You are on page 1of 2

Halimbawa ng Abstrak

Pambansang Wika at Isyu ng Intelektuwalisasyon

Tinatalakay sa artikulong ito ang isyu ng wikang Filipino bilang midyum ng intelektuwalisadong
wika. Mula rito, nagkaroon ng diskusyon sa problema. Binigyang diin ang mga pananaw na ang
wikang Filipino ay isang wikang hindi kayang maipahayag ang mga kaisipan. Dagdag pa rito,
sinabi rin na ang dahilan nito ay ang kanluraning kaisipan. Mula rito, sinabi na ang mga may
pribilehiyo at nakapapasok sa mga unibersidad lamang ang nakaiintindi sa mga kaalaman;
nahiwalay ang unibersidad sa taong bayan. Ang pagkakabuo ng “Sikolohiyang Pilipino”—
koleksiyon ng mga masteral na tesis at disertasyon ng Unibersidad ng Pilipinas mula 1974
hanggang sa kasalukuyan— ang naging dahilan sa pagsulat sa wikang Filipino, na nakapagpalaya
sa kanila mula sa dayuhang teorya at nakapag-isip ng orihinal na ideya sa pagsusuri sa lipunang
Pilipino. Mula rito, binigyang diin ang tungkulin ng unibersidad at ng mga intelektuwal. Sinabi na
ang unibersidad ang may tungkulin sa pagpapalaganap, pagsulong at pagpapayaman ng wikang
Filipino upang magkaroon ng oportunidad ang masang Pilipino na makalahok sa mga intelektuwal
na diskurso. Tungkulin naman ng mga intelektuwal ang pagwasak sa alyenasyon ng unibersidad,
ang pagpapalaganap ng kaalaman at pagtulong sa paghasa ng isipan ng masang Pilipino sa
pagiging kritikal at malikhain.
Halimbawa ng Balangkas

Pambansang Wika at Isyu ng Intelektuwalisasyon

Pagtalakay sa isyu ng wikang Filipino

1. Diskusyon ng Problema
a. Hindi maipahayag ang kaisipan; at
b. Nahiwalay ang mamamayan dahil sa kanluraning kaisipan.
2. Pagkakabuo ng “Sikolohiyang Pilipino”
a. Pagpapalaya mula sa dayuhang teorya; at
b. Pagkakaroon ng sariling ideya.
3. Tungkulin ng Unibersidad ng Pilipinas at ng mga Intelektuwal
a. Tungkulin ng Unibersidad
i. Pagpapalaganap;
ii. Pagsulong; at
iii. Pagpapayaman ng Wikang Filipino.
b. Tungkulin ng Intelektuwal
i. Pagwasak sa Alyenasyon;
ii. Paglaganap ng Kaalaman; at
iii. Pagtulong sa Paghasa ng Kaisipan.

You might also like