You are on page 1of 6

Marinduque Midwest College

Dili, Gasan, Marinduque

PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (PANITIKAN NG PILIPINAS)

MODULE #1

xzPAKSA : Ang Kasaysayan ng Panitikan sa Pilipinas


 Ang Panitikan
 Ang Anyo ng Panitikan
 Ang Kahalagahan ng Panitikan

LAYUNIN: Nalalaman, natutukoy at napapahalagahan ang mga ideya kaugnay ng


Kasaysayan ng Panitikan ng Pilipinas, Anyo ng Panitikan at kahalagahan ng
Panitikan.

 NAIS MALAMAN?
Ang Kasaysayan ng Panitikan sa Pilipinas
 Ang Panitikan
 Ang Anyo ng Panitikan
 Ang Kahalagahan ng Panitikan

ALAM MO NA BA?
Ang Kasaysayan ng Panitikan sa Pilipinas
A. Sinaunang Panahon
– May sarili nang panitikan ang ating mga ninuno sa panahong ito
– Alibata ang kadalasang ginagamit
– Gumagamit din sila ng mga biyas ng kawayan, talukap ng bunga o niyog at dahon at
balat ng punungkahoy bilang sulatan at matutulis na bagay naman bilang panulat

B. Pananakop ng Kastila
Mga Impluwensya ng Kastila sa ating Panitikan:
1. Nahalinan ng Alpabetong Romano ang Alibata
2. Naituro ang Doctrina Cristiana
3. Naging Bahagi ng Wikang Filipino ang maraming salita sa Kastila
4. Nadala ang ilang akdang pampanitikan ng Europa at tradisyong Europeo na naging
bahagi ng ating panitikan gaya ng awit, corido, moro-moro at iba pa.
5. Nasinop at nasalin ang makalumang panitikan sa Tagalog sa ibang wikain
6. Nailathala ang iba’t ibang aklat pambalarila sa wikang Filipino tulad ng Tagalog,
Ilokano at Bisaya
7. Nagkaroon ng makarelihiyong himig ang mga akda

C. Panahon ng Pagbabagong-isip (Propaganda)


– Ang diwang maka-relihiyon ay naging makabayan at humihingi ng pagbabago sa
sistema ng pamamalakad sa pamahalaan at simbahan
– Pagpasok ng diwang liberalism
Marinduque Midwest College
Dili, Gasan, Marinduque

PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (PANITIKAN NG PILIPINAS)

MODULE #1

D. Panahon ng Amerikano
1. Maalab ang diwang makabayan na hindi na magawang igupo ng mga Amerikano
2. Pinasok ng mga manunulat na Pilipino ang iba’t ibang larangan ng panitikan tulad ng
tula, kwento, dula, sanaysay, nobela atbp.
3. Pag-ibig sa bayan at pagnanais ng kalayaan ang tema ng mga isinusulat
4. Namayani sa panahong ito ang mga akda sa wikang Kastila, Tagalog at wikang Ingles
5. Pinatigil ang mga dulang may temang makabayan
6. Sa panahong ito nailathala ang babasahing Liwayway
7. Pinauso rin ang balagtasan katumbas ng debate
8. Nagkaroon/Nagsimula ang pelikula sa Pilipinas

E. Panahon ng Hapon
1. Natigil ang panitikan sa Ingles kasabay ng pagpatigil ng lahat ng pahayagan
2. Gintong Panahon para sa mga manunulat sa wikang tagalog
3. Ipinagbawal din ng mga Hapon ang paggamit ng wikang Ingles
4. Ang paksa ay natutungkol sa buhay lalawigan
5. Napasara ang mga sinehan at ginawa na lamang tanghalan
6. Nagkaroon ng krisis ng papel kaya hindi masyadong marami ang akdang naisulat

F. Bagong Kalayaan 1945 – 1972


– Sumigla muli ang panitik sa Pilipinas
– Naging paksain ang kabayanihan ng mga gerilya, kalupitan ng mga Hapon, Kahirapan
ng pamumuhay noon atbp
– Nabuksang muli ang mga palimbagang naipasara dahil sa giyera
– Naitatag ang Palanca Memorial Award in Pilipino and English Literature noong 1950
– Nagkaroon din ng Republic Cultural Award, Gawad ni Balagtas at Taunang Gawad ng
Surian ng Wikang Pambansa
– Sumigla rin ang pagkakaroon ng pahayagan sa mga paaralang pangkolehiyo
– Nagbukas rin ang palimbagan ng lingguhang babasahin: Liwayway, Bulaklak, Tagumpay,
Ilang-ilang atbp

