You are on page 1of 5

Death penalty: Pabor o Di-pabor?

Ang batas na death penalty o parusang kamatayan ay matagal ng pinaguusap-usapan sa ating

bansa, kung ito ba ay ipapatupad muli. Marami ang pabor dito at marami rin namang hindi pabor

sa pagbuhay muli sa death penalty. Ito ay kontrobersyal na isyu at pinagtatalunan nating mga

Pilipino.

Ano nga ba ang death penalty o parusang kamatayan?

Ayon sa Republic Act No.7659, ang death penalty o parusang kamatayan ay parusang ipinapataw

sa mga gumagawa ng kagimbal-gimbal na krimeng nakahahapis, nakaririmarim, kakilakilabot, at

nakapopoot. Ilang halimbawa ng mga krimen na humantong sa kaparusahang ng kamatayan ay

parricide, murder, qualified bribery, piracy, kidnapping, robbery, at rape, drug pushing. Ito ay

mabigat na hatol kung ikaw ay gumawa ng karumal-dumal na krimen. Ito na ang pinakamabigat

na hatol kung saan ang buhay ng isang kriminal ay nasa kamay ng gobyerno. Ngunit hinde ganun

kabilis ang paghatol, dahil ito ay nakabase parin sa bigat ng krimen na ginawa.

Ako ay PABOR sa pagpapatupad ng death penalty o sa parusang kamatayan. Hindi na biro sa ating

bansa ang sunod-sunod na krimen na nangyayari. Nararapat lang na ibalik ang death penalty

saganon ay makaramdam ng takot ang mga naglilipanang kriminal. At pati narin ang hinde

matapos-tapos at maubos-ubos na corrupt o ang mga magnanakaw sa pera ng bayan na opisyal ng

gobyerno. Napakarami na ang krimen sa ating bansa oras-oras ay may krimeng nangyayari saan

mang lugar sa ating bansa. Isa narin dito ay ang napakaraming corrupt sa pera ng bayan na sila-

sila rin ay mga opisyal ng gobyerno, kaya’t tayo parin ay isa sa mga mahihirap na bansa. Wala

naring sinasanto ang kriminal ngayon at pati narin ang mga pulis na nangunguna sa krimen, dahil

sakanilang posisyon ay sila ay kinikilala bilang isang malalakas, magigiting, at may baril kaya’t
naman sila ay malayang gawin ang kanilang ninanais gawin torture, at rape yan ay ilan lamang sa

mga kasong nababalitang ginagawang krimen ng mga pulis, kasama narin ditto ang mga pari na

nagsisilbing mabuting ehemplo sa ating mga simbahan, ngayon sila narin ang naglalaman ng mga

balita dahil sakinalang ginawang paggahasa, at paghahalay sa mga dalagita. Sobrang taas na ang

kriminalidad sa ating bansa dahil hinde sila takot sa ating gobyerno, wala silang ikinababahala

dahil kung sila lamang ay mahuhuli at makukulong ay maaari pa silang makalabas sa kulungan,

kung kaya’t meron batas na kaparusahang kamatayan ay tiyak na makakatulong ito upang bawasan

ang kasong kriminalidad sa ating bansa, tiyak ang mga nagnanais gumawa ng krimen ay matatakot.

7 taon halos bago matuldukan ang isang kaso at mas mapapagastos kaya’t mas mapapabilis nalang

ang kaso kung ito ay hahatulan ng sentensyang kamatayan. Masyado ng masikip ang mga kulungan

ngayon siksikan na ang mga preso at nagkakahawaan narin sila ng iba’t ibang klase ng sakit, kaya’t

mas magandang bitayin nalamang ang merong mga mabibigat na sentensiya. Ang batas na ito

nalamang ang kinakailangan ng ating bansa ngayon, ating isipin kung meron itong batas na ito ay

Malaya tayong maglakad ng gabi sa mga kalsada ng ligtas at walang rapist. ang mga kawani ng

gobyerno narin ang nagsisilbing butas ng mga batas kung ang batas na ito ay maipatupad tiyak pati

narin ang mga kawani ng gobyerno ay matatakot. Hinde lamang ang mga kriminal ng mga rapist

at murder at iba pa ang pinaguusapan dito imulat rin natin ang ating mga mata sa ating gobyerno

dahil maraming krimen rin ang nangyayari sa loob ng gobyerno, ang pagnanakaw ng pera ng bayan

kaya’t naman napakaraming naghihirap sa ngayon kaya’t yan ang nagtutulak sa kanila upang

humithit at suminghot para mawal sa kanilang isipan ang salitang kahirapan. Kaya’t kung ang

batas na death penalty ay maipatupad ang tiyak mapupuksa ang mga salot at magnanakaw sa ating

gobyerno sa ganon ay pati narin ang kahirapan sa ating bansa ay tiyak na mapupuksa. Ito man ay

labag sa mata ng simbahan lalong lalo na sa mga katoliko, ang pagpatay o ang pagkitil sa buhay
ng isang tao, dahil sila ay umaasa parin ng magbabago ang tao, gayun man marami ang nagbabago

ngunit hinde lahat marami parin ang bumabalik sakanilang gawain pagkalabas sa bilangguan.

