You are on page 1of 5

Magandang hapon aking guro bago ko

simulan ang aking napiling issue ako nga


pala si Avril keira F platilla ika sampung
baitang seksyong sardonyx.

Ang aking napiling issue ay ang


korapsyon , upang ma solusyunan ang
korapsyon dapat ang mga mamamayan
ay may mahalagang tungkulin na dapat
gampanan upang mabawasan at
tuluyang mawala ang katiwalian
Para saakin ito ang unang maaaring
gawin ,Pagsasakatuparan ng mga
proyekto ng pamahalaan sa wasto at
tamang paraan sa pamamagitan ng pag
check sa mga proyekto kung ito ba ay
standard o sunstandard ibig sabihin may
mga nag che check ng mga proyekto na
gagawa ng pamahalaan ngunit dahil sa
tinatawag na lagay system ay
nananatiling tikom ang bibig ng taong
nag check dahil nabigyan na siya ng
pabor. Dapat ay mga batas na mag
parusa sa ganitong sitwasyon.
Pangalawa gawing polisya ang mga
paghihigpit sa mga pagmamay ari nito
katulad ng mga gasolina, sasakyan, office
supplies, kadalasang nagiging problema
ng pamahalaan ang simpleng korupsyon
ito. Ito ay dapat maingat ang
pamahalaan kahit sa mga simpleng
bagay na nabanggit.Marami ang
nagnanakaw ng kahit sa mga simpleng
paraan lamang na kung saan ang mga ito
dapat ay mapunta sa mamamayan
ngunit napunta lng sa isang tao.

Pangatlo magkaroon ng check and


balance , malaking usapin ang katiwalian
sa pamahalaan bagamat may mga
nahuhuli ang paglilimita sa partipasyon
ng taong bayan sa mga gawain ng
pamahalaan ay nakapag aambag din ito.
Pang apat ay ang Hotline na may
direktang sumbungansa pamahalaan ng
mga katiwalian ibig sabihin naman nito
ay ang pamahalaan ay mabilisnag
tumutugon sa mga sumbungang mga
mamamayan ay maaaring maiwasan ang
korupsyon.
At ang panghuli ay ang pagkakaroon ng
batas na pagpaparusa sa mga
magnanakaw dapat nating maparusahan
ang mga nagnanakaw sa pilipinas ang
mga mamamayang nasangkot sa kasong
korupsyon ay nakakulong panandalian
samantalang pag mahirap naman ay
talagang napaparusahan kung kasali ang
mga ordinaryong mamamayan,
nababantayan ang kilos ng mga nasa
pamahalaan at maaaring isumbong ang
nakikitang mga anomalya, hindi rin
pwedeng naiiwan ang mga mamayang
gumawa na lamang ng sarili desisyon at
kilos. Kaya kung sino mn ang magiging
sunod na presidente sana maayos na ang
palalakad at wala ng mga nasa position
na nangunguha ng pera

Maraming salamat po!

You might also like