You are on page 1of 1

Tayo ang Solusyon

Sa panahon ngayun, ang mabigat na trapiko ay isa sa malalang bangungot na kinakaharap ng


Metro Manila. Bilang pagkakaroon ng pinakamalaking populasyon sa bansa, ang
administrasyong Pinoy ay patuloy parin sa pagpuksa o pag-sasaayos ng sitwasyon.
Pagpapagawa ng daan dito, doon ngunit wala parin namang pagbabagong nagaganap. Dahil
dito, nagpatupad ng iskima ang Civil Service Commission na makakatulong ng malaki sa
problematic ng Metro Manila.

Apart na araw na pagtatrabaho sa isang linggo ang isa sa posibilidad na solusyon upang
mabawasan at mabago ang sistema ng trapiko sa Metro Manila. Sa iskimang ito, ang pribado at
hindi pribadong opisina ay mayroong karapatang mag implementa ng araw at oras ng kanilang
pagtatrabaho. Lunes hanggang huwebes o Martes hanggang miyerkukes mula alas - otso ng
umaga hanggang alas - syete ng hapon.

Sa kabila into, ang nasabing opisina ay kinakailangang sumunod sa mga hinihinging


pangangailangan upang maipatupad ang nasabing iskima. Into na nga ba ang solusyon sa
problems?.

Inaprobahan ng ating gobyerno, sa iskimang ito malilimitahan ang mga sasakyan na dumadaan
sa highway ng Metro Manila. Sa pamamagitan into, umaasa ang gobyerno na gagaan ang
trapikohindi tulad ng dati. Ang pagsasa-ayos ng mga daan ay maiiwasan. Pagkahuli sa trabaho
at importanteng pupuntahan ay hindi na problema. Higit sa lahat, magkakaroon ng mahabang
oras na mailalaan sa pamilya. Ang apart na araw na pagtatrabaho ay may malaking tulong sa
dalawang partido.

Sa kanilang banda, ang iskimang ito ay hindi magiging mainam kahit kailan. Oo, may posibilidad
na mababawasan ang mga sasakyan ngunit sigurado ang gobyerno na ang mga hindi
nagtatrabahong empleyado ay hindi tutungo sa kanilang pupuntahan ng hindi dala - dala ang
kanilang sasakyan.

Kapag nangyari iyon, walang pagbabagong magaganap sa lagay ng trapiko. Kinakailangan paring
analisahin at pag isipan ng maayos ng gobyerno ang mga maaaring maging kalalabasan ng
naturang iskima.

Kaya nakadepende parin sa gobyerno at mga tao kung paano dadalahin ang sitwasyon. Gaano
man kagaling ang namumuno kung walang pakikiisa ang mga mamamayan ay walang magyayari
at may posibilidad pang lumala ang problema sa trapiko. Disiplina mula sa mga sarili ang
kailangan at Hindi ang mga ordinansa upang masolusyunan ang problema sa trapiko.

You might also like