Laganap narin sa ating bansa ang mga karumal-dumal na krimen na hanggang ngayon ay hinde

parin mapuksa, kaya’t sila’y hinde takot katapwat ang batas na ito lamang ang may kakayahang

makapuksa sa karumal-dumal na nangyayari sa ating bansa, kahit an gating pangulo ngayon ay

hinde masulusyunan ang isyung ito at siya rin ay sang-ayon sa death penalty sapagkat kanyang

nakikita na ito nalamang ang solusyun. Sa ngayon ang mga ginahasa at pagpatay sa mga inosenteng

tao nalamang ang laman ng balita, katulad nalamang ang karumal-dumal na sinapit ng 16 anyos

na batang babae na si Christine lee silawan na mula sa cebu. Ang 16 anyos na estudyante na

natagpuang patay at balat ang mukha sa bakanteng lote sa barangay bangkal, lapu-lapu city noong

marso, ang kanyang brutal na pagkamatay ay walang kasing sama at walang awa ang gumawa nito

sa kanya, ilang lamang loob ang inalis sa katawan ng 16 anyos na babaeng na natagpuang patay at

kita ang bungo sa lapu-lapu city, cebu. Inalis din ang dila, esophagus, at trachea ni Christine lee

silawan at tinanggal din umano ang kaniyang kanang tainga. At isa rin sa brutal na natamo nito ay

nagtamo rin ng 30 saksak, dalawampu’t isa rito ay stab wounds at 9 ay defense wounds. At hinde

parin nakukumpirma kung ito ba ay ginahasa. Isa lamang si Christine lee silawan ang nagsapit ng

ganitong sobrang brutal na pagkamatay. Ito rin ang naging daan ang pagkamatay ni Christine lee

silawin para muling ipanawagan ang pagbabalik ng death penalty sa ating bansa. Dahil sa isyung

ito ay nabulabog ang ating bansa at umingay ang kanyang kaso, dahil ito nga ay isa nasa pinaka

brutal na nasapit ng isang batang babae at meron ring mga naunang karumal-dumal na isyu bago

ang paglabas ang isyu nito. Marami mang isyu tungkol sa mga nangyaring judicial error mula sa

panahon na may batas pang death penalty o parusang kamatayan, ito ay hadlang upang hinde

ipatupad muli ang death penalty sa ating bansa, dahil tayo ay nasa henerasyon ng matatalino,
magagaling, at merong totoong presidenteng nakaupo na si Presidente, Rodrigo Roa Duterte, siya

ay isa sa buong mundo na kinakatakutan na presidente dahil siya ay matapang at totoo at lalong-

lalo na hindi siya tumatanggap ng suhol upang panglinis sa isang dumi ng mga mayayaman.

Ngayon ay nawala na ang ingay ng karumal-dumal na isyu ng mga naunang nakatamasa ng mga

brutal na pagamatay, at hinde rin natamasa ng mga pamilya nito kahit pa ang mga suspek ng krimen

ay nakakulong na ay hinde parin tanggap ng mga pamilya nito, gusto rin nilang ipatamasa ito sa

mga gumawa nito. Kaya’t mas lalo nang umingay ang panawagan para death penalty o parusang

kamatayan. Kung ito ay hinde parin maipapatupad ang batas na ito ay mas lalo lang lalaganap ang

mga ganitong krimen sa ating bansa at isa rin ako na sumusuporta para sa death penalty, ito ay

hinde masamang pumatay ng masama dahil ito ay ang kanilang mga pagbabayad pinsala sa

kanilang ginawang mga karumal-dumal na gawain.

Ang paglabag sa batas ay isa sa hindi magandang desisyon kaya’t mas isipin natin ang mga

ikakabuti natin at ng iba. Ang paglabag sa mga batas ay isang mabigat na kasalanan sa mata ng

ating mga diyos. Ang pagpatupad ng batas na ito ay makakatulong sa atin at pati narin sa ating

mga kinabukasan at sa kinabukasan ng ating bansa. At piliin parin nating gumawa ng tama ng

saganon ay tayo rin ang makikinabang. Sa ngayon ang ating kaylangang gawin nalamang ay ang

maging mapagkumba, magsikap, at mahalin ang ating kapwa tao, mas matimbang ang magmahal

sa kapwa kaysa sa pagpatay ng kapwa. Isipin din natin ang mga desisyon ng iba sa ganun ay ito

ang ikabubuti ng sambayanan. Kung ayaw nating matamasa ang mga karumal-dumal na ito ay

tulungan nating suportahan ang pagpapatupad ng Death Penalty sa ating bansa.

“ it is time for us to fulfill our mandate to protect our people. Tapos na ‘yan. For so long we have

to act decisively on this contentious issue. Capital punishment is not only about deterrence, it’s

also about retribution” -Presidente Digong

You might also like