You are on page 1of 11

HOME ECONOMICS V

GRADE V
PAMAMA
LENGKE
NG MGA
SANGKAP
ALAMIN!
SA
PAGLULU
TO

Source https://www. dreamstime.com/flea-market-counters


: Source: https://www. shutterstock.com-image117348883
-bazaarp-image160475796

Sa pagpili ng pagkaing ihahanda sa hapag kainan ng pamilya dapat isaalang


alang ang presyo ng pagkain at sustansyang taglay nito. Ang pamamalengke ay isang
gawaing kawili wiling gawin kung marunong kang magplano ng mga dapat bilhin .

Ikaw?marunong ka bang mamalengke? Alam mo ba ang sariwa sa hindi


sariwang pagkain o sangkap na kakailanganin sa iyong paluluto?

Sa modyul na ito matutuhan mo ang wasto at tamang paraan ng pagpili ng mura


at sariwang mga sangkap para sa pagkaing iyong lulutuin para sa iyong mag-anak.
Matututuhan mo rin ang mga dapat gawin habang namamalengke .

SUBUKIN!

Panuto: Sagutin ang mga tanong:

1. Sumama ka na ba sa iyong ina sa pamamalengke?


HOME ECONOMICS V

____________________________________________________________
2. Ano ang mga nakikita mo sa palengke?
_____________________________________________________________
3. Ano ang binili ng iyong ina? Nagustuhan mo ba ang mga ito?
_____________________________________________________________
4. Sa mga nakita mong paninda sa palengke, alinsa mga ito ang pinakagusto mo?
_____________________________________________________________
5. Ano ang nararamdaman mo sa pagsama mong mamalengke? May natutunan ka
ba?
_______________________________________________________________

TUKLASI
N!
Basahin ang Kwento:

Si Mariz na Wais

Si Mariz ay isang labin-isang taong gulang bata na palaging


tumutulong sa kanyang ina. Lagi siyang sumasama sa palengke at palaging minamasdan
kung paano mamili ang kanyang ina.

Isang araw, inutusan ng kanyang nanay si Mariz na bumili ng mga


sangkap para sa niluluto niyang sinabawang gulay.

“Mariz, anak, pakibili nga sa palengke ng sariwang alugbati, kalabasa ,


talong at malunggay . Samahan mo na rin ng asin at hipon para sa sinabawang gulay na
lulutuin ko.” Utos ng kanyang nanay.

“Opo nay!” masiglang sagot ni Mariz, “at para matandaan ko po ang lahat
ng inyong bilin ay ililista ko po ito sa aking notebook.

Dali-daling kinuha ni Mariz ang kanyang notebook at inilista ang lahat ng


utos ng kanyang ina. Inilista niya ang lahat ng sangkap na kanyang bibilhin at ang mga
posibleng presyo ng mga ito. Pgkatapos ay ipakita niya ito sa kanyang ina.

“Nay, nandito na po ang aking listahan. Tingnan nyo po kung kumpleto


na ang lahat ng aking bibilhin.”, at inabot ni Mariz sa kanyang ina ang kanyang listahan.
HOME ECONOMICS V

Nakangiting tiningnan ng kanyang ina ang kanyang listahan, “Napakawais


talaga ng anak ko. Kumpleto ang iyong lista at may mga presyo pa!”

“Siyempre nay, dahil may listahan ako madali ko nang mabibili ang mga
ipabibili mo, makatitipid pa ako sa oras at lakas ko. Wais ata to!” masiglang bigkas ni
Mariz.

Pumunta si Mariz sa palengke at bumalik na kumpleto ang ipanabibili ng


kanayang ina. Pinsalamatan siya ng kanyang ina at binigayan ng mahigpit na yakap at
halik.

Nagustuhan nyo ba ng kwento? Katulad ka rin ba ni Mariz na wais?

SURIIN!
Ang pamamalengke ay isang kasanayan na dapat matutunan. Ito ay isang kawili-
wiling gawain na makatutulong sa pamilya lalong lalo na sa mga ina. Ang pagpaplano
ng nga pagkaing iluluto sa isang lingo ay maari maging basehan sa pamamalengke para
makakatipid ng lakas, pera at oras.

Sa murang edad pa lamang ay mahalagang matutunan ang pamamalengke para


makatulong sa pamilya.

Narito ang ilang dapat tandaan sa pamamalengke:

1. Ihanda ang listahan ng bibilhin sa bahay pa lamang. Ilista ang mga bibilin
depende sa plano ng pagkain sa buong lingo.
2. Sundin ang badyet para sa pagkain.
3. Tiyakin ang puwesto ng bawat bibilhin tulad ng karne, isda, manok, gulay
prutas at mga sangkap upang makatipid ng oras at lakas.
4. Magkaroon ng wastong kaalaman sa pagpili ng mga sariwang
pagkain/sangkap.
5. Bilin ang mga pagkaing napapanahon. Tiyak mura at sariwa ito.
6. Pasobrahan ang perang dala. May mga pagkakataong tumataas ang mga
presyo ng mga bilihin.
7. Iwasan ang pagmamadali sa pamimili upang walang makaligtaan.
8. Tiyaking tama ang timbang, bilang at uri ng paninda.
9. Bilanging mabuti ang sukli bago umalis sa tindahan.
10. Tingnan ang expiration date ng mga pagkaing bibilhin.
HOME ECONOMICS V

11. Tumawad ng magalang at humingi ng pahintulot na makapamili ng mga


gustong bilhin.
12. Iwasang mamili sa maraming tao.

Mabuting ring malaman ang ibat-ibang bahagi ng palengke upang mapadali ang
pamimili, mas maigi ding gawin ang pamimili maagang maaga pa para hindi
masyadong matao nang sa ganoon ay malaya makapili ng mga gusto bilhin at tiyak na
sariwa pa ang mabibili.

PAGYAMA
NIN!
UNANG GAWAIN

Panuto:

Sagutin ng Tama o Mali.

__________1. Ang pamamalengke ay mahirap gawin.

__________2. Kailangang piliin ang sariwa at murang mga sangkap.

__________3. Sariwa ang isang isda kapag mapula ang hasang nito.

__________4. Mainam na pumunta sa palengke sa hapon para kaunti pa lamang


ang mga namimili.

__________5. Mahalagang matandaan ang bawat bahagi ng palengke para


makatipid sa oras sa pamimili sa palengke.

IKALAWANG GAWAIN

Panuto: Kwentahin ang halaga ng mga paninda:

1. Ang halaga ng 1 kilong baboy ay Php 220.00.


Kung ikaw ay bibili ng1 ½ na kilo, magkano ang iyong babayaran?
HOME ECONOMICS V

2. Isulat ang kabuuang halaga ng pinamili


Alogbate Php 10.00
Monggo 8.00
Sibuyas 6.00
Kalabasa 10.00
Sili 5.00
__________

ISAISIP!
Bakit mahalagang matutunan ng isang batang katulad moa ng pamamalengke?
Ano ang mabuting maidududlot kung marunong kang mamalengke?
HOME ECONOMICS V

ISAGAWA
!
Panuto: Gumawa ng isang talaan ng mga sangkap para sa Adobong Manok.

TAYAHIN!
Panuto: Pumunta sa malapit na palengke , alamin at itala ang mga presyo ng mga
sangkap na iyong inilista para sa Adobong Manok.

MGA SANGKAP PARA SA ADOBONG MANOK


SANGKAP PRESYO

KARAGD
AGANG
Manood ng mga video sa Youtube tungkol sa tamang gawain kapag namamalengke.
GAWAIN!
Ilagay ang link ng iyong pinanood sa video sa ilalim.

__________________________________________________________________________

SUSI SA PAGWAWASTO
HOME ECONOMICS V

Pagyamin:
UNANG GAWAIN

1. Mali
2. Tama
3. Tama
4. Mali
5. Tama

IKALAWANG GAWAIN

Panuto: Kwentahin ang halaga ng mga paninda:

1. Ang halaga ng 1 kilong baboy ay Php 220.00.


Kung ikaw ay bibili ng1 ½ na kilo, magkano ang iyong babayaran?

Php 330

2. Isulat ang kabuuang halaga ng pinamili


Alogbate Php 10.00
Monggo 8.00
Sibuyas 6.00
Kalabasa 10.00
Sili 5.00
__________

Php 39

Isagawa:

Ang mag-aaral ay magbibigay ng sariling sagot.

Tayahin:

Ang mag-aaral ay magbibigay ng sariling sagot.

Prepared by:
HOME ECONOMICS V

FEBE R. DONGUINES
Victorias Elementary School
Victorias I
HOME ECONOMICS V
HOME ECONOMICS V
HOME ECONOMICS V

You might also like