G. Batas Militar 1972 – 1986


– 1972 idiniklara ang Batas Militar sa Pilipinas sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand
Marcos
– Paksa ang paghingi ng pagbabago sa pamahalaan at lipunan
– Pagsisimula ng programang Bagong Lipunan noong Setyembre 21, 1972
– Pinahinto ang mga pampahayagan at maging samahang pampaaralan
– Pagpapatatag ng “Ministri ng Kabatirang Pangmadla” (sumubaybay sa mga pahayagan,
aklat at mga iba pang babasahing panlipunan)
Marinduque Midwest College
Dili, Gasan, Marinduque

PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (PANITIKAN NG PILIPINAS)

MODULE #1

H. Kasalukuyang Panahon
– Isa pang makulay na kabanata ng panitikang Pilipino
– Namumulat ang mamayang Pilipino sa kahalagahan ng pambansang wika
– Marami na ang sumusubok na sumulat gamit ang kanilang sariling vernakyular
– Mas mayaman ang pinagkukunan ng paksang isusulat
– Malaki ang impluwensiya ng teknolohiya at agham
– Malayo na rin ang naaabot ng media
– Kahit sa mga telebisyon nagbabago na rin ang wikang ginagamit
– Hindi lamang pamapanitikan ang uri ng salitang ginagamit ngunit mapapansin na may
mga akda na gumagamit na rin ng pabalbal, kolokyal at lalawiganin

Mga Panitikan

Mga uri ng panitikang sumibol at sumikat sa sinaunang panahon:

 ALAMAT
 KWENTONG BAYAN
 EPIKO
 MGA AWITING BAYAN
 KARUNUNGAN BAYAN
 MGA AKLAT (WIKA AT PANRELIHIYON)
 Mga Dulang Panlibangan

Kahalagahan ng Panitikan:

1. Sa pamamagitan ng panitikan, naipakikilala ang pagka - Pilipino at naibabahagi ang yaman ng


isip at ang angking talino ng lahing pinagmulan.
2. Naipapabatid sa daigdig ang kadakilaan at karangalan ng tradisyong Pilipino na sandigan ng
kabuuan ng ating kultura.
3. Nababatid ang kahinaan sa pagsulat at pagsasanay upang ito ay maisaayos at maituwid.
4. Nakikilala at nagagamit ang mga kakayahan sa pagsulat at maging masigasig sa paglinang at
pagpapaunlad nito.
5. Naipadarama ang pagmamahal sa kultura sa pamamagitan ng pagpapakita ng malasakit sa
panitikan.

Tulad ng nabanggit, sa pamamagitan ng panitikan nagkaroon ng pagkakataon ang mga


Pilipino na ipakilala ang ating lahi sa iba. Gamit ang kanilang talino at angking kakayahan,
nakalikha sila ng mga sulating na sumasalamin sa mga matandang kaugalian at tradisyon na
siyang bumubuo sa ating kultura. Nasukat din ng mga Pilipino ang kanilang kalakasan at
Marinduque Midwest College
Dili, Gasan, Marinduque

PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (PANITIKAN NG PILIPINAS)

MODULE #1

kahinaan sa pagsulat at paglikha kaya naman mas naging madali para sa kanila na bumuo at
luminang ng mga teksto. Maraming manunulat na Pilipino ang natuklasan ang kakayahan at
nabigyan ng pagkilala para sa kanilang mga akda na kinapulutan ng aral at nagmulat sa mga
kapwa nila Pilipino sa kagandahan ng bansa at pagpapahalaga dito.

Higit sa lahat, nagkaroon sila ng pagkakataon na maipadama ang kanilang umaapaw na


pagmamahal sa bansang Pilipinas sapagkat taas noo nilang ipinagmamalaki na sila ay mula sa
lahing Pilipino at ang bawat panitikan na kanilang ginagawa ay sumasalamin sa mayamang
kultura ng Pilipinas. Tunay na mayaman ang bansang Pilipinas hindi lamang sa mga likas na
yamang taglay nito maging sa talino at kakayahang linangin ang kultura sa pamamagitan ng
paggamit ng panitikan. Kaya naman mas maraming bansa ang nagiging interesado na bumisita
at manirahan dito sa ating bansa.

GAWAIN:

1. Gumawa ng TIMELINE kaugnay ng mga panahon sa KASAYSAYAN NG PANITIKANG


PILIPINAS. (20PTS)

2. Magbigay ng tig isang panitikan sa bawat panahon at ibigay ang kahalagahan nito sa
Marinduque Midwest College
Dili, Gasan, Marinduque

PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (PANITIKAN NG PILIPINAS)

MODULE #1

kasalukuyan? (15 pts)

3. Paano mo mapapahalagahan ang panitikang Pilipino. Magbigay ng tiyak na pangyayari.


(15 pts)

ANO ANG AKING NATUTUNAN? (250-350 NA SALITA)


Marinduque Midwest College
Dili, Gasan, Marinduque

PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (PANITIKAN NG PILIPINAS)

MODULE #1

PABATID: Ang gawaing ito ay sasagutin at ipapasa sa Google Classroom.

You might also like