You are on page 1of 10

FAQs ABOUT RICE

BUSINESS

LINCHOCO RICE DEALER


CONTENT

Paano kumilatis ng bigas?


Bakit Panisin ang bigas?
Kanino dapat kumuha ng bigas?
Dagdag tips sa pagbubukas ng bigasan.
Paano kung pangit ang delivered rice?
Saan dapat bumase? Butil o Sako?
Magkano ang kapital para makapagsimula?
Paano ang diskarte para madagdagan ang kita sa
bigas?
PAANO KUMILATIS NG BIGAS?

Laon o maalsa – matte ang kulay o hindi masyadong


makinang, medyo magaspang or madulas pag dinakot
mo, yung iba mataas ang amoy ng bigas dulot ng pagkaka
stock.
Bagong bigas – ma brillo ang kulay at amoy bagong bigas
(mabango amuyin)
Denorado – High grade ito kaya more often na mas buo
ang butil, ma brillo din ito at lagkitan pag sinaing.
Jolibee Rice, Sinandomeng, Angelica rice – walang
ispesipikong katangian, katawagan lang ito para pang
hikayat sa mamimimili.
BAKIT PANISIN ANG BIGAS?

TATLONG DAHILAN KUNG BAKIT PANISIN ANG


BIGAS:
1. Mishandling o improper na pag iimbak ng bigas.
2. Hindi nahuhugasan ng mabuti ang pagsasaingan.
3. Panahon, sobrang init ng panahon madaling
mapanis ang bigas.
KANINO KUKUHA NG BIGAS?

Malaking store – I suggest na sa DIRECT SUPPLIER


kayo kumuha since bulk orders naman kayo
siguradong makakakuha kayo ng magandang
discount.
Retail Store – o yung maliit na bigasan, pwede din
naman kayong kumuha sa direct supplier kaso base
on our own experience nadin po kung less than 10
sacks lang ang oorderin ninyo at malayo pa kayo kay
supplier mas mapapamahal kayo sa delivery charge.
Pwede kayo kumuha sa SUBDEALER.
DAGDAG TIPS SA PAGBUBUKAS NG BIGASAN.

 Sa pagbebenta ng bigas, kung nag sisimula ka pa


lamang ay huwag magpatong ng masyadong
mataas, maari kang mag survey sa lugar ng
pagtatayuan mo ng iyong rice store kung magkano
ang presyuhan. Mas mabilis ang kita sa maliit na
tubo pero mabilis maubos kaysa sa malaking tubo
matagal naman naiimbak ang iyong bigas.
Malaking factor din ang lugar kung saan mo itatayo
ang iyong store, siguraduhing may tamang market,
mas mainam kung sa palengke o di kaya’y sa lugar
kung saan madalas ay traffic ka magtayo ng
bigasan.
PAANO KUNG PANGIT ANG DELIVERED RICE?

On our side, we assure you that we delivered best


quality of rice, bago lumabas sa storage namin ay
chinecheck namin ang quality ng aming idedeliver
na bigas pero hindi padin maiiwasan na may
mangyari during the delivery especially sa panahon
ngayon bigla nalang bumubuhos ang ulan. Just in
case po na pangit ang nareceive niyong bigas
papalitan po namin ito basta po at the time of
receipt ay ipaalam na sa amin.
SAAN DAPAT BUMASE? BUTIL O SAKO?

Sa butil tayo dapat babase dahil iyon naman ang


binibili sa atin ni consumer, yung quality ng rice
natin. Pero siguraduhin din na hindi naman naiiwan
ang packaging o ang sako ng bigas natin kahit
papaano ay may factor padin ito sa mata ng
mamimimili.
MAGKANO ANG KAPITAL PARA
MAKAPAGSIMULA?

As low as 30,995 ay pwede kana mag start ng


bigasan store mo. (PACKAGE E) Paano ang other
expenses like rent, permits at pasweldo sa tao? Since
maliit na package pa lang naman ang inavail mo at
pandemic naman ngayon madalang ang lumalabas I
recommend na mag online selling ka muna
hanggang makaipon ng enough funds para sa other
operating expenses. Pwede din naman na sa bahay
mo muna ilagay ang iyong rice store.
PAANO ANG DISKARTE PARA MADAGDAGAN ANG
KITA?

Since pandemic pwede po kayo mag online selling


and offers delivery. Sa ganoong paraan po ay
magkakaroon kayo ng siguradong benta at hindi aasa
lamang sa dadating na customer sa inyong store.

You might also like