You are on page 1of 4

BUTAS ANG BATAS: GOOD CONDUCT TIME ALLOWANCE LAW SA PILIPINAS

Naging maingay at ilang araw nang laman ng balita mula sa iba’t ibang organisasyon ng
media ang isyu ng Republic Act No. 10592 na nagpapalawig ng good conduct time allowance o
GCTA para sa mga qualified na preso. Isinasaad sa RA 10592, lahat nang bilanggo, kabilang ang
nasa preventive imprisonment ay maaaring ma-qualify para sa reduction ng kanilang sentensiya.
Sa batas, dinagdagan ang bilang ng araw na maki-credit para sa kanilang good conduct time
allowance (GCTA). Ibig sabihin, kapag nagpakita nang magandang pag-uugali ang bilanggo,
malaki ang mababawas sa kanyang sentensiya. Bukod pa rito, mababawasan pa ng 15 araw
bawat buwan ang sentensiya ng bilanggo kung siya ay nag-aral habang nakakulong o ‘di naman
kaya ay nagturo. Malaking puntos kung ginugol ng bilanggo ang kanyang oras para mapaunlad
ang sarili at ganap nang nagbago.

Marami sa ating mga kababayan na nakakulong ang umaasa na isang araw ay muling
makasama ang kanilang mga mahal sa buhay matapos ang maraming taon sa piitan. Ngunit
matapos mailadlad ngayon sa publiko ang scam sa pagpapatupad ng GCTA Law marami ngayon
ang nagtatanong saan nga ba nagkaroon ng pagkakamali. Naging kontrobersyal ang GCTA law
matapos lumutang ang balitang maaaring pakawalan si ex-Calauan Mayor Antonio Sanchez, na
convicted rapist at mamamatay tao. Si Sanchez ay isa sa mga presong ilang beses nahulihan ng
shabu at marijuana sa kanyang kubol habang pinagdudusahan ang patung-patong na parusang
reclusion perpetua. "Sa susunod na buwan na nagpakabait sila, magpapatuloy ang pagbibigay
ng good conduct time allowance, kahit gaano kagrabe ang offense," wika ni Faeldon."Ganoon
nila ito ipinatutupad. 'Yan ang dahilan kung bakit kahit ang mga 'grave offenses' tulad ng
drogang nakukumpiska sa loob ng kanilang selda, pinarurusahan lang sila ng isang buwan." Ang
nasabing pamamaraan daw ang kanilang ipinatutupad simula noong 2014 hanggang sa
kasalukuyan. Dito nakita na hindi malinaw sa Implementing Rules and Regulations ng Expanded
GCTA Law na binuo sa pangunguna ni Senador Leila De Lima noong siya ang kalihim pa ng
Department of Justice at dating Interior Sec. Mar Roxas kung kabilang ba sa beneficiary ng batas
ang mga na-convict ng heinous crimes.

Kung hindi dahil sa isyu ni Mayor Sanchez at hindi nagkaroon ng pagdinig sa kongreso
hindi malalaman ng publiko na mula noong 2014 hanggang taong kasalukuyan ay libu-libong
heinous crimes convict ang napalaya ng gobyerno. Sa pagdinig din ng Senado naibunyag ang
matinding korapsyon sa Bureau of Corrections para mapalaya ang mga mayayaman sa
pamamagitan ng GCTA Law. Dahil dito iniutos ni Pangulong Duterte ang pagsibak kay BuCor
Chief Nicanor Faeldon at pagpapaaresto muli sa nasa halos 2,000 napalaya sa ilalim ng GCTA
Law. Marami sa mga napalaya ang agad na sumuko sa takot na kapalit ng panibagong kalayaan
ay ang kanilang kapahamakan kapag hindi tumalima sa utos ng Pangulong Duterte. Nagbigay
naman ng katiyakan ang pangulo na agad din naman silang makakalaya kapag napatunayan sa
recomputation na kwalipikado silang lumaya at hindi nakulong dahil sa karumaldumal na
kasalanan. Imbis na magturuan ang administrasyon at oposisyon kung sino ba ang dapat may
pagkakamali ay dapat ituon na lang ang atensiyon sa kung paano ito masosolusyunan lalo na sa
reporma sa BuCor.

Sa panahon ngayon, tumataas na ang bilang ng krimeng nagaganap sa loob ng bansa.


