kian: Ayan ay magandang ideya! Di kung gayo’y umpisahan na natin ang ating plano! Ano pang
hinihintay mo diyan? Tayo’y maghanap na ng ating marerentahan!

Narrator: Makalipas ang paghahanap ng marerentahan at ilang linggong pagsasaayos at


paghahanda. Hanggang sa mga business plan, staff, pagkain at pangkalahatang setup. Sila Kian
at Simon ay handang handa na itanghal ang kanilang pinaghirapang negosyo!

Setting #2: Beach/Street Food Ni Aling Kathleen

Kian: At sa wakas, ang ating negosyo ay ngayon nang opisyal na magbubukas! Simon, handa ka
na ba?

Simon: Siyempre naman! Maging ang Street Food ni Aling Kathleen ay maging matagumpay!
Errold, siguraduhin niyo ay mabibigyan niyo ng maayos na serbisyo ang ating mga customers
ha, marami pa naman ang nagaabang ngayon.

Errold: Oo naman ser, dapat lang! Baka ako lang to.

Kian: Kung gayo’y, ibukas na ang mga pintuhan para ngayo’y pumunta na ang mga tao at
masaksihan ang kasarapan ng ating mga pagkain!

Narrator: Pagkabukas ng kanilang negosyo, nag simulang dumagsa ang mga ilang katao dahil sa
di inaasahang patok nilang fishball sauce! Sa unang araw, sila’y nasiyahan sa sandamakmak na
kumain sa kanilang kainan at ito’y nag umpisang naglaho nang may isang dumating na krisis sa
kanila, subalit kakabukas pa lamang ng kanilang negosyo. Pagkabukas ng mga emplayado sa
pintuan, may isang sikat na vlogger na nagnagnagalang “Pearly” ang dumating sa kainan ng
magkaibigan, isang siyang sikat na travel at food vlogger na mayroong higit na 1.5 million
subscribers sa YouTube.

Pearly: Ito ba yung kakabukas pa lamang na negosyong nagviral agad? Aba’y masubukan nga
dito!
Kian: Magandang araw sa inyo maam, welcome sa Street Food ni Aling Kateen. Kung di ako
nagkakamali, ikaw si Pearly na vlogger diba? Maraming salamat po sa pagbisita niyo rito! Maari
po kayong dumiretso sa ating counter para mag order ng inyong anumang gusto.

Pearly: Thank you for your warm welcome. Maganda ang service dito ha, sana naman sa lasa rin
ng pagkain

Adriane: Magandang araw po sa inyo, ano po ang inyong gustong iorder?

Pearly: Siyempre yung patok na pinaguusapan nilang fishball na kasama yung malasang fishball
sauce, samahan mo na rin ng gulaman.

Narrator: Matapos umorder si Pearly, ilang minutong ang lumipas, ibinigay na rin sa kaniya ang
kaniyang order na inihandog ng kanilang waiter na si Errold. Doon na nga tinikman ni Pearly ang
inahandang fishball nila. Nang subalit, buong kainan ay biglang nagulat, matapos ipahayag ni
Pearly ang kaniyang saysay pagkatapos tikman ang pagkain.

Pearly: ANO TO?! BAT LASANG PANIS! *Linuwa ang pagkain* Hindi niyo ‘man lang ba sinigurado
ang kalidad ng mga pagkain ninyo?! ITO BA ANG PINAPAKAIN AT NIYO SA MGA CUSTOMERS
NINYO?!!! Kakabukas pa lang din naman na inyong tindahan! What more if pinagpatuloy niyo
ito?!

Simon: Paumanhin po miss, maari ko bang maitanong kung ano ang nangyayari rito? Parang
may kaguluhang nagaganap

Pearly: Nag bibingibingihan ka ba dito? Panis ang ibinigay niyong pagkain sakin! I would like to
speak with your manager regarding this situation!

Narrator: Pagkatapos sermonan ng nasasabing vlogger ang mga tauhan, agad agad pumunta
ang isa ring may ari ng negosyo na si Kian para masaksihan ang nangyayaring kaguluhan at doon
na nga rin niyang itinanong kung ano ang problema.
Kian: Excuse me po, ano po ang nangyayari dito?

Pearly: Ikaw ba ang manager ng food stall?

Kian: Opo, bakit po?

Pearly: Bakit kayo nag seserve ng panis na pag kain dito, ganyan ba kayo sa lahat ng customers
nyo!?

