You are on page 1of 17

LEARNING MODULE NO.:___1________ QUARTER:_____2________ WEEK NO.

: 6
Part 1
I. MAIN A. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
TOPIC/SUB-
ARALIN 6: KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA
TOPIC

II. BRIEF Tatalakayin dito kasaysayan ng wikang pambansa at ang malaking kaugnayan
INTRODUCTI nito sa buhay ng bawat isang Pilipino sa kanilang komunikatibong pakikipag-
ON ABOUT ugnayan sa kapwa at sa lipunang kanilang kinabibilangan at ginagalawan.
THE TOPIC Nakatuon ang paksa sa mga pili at mahahalagang kaalamang pangkompitensi.

III. MOST Natitiyak ang mga pinagdaanang pangyayari /kaganapan tungo sa pagkakabuo at
ESSENTIAL pag-unlad ng Wikang Pambansa
LEARNING
COMPETENCI
ES
IV. VALUE/  Inaasahang mauunawaan ng mga mag-aaral ang tungkol sa kasaysayan ng
BEHAVIORAL wikang pambansa na mag-uugnay sa pagkatuto at pagkamulat sa
STANDARDS pinagmulan ng wika natin tungo sa pagiging isang Pambansang Wikang
Filipino sa kasalukuyan.
F11PS – Ig – 88
 Nakapagbibigay ng opinion o pananaw kaugnay sa mag napakinggang
pagtalakay sa Wikang Pambansa
F11PN – If – 87

V. INSTRUCTION Powerpoint, vocabulary sheet, multimedia equipment


AL
MATERIALS
VI. LEARNING K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM SENIOR HIGH SCHOOL –
RESOURCES CORE SUBJECT National Seminar for SHS Teachers;D. Fortez (DMMSU
Agoo,La Union);Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino ni
Magdalena o. Jocson Mga Sanggunian:
https://quizizz.com/admin/quiz/5d2dbb1e6a1351001e1ffab2/gamit-ng-wika-sa-
lipunan-2
https://prettylittlelass.wordpress.com/2017/02/20/sulat-para-sa-aking-minamahal/
 Department of Education, 2016 K to 12 Filipino 2016 Curriculum Guide
 Magdalena O. Jocson, 2016, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino , Batayang Aklat sa Filipino, Senior High School,
#1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City: Vibal Group, Inc.
 https://www.academia.edu/7593747/Kasaysayan_ng_wikang_filipino

VII. LEARNING Self-Learning and Online Learning.


MODALITIES

Part 2
I. PRE-ASSESSMENT Tatasahin dito ang kaalaman ng mga mag-aaral upang mapagtanto ang
kanilang nalalaman sa paksa.
II. DISCUSSION “Tawagin natin si ________ upang pangunahan tayo sa panalangin.”
OF THE
(Panalangin)
CONTENT OF
THE LESSON/ “Magandang araw klase! Bago tayo magsimula ng aralin, simula natin sa isang
TOPIC gawain na aking inihanda para sa inyo .”
SIMULAN NATIN!
ARALIN 1: Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Filipino

Pamagat ng Gawain: Alalahanin mo’t makukuha mo!

Most Essential Learning Competency: Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng


mga pangyayaring may kaugnayan sa pag-unlad ng Wikang
Pambansa. F11WG – Ih – 86

Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na katanungan mula sa


Kasaysayan ng Pag-unlad ng Wikang Pambansa. Isulat sa patlang ang
sagot.

