You are on page 1of 3

P100 na pag-arangkada, kapalit ay pangamba

Sumaludo ang marami sa balitang hatid ni Senate President Juan Miguel Zubiri kabilang ang iba pang
mga senador dahil inaprubahan na ang P100 dagdag sahod sa minimum wage sa ikatlong pagbasa
ngayong ika-19 ng Pebrero, 2024. Ito ay ang “An act Providing for a 100 Pesos Daily Minimum Wage
Increase for Employees and Workers”. Nilinaw naman ni Senador Francis Escudero na exempted ang
mga negosyong 10 pababa ang bilang ng empleyado sa P100 wage hike na ipinatupad. Ayon kay Zubiri,
“Malaking hakbang ito tungo sa tuluyang pagsasabatas ng dagdag sahod, pero hindi pa dito nagtatapos
ang laban.” Tunay na malaking tulong ito sa mga mamayang Pilipino sa kabila ng mga problemang
kinahaharap ng bawat isa, mga problemang hindi matapos-tapos at patuloy na nadaragdagan. Kung
kaya’t sana ay maipagpatuloy at magawan ng solusyon ang mga panawagan ng mga Pilipino.

Dito sa National Capital Region (NCR) umabot sa P610 ang pag-iral ng minimum wage sa panahaon
ngayon na dating P354.32 lamang. Ngunit sa kabila ng pagtaas ng sahod, naka-abang naman ang taas-
presyo ng mga bilihin, bagay na dadagdag sa pasakit ng mga mamamayang Pilipino. Ayon kay
Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma, kung magtatas ng
purchasing power ng mga manggagawa ay maaarin magkaroon din ito ng epekto sa micro at small
business, na hinahanapan naman ng posibleng interbensyon ng DOLE upang makatulong sa mga
nasabing micro at small business kasabay ng pagtaas ng minimum wage.

Hatid ng dagdag sahod na ito ang tulong na kinakailangan ng mga mamayang Pilipino ngunit sa
pagtaas ng minimum wage, madaragdagan din ang mga benepisyo ng mga manggagawa kung saan
mananagot ang mga employers. May posibilidad na hindi kayanin ng mga maliliit na employers ang P100
dagdag sahod sa mga manggagawa. Base kay Laguesma “Medyo may kabigatan po. Dahil out of more or
less one million na registered existing business sa atin, mahigit 900,000 ang nasa kategorya ng micro,
small, at medium enterprises”.

Kaya naman nangangamba ang mga negosyante na malugi, at mabawasan ang bilang ng kanilang mga
empleyado dahil dito. Makakaapekto ang pagtaas ng minimum wage hindi lamang sa mga manggagawa
kundi pati na rin sa ating komunidad. Ang kasalukuyang minimum wage ay umaangat dahil sa patuloy
na pagtaas ng mga bilihin na ‘di kailan man ay sasapat. Sana ay matagumpay na magawan ng paraan ng
DOLE ang inaasahang mga problema na hatid ng wage hike para naman mabawasan ang paghihirap ng
mga Pilipino.
Mga peste sa NAIA

Sikat nanaman ang Ninoy Aquino International Airport ngayon, ngunit sa hindi kaaya-ayang paraan.
Dahil nitong mga nakaraan, lumitaw ang iba’t ibang peste sa NAIA, nagsimula ito sa surot na namaste sa
mga pasahero ng paliparan. Sumunod ang nag-viral na video ng dagang gumagala sa kisame ng airport at
ang pinakahuling insitente, may namataang ipis na natagpuang gumagapang sa mga upuan sa departure
area ng NAIA Terminal 3. Kaya namang bukod sa disinfection na ginawa, magpupulong naman ngayong
araw, ika-4 ng Marso ang Manila International Airport Authority (MIAA) ukol sa mga pesteng namataan
sa paliraparan dahil aminado silang “hindi katanggap-tanggap" ang mga pesteng ito. Sa pagpupulong na
ito, pag-uusapan ang mga gagawing askyon upang masolusyunan ang isyung ito, kasabay na ang mga
magiging paraan para mabawasan ang mga insidenteng ito kabilang na ang housekeeping, pest control
agency, at medical staff. Talaga namang nakakahiyang isipin na puno ng peste ang ating sikat na
Paliparan, ano nalang kayang masasabi ng mga turistang galing sa ibang bansa.

Dahil sa sunod-sunod na viral videos ng mga peste, mabuti namang nagagawan ng paraan ang isyung
ito, dahil kung hindi, patuloy na mapupuno ng peste ang NAIA. Gaya nitong ika-2 ng Marso, pinatutukan
nga ni Sen. Grace Poe sa pamunuaan ng NAIA ang kalinisan ng paliparan. Mas lalo pa sanang tutukan ng
NAIA ang kalinisan sa bawat sulok ng paliparan, pati na rin ng mga upuan kung saan natagpuan ang mga
ipis na gumagapang. Dahil wala rin namang maapektuhan kundi ang imahe nating mga Pilipino na
masisira dahil sa mga pesteng pakalat-kalat sa NAIA.