Kian: Pag pasenyihan niyo na lang po kami miss, hindi naman iyon ang aming pakay, kung gusto
ninyo palitan na lang namin ang iyong pagkain para ma enjoy niyo pa rin po dito

Pearly: Aba sir, hindi lang yan nadadaan sa pa simpleng pagsosorry tas bibigyan mo lang ako ng
kapalit?! Dapat alalahanin ninyo nang mabuti ang lahat ng bagay rito ng may kasigaruduhan
hindi lang yung pa kampante diyan. Che, makaalis na nga rito. Tandaan niyo lahat ng sinabi ko,
marapat na ayusin niyo to kalaunan o kung hindi alam niyo na ang magiging resulta.

Narrator: At nang matapos mag reklamo ang isang customer ang mga tao sa loob ay nag ka
tinginan sa may ari ng restaurant, sila rin ay halos nagsilabasan at pinagusapan na ang ganap na
kalaunan lang ay nangyari

Narrator: Makalipas ang ilang araw, patuloy na kumunti ang mga pumapasok na customer sa
kanilang negosyo hanggang sa tuluyan nang wala nang nabili sakanila dahil sa kumento ng isang
(vlogger / customer) na pinost sa social media

Errold: Boss oh, tingnan mo tong post ni Pearly. Aba’y grabeng viral sa social media kaya hindi
na tayo dinadapuan ng kahit ni isang tao o langgam sa lugar na to eh

Simon: Wag ka namang ganyan. Kailangan talaga meron tayong maipahayag ng mabilisan para
bumalik sa pagiging patok ang ating negosyo kasi di natin to kayang palagpasin
Kian: Tama nga! Papakita talaga natin kay Pearly kung sinong mas higit na magtatagal bilang
popular, just you wait and see, Miss.. Hindi kami magpapakampante at patuloy lang nang
magiging ganto, maging sanay umunlad ulit ang Street Food ni Aling Kathleen…

Narrator: Matapos makita ni Kian at Simon ang commento ni Pearly tungkol sa kanilang
negosyo na naging dahilan ng halos pag-kalugi ng negosyo nila, nag experimento sila ng iba’t-
ibang paraan at pagkain, sawsawan para sa kanilang mga putahe upang ang mga ito at ma ihain
ng luto, maayos, mabilis at bago sa panlasa ng mga customers

Setting #3: Kitchen

Chef(Jared): Parang andami ng nadagdag na putahe sa ating menu ah, ating ipagdasal
gugustuhin to lahat ng mga tao at sa wakas mabalik na ang pagiging popular natin. Nais ko pa
naman maging kilala rin dahil sa aking mga luto

Simon: Sigurado yan Chef! Tiwala ka lang, lahat ay manunumbalik sa sarap ng inyong mga
pagkain at magiging parang dati lang to muli

Kian: Kaya nga, ating ipagpasya na maging matagumpay ulit ang ating food stoll. Maiaahon na
rin natin ang ating negosyo sa wakas muli!

Narrator: At nang naisaayos na ang mga sawsawan at mga putahe sa kanilang negosyo nag
simulang dumami ulit ang mga taong bumibili at dumadaan sakanilang negosyo

Back to Setting #2: Street Food Ni Aling Kathleen

Adriane: Magandang araw po sa inyo, ano pong gusto nila?

Jacob/Kevin/Ivan: Meron ka bang lemon?


Simon: Hays Kian, dami na nating agad napagdaanan at naranasan kahit tayo pa lang talaga ay
nagumpisa, Ngayong mas dumami uli ang mga tao dito, napapangiti talaga ako sa saya,
Nagpapasalamat akong naisaayos natin tong negosyo natin para bumungad muli

Kian: Di talaga madali ang pag nenegosyo kaya dapat lagi kang socially and financially aware sa
lahat ng mga bagay bilang negosyante, Bilang entrepreneur, dapat isalba mo ang iyong sarili sa
lahat ng bagay na possibleng mangyari kaya’t lalo na yung mga nakapaligid sayo, mungkahi mo
talaga iyon na dapat mong gampanan.

Simon: Haha dami mo namang satsat, maging masaya na lang tayo sa nagaganap ngayon,
tingnan at obserbahan mo oh, basta may maayos kang business plan siguradong maisasalba mo
sarili mo sa kahit anong kahirapan.

Narrator: Pagkalipas ng isang taon, ang kanilang negosyo ay higit pang mas nahing matagumpay
at nakakita rin sila ng higit aabot sa milyon-molyon. Nang sa gayon ay sila rin ay nakapagtayo na
ng mga ibat ibang branch ng Street Food Ni Aling Kathleen sa ibat ibang lugar ng Pilipinas. Dito
nakilala na ang dalawang kaibigan bilang inspirasyon sa bawat isa na kahit anong kahirapan ang
iyong mararanasan bilang naguumpisang negosyante, Ikaw ay uunlad sa pamamagitan ng
katiyagan at kasipagan. At doon na nagtatapos ang ating kwento, maraming salamat sa
panonood at pakikinig

You might also like