You are on page 1of 11

Filipinolohiya Bilang

Disiplinang Filipino
(Pamela Constantino)
FILIPINOLOHIYA BILANG DISIPLINANG
FILIPINO
• Sa Pilipinas, ang asignaturang Filipino ay nakapokus sa gramar.
• Hindi ito ang kailangan ng Filipino para umunlad bilang isang
larangang akademiko at intelektuwal.
• Ang kailangan ay maging isang larangan ng pag-aaral na
• magiging isang mahalagang resource na pagkukunan ng mga kaalaman
• Magdedelop ng kakayahang pang-kaisipan, at
• Magbibigay ng kapangyarihan at magpapalaya ng kaisipan ng mga nag-aaral
nito.
• Mahalaga, kung gayon, na mabuo ang Filipino bilang disiplina at
mailapat ito sa kurikulum na pangmedyor sa akademya.
• Angkop na tawagin itong Filipinolohiya.
FILIPINOLOHIYA BILANG DISIPLINANG
FILIPINO
FILIPINOLOHIYA BILANG DISIPLINANG
FILIPINO
Ang Produksyon ng
Pananaliksik sa
Filipinolohiya Bilang
Disiplinang Filipino (Mary
Jane Rodriguez-Tatel)
Ang Produksiyon ng Pananaliksik sa PS
(Rodriguez-Tatel)
• Katutubong pagdadalumat (i.e., paggamit at paglinang ng mga
taal na konseptong gumagagap sa partikularidad ng ating mga
karanasan bilang isang lipunan at kalinangan sa agos ng
panahon).
• paggamit o paglalapat ng mga dinalumat ng mga pangunahing
tagapagsulong ng Pilipinisasyon sa Unibersidad (i.e., Enriquez, Salazar,
Covar, Lumbera, at Almario);
• pagbuo ng sariling dalumat bilang konseptuwal na balangkas at
metodong hinango mula sa proseso ng pananaliksik na kanilang
pinagdaanan.
Halimbawa ng Saliksik
Elena Mirano “Ang mga Tradisyunal na Musikang Pantinig sa Lumang
Bauan, Batangas” gumamit ng tambalang lapit ni Covar. Ang dalumat ng
“anyong bayan” bilang mga “cultural forms” na nagmula sa sinaunang
tradisyon ng taumbayan. Pinagyaman ang nakagawian nang pamamaraang
panlaboratoryo at pananaliksik na pang-artsibo ng pagmamasid at
pakikisalamuha sa lipunan, panayam sa mga taong may kinalaman sa
sinasaliksik, at pakikipamuhay o pagganap ng mananaliksik sa mga likas na
okasyon sa komunidad gaya ng salusalo, sublian, kasalan, at iba pa–bagay na
nagpahintulot para masiyasat ang lalim ng katangiang musikal ng komunidad.
“Ipinakilala ni Enriquez ang dalawang tunguhin ng pagdadalumat: (1)
“indihenisasyon mula sa loob,” i.e., paggamit ng sariling kultura bilang
bukal ng kaalaman at mga konseptong katutubo na matapat na naglalarawan
ng pananaw-sa-daigdig ng mga Pilipino; at (2) “indihenisasyon mula sa
labas,” i.e., pag-aangkin ng mga konseptong mula sa banyaga sa
pamamagitan ng pagsasalin, at kultural na asimilasyon ng mga ito sa
karanasan ng mga Pilipino.” (Rodriguez-Tatel)
• May pagbibigay kabuluhan sa paloob na paningin sa kultura, kaisipan at
lipunan (emic)
• Itinatampok ang wikang sarili sa pagdalumat ng kaalaman
• Lumilikha ng talastasan tungo sa pagbuo ng komunidad ng kaalamang
Pilipino
Perspektibong Panloob at Panlabas
Maka-Pilipinong
Pananaliksik
1. Ang maka-Pilipinong Pananaliksik ay higit
na dapat likhain ng mga Pilipino.
2. Ang maka-Pilipinong Pananaliksik ay batay
sa karanasan, kalinangan, kasaysayan at
karunungang Pilipino.
3. Ang maka-Pilipinong Pananaliksik ay higit
na para sa mga Pilipino sa loob at labas ng
bansa.
4. Ang maka-Pilipinong Pananaliksik ay higit
dapat na naisusulat sa mga wikang
nauunawaan ng mga komunidad sa
Pilipinas (Filipino at mga katutubong wika sa
bansa).

You might also like