Hindi lamang ito kinasasangkutan ng mga salat sa buhay, kundi pati narin ng mga nakakaangat.
Dahil dito, kabilang ang Pilipinas sa isa sa mga bansa na mayroong pinakamaraming nagaganap
na krimen taun-taon sa buong mundo. Kapansin-pansin ang mga krimeng nagaganap ngayon,
tulad ng: pagpatay, pagnanakaw, panggagahasa, panloloko. Maraming Pilipino ang natatakot,
naaalarma, at nangangamba. Masama ang lahat ng krimen. Ngunit ang walang-kapararakan o
walang-kabuluhang mga krimen ay mas mahirap maunawaan. Ang katotohanan na karaniwan
nang wala itong maliwanag na motibo ay nakalilito sa mga imbestigador. Palibhasa’y lalong
nagiging mahusay ang mga paraan ng komunikasyon nitong nagdaang mga taon, ang gayong
kakila-kilabot na mga krimen ay nababalitaan agad ng milyun-milyon, o bilyun-bilyon pa nga, sa
loob ng ilang oras. Sinasabi ng isang ulat na inilathala ng World Health Organization na “lahat
ng kontinente, bansa at halos lahat ng komunidad ay apektado ng karahasan.”

May posibleng pwedeng maabuso o abusuhin ito ng mga taong may mga kilalang
nagtatrabaho sa gobyerno o mga taong kayang magbayad ng malaking halaga para sabihin na sila
ay tuluyang nagbago na at maaaring yung mga taong pinalaya o hinayaan na magbago ay ulitin
ulit ung kanilang mga ginawang krimen dahil nga alam nilang may ganito ng batas na pwedeng
magpalaya sa kanila ulit. Sa halip na mabulok sa kulungan, bakit hindi nalang bigyang
alternative learning system sa loob ng bilangguan? Mahalaga ang edukasyon sa bawat
indibidwal. Ang karunungan, ay isang kayamanan ng isang tao na kailanman ay hindi maaaring
nakawin sa iyo ng ibang tao. Minsan sa ibang kultura, ang karunungan ay sukatan ng isang
indibidwal kung gaano kalayo ang mararating niya sa buhay. Bagama’t mahigpit na pinatutupad
ng gobyerno na ang bawat bata sa bansa ay dapat nag-aaral, paano na ang mga nasa kulungan?
marami sa ating mga nasa kulungan ang hindi na nakatuntong ng sekondaryang edukasyon, hindi
rin nakatapos ng elementarya. Dahil dito, marami ang hindi makakuha ng maayos na trabaho o
makuha ang mga hinahangad sa buhay na kaginhawaan dahil kulang ang kanilang alam sa
buhay, at tamang pag-uugali upang makamit ang mga gusto sa mundo, na maaaring matutunan
lamang sa pamamagitan ng edukasyon. Alternative Learning System ay itinaguyod para sa mga
mahihirap at kababayang hindi makakuha ng sapat ng edukasyon at ngayon mas pinalawig sa
mga nakapiit sa kulungan upang bigyan ng pagkakataon na makaahon sila sa kanilang paglaya
matapos ang kanilang sintensya.

Napaka-ganda ng Pilipinas. Pero kamusta naman ang gobyerno? Sila ang nagiging
dahilan kung bakit mas lalong nag-hihirap ang Pilipinas. Marami akong nababalitaan na, ang
daming mayayaman na binabayaran na lang ang mga mambabatas para di sila managot at hindi
makulong. Ang mga mambabatas, kaya sila binigyan ng kapangyarihan jan sa pwesto nila ay
para gawing maayos ang pamamalakad ng Pinas. Pero anong ginagawa nila? Imbis na gawin nila
ang trabaho nila ng maayos ay sila pa ang nagiging dahilan ng magulo at maduming sistema ng
politiko. Ginawa ang batas para managot ang mga taong may-sala, ginawa ito upang matuto ang
mga tao na mali ang ginagawa o gagawin nila.

Ang death penalty ngayon ay pinatanggal na, kaya’t naman marami tayong rape cases sa
bansa. Dahil alam nilang, makukulo sila, pero, makakalaya din sila sa kulungan sa pamamagitan
ng suhol ng pera. Ganyan na kakitid ang utak ng mga tao sa bansa ngayon, di nila naiisip kung
anong pwedeng mang-yari sa taong ginahasa nila o pinatay. Wala ang takot sa batas ngayon kasi
alam nila pwede at pwede nilang uulitin yun, kasi walang paki ang Gobyerno, basta na lang
ipakulong at ilabas ay pwede na.nasaan ang hustisiya doon? Wala! Porket ba napakulong ay
ligtas na ang iba? Hindi! Makakalaya at makakalaya din sila! At gagawa ulit sila ng krimen.
Simple lang naman ang kailangan, kailangan nilang ibalik ang death penalty. Nasa huli ang pag-
sisi, ngayon nakikita na ng mga tao sa pinas, kung anong klase ang mga nasa pwesto ngayon.
Gahaman sa kapangyarihan at pera. Yan ang politiko natin ngayon, siguro bilang na lang ang
mga tapat ngayon, pero minsan sila pa ang inaakusado na mali.

You might also like