You are on page 1of 1

Pambansang Wika at Isyu ng Intelektuwalisasyon

Tinatalakay sa artikulong ito ang isyu ng wikang Filipino bilang midyum ng


intelektuwalisadongwika. Mula rito, nagkaroon ng diskusyon sa problema.
Binigyang diin ang mga pananaw na angwikang Filipino ay isang wikang hindi
kayang maipahayag ang mga kaisipan. Dagdag pa rito,sinabi rin na ang dahilan
nito ay ang kanluraning kaisipan. Mula rito, sinabi na ang mga maypribilehiyo at
nakapapasok sa mga unibersidad lamang ang nakaiintindi sa mga
kaalaman;nahiwalay ang unibersidad sa taong bayan.
 Ang pagkakabuo ng “Sikolohiyang Pilipino”koleksiyon ng mga masteral na tesis
at disertasyon ng Unibersidad ng Pilipinas mula 1974 hanggang
sa kasalukuyan ang naging dahilan sa pagsulat sa wikang Filipino, na nakapagpalaya sa
kanila mula sa dayuhang teorya at nakapag-isip ng orihinal na ideya sa pagsusuri
sa lipunangPilipino. Mula rito, binigyang diin ang tungkulin ng unibersidad at ng
mga intelektuwal. Sinabi na ang unibersidad ang may tungkulin
sa pagpapalaganap, pagsulong at pagpapayaman ng wikangFilipino upang
magkaroon ng oportunidad ang masang Pilipino na makalahok sa mga intelektuwal
na diskurso. Tungkulin naman ng mga intelektuwal ang pagwasak sa alyenasyon
ng unibersidad,ang pagpapalaganap ng kaalaman at pagtulong sa paghasa ng isipan
ng masang Pilipino sapagiging kritikal at malikhain

You might also like