Gawain 1
Lourdes R. Manuel L. Quezon
Jose Rizal Seksiyon 6 Hulyo 29, 1971
Quisumbing
Baybayin Manuel L. Quezon Saligang-Batas 1987 29 titik 1. Sino ang
CHED Memorandum Blg. tinaguriang
Proklamasyon Blg. 1041 Wikang Tagalog Hulyo 24, 1942
59
“Ama ng
Wikang Pambansa”?
Saligang-Batas 1987 2. Saligang-batas na nagsasaad na ang wikang Pambansa ay
“Filipino”?
Baybayin 3. Ito ang kauna-unahang alpabeto ng bansang Pilipinas?
29 titik 4. Ilang letra ang mayroon sa alpabetong Romano na ipinalit ng mga
Espanyol sa Baybayin?
Wikang Tagalog 5. Ito ang ginamit na wika noong Panahon ng Propaganda?
CHED Memorandum Blg. 59 6. Nagtadhana ng 9 na yunit na pangangailangan ng
Filipino sa kolehiyo o pamantansan?
Hulyo 24, 1942 7. Petsa na naipatupad sa pamamagitan ng kautusang militar na
nagtatakda na Tagalog at wikang Hapon bilang mga opisyal na
wika ng Pilipinas?
Proklamasyon Blg. 1041 8. Nagtatakda na ang buwan ng Agosto ay magiging Buwan ng
Wikang Filipino?
Seksiyon 6 9. Probisyon sa Konstitusyong 1987 na nagtatakda sa wikang Filipino
bilang wikang pambansa?
Jose E. Romero 10. Ang kalihim ng Edukasyon, Kultura, at Palakasan na
nagpalabas ng kautusang pangkagawaran na tumutukoy sa sa
paggamit ng katagang “Filipino” sa pagtukoy sa wikang
pambansa?

Unang Gawain:
Ano nga ba ang Abecedario at iba pang mga nagging alpabeto ng Wikang Filipino at
ano ang mga naging pinagdaanan nito? Ating alamin.
 Panahon ng mga Kastila
Maraming pagbabago ang naganap at isa na rito ang sistema ng ating
pagsulat.
 Ang dating baybayin ay napalitan ng Alpabetong Romano na binubuo
naman ng 30 titik, limang (5) patinig at dalawampu’t limang (25) katinig.