Katunayan, hindi naman ito bago sa ating bansa, dati pa man ay gumagala na ang mga pesteng ito sa
maraming gusali ng ating bansa, tila ba’y nagiging normal na. Maraming lokal na opisyal ang
nahihirapang puksain ang mga surot, daga, ipis, at marami pang iba sa bawat sulok ng kanilang lugar.
Dagdag pa ang mga langaw na dumadapo sa mga palengke’t kainan, at hindi mawawala sa listahan ang
mga pampublikong kubeta sa mga terminal na dati pang isyu ng ating bansa, wala na atang may balak
linisin ang mga ito.

Sa pagsasagawa ng mga pinaghusay na solusyon sa NAIA, umaasa ang lahat na wala nang
mangyayaring ganitong aberya at mapalitan ang mga negatibong epektong nagawa ng mga peste sa
paliparan ng mga positibong karanasan ang mga susunod na pasahero, mapa turista man yan o mismo
nating kababayan. Dapat ding matutunan ng bawat isa ang maayos na paglilinis hindi lang ng kanilang
sarili, ngunit pati na rin ang kanilang kinikilusang kapaligiran. Maging disiplinado at magkaroon sana ng
malasakit ang lahat upang maiwasan ang mga peste sa bansa.

Magkaroon sana ng kusa ang mga Pilipinong nag-aabang lang ng paalala kung kailan maglilinis. Dahil
kung walang pagkukusa ang bawat isa, huwag na tayong maghangad ng malinis ang ating nasasakupan
subalit asahang gagalang muli ang mga daga at ipis sa ating kapaligiran.
Tuloy ang tigil pasada!

Planong ituloy ng Transport group na MANIBELA ang nakatakdang tigil pasada ngayong Lunes, ika-4,
ng Marso, 2024 sa kabila ng pagka-urong ng deadline sa consolidation ng prangkisa ng mga tradisyonal
na jeep at UV Express. Subalit, tinalikuraan ng grupong PISTON ang unang pahayag, at lalahok sa
nasabing transport strike matapos madismaya sa resulta ng isinagawang pagdinig ng senado kahapon.
Ayon sa Chairman ng MANIBELA na si Mar Valbuena, “Lunes po nasa Circle na kami papuntang LTFRB
simula 7 am po… tuloy po yong tigil pasada”. “Yong modernization ‘yong mga may gusto, nakakaluwag-
luwag okay ‘yon ituloy po nila hindi naman natin pinipigilan, nga lang po; yong mga wala pong
kakayahan bigyang laya na po na makabyahe, at sana walang deadlines”, dagdagpa ni Valbuena. Ang
mga tigil pasadang ito ay isang panawagan sa pamahalaan upang ipagliban ang deadline ng PUV
Modernization Program.

Gaya ng sabi ni Valbuena, sana ay bigyan ng sapat na oras ang mga tsuper para sa PUV
Modernization, dahil hindi lahat ay nasa itaas at kayang bumili ng mga Modern Jeepneys na galing pang
ibang bans ana nagkakahalagang 2M ang isa. Halaga ng perang kung sa iba ay barya, sa mga tsuper ay
sakit sa bulsa. Pano pa kaya mapupunan ang napakalaking halaga na ito, kung hindi naman sapat ang
kinikita?

Ayon sa National President ng PISTON na si Mody Floranda, “makikiisa ang PISTON ngayong darating
na March, 6, dito sa tigil pasada upang igiit ‘yong pagbabasura doon sa 2017-011. Kitang kita natin
mismo kalituhan talaga ng Department of Transportation (DOTr) atng Land Transportation, Franchising,
Regulatory Board (LTFRB) talagang doon sa implementasyon nitong modernizationprogram”.

Sa kabilang banda, ang pakikiisa ng mga tsuper sa nasabing tigil pasada ay boluntaryo at hindi
sapilitan. Boluntaryo itong paglahok ng ating mga driver, ng ating mga operator at ng mga mamamayan
kaya’t yong sinasabi na baka magkaroon ng harassment sa bahagi po natin, malinaw ‘yong ating
prinsipyo sa usapin ng paglulunsad na tinitiyak natin na walang magaganap na kaguluhan sa araw ng
mga pagkilos”, saad ni Floranda.

Sana sa pagkakataong ito ay mabigyan ng sapat na oras ang mga tsuper na maka-ipon ng sapat na
perang kakailanganin nila para sa Modernized Jeepney dahil hindi lang naman ito ang pinaglalaanan nila
ng pera sapagkat pasan-pasan din nila ang bigat ng responsibilidad bilang pamilyadong tao.

You might also like