You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPART OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
DIVISION OF CITY OF NAGA
City of Naga, Cebu
Ecology Center, West Poblacion, City of Naga, Cebu

Banghay Aralin sa Filipino 11 – KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT


KULTURANG PILIPINO

(Ikawalong Linggo) Petsa: ika-17 ng Oktubre 2022

I. Layunin:

 Natutukoy ang mga pinagdadaanang pangyayari o kaganapan tungo sa pagkabuo at pag-


unlad ng Wikang Pambansa.
 Nakapagbibigay ng opinyon o pananaw kaugnay sa mga napakinggang pagtalakay sa
Wikang Pambansa.
 Nakasusulat ng reaksyong papel sa kasaysayan ng Wikang Pambansa sa panahon ng mga
Kastila.

II. Paksang Aralin:

Paksa:
Kasaysayan ng Wikang Pambansa

Sanggunian:
Batayang Aklat ng Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino (pahina 96-101)

Kagamitan:

 Kagamitang Biswal (larawan at iba pa)


 Laptop

III. Pamaraan:

A. Paghahanda

Hahatiin ng guro ang klase sa dalawang pangkat.


Ang guro ay maghahanda ng isang aktibidad na tinatawag na “Write all you can”
kung saan ang mga mag-aaral ay magbibigay o magsusulat ng lahat ng kanilang
saloobin o ideya na may kaugnayan sa ibinigay na mga tagubilin na ibinigay ng guro.

1. Paano ninyo nasagot ang aktibiti?


2. Saan galing ang inyong mga karanasan?

B. Paglalahad

1. Sasabihin ng guro sa buong klase ang magiging paksa at kung ano ang mga
layunin nito.
2. Pinal na paglalahad sa bagong aralin o leksyon.
Ang guro ay maghahanda ng aktibidad na tinatawag na “Pinili mo ako!
Panindigan mo ko!”
Pangkatang Gawain. May ibibigay na mga larawan ang guro sa bawat pangkat.
Tutukuyin nila kung ano mga pangyayaring naganap sa bawat larawan at sa
kung anong panahon ito nangyari.

C. Pagtatalakay

Sa pamamagitan ng mga larawan na ibinigay sa bawat pangkat, ilalahad o


tatalakayin ng guro ang Kasaysayan ng Wikang Pambansa.

Kasaysayan ng Wikang Pambansa

 Sa panahon ng Kastila
 Sa panahon ng Amerikano
 Sa panahon ng Hapon

Sa panahon ng Kastila (Panahon ng Espanyol)

Bago paman dumating ang mga dayuhan, may sariling wika na ang mga
Filipino ngunit pinigil at sinunog ng mga Kastila ang mga makalumang
panitikan.

KRISTYANISMO – Pangunahing layunin ng Espanyol sa pagsakop ng Pilipinas.

Ayon sa mga Kastila, nasa kalagayang “barbariko, di-sibilisado at


pagano” ang mga katutubo noon.
Kaya itinuro ng mga kastila ang Kristiyanismo sa mga katutubo upang
maging sibilisado di-umano ang mga ito.

Upang maging epektibo ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo, ang mga


misyonerong Espanyol ang nag-aaral ng mga Wikang Katutubo dahil mas
madali itong matutunan kaysa ituro ang Wikang Kastila.

Ang katutubong Wika ay kanilang pinag-aralan at ginamit sa pagpapalaganap


ng Kristiyanismo.

MISYONERONG ESPANYOL
 Agustino, Pransiskano, Dominiko, Heswita at Rekolekto.

Nagsulat ang mga Prayle ng mga diksiyunaryo, aklat panggramatika at


katekismo para mas mapabilis ang pagkatuto nila ng Katutubong Wika.

 Patuloy ang pagbabago ng bansa, isa na rito ang Sistema ng Pagsulat.


 Ang baybayin ay pinalitan ng Abecedario.
 Ang dating 17 katutubong tunog sa matandang baybayin ay nadagdagan
ng 14 titik upang maging 31 titik lahat.

DULANG PANLIBANGAN
Panuluyan – Dulang itinatanghal sa lansangan. Paghahanap ng matutuluyan
nina Joseph at Maria.
Senakulo – Isang dulang nagsasalaysay ng buhay at kamatayan ng poong
Hesukristo. Kadalasang ginaganap sa lansangan o sa bakuran
ng simbahan.
Karilyo – Pagpapagalaw ng anino ng mga pira-pirasong karting hugis tao sa
likod ng isang kumot na puti na may ilaw.
Zarzuela – Ito ay isang lyrika at dramatikong pagdudula na gumagamit ng
salitan na pagsasalitan at pagkanta na madalas mala-opera ang
dating.

D. Paglapat

Magtatanong ang guro nga mga katanungan sa mga mag-aaral kung ano ang
kanilang mga opinyon o pananaw sa kasaysayan ng Wika sa panahon ng kastila.

1. Bakit mahalaga na talakayin natin ang kasaysayan ng ating Wika sa


panahon ng mga kastila?
2. Sa iyong opinyon, meron bang malaking tulong na naidulot ang
pananakop ng kastila sa Pilipinas noon at hanggang ngayon?

IV. Pagtataya:

Sumulat ng isang reaksyong papel sa kasaysayan ng Wikang Pambansa sa panahon ng


mga Kastila. Ilagay ito sa isang buong papel.

V. Takdang Aralin:

Magsaliksik kung ano ang mga pinakamalaking ibinahagi ng Amerikano sa Wikang


Pambasa ng Pilipinas sa panahon ng kanilang pananakop. Ilagay sa isang buong papel.

JIETY A. PLARISAN, LPT


Prepared by:

GESUCAMO C. MANUBAG, LPT


Checked by:

You might also like