 Pagpapalaganap ng Kristiyanismo ang isa sa naging layunin ng pananakop


ng mga Kastila.
 Ngunit nagkaroon ng suliranin hinggil sa komunikasyon.
 Nagtatag ang Hari ng Espanya ng mga paaralang magtuturo ng wikang
Kastila sa mga Pilipino ngunit ito ay tinutulan ng mga prayle.
 Ang mga misyonerong Kastila mismo ang nag-aral ng mga wikang
katutubo.
1. Mas madaling matutuhan ang wika ng isang rehiyon kaysa ituro ito sa lahat
ang Espanyol.
2. Higit na magiging kapani-paniwala at mabisa kung ang isang banyaga ay
nagsasalita ng katutubong wika.
 Ang mga prayle’y nagsulat ng mga diksyunaryo at aklat-panggramatika,
katekismo at mga kumpesyonal para sa mabilis na pagkatuto nila ng
katutubong wika
 Naging usapin ang tungkol sa wikang panturong gagamitin sa mga Pilipino.
 Inatas ng Hari na ipagamit ang wikang katutubo sa pagtuturo ng
pananampalataya subalit hindi naman ito nasunod.
 Gobernador Tello – turuan ang mga Indio ng wikang Espanyol
 Carlos I at Felipe II – kailangang maging bilinggwal ang mga Pilipino
 Carlo I – ituro ang doktrinang Kristiyana sa pamamagitan ng wikang Kastila
 Noong Marso 2, 1634, muling inulit ni Haring Felipe II ang utos tungkol sa
pagtuturo ng wikang Kastila sa lahat ng katutubo
 Hindi naging matagumpay ang mga kautusang nabanggit kung kaya si
Carlos II ay naglagda ng isang dekrito na inuulit ang mga probisyon sa mga
nabanggit na batas. Nagtakda rin siya ng parusa para sa mga hindi susunod
dito.
 Noong Disyembre 29, 1792, nilagdaan ni Carlos IV ang isa pang dekrito na
nag-uutos na gamitin ang wikang Kastila sa mga paaralang itatatag sa lahat
ng mga pamayanan ng Indio.
Panahon ng Propaganda
 Sa panahong ito, marami na ring mga Pilipino ang naging matindi ang
damdaming nasyonalismo. Nagtungo sila sa ibang bansa upang kumuha ng
mga karunungan.
 Dr. Jose Rizal, Graciano Lopez-Jaena, Antonio Luna, Marcelo H. del Pilar
 Sa panahong ito ay maraming akdang naisulat sa wikang Tagalog. Pawang
mga akdang nagsasaad ng pagiging makabayan, masisidhing damdamin
laban sa mga Kastila ang pangunahing paksa ng kanilang mga isinulat.
Panahon ng mga Amerikano
 Nagsimula na naman ang pakikibaka ng mga Pilipino nang dumating ang
mga Amerikano sa pamumuno ni Almirante Dewey
 Ginamit nilang instrumento ang edukasyon na sistema ng publikong
paaralan at pamumuhay na demokratiko
 Mga gurong sundalo na tinatawag na Thomasites ang mga naging guro
noon.
 William Cameron Forbes – naniniwala ang mga kawal Amerikano na
mahalagang maipalaganap agad sa kapuluan ang wikang Ingles upang
madaling magkaunawaan ang mga Pilipino at Amerikano
 Nagtatag ng lupon si Mc Kinley na pinamumunuan ni Schurman na ang
layunin ay alamin ang pangangailangan ng mga Pilipino
1. Isang pambayang paaralan ang kailangan ng mga Pilipino
2. Mas pinili ng mga lider-Pilipino na gamitin bilang wikang panturo ang
Ingles
 Jorge Bocobo – naniniwalang ang lahat ng sabjek sa primaryang baitang,
kahit na ang Ingles ay dapat ituro sa pamamagitan ng diyalektong lokal
 N.M Saleeby, isang Amerikanong Superintende – kahit na napakahusay ang
maaaring pagtuturo sa wikang Ingles ay hindi pa rin ito magiging wikang
panlahat dahil ang mga Pilipino ay may kani-kaniyang wikang bernakular
na nananatiling ginagamit sa kanilang mga tahanan at sa iba pang pang-
araw-araw na gawain
 Bise Gobernador Heneral George Butte – naniniwalang epektibong gamitin
ang mga wikang bernakular sa pagtuturo sa mga Pilipino
 Labag man sa iniutos ni Mc Kinley na gamiting wikang panturo ang mga
wikang bernakular sa mga paaralan ay nanatili pa rin ang Ingles na wikang
panturo at pantulong naman ang wikang rehiyonal
Panahon ng Hapones
 Sa pagnanais na burahin ang anumang impluwensiya ng mga Amerikano,
ipinagamit nila ang katutubong wika partikular ang wikang Tagalog sa
pagsulat ng mga akdang pampanitikan.
 Ito ang panahong namayagpag ang panitikang Tagalog.
 Ipinatupad nila ang Order Militar Blg. 13 na nag-uutos na gawing opisyal na
wika ang Tagalog at wikang Hapon
Panahon nga Malasariling Pamahalaan

 Nilikha ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelth Blg. 184 – opisyal


na paglikha ng Surian ng Wikang Pambansa noong ika-13 ng Nobyembre
1936
 Ang tungkulin nito ay magsagawa ng pananaliksik, gabay at alituntunin na
magiging batayan sa pagpili ng wikang pambansa ng Pilipinas
 Si Jaime C. de Veyra ang naging tagapangulo ng komite
 Napili nila ang Tagalog bilang batayan ng wikang tatawaging Wikang
Pambansa
 Ipinalabas noong 1937 ng Pang. Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap
Blg. 134 – nag-aatas na Tagalog ang batayan ng wikang gagamitin sa
pagbubuo ng wikang pambansa
 Ilang dahilan kung bakit Tagalog ang napiling batayang wika :
1. Mas marami ang nakapagsasalita at nakauunuwa ng Tagalog kumpara sa
ibang wika
2. Mas madaling matutuhan ang Tagalog kumpara sa ibang wikain sapagkat
sa wikang ito, kung ano ang bigkas ay siyang sulat
3. Tagalog ang ginagamit sa Maynila at ang Maynila ang sentro ng kalakalan
sa Pilipinas
4. Ang wikang Tagalo ay may hostorikal na basehan sapagkat ito ang wikang
ginamit sa himagsikan na pinamunuan ni Andres Bonifacio
5. May mga aklat na panggramatika at diksyunaryo ang wikang Tagalog
 Dahil sa pagsusumikap ni Pang. Quezon na magkaroon tayo ng wikang
pagkakakilanlan, hinirang siyang “Ama ng Wikang Pambansa”
 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 noong Abril 1940 – nagpapahintulot sa
pagpapalimbag at paglalathala ng Talatinigang Tagalog-Ingles at Balarila sa
Wikang Pambansa.
 Pinasimulan ang pagtuturo ng wikang pambansa sa mga paaralan
pampubliko at pampribado sa buong bansa
 Pinagtibay ng Batas Komonwelth Blg. 570 na ang Pambansang Wika ay
magiging isa na sa mga wikang opisyal ng Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1940
 Nilagdaan ni Pang. Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 12 noong
Marso 26, 1954 na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang
Pambansa ay magaganap mula sa ika-29 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril
bilang pagbibigay-kahalagahan sa kaarawan ni Balagtas (Abril 2)
 Nilagdaan ni Pang. Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 186 noong
Setyembre 23, 1955 na nag-uutos sa paglilipat ng petsa ng Linggo ng Wika
mula ika-13 hanggang 19 ng Agosto bilang pagbibigay ng kahalagahan sa
kaarawan ni Pang. Quezon (Agosto 19)
 Noong Pebrero, 1956, nilagdaan ni Gregorio Hernandez, Direktor ng
Paaralang Bayan ang Sirkular 21 na nag-uutos na ituro at awitin ang
Pambansang Awit sa mga paaralan
 Nagpalabas si Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ng
Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 noong Agosto 13, 1959 na nagsasaad na
kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang Pilipino ang
gagamitin
 Nilagdaan ni Pang. Ferdinand Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg.
96 na nagtatadhana ng pagsasa-Pilipino ng mga pangalan ng gusali, edipisyo
at tanggapan ng pamahalaan noong Oktubre 24, 1967
 Marso 27, 1968, nilagdaan ni Rafael Salas, Kalihim Tagapagpaganap, ang
Memorandum Sirkular Blg. 96 na nag-aatas ng paggamit ng wikang Pilipino
sa mga opisyal na komunikasyon sa mga transaksyonng pamahalaan
 Memorandum Sirkular Blg. 488 noong Hulyo 29, 1972 na humihiling sa
lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng Linggo ng Wika
 Saligang Batas ng 1973, Artikulo XV, Seksyon 2 at 3 – “Ang Batasang
Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pormal na paggamit ng pambansang wikang Pilipino at hangga’t hindi
binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino ang mananatiling mga wikang
opisyal ng Pilipinas”
 Hunyo 21, 1978, nilagdaan ng Ministro ng Edukasyon at Kultura, Juan
Manuel ang Kautusang Pangministri Blg. 22 na nag-uutos na isama ang
Pilipino sa lahat ng kurikulum na pandalubhasang antas
 Nabagong muli ag Konstitusyon nang sumiklab ang Edsa I noong Pebrero
25, 1986 at nahirang na pangulo ng bansa si Gng. Corazon c. Aquino
 Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, nasasaad tungkol sa wika:
 Sek.6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino
 Sek.7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang
opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang ibang itinatadhana ang
batas, Ingles
 Sek.8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat
isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Espanyol
 Sek.9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang
pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga
disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga
pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang
pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili
ANG PAMBANSANG WIKA SA Kasalukuyang Panahon
Kasalukuyang Panahon (1986-Present
Saligang Batas ng 1987
 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 ni Dating Pangulong Corazon Aquino
 Ang SWP ay pinalitang ng Linangan ng Wikang Pambansa na pagkaraan ay
binuwag naman nang buuin ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas at
tinawag itong Komisyon ng Wikang Filipino
 1987 Pinalabas ni Lourdes Quisumbing ng Departamento ng Edukasyon,
Kultura at Isports ang Kautusan Blg 52 na nag-uutos sa paggamit ng
Filipino bilang panturo sