You are on page 1of 34

KATEGORYA NG BALITA

1. Kabaguhan
Mga Market Stalls – Pinagkakakitaan Ng Ilan?
Mga Market Stalls – Pinagkakakitaan Ng Ilan?
Editorial
March 6, 2022Abn

Noong nakaupo pa si dating Muaricio Domogan bilang mayor ng Lungsod ng Baguio ay


nagbabala siya sa mga market stallholders laban sa diumano’y sub-leasing o pagpapaupa sa
inuupahang mga stall o puwesto sa iba’t-ibang bahagi ng pampublikong merkado kaugnay ng
noo’y isinasagawa nilang kampanya upang maalis ang iligal na gawain na ito sa palengke.
Dahil sa natuklasan nilang iligal na gawaing ito sa kasagsagan ng pag-alok na public bidding ng
mga mga stall ay isinama na rin nila ang mga ito sa bentahan.
Inamin din noon ni Domogan na ang isyu sa diumano’y sub-leasing ng mga stall sa city public
market ay naging isyu na kinakaharap ng kaniyang administrasyon sa mga nakalipas na taon
(kung ilang taon siyang umupo ay siya marahil ang tagal), subalit ayon sa kaniya ay nahirapan
ang mga opisina ng lokal na gobyerno na may kinalaman dito sa paghahanap ng sapat na mga
piraso ng ebidensiya na magiging tuwirang dahilan upang mapawalang-bisa ang iginawad sa
isang stallholder kung ito ay natuklasang ipinapaupa ang inuupahan nila sa ibang
tao na salungat sa gawad na mga karapatan na mag-operate ng matket stall na ibinigay sa kanila
ng lungsod.
Gayundin ay mahigpit din na nagbabala ang Baguio City Market Authority (BCMA) laban sa mga
walang-konsiyensiyang stallholders sa loob ng city public market at Slaughter Compound sa pag-
papaupa ng kanilang naigawad na mga puwesto dahil handa raw ang pamahalaang lungsod na
gawin ang katampatang mga hakbang upang makansela ang kani-kanilang iginawad na puwesto
para sa benepisyo ng mga tao na sumusunod sa mga probisyon ng kanilang kontrata.
Lumalabas na may mga stallholder na nagbabayad lamang sa lungsod ng nasa PhP300 bilang
buwanang renta subalit kapag ipinaupa nila ang kanilang puwesto sa mga interesadong tao, ang
uupa ay magbabayad ng mula PhP10,000 hanggang PhP25,000 bawat buwan. Ang gawaing ito
na nagpapaupa ng kanilang inuupuhang puwesto sa di-makatuwirang mataas na renta ay labag
sa ilang probisyon ng Baguio City Market Code (Tax Ordinance No. 2000-01).
Sinasabi sa Section 146 ng market code na iligal na mamahala ng higit sa isang puwesto. Isa pa,
tahasang sinasabi sa Section 157 at 160 ng market code na : “xxx the leaseholder shall physically
or personally conduct business in the stall subject of the lease and that the leaseholder shall not
sell, lease, or transfer to other individuals their leasehold rights nor permit others to conduct
business therein”. Gayundin ay sinasabi sa Section 161 na ipinagbabawal ang sub-leasing ng mga
stall at paggamit ng mga “dummy”.
Sa bagong administrasyon ni Mayor Benjamin Magalong na magtatapos na rin sa taong ito (kung
hindi siya papalarin sa halalan) ay muling natuklasan ng Public Order and Safety Division (POSD)
sa kanilang isinagawang imbestigasyon na may mga ilang pa ring lumalabag sa mga probisyon ng
Market Code.
Kapansin-pansin na lumalabas ang mga isyu ng sub-leasing, pagbebenta ng mga puwesto at mga
“dummies” sa panpublikong pamilihan ng lungsod at nagkakaroon ng mga imbestigasyon sa mga
huling panahon ng panunungkulan ng mga nakaupong administrasyon.
Ang katotohanan sa isyung ito ay pinahihintulutan at kinukunsinti ng napakatagal nang panahon.
May mga alegasyon pa na ilang may mga may-ari ng mga stall na nababanggit sa isyu ay mga
“malalakas” daw sa administrasyong nakaupo, at ilan ay mga opisyal pa ng lungsod at nasa
katungkulan.
Kung totoo ang isinasagawang imbestigasyon, may mga sapat na ebidensiya at tiyak nang
natukoy ang mga gumagawa ng nga iligal na aktibidad sa pamilihang bayan at kung tunay ang
pagnanais na malinis na ang merkado sa mga walang-konsiyensiyang taong ganito at maging
maayos ang pamamalakad dito ay ilantad na kung sinu-sino ang mga ito at panagutin at ibigay
ang karampatang parusa ayon sa isinasaad ng mga batas – nang walang pinapaboran at
kinikilingan o higit pa “kinakanlong” dahil sa pabor o anupaman.
Igawad ang mga market stalls na ito sa mga karapat-dapat at marunong sumunod sa batas na
mga tao.

2. Personal Impact
May epekto na ang digmaan sa Ukraine

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon 


March 10, 2022 | 12:00am
Tumaas ng P3 bawat litro ng gasolina at P5 sa diesel noong Martes. Ang presyo ng crude
oil ay umabot na sa higit $110 kada bariles. Pinakamataas na raw ito sa loob ng pitong taon.
Malaking porsiyento ng crude ay galing Russia kaya may epekto ang digmaan.
Sigurado sa pagtaas ng presyo ng gasolina at diesel ay tataas na rin ang ang pamasahe sa
jeepney at bus. Hindi kakayanin ng mga operator sagutin na lang ang ganyan kalaking pagtaas ng
presyo. Kailangang tanggalin na ang excise tax sa petrolyo. Masyado nang maghihirap ang ordi-
naryong mamamayan dahil sa excise tax na iyan.
Sa ngayon, nagpapataw na ng parusa ang maraming bansa sa Russia dahil sa pagsalakay sa
Ukraine kaya nagkakaroon ng kakapusan ng langis sa mundo. Ayaw namang dagdagan ng Gulf
countries ang kanilang suplay dahil may kasunduan umano sa Russia tungkol dito. Sabi ng
analyst, kapag ginawang sandata ng Russia ang langis, magkakagulo sa buong mundo. Baka
maganap na ang ikinatatakutang World War 3.

3. Balitang Panglokal

Bacolod, nagtala ng pinakamataas na bilang ng COVID-19


cases
 by Balita Online January 17, 2022 in Probinsya
BACOLOD CITY — Naitala ng Emergency Operations Center (EOC) ng lungsod
nitong Enero 17, ang pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa 189 mula nang
magsimula ang pandemya.

Sinabi ni EOC executive director Em Legaspi-Ang, nitong Lunes na ito ang itinuturing
na pinakamataas na bilang na naitala ng lungsod mula noong Mayo 2021, kung saan
180 kaso ang naitala bilang pinakamataas sa panahong iyon.

Ang datos ay batay sa real time na mga resulta mula sa molecular laboratory na
inilabas noong Linggo ng gabi.

ADVERTISEMENT

Karamihan sa mga nahawa ay ang mga may travel history, mga buntis, at may
comorbidities na asymptomatic, ani Ang.

Sa kabila nito, sinabi ni Ang na ang hospitalization utilization rate ay nananatiling


bahagyang mababa sa 31 percent.

Idinagdag din niya na isang pagkasawi lang ang naitala sa ngayon sa buwang ito.

Sinabi ni Ang na muli nilang binuksan ang tatlo pang quarantine facility kasunod ng
pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ang mga pasyente ng COVID-19 ay kwalipikadong mapasailalim sa home quarantine


kung sila ay asymptomatic, may hiwalay na banyo at kwarto, at kung lahat ng nasa
indibidwal sa loob ng tahanan ay bakunado na, ayon sa opisyal.

Aniya pa, nagpapatuloy ang programa ng pagbabakuna ng pamahalaang lungsod kung


saan hinihikayat ang mga natitirang residenteng hindi pa rin bakunado sa ngayon.

Nalampasan na ng lungsod ang 70 percent na target mula sa kabuuang populasyon sa


kanilang vaccination campaign.

Sa katunayan, sinabi ni Ang na ang arawang average nila ay umaabot na sa 6,000-


8,000 dahil sa booster shots.

Samantala, sinabi ni Ang na prerogative ng mga establisyimento sa lungsod kung


magpapatupad ang mga ito ng “no vaccine, no entry.”

Habang wala pang opisyal na anunsyo mula sa pamahalaang lungsod upang ipatupad
ito, naniniwala si Ang na ito ay isang mahusay na hakbang upang maiwasan din na
mahawa ang kanilang mga empleyado.

Ang lungsod ay isinailalim sa ilalim ng Alert Level 3 mula Enero 15.


Glazyl Masculino

4. Pera

Labor group humirit ng P470 umento sa sahod

(UPDATE) Naghain na ng petisyon ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) para itaas
ang minimum na sahod ng mga manggagawa sa harap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Sa panayam ngayong Lunes sa Teleradyo, sinabi ni TUCP spokesperson Alan Tanjusay na P470 ang
wage hike na inihirit ng grupo para sa mga manggagawa sa Metro Manila.

Maiaangat umano nito sa P1,007 kada araw ang minimum wage mula sa kasalukuyang P537.

"Non-negotiable po ito at baka pagalitan ho tayo ng mga manggagawa," ani Tanjusay.

Iginiit ni Tanjusay na napakaliit na ng natitira sa sahod ng mga manggagawa bunsod ng pagtaas ng


presyo ng mga bilihin.

"Matagal-tagal na ring walang dagdag na sahod 'yong mga manggagawa at napakaliit na ng take-
home pay," aniya.

Umaasa umano ang TUCP na bago mag-Semana Santa ay may desisyon na ang wage board dito.

Matapos umanong ihain ang petisyon, inaasahang magpapatawag ng konsultasyon ang wage board sa
mga negosyante at employer, at hiwalay na pulong kasama ang mga manggagawa.

Sa isang online press conference, sinabi naman ni Labor spokesperson Rolly Francia na suportado ng
kanilang ahensiya ang panukala ng TUCP na taasan ang minimum wage sa Metro Manila.

Naniniwala si Labor Secretary Silvestre Bello na kailangan nang i-review ang kasalukuyang
minimum wage dahil hindi na ito sapat para sa pangangailangan ng mga manggagawa, ani Francia.

Nauna nang inutusan ni Bello ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board na madaliin ang
pag-aaral sa pagtataas sa minimum wage.

5. Krimen at Kaparusahan
13-anyos na suspek sa pagpatay sa 5-
anyos na babae, umamin umano sa
krimen
Umamin umano sa krimen ang 13-anyos na lalaki na suspek sa pagpatay at posibleng
panghahalay pa sa limang-taong-gulang na babae sa San Jose del Monte, Bulacan.
Paliwanag niya, nagawa niya ang krimen dahil napikon siya sa madalas daw na pang-
aasar ng biktima.

Sa ulat ni Mariz Umali sa GMA News "24 Oras" nitong Lunes, sinabing kinunan ng
pahayag sa himpilan ng pulisya ang minor de edad na suspek, at dito ay inamin umano sa
ginawang pagpatay at paghalay sa biktimang si Mariel Cruz.

Habang kinukunan ng pahayag ang suspek, bumuhos naman ang galit ng tiyahin ng
batang biktima at hinanakit ng mga magulang.

Sabado nang natagpuan ang bangkay ng bata na nakasilid sa sako at may cable wire at
strap ng bag sa leeg.

Inaresto ang binatilyo matapos makita sa CCTV footage ng subdibisyon na siya ang
huling kasama ng biktima. Nakunan din ang paglabas niya ng bahay na dalang sako.

Sa paunang pagsusuri sa bangkay ng bata, sinabi ng pulisya na asphyxia dulot ng sakal


ang ikinamatay ng bata. May nakita ring palatandaan ng anal penetration sa biktima.

Matapos na makunan ng pahayag, dinala sa piskalya ang binatilyo para sa isasampang


reklamo.

Hindi humarap sa camera ang suspek pero idinahilan daw nito na nagawa niya ang
krimen dahil napikon siya sa madalas na pang-aasar sa kaniya ng biktima.
Ang ama ng binatilyo, humihingi ng patawad sa nagawa ng kaniyang anak.

Gayunman, matapos ang pag-inquest sa piskalya, dadalhin ang suspek sa San Jose del
Monte City Social Welfare and Development para doon i-turn over dahil sa kaniyang
pagiging minor de edad.

Ngunit dahil wala umano holding center o shelter sa city social welfare office, posible
raw na pauwiin at ibalik muna sa kaniyang mga magulang ang pangangalaga rito habang
wala pang pinal na desisyon ang piskalya kung kaninong kostudiya siya tuluyang
mapupunta, ayon sa report. -- FRJ, GMA News

6. Sex

Moira Dela Torre at Jason Hernandez,


hiwalay na
 Mayo 31, 2022 8:39pm GMT+08:00

Matapos ang tatlong taon na pagsasama bilang mag-asawa, naghiwalay na sina Moira
Dela Torre at Jason Hernandez.

Nag-post si Jason sa Facebook ng pahayag nila ni Moira nitong Martes tungkol sa


kanilang kasunduan na maghiwalay na.

“It is with a heavy heart that after [three] years of marriage, we announce that we are
parting ways. Our love and respect for each other remains. We request for privacy during
this difficult time,” saad sa pahayag.

Sa caption, inihayag ni Jason ang dahilan ng kanilang paghihiwalay at pag-amin ng


ginawa niyang pagtataksil sa kaniyang kabiyak.
  “This is probably the hardest thing I’ve ever had to write,” ani Jason. “[Three] years
ago, I married my best friend with the intent of spending the rest of my life with her.
Though my love for her has always been genuine, a few months ago, I confessed to
Moira that I have been unfaithful to her during our marriage.”

Sabi pa ni Jason, "I believe that she deserved to know the truth rather than continue down
a ‘peaceful’ but dishonest path. I take full responsibility and I’m doing my best to be
better.”

Humingi si Jason ng patawad sa lahat ng nasaktan sa kaniyang ginawa lalo na kay Moira.

Ikinasal sina Jason at Moira noong Enero 2019. — FRJ, GMA News

7. Tunggalian
Russia vs. Ukraine, giyera ng ideolohiya

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon 

March 3, 2022 | 12:00am

Tuloy ang bakbakan sa Ukraine sa ‘di-mapigilang pagsalakay ng Russia. Walang narating ang usapan ng mga kinatawan ng
dalawang bansa sa Belarus. Saktong isang linggo na ngayon ang digmaan. Paano mapipigil ang Russia sa  pananalakay?

Anang marami, ito ay giyera lang ni Russian President Vladimir Putin dahil walang nagkakaisang pagsang-ayon ang pamahalaang
Ruso. Ang mga nadakip na Russian soldiers sa Ukraine ay nagsiwalat na ayaw nila ng giyera. Pinilit lang daw sila ng mga
nakatataas sa kanila.

Nilinlang lang daw sila sa pagsasabing isa lang military drill ang pakay nila sa Ukraine. Kung tutuusin, liyamado ang Ukraine sa
digmaan dahil marami itong napabagsak na Russian warplanes at napasabog ng mga tangkeng Ruso. Salamat sa mga armas na
mula sa mga bansang Kanluranin.

Pero sugod pa rin ang Russia. Mukhang “patay kung patay” ang determinasyon at takbo ng isip ni Putin. Kahit ang economic
sanction ng United States at mga kaalyado nito ay hindi mapigilan ang marubdob na layunin ni Putin. Palibhasa, kahit mayroong
economic sanctions, naririyan ang China na ipagkakaloob ang mawawalang pangangailangan nito mula sa Western world. Kayang
gawin ito ng China dahil isa na itong economic power sa daigdig.

Ang China ang pinakamalakas na kaalyado ng Russia. Hindi nito kailangang magpadala ng tropa sa Ukraine pero patuloy itong
magbibigay ng moral support at handang magsilbing tagapagsalita ng Russia sa pagkondena sa Western world.

Palalabasin nito na ang U.S. at mga kaalyadong nagtataguyod ng demokrasya ang dapat sisihin sa gulo sa daigdig. Malinaw na ito
ay digmaan ng dalawang ideolohiya: komunismo versus demokrasya.

Is God

8. Relihiyon
Iglesia ni Cristo, inihayag na ang mga
kandidatong susuportahan sa Eleksyon
2022
 

Inihayag na ng Iglesia ni Cristo ang mga kandidato na kanilang susuportahan sa Eleksyon


2022. Kilala ang INC sa kanilang bloc voting.

Sa pagkapangulo, pinili ng INC na suportahan si presidential bet Ferdinand Marcos Jr.,


habang si Davao City Mayor Sara Duterte naman para sa pangalawang pangulo.

Ang mga kandidatong senador na susuportahan naman ng INC ay sina:

Jejomar Binay
Alan Peter Cayetano
JV Ejercito
Guillermo Eleazar
Francis Escudero
Jinggoy Estrada
Sherwin Gatchalian
Loren Legarda
Robin Padilla
Joel Villanueva
Mark Villar at
Juan Miguel Zubiri.

Ginawa ang anunsiyo sa Net 25 ng Iglesia ni Cristo nitong Martes.

Nagpahayag naman ng pasasalamat sina Marcos at running mate niyang si Duterte sa


suporta ng INC.
"Ako po at ang aking pamilya, sampu ng buong alyansang nakapaloob sa Uniteam ay
labis na nagagalak at buong pusong nagpapasalamat sa suportang inihayag ng kapatirang
Iglesia Ni Cristo sa pangunguna ng inyong tagapamahalang pangkalahatan kapatid
Eduardo V. Manalo," ani Marcos sa pahayag.

"Sisikapin po namin na ang tiwalang pinagkaloob ninyo sa aming tambalan ay


magbubunga ng tunay na pagkakaisa ng mga Pilipinong nagmamahal sa Pilipinas at
walang alinlangan na sama-samang haharap sa mga pagsubok na dadaanan sa
paghahanda ng magandang bukas para sa ating mga kabataan," patuloy niya.

Sinabi naman ni Mayor Sara na may malaking karangalan na may kaakibat na hamon ang
basbas ng INC.

"Ang pagpili sa amin ni apo Bongbong Marcos bilang mga kandidato na inyong
sinusuportahan sa pagkapresidente at bise presidente sa darating na halalan ay isang
malaking karangalan na may kaakibat na hamon na nakatuon sa aming kakayahan
mapag-isa ang bansa at mapagbuklod ang mga Pilipino at maitawid ang sambayanan sa
krisis na dulot ng pandemya," anang alkalde. —FRJ, GMA News

9. Sakuna at Trahedya

Kumpirmadong namatay
sa landslide sa Leyte,
umabot na sa 14
ABS-CBN News
Posted at Apr 11 2022 09:49 PM

Umabot na sa 14 ang kumpirmadong namatay sa landslide sa Baybay City sa Leyte dahil sa bagyong
Agaton.
Ayon sa opisyal na tala ng lokal na pamahalaan ng Baybay, 11 babae at 3 lalake ang namatay sa
landslide. Kabilang sa mga biktima ang 11 residente ng Barangay Mailhi, 1 residente mula sa
Barangay Kantagnos at 2 mula sa Barangay Maypatag.

Mayroon ring 16 na sugatan, at 6 na nawawala. Umabot na rin sa 101 pamilya ang inilikas.

Dagdag pa ng lokal na pamahalaan, walang kuryente sa buong bayan at mahina rin ang signal ng
komunikasyon.

Kasalukuyan pa ring nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. sa Leyte at sa mga karatig-
lalawigan.

10. Pagpapatawa

Vice Ganda, nananatiling


positibo sa kabila ng online
bashing
ABS-CBN News
Posted at Dec 17 2019 11:27 AM

MAYNILA -- Nanatiling positibo si Vice Ganda sa kabila ng mga natatanggap na batikos mula sa
kanyang bashers.

Sa Twitter, inilabas ni Vice Ganda ang kanyang saloobin tungkol sa nararanasan.

Ayon kay Vice Ganda, nahihirapan man ay determinado siyang magpatuloy sa pagpapatawa para sa
kanyang mga taga-suporta.

Alam ng television host na mas maraming may gusto sa kanya kaysa may ayaw.

Araw-araw nagdarasal si Vice Ganda na bigyan siya ng lakas at nagpapakatatag din siya para hindi
masayang ang mga sinimulan at nakamit na tagumpay.

11. Pantaong Interes


Kwentong tagumpay:
Dating janitor, abugado na
Dennis Datu, DZMMKwentong tagumpay: Dating janitor, abugado
0:00/0:00

Isa sa mga pumasa sa bar exam ay isang lalaking apat na taong nagsilbi bilang janitor sa tanggapan
ng Commission on Elections.

Tubong Catanduanes, lumuwas ng Maynila si Ramil Comendador para makipagsapalaran sa buhay.

Habang nagtatrabaho na janitor, isinabay nito ang pag-aaral. Hirap man sa buhay, kumuha ito ng
abogasya sa Universidad de Manila.

Ayon kay Comendador, sa pagiging janitor niya sa COMELEC naisipan na kailangan matapos na
ang cycle ng kahirapan.

"Baon-baon mo yung pangarap mo na makaalis na sa kahirapan. Baon-baon mo yun, siyempre.


Malaking bahagi nun talaga yung tiwala mo sa Panginoon, at maitatawid mo yung mga pangarap
mo," aniya.

May dalawang anak si Comendador, isang 4 na taon at isang 8 taon gulang, kaya hindi biro ang
pinagdaanan niya para mairaos ang pag-aaral.

Kwentong tagumpay: Dating janitor, abugado na part2

10

10

0:00/0:00

Ngayon ay 35-anyos na si Commendador at sa unang pagkuha ng bar exam ay pumasa na agad siya.

Hindi siya makapaniwala lalo't halos sumuko na siya noong kumuha siya ng exam.

"Yung kamay ko nun, nagshe-shake talaga, as in hindi makapag-sulat. Ang ginawa ko po, after kong
magdasal, kinuha ko ng kaliwang kamay ko ang kanang kamay ko at pinilit kong idiniin sa papel.
Sabi ko, 'Panginoon, pahintulutan mong makapag-sulat ako kasi gustong gusto ko itong maitawid',"
aniya.

At ngayon magiging abugado na si Commendador, isa lang ang nais niya: ang makita ang kaniyang
ama na nang-iwan sa kanya kahit nasa sinapupunan pa lang ng ina. 

Uuwi muna ngayon si Commendador sa Catanduanes para magpahinga.


12. Sikat na Tao

Bongbong Marcos, naiproklama nang


pangulo; Sara Duterte, bise presidente
Naiproklama na nitong Miyerkules ng Kongreso na nagsilbing National Board of
Canvassers si Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas,
matapos manalo sa presidential race sa Eleksyon 2022 .

Kasabay nito, iprinoklama rin ng Kongreso ang running mate ni Marcos na si Davao City
Mayor Sara Duterte, bilang susunod na bise presidente.

Nakakuha si Marcos ng kabuuang boto na 31,629,783 sa official tally ng presidential


race. Umabot naman sa 32,208,417 ang botong nakuha ni Duterte sa VP race.

Mula noong EDSA 1986 People Power Revolution, sina Marcos at Duterte ang
ikalawang magka-tandem sa halalan ang nanalo sa eleksiyon. Una sina dating Pangulong
Gloria Macapagal-Arroyo at running mate niya na si Noli De Castro, noong 2004
national elections.

"The most valuable thing you may receive from a fellow citizen is their vote," ani
Marcos. “And that is why, to have received over 31 million votes from our countrymen is
as valuable expression of trust as can be had by anyone in public life. And so for that I
thank our people."

Pangako ng president-elect: "Beyond that, I promise you that we may not be perfect but
we will always strive to perfection. Thank you very much.”

Hiniling din niya na ipagdasal siya na magampanan niya nang mabuti ang kaniyang
tungkulin.
“But also embedded in that vote are the trust and the confidence that they give to you to
take them to that aspirational future,” ani Marcos.

“So I ask you all, pray for me, wish me well. I want to do well because when a president
does well, the country does well. And I want to do well for this country,” dagdag niya.

Dahil sa 58% na nakuhang boto ni Marcos, siya ang kauna-unahang presidente na nahalal
na may "majority of votes" matapos ang EDSA Revolution.

Samantalang 61% naman ang botong nakuha ni Duterte.

Kasama ni Marcos sa proklamasyon sa Kongreso ang kaniyang asawa na si Attorney Liza


Araneta-Marcos, anak na si Simon, at ina na si dating First Lady Imelda Marcos.

Nandoon din ang mga kapatid niyang sina Senador Imee Marcos at Irene.

Samantala, kasama naman ni Duterte na dumating sa Batasang Pambansa si dating


Pangulong Arroyo at Davao Occidental Governor Claude Bautista.

Hindi kasama ng VP elect ang kaniyang ama na si outgoing President Rodrigo Duterte.—
FRJ, GMA News

13. Taya ng Panahon

Semana Santa maaaring


maging maulan
ABS-CBN News

MANILA – Maaaring maging maulan ang Semana Santa sa posibleng pagpasok ng isang bagyo sa
bansa, ayon sa PAGASA.
Sa kanilang inilabas na pubic weather forecast ngayong Huwebes, sinabi ng ahensya na binabantayan
nila ang isang tropical depression sa labas ng Philippine area of responsibility. Ito ay huling nakita
2,435 km silangan ng Mindanao. 

"Ang nasabing bagyo ay maaring pumasok ng ating area of responsibility sa darating na Lunes," ani
PAGASA weather forecaster Raymond Ordinario.

"Eto nga po ang tinitingnan natin dahil nga sa mga posibleng pagpasok at pamumuo ng mga low
pressure area ... Planuhin na po ng ating mga kababayan ’yung kanilang mga gagawing activities
over the long weekend next week dahil nga possible, may inaasahan tayong mga pag-ulan sa mga
susunod pang araw o aabutin po hanggang Semana Santa po natin."

Sakaling pumasok ang nasabing sama ng panahon sa bagyo at tuluyang maging bagyo, tatawagin
itong Agaton, ani Ordinario.

Samantala, dapat pa ring asahan ang maulap na panahon na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog
ngayong Huwebes sa Visayas, Mindanao, MIMAROPA, Bicol, at lalawigan ng Quezon.

Ito'y dahil sa low pressure area na nakapalaoob sa inter-tropical convergence zone na nakakaapekto
sa Visayas at Mindanao, ayon sa PAGASA.

14. Pagkain at Inumin

Community pantry para sa


delivery riders itinayo sa
Parañaque
MAYNILA - Naging malaking pakinabang sa mga delivery riders sa Parañaque ang isang
community pantry na itinayo para sa kanila.

Tulad ng iba sa maraming lugar, inulan na rin ng donasyon ang pantry ng pamilya Poblete sa
Afghanistan Street, Better Living Subdivision mula nang magbukas ito noong Lunes.

Mayroon itong mga pangmabilisang pagkain tulad ng biskwit at instant noodles at pagpipiliang
inumin mula sa pamalamig tulad ng juice hanggang pampainit gaya ng kape.

Sakto ito sa oras ng meryenda mula alas-3 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi.
Kuwento ni Abu Poblete, paraan ito ng pagpapahalaga at pagpapasalamat sa mga ate at kuya rider na
kabilang sa mga nagsilbing essential workers araw man o gabi mula pa noong simula ng pandemya.

Dagdag niya, nagbigay daan din ito ng pakikisama at bayanihan sa hanay mismo ng mga rider.

Noong Martes, nakita nila ang isang rider na nag-donate ng pack ng crackers para sa pantry.

"Grabe din po ang saya ng mga riders when they see the pantry. They stay and eat their food (Safely
and socially distanced) with their fellow riders as they talk about their day. It's a very heartwarming
scene to see,” kuwento niya sa Reddit.

Dahil sa mga donasyon, naghain na rin ang pamilya ng lutong pagkain tulad ng sandwich, lugaw, at
biko.

May mga nag-ambag din ng alkohol, sabon, at empanada.

Malaking tulong anila ang mga tumutulong para makapagpatuloy ang pantry.

Umaasa ang mga Poblete na lalong maparamdam din ng iba sa mga delivery rider ang kahalagahan
nila sa pamamagitan ng kahit simpleng paraan.

15. Grupo ng Balita

Kuwento, kultura ng mga


pangkat-etniko, ibinida sa
Kadayawan street dance
competition
ABS-CBN News

DAVAO CITY — Nabuhayan ang mga kalsada ng Davao City sa paggalaw ng mga mananayaw na
kalahok sa "Indak-Indak sa Kadalanan" street dancing competition.

May 13 grupo ang lumahok sa okasyong bahagi ng taunang Kadayawan Festival ng lungsod.

Ibinida nila ang mga kuwento at kultura ng iba-ibang pangkat-etniko mula Davao region at
Maguindanao. 
Ilan sa mga tema ng mga pagtatanghal ay ang pagkakaisa ng mga pangkat-etniko, kabuhayan at ang
trahedyang iniwan ng bagyong Pablo sa Mindanao noong 2012.

Umindak ang mga mananayaw sa mga kalsada ng lungsod hanggang sa humantong sa Kadayawan
Square para sa grand showdown.

Nagwagi sa Davao school-based category ng "Indak-Indak" ang Davao City National High School,
na nag-uwi ng P500,000.

Kalahating milyon din ang natanggap ng Mati Comprehensive National High School na hinirang
namang first place sa open category.

Kada Agosto, ipinagdiriwang ng mga Dabawenyo ang Kadayawan festival bilang pagpapasalamat ng
masaganang ani. -- May ulat ni Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2022/03/10/2166153/may-epekto-na-
ang-digmaan-sa-ukraine

https://balita.net.ph/2022/01/17/bacolod-nagtala-ng-pinakamataas-na-bilang-ng-covid-19-
cases

https://news.abs-cbn.com/news/03/14/22/p470-umento-sa-sahod-inihirit

https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/promdi/619318/13-anyos-na-suspek-sa-
pagpatay-sa-5-anyos-na-babae-umamin-umano-sa-krimen/story/
https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/chikamuna/833476/moira-dela-torre-at-
jason-hernandez-hiwalay-na/story/

https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/balita/830548/iglesia-ni-cristo-inihayag-na-
ang-mga-kandidatong-susuportahan-sa-eleksyon-2022/story/

https://news.abs-cbn.com/news/04/11/22/kumpirmadong-namatay-sa-landslide-sa-leyte-
umabot-na-sa-14

https://news.abs-cbn.com/entertainment/12/17/19/vice-ganda-nananatiling-positibo-sa-kabila-
ng-online-bashing

https://news.abs-cbn.com/focus/05/03/17/kwentong-tagumpay-dating-janitor-abugado-na

https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/balita/832891/bongbong-marcos-
naiproklama-nang-pangulo-sara-duterte-bise-presidente/story/

https://news.abs-cbn.com/news/04/07/22/semana-santa-maaaring-maging-maulan
https://news.abs-cbn.com/life/04/23/21/community-pantry-para-sa-delivery-riders-itinayo-sa-
paraaque

LAYUNIN NG BALITA

1. Tuwirang balita (straight news)

Patay ang isang bata sa Rodriguez, Rizal matapos bugbugin at ihampas ng ilang beses sa kalsada ng kanyang

sariling ama.

Sa ulat ni Bam Alegre sa Unang Balita nitong Biyernes, sinabing nakunan ng CCTV ang sinapit ng bata sa kamay

ng kanya mismong ama sa Barangay San Isidro sa bayan ng Rodriguez noong Miyerkules ng umaga.

Nahagip ng CCTV ang ilang beses na paghampas sa kalsada ng suspek sa bata.

Sinubukang tulungan ng mga kapit-bahay ang bata, nungit hindi tinigilan ng suspek ang pambubugbog sa kayang
anak.

Naisugod pa ang bata sa ospital pero idineklarang patay na ng suriin ng attending physician.

Samantala, sa isang pulis report sinasabing dead on arrival sa ospital ang suspek matapos umanong iumpog ang

kanayang ulo sa pader. 

2. Balita ng Kasalukuyang pangyayari (spot news)


Veteran actress at Queen of Philippine Movies Susan Roces, pumanaw na

Nagluluksa ang Philippine showbiz industry sa pagpanaw ng premyadong aktres na si


Susan Roces. Siya ay 80-taong-gulang.

Kinumpirma ni Senador Grace Poe nitong Biyernes ng gabi ang malungkot na balita sa
pagpanaw ng kaniyang ina, na kinikilalang Queen of Philippine Movies.

Si Susan ay biyuda ng namayapa na ring King of Philippine Movies na si Fernando Poe


Jr.

"With great sadness, we announce the loss of our beloved Jesusa Sonora Poe, whom
many of you know as Susan Roces," ani Grace sa ipinadalang mensahe.

"She passed away peacefully on a Friday evening, May 20, 2022, surrounded by love and
warmth, with her daughter Grace, her nephews Joseph and Jeffrey and many of her
family and close friends," dagdag pa ng senadora.

"She lived life fully and gracefully. Remember her in her beauty, warmth and kindness,"
patuloy ni Grace.

"She is now with the Lord and her beloved Ronnie — FPJ. We will miss her sorely but
we celebrate a life well lived. Susan Roces — daughter, mother, grandmother, a true
Filipina and a national treasure," ayon pa sa mambabatas.

Bumuhos naman sa social media ang pakikiramay at panalangin ng netizens sa pagpanaw


ni Susan.

Kabilang sa napakaraming pelikulang ginawa ni Susan ay ang "Perlas ng Silangan,"


kasama si FPJ noong 1969. at "Daigdig Ko'y Ikaw" noong 1965.
3. Inaasahang balita
'2 bagyo sa PAR': Typhoon Basyang nasa Philippine Area of Responsibility
na
MNakapasok na ng Philippine Area of Responsibility ang Typhoon Malakas (interational name) dahilan

para tawagin na itong "Basyang." Ito na ang ikalawang bagyong nasa loob ng naturang erya ngayon

kasabay ng Tropical Depression Agaton. 

Namataan ang mata ng typhoon 1,435 kilometro silangan ng Southern Luzon, ayon sa huling taya ng state

weather bureau.

"At 10:00 AM today, Typhoon MALAKAS has entered the Philippine Area of Responsibility and was

named #BasyangPH," ayon sa PAGASA, Martes ng umaga.

 Lakas ng hangin: 120 kilometro kada oras malapit sa gitna

 Bugso ng hangin: hanggang 150 kilometro kada oras

 Pagkilos: hilaga hilagangkanluran

 Bilis: 20 kilometro kada oras

Sa kabila nito, inilinaw ng PAGASA na mababa ang tiyansang makaapekto nang direkta ang bagyo sa

weather condition ng Pilipinas sa buong forecast period. Nakikitang magdudulot naman ng "moderate to

rough seas" ang swells na resulta ng bagyo sa northern at eastern seaboards ng Luzon at eastern seaboards

ng Visayas at Mindanao.

"These conditions may be risky for those using small seacrafts. Mariners are advised to take precautionary

measures when venturing out to sea and, if possible, avoid navigating in these conditions," dagdag pa ng

PAGASA.

Aalis din ng PAR agad-agad

"The typhoon is forecast to move northward in the next 6 hours before turning generally north

northeastward for the remaining of the forecast period," dagdag pa ng gobyerno kanina.

"The duration of 'BASYANG' within the PAR region will be brief and may exit the region tonight."

Bandang 8 a.m. nang ganap na maging typhoon si "Basyang" at nakikitang lalakas pa at maaabot ang peak

intensity na 150 kilometro kada oras bukas ng umaga.

4. Paunang balita (advance news)


GILAS PILIPINAS, LALAHOK SA TUNEUP GAMES VS. KOREA
SA HUNYO
Lalahok ang Gilas Pilipinas sa tuneup Games sa Hunyo, o isang buwan matapos
matalo ng Indonesia sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.
Ayon sa Korean Media, makakalaban ng Gilas ang South Korean National Team
sa Anyan, China sa tuneup Games na magsisimula sa Hunyo 17 hanggang 18.
Para sa South Korea, makatutulong ito sa evaluation ng kanilang manlalaro na
lalahok sa FIBA Asia Cup 2022 sa Hulyo habang perparasyon ito ng Philippine
Team sa FIBA World Cup Asian Qualifiers.
Sa ngayon, wala pang karagdagang detalye ang Samahang Basketbal ng Pilipinas
sa magiging line-up ng Gilas.

5. Balitang kinipil (news brief)

State of calamity sa bayan sa Batangas, pinag-aaralan dahil sa


kontaminadong tubig

Pinag-aaralan ng lokal na pamahalaan ng Balete, Batangas na isailalim sa state of


calamity ang bayan matapos makontamina ng arsenic ang pinagkukuhanan nito ng
tubig.
Ibinunyag ito ng alkalde ng bayan na si Wilson Maralit ngayong Miyerkoles.
Ipinasara at sinelyohan na rin ang mga poso sa Balete para hindi na pagkunan pa
ng tubig ang mga ito.
Apektado ang 9 na lugar sa Batangas sa kontaminasyon ng arsenic sa kanilang
suplay sa tubig matapos ang pagputok ng Bulkang Taal nitong Linggo. 
Bukod sa Balete, mataas din ang lebel ng arsenic sa Laurel, San Nicolas, Mataas
na Kahoy, Alitagtag, Sta. Teresita, Lemery, Taal, at lungsod ng Tanauan.
Umaabot sa 40 hanggang 70 parts per billion ang lebel ng arsenic sa tubig ng mga
nasabing lugar.
Batay sa World Health Organization at Philippine National Standards for Drinking
Water, hindi dapat lalampas ng 10 parts per billion ang arsenic level sa tubig na
ligtas inumin.
Mapanganib sa kalusugan ang arsenic at maaaring magdulot ng iba't ibang sakit.
Ayon sa hepe ng Batangas Medical Center Toxicology Center na si Dr. Rhodora
Reyes, posibleng magkaroon ng kanser sa baga at pantog, diabetes, altapresyon,
stroke, at atake sa puso ang mga na-expose sa arsenic.
Sinasabing nagkaroon ng arsenic sa pinagkukuhanan ng tubig sa mga naturang
lugar dahil nagalaw ang ilalim ng lupa matapos ang pagputok ng Taal Volcano.
Nilinaw naman ng Prime Water sa bayan ng Lemery na ligtas mula sa arsenic ang
kanilang isinusuplay na tubig dahil pasado ito sa lahat ng mga test na isinagawa ng
kompanya nitong Abril.
Nasa 36 na barangay ang sakop ng Prime Water sa Lemery. Katumbas nito ang
13,000 na konsumer. 

6. Bulletin at Flash

100K pasahero dumagsa sa mga pantalan

Mahigit sa isandaang libong pasahero ang biglang dumagsa sa iba’t ibang


pantalan matapos ang pagdaraos ng Undas.

Kasabay ng pagbuhos ng mga pasahero ay mahigpit naman ang pag-


iinspeksyon ng Philippine Coast Guard (PCG), para na rin sa seguridad ng mga -
sasakay na pasahero sa mga barko.

Pinayuhan din ng mga awtoridad ang mga biyahero na maging maaga sa


pagpila sa mga pantalan upang ‘di maabala pa sa security check.
Batay sa record ng PCG nangunguna sa dinagsa ng pasahero ang Western
Visayas na may 21,896 biyahero. Sumunod ang pantalan sa Central Visayas na
may 10,351 at Eastern Mindanao na may kabuuang bilang na 7,933.

Samantala, kumpara sa nabanggit na lugar ay katamtaman lamang ang mga


umaalis sa Metro Manila, Bataan at Subic dahil mas marami ang inbound
passengers sa nabanggit na mga pantalan.

7. Tugaygay na balita (follow-up news)


Bakit Kailangan ang SOGIE Law?
Ang Hunyo ay itinalaga bilang “Pride Month” sa maraming bahagi ng mundo,
kabilang ang Pilipinas. Sa buwan na ito ipinagdiriwang ang mga tagumpay na
nakamit sa pagsusulong ng LGBTQIA+ visibility. Ginagamit din ang okasyon na
ito upang patuloy na ipaglaban ang pantay na hustisya at pantay na pagkakataon
para sa mga lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, intersex, asexual — o
sinumang tao, anuman ang kaniyang kasarian at sexual orientation.
Nitong mga nakaraang araw ay lalong lumakas ang panawagang maipasa ang
panukalang naglalayong ipagbawal ang diskriminasyon sa batayan ng sexual
orientation, gender identity at gender expression o ang SOGIE Equality Bill, hindi
lamang dahil sa Pride Month ngunit dahil sa insidente ng diskriminasyong
naranasan kamakailan ni Sass Sasot.

Inimbitahan si Sass na maging guest speaker sa isang graduation ceremony ng


isang high school sa Cavite. Nagsasalita na siya sa entablado nang biglang
pinatayan siya ng mikropono at ilaw. Hindi daw gusto ng grupo ng simbahan na
may-ari ng lugar na may miyembro ng LGBTQIA+ community na nagsasalita sa
kanilang entablado.
Anuman ang itinakda sa kontrata sa pagitan ng grupo ng simbahan at ng paaralan
ay sa pagitan na nila. Ngunit muling binibigyang pansin ng insidente ang
diskriminasyon batay sa SOGIE.
Ang unang Anti-Discrimination Bill, na nagbabawal sa diskriminasyon batay sa
sexual orientation, ay inihain sa Kongreso noong 2000. Mahigit dalawang dekada
na ang lumipas, hindi pa rin natin naisabatas ang panukala sa kabila ng paghahain
nito sa bawat Kongresong nagdaan.
Sa pagsisimula ng 19th Congress, tiyak na muling ihahain ang SOGIE Equality
Bill. At tulad ng mga nakaraang taon, magiging masalimuot ang paglalakbay;
ngunit sana sa pagkakataong ito ay tuluyan na itong maisabatas.
Ang isinusulong sa panukalang ito ay hindi espesyal na pagtrato para sa mga
miyembro ng LGBTQIA+ community, ngunit ang kasiguraduhang
mapagkakalooban sila ng pantay na karapatan at pagkakataon, at para rin sa
kanilang proteksyon laban sa diskriminasyon at karahasan.
Nakasaad sa ating Konstitusyon na, “The State values the dignity of every person
and guarantees full respect for human rights.” Isinasaad din dito na “No person
shall be deprived of life, liberty, or property without due process of law, nor shall
any person be denied the equal protection of the laws.”
Nakasaad naman sa Republic Act No. 9710 o ang Magna Carta of Women na, “No
one should therefore suffer discrimination on the basis of ethnicity, gender, age,
language, sexual orientation, race, color, religion, political or other opinion,
national, social or geographical origin, disability, property, birth, or other status as
established by human rights standards.”
Sa kabila ng mga batas na ito, patuloy pa rin ang diskriminasyon at karahasan
laban sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community.
Matatandaan na noong 2014, pinatay ni U.S. Marine Joseph Scott Pemberton ang
transwoman na si Jennifer Laude. Noong 2019 naman, isang transwoman ang na-
harass nang subukan niyang pumasok sa banyo ng mga babae sa isang mall sa
Quezon City sa kabila ng pagkakaroon ng Gender Fair Ordinance ng local
government unit na nagpoprotekta sa mga tao mula sa harassment at
diskriminasyon batay sa SOGIE.
Bagama’t may mga lokal na ordinansa na nagpoprotekta sa mga karapatan ng
LGBTQIA+ community, ang nakaraang insidente na kinasangkutan ni Sass sa
Cavite—na may Provincial Ordinance na ipinagbabawal ang diskriminasyon laban
sa sinumang tao o grupo batay sa SOGIE—ay nagpapakita ng pangangailangang
magkaroon ng pambansang batas.
Ang panawagang magkaroon ng SOGIE Equality Law ay malayo sa pagbibigay
ng espesyal na pagtrato sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community. Ito ay
tungkol sa pagtiyak na hindi magiging dahilan ang kasarian at sexual orientation
ng isang tao para maging iba ang pagtingin sa kaniya ng lipunan; ito ay tungkol sa
pagbibigay ng katiyakan na ang bawat tao ay maaaring magkaroon ng pantay na
access sa mga pagkakataon para sa pag-aaral, trabaho, at sariling pag-unlad nang
hindi napapailalim sa diskriminasyon, pangungutya, at panliligalig batay sa
kasarian; ito ay tungkol sa pagtataguyod ng mga pangunahing karapatang pantao
ng bawat tao.

8. Balitang pinaganda (colored news) lathalaing balita (FeatureD news)


‘Center of exorcism’, itatayo para sa mga sinasaniban ng demonyo,
masamang espiritu

Magkakaroon na ng isang religious structure para sa mga sinasaniban o inaalihan


ng masasamang espiritu sa Archdiocese of Manila, na sinimulan na ang
groundbreaking noong Mayo 17, 2022.
Ang naturang ‘center of exorcism’ ay may pangalang Saint Michael Center for
Spiritual Liberation and Exorcism, sa Guadalupe Viejo, Makati City. Ito raw ay
“first of its kind in Asia, if not the world.”
Ayon sa kanilang Facebook post noong Hunyo 6, dumalo sa groundbreaking sina
Cardinal Jose Advincula at Fr. Francisco Syquia, direktor ng Archdiocese of
Manila Office on Exorcism (AMOE).
Doon maaaring dalhin ang mga taong sinasaniban ng masasamang espiritu at mga
demonyo, na kahit sa makabagong panahon ngayon ay totoo at nangyayari pa rin.
Ang akto ng exorcism ay religious practice ng pagpapalayas sa masamang espiritu,
demonyo, at iba pang elementong sumasanib sa isang tao, na nagiging dahilan
upang umakto at magsalita siya nang kakaiba, at maaaring makapaminsala ng
kaniyang kapwa, o mismong sinasaniban.
Si Saint Michael the Archangel na isa sa mga anghel na nakaaway ng mga
demonyo ayon sa Bibliya, ang magsisilbing pintakasi nito. Siya umano ang
numero unong kalaban ni Lucifer o ‘Satanas’ sa ating wika.

9. Balitang di totoo (false news)


Kris Aquino reacts to fake death news about her
Nagsalita na si Kris Aquino sa kumalat na fake news sa Facebook na pumanaw na
siya.
Sa kanyang social media accounts kahapon, October 18, ipinagkibit-balikat
lamang ng TV host/actress/celebrity influencer ang maling balitang ito tungkol sa
kanya.
Aniya, “No biggie because when there's fake news about someone's death may
kasabihan na pinapahaba ang life nung pinagchismisan.”
Kaugnay nito, ibinahagi na rin ni Kris ang health condition niya at ng kanyang
mga anak na sina Josh at Bimby “for total transparency.”
Paglalahad niya, “Kuya Josh has bad acid reflux & a gastric ulcer, he'll have his
repeat endoscopy & colonoscopy in November.
“Bimb has asthma & has to nebulize daily (his pediatrician prescribed 1 week but
he had another attack so 1 more week) & he also has allergic rhinitis...
“I have opened up about my hypertension, migraine, severe allergies &
autoimmune disease.”
Sa huli, nagpasalamat si Kris sa mga patuloy pa ring nagdarasal para sa mabuting
kalusugan ng kanyang pamilya.

10. Balitang pampublisidad


Kagawad ng Victoria sa San Andres, patay matapos barilin sa ulo
Hindi na umabot ng San Andres Municipal Hospital ang isang barangay kagawad
ng Barangay Victoria sa San Andres, Romblon matapos itong barilin sa ulo ng
hindi pa nakikilalang suspek.
Kinilala ang nasawi na si Jolly Dela Cruz Modesto, 38 anyos.
Sa ulat ng San Andres Municipal Police Station, ang biktima ay nagbabalot ng
mga copra sa Sitio Binoog kasama ang isang Marvin Mangao nang mangyari ang
krimen bandang tanghali ng Sabado, October 30.
Nakarinig nalang umano si Mangao ng putok mula sa hindi pa alam na direksyon
at sinundan ng pagtumba ni kagawad.
Nagtamo ng tama ang biktima sa may kaliwang bahagi ng kanyang ulo.

11. Balita ng pagkilala (recognition news)


Gwendolyne Fourniol, Kinoronahan Bilang Miss World Philippines
2022
Nasungkit ni Gwendolyne Fourniol ng Negros Occidental ang korona ng Miss
World Philippines noong Hunyo 5 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Siya ang
pumalit kay Tracy Maureen Perez na kumakatawan sa bansa at nalagay sa Top 13
ng 70th edition ng Miss World pageant. Susubukan ng 21-year-old na si
Gwendolyne na masungkit ang inaasam-asam na "blue crown" sa 71st Miss World
pageant, na ang mga detalye nito ay hindi pa inilalahad.
Sa parehong gabi ng koronasyon, may iba pang mga titulo ang ibinigay sa mga
finalist. Si Alison Black ng Las Piñas City ang binigyan ng titulong Miss
Supranational Philippines. Si Ingrid Santamaria ng Parañaque City ang magiging
kinatawan ng bansa sa Reina Hispanoamericana pageant. Sina Ashley Montenegro
ng Makati City at Beatriz McLelland ng Aklan ay inagaw ang titulong Miss Eco
Philippines at Miss Eco Teen Philippines, ayon sa pagkakasunod.

Tinalo ni Gwendolyne ang 35 pang kandidata ng Miss World Philippines. Bukod


sa pagkapanalo ng prestihiyosong titulo, nanalo rin siya ng best in evening
gown––nakasuot siya ng royal blue gown na pinalamutian ng mga kristal.

12. Balitang Interpretative


Mag-asawang Maguad, wala umanong nakitang pagsisi mula sa pumaslang
sa mga anak nila

Sa isang panayam sa Newsline Philippines, naibahagi ng mag-asawang Maguad


ang kanilang saloobin kaugnay sa pangyayari matapos maibaba ang hatol sa
pumaslang sa kanilang dalawang anak. Wala umano silang makitang pagsisisi at
lumingon pa umano ito sa kanila, tumawa at pinandilatan sila ng mata kaya
ganoon na lamang ang sama ng loob ng mag-asawa. Handa na umano sila sa
ilalabas na hatol at handa na rin silang magpatawad ngunit hindi nila inasahan ang
pinakita ng akusado. Anila, kahit man lang sana lumapit ito sa kanila at humingi
ng tawad ay matatanggap nila. Matatandaang hindi maitago ng mag-asawang
Maguad ang kanilang paghihinagpis matapos ibaba ang hatol sa dalawang akusado
sa pagpaslang sa kanilang dalawang anak. Umabot sa limang buwan ang naganap
na paglilitis sa kaso na talaga namang tinutukan ng karamihan.
13. Balitang developmental
Agri-tourism project sa pagpapaunlad ng kasanayan ng mga
magsasaka

PINASINAYAAN ng Department of Agriculture (DA) sa pangunguna ni


Secretary William Dar at ni Abra Governor Maria Jocelyn Bernos kamakailan, ang
proyekto para sa pagtatayo ng isang agri-tourism site kung saan maaaring
magsanay ang mga magsasaka.
Ayon kay Bernos, itatayo ang proyekto sa isang 34.293-ektaryang lote sa
Barangay Gaddani.
“Having this spacious area in Tayum, why not utilize it and establish an agri-
tourism site to help the farmers improve their farming skills,” pahayag ni Bernos
kasabay ng groundbreaking ceremony.
Aniya, ang proyekto ay magkakaroon ng agricultural tourism technology
demonstration at learning site para sa recreational at production purposes.
“Several packages of technologies and innovations will be developed in the
proposed site for the purpose of showcasing the agricultural technologies on rice,
corn, high value crops, industrial crops, organic agriculture and fisheries,”
pahayag ni Bernos.
Dagdag pa niya, magsisilbi ring lugar ang pasilidad para sa livestock production
gayundin para sa bee culture.
“To further enhance the skills of our farmers, we will establish machinery training
and service center, soil and tissue culture laboratory production facilities, solar
powered irrigation facilities, processing center and farmers’ training center,”
pahayag ni Bernos.
Ang nasabing aktibidad ayon sa gobernador, ay magpapalakas sa produksyon ng
mga magsasaka sa probinsiya.
Magkakaroon din ang lugar ng isang non-agricultural component tulad ng agri-
tourism at display center, multi-purpose function hall, engineered bamboo
processing center, bamboo clonal garden, at isang recreational center.
Samantala, sa isang press conference matapos ang seremonya, siniguro ni
Secretary Dar na lubos ang suporta ng kanyang ahensiya para sa pagtatayo ng agri-
tourism site. “We want to improve the lives of our farmers and to address the
issues on food security,” anito.
Ang Agri-tourism, aniya, ay pag-iimplementa sa resulta ng mga pananaliksik at
pagpapaunlad, partikular ang inobatibo at modernong teknolohiya na lumilikha ng
mga de kalidad na produkto, kung saan maaaring umagapay ang ahensiya.
“These technologies vary from protective and precision agriculture, organic
agriculture, food processing and development, agricultural information and
communications management, and even biotechnology,” anito.
Nabanggit din ng kalihim ang pagnanais ng DA na makapagtatag ng research and
development center sa Abra upang higit pang mapaunlad ang inobasyon doon ng
mga magsasaka.
“We will see to it that DA will do its share in turning this facility into reality, thus
showcasing the bamboo products,” aniya.

14. Balitang Investigative

Pagkamatay sa gilingan ng factory worker sa Mandaue, iniimbestigahan


Iniimbestigahan ngayon ng mga awtoridad ang kalunos-lunos na pagkamatay ng
isang trabahador sa pabrika sa Mandaue City.
Base sa imbestigasyon, naglilinis ng gilingan ang biktimang si Stephen Corilla
noong Hunyo 2 nang biglang mapaandar ang pulverizing machine at kainin ang
empleyado.
Ayon sa Mandaue police, nakikipag-ugnayan na sila sa pamunuan ng kompanya
habang sinisilip kung aksidente ang nangyari at kung nagkaroon ng kapabayaan.
Sinabi naman ng National Bureau of Investigation na wala pang lumalapit sa
kanila pero handa nilang hawakan ang kaso kung magpapatulong ang pamilya.
Samantala, pinagmulta naman ng Department of Labor and Employment ang
kompanya ng P100,000 dahil sa paglabag sa occupational safety and health
standards.
Naisyuhan na rin umano ang kompanya ng cease and desist order para mapatigil
ang operasyon ng makina habang iniimbestigahan ang pagkamatay ng empleyado.

15. Printable News


Maling paggamit ng oxygen tanks, banta sa kalusugan –DOH
Nagbabala ng Department of Health (DOH) sa publiko na maaari pang maging
banta ang pagbili ng oxygen tanks kapag hindi wasto ang paggamit dito.
“Huwag kayong bibili or maglalagay ng oxygen sa inyong bahay kung hindi
kinakailangan. Kailangan po natin pag ingatan ang paggamit ng,” sabi ni DOH
Undersecretary Maria Rosario Vergeire nitong Miyerkules, Agosto 11, sa isang
online forum.
“Please avoid buying oxygen right now if it is really not needed,” dagdag ni
Vergeire.
Ang oxygen tanks ay dapat na may rekomendasyon ng dokto, ayon sa health
official.
“We call it medical grade oxygen and these are prescribed commodities dahil ito
ay kailangan guided kayo ng inyong doktor para gamitin niyo ang oxygen,” sabi ni
Vergeire.
Naglabas din ng parehong pahayag ang DOH Visayas Director Dr. Jaime
Bernadas.
“The inappropriate use of medical grade oxygen without medical supervision can
lead to Oxygen Toxicity due to breathing in too much or unregulated amount of
oxygen,” sabi ni Bernades.
“This leads to trauma of the lung tissue. For an individual whose lungs are already
inflamed due to SARS-CoV-2 virus infection, unsupervised Oxygen Therapy can
lead to more damage and even death,” dagdag niya.
Nagbabala rin si Vergeire na flammable materials ang mga oxygen tanks.
“Ang pinaka paalala natin sa ating mga kababayan, flammable po ang oxygen.
Konting trigger lang diyan maaaring magkaroon ng sakuna sa inyong
pamamahay,” sabi ni Vergeire.
Pinayuhan ng DOH na ipag-alam agad sa awtoridad kung nakakaranas ng ilang
sintomas ng COVID-19.
“It is advised that suspected symptomatic individuals seek immediate medical
attention for appropriate management,” sabi ni Bernadas.
Samantala, binanggit ni Vergeire na mahalagang mayroong basic equipment o
gamot sa mga tahanan.
“Unang-una na kailangan sa inyong bahay ay thermometer. Kailangan mamonitor
ninyo ang inyong temperature kung kayo ay nilalagnat or hindi,” dagdag niya.
“Kung meron din kayong pulse oximeter, kung sakaling kakayanin ng budget at
kung makakapagbigay assistance ang local government. This is for you to measure
yung oxygen level niyo para alam niyo kung kailan talaga kailangan pumunta sa
isang facility,” dagdag niya.
Paalala ni Vergeire, ‘wag rin agad uminom ng antibiotics nang walang gabay sa
eksperto.
“Huwag kayong iinom ng antibiotics ng hindi pineprescribe ng ating mga
doktor… Kailangan malaman kung talagang kakailanganin natin ng antibiotics or
hindi,” she added.

16. Unprintable news


Former child actor CJ Ramos regrets drugs use: " Wala eh,nasa huli ang pagsisisi
talaga" .
Ngayong Biyernes, August 3, iniharap si CJ sa isinagawang media briefing ng National Capital
Region Police Office (NCRPO), sa pangunguna ni NCRPO Regional Director Police Chief
Superintendent Guillermo Eleazar.Dito ay sinabi ng dating aktor na kailangan niya ng
pampalakas ng katawan noong gabing nahuli siya kaya siya nagtangkang bumili ng shabu.

17. Science journalism at Science writing

‘High School Journalist’ mataas ang kamalayan sa pulitika


ISA ako sa mga hurado sa katatapos lamang na 2018 Division Secondary Schools
Press Conference at nagulat ako sa taas ng kamalayang pampulitika ng mga
“campus journalist” sa high school, pribado man o pampubliko, sa buong Quezon
City.

Dalawang mag-aaral sa high school ang nanguna sa “Opinion Writing Contest” –


sa Wikang English ay si Freedom Balawag ng Juan Sumulong High School, at sa
Wikang Filipino naman ay si Michael Alleneveih Chucas ng E. Lopez Jr. Center
for Media Arts Senior High School.
Ang akdang ipinanalo ni Michael Alleneveih Chucas ang napili kong itampok na
kolum sa ImbestigaDAVE para sa araw na ito ng Biyernes — “Duterte vs
Trillanes: Harapang panggigipit”.
ADVERTISEMENT
Hindi pa man nakauupo sa Malacañang si Pangulong Rodrigo R. Duterte ay
naging matindi na niyang kritiko si Senator Antonio Trillanes IV. Kaya naman
ngayong nasa puwesto na si PDU30, hindi na nakapagtataka kung ulanin man siya
ng banat mula rito.
Kagabi, habang nakasakay ako sa bus pauwi, ay animo bombang sumambulat sa
akin ang headline na balita sa TV.
Inilabas ng Malacañang ang Proclamation No. 572 na nilagdaan ni PDU30 na
bumabawi sa amnestiyang ipinagkaloob ni dating Pangulong Benigno Aquino III
kay Trillanes, na nakapaloob naman sa Proclamation 75, na nagpapawalang sala sa
kaso nitong “sedition” at “mutiny”, kaugnay ng Oakwood Mutiny at Manila
Peninsula Siege noong administration ni dating Pangulong Gloria Macapagal-
Arroyo.
Naging usap-usapan ito sa buong bansa at nagdulot ng matitinding debate sa
pagitan ng mga kaalyado ni PDU30 at mga kritiko nito sa oposisyon. Tunay
naman kasing nakagugulat ang naging pagkilos na ito ng Pangulo.
Paliwanang ng mga nasa Malacañang, hindi nakapagbigay ng mga legal na
dokumento ang kampo ni Trillanes kagaya ng “Amnesty Application” at “Pledge
of Guilt” upang tuluyan siyang mapawalang-sala sa mga “political offenses” nito
noong Arroyo Administration.
Ngunit para saan nga ba ang muling pag-uungkat na ito ng pamahalaan sa
nakaraang mga asunto ni Trillanes? Nonsense lamang ito dahil may mga “file
photo at video” naman na makapagpapatunay sa pagiging legit ng mga apila ng
Senador. Kahit na mismo sina Sen. Pia Hontiveros at Sen. Franklin Drilon ay
kapwa sumusuporta sa “authenticity claim” na ito ng kampo ni Trillanes.
Naniniwala rin ako sa argumento ng kaalyado ni Trillanes na si Magdalo
Representative Gary Alejano, na ito ay “abuse use of power”. Malinaw na
panggigipit ito. Ginagamit lamang ni PDU30 ang kanyang kapangyarihan laban sa
pagiging “underdog” ni Trillanes sa bakbakang ito. Nandito na naman tayo sa
“climax” na parte ng laro na nilikha ng administrasyon upang patahimikin ang
kanilang kritiko.
Ang isa pang maaaring dahilan, ay puwedeng “diversionary tactics” lamang ito ni
PDU30 upang matabunan ang naglalakihang isyu sa bansa, gaya ng mga hindi pa
nareresolbang problema sa bigas, langis, inflation rate, war on drugs at isdang
galunggong na may “formalin” na inangkat natin mula sa China.
Kahit na tinatawanan lamang ni Trillanes ang naging pagkilos na ito ni Pangulong
Duterte, ay mukhang ‘di ito nagbibiro sa kanyang sinasabi at ginagawa.
Sa mga pangyayaring ito, muli tuloy pumasok sa aking isipan ang isang natutuhan
ko sa aking Political Science Class na sa wari ko’y may katuturan sa mga
nagaganap ngayon: “Kung sino ang may hawak ng kapangyarihan, ay siyang
nagiging tama ano man ang mangyari.”

https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/promdi/830107/bata-patay-
matapos-bugbugin-ng-sariling-ama-sa-rodriguez-rizal/story/

https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/chikamuna/832383/veteran-
actress-susan-roces-pumanaw-na/story/

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2022/04/12/2174074/2-
bagyo-sa-par-typhoon-basyang-nasa-philippine-area-responsibility-na

https://www.dwiz882am.com/index.php/gilas-pilipinas-lalahok-sa-tuneup-games-
vs-korea-sa-hunyo/

https://news.abs-cbn.com/news/06/08/22/state-of-calamity-sa-balete-batangas-
pinag-aaralan-dahil-sa-arsenic-sa-tubig
https://news.abs-cbn.com/spotlight/06/04/22/fact-check-di-totoong-bayad-na-ni-
duterte-ang-lahat-ng-utang-ng-pilipinas

https://archive.tonite.abante.com.ph/100k-pasahero-dumagsa-sa-mga-pantalan/

https://balita.net.ph/2022/06/09/bakit-kailangan-ang-sogie-law/

https://balita.net.ph/2022/06/09/center-of-exorcism-itatayo-para-sa-mga-
sinasaniban-ng-demonyo-masamang-espiritu/

https://www.gmanetwork.com/entertainment/showbiznews/news/44955/read-kris-
aquino-reacts-to-fake-death-news-about-her/story

https://romblonnews.net/2021/10/kagawad-ng-victoria-sa-san-andres-patay-
matapos-barilin-sa-ulo/

https://www.noypiako.info/2022/06/gwendolyne-fourniol-kinoronahan-
bilang.html

https://kami.com.ph/tagalog/143369-mag-asawang-maguad-masama-ang-loob-
matapos-makitang-walang-pagsisi-mula-sa-suspek/
https://balita.net.ph/2020/03/09/agri-tourism-project-sa-pagpapaunlad-ng-
kasanayan-ng-mga-magsasaka/

https://news.abs-cbn.com/news/06/09/22/factory-worker-patay-nang-makain-
umano-ng-gilingan

https://balita.net.ph/2021/08/11/maling-paggamit-ng-oxygen-tanks-banta-sa-
kalusugan-doh/

https://www.pressreader.com/philippines/balita/20180914/281767040123849
 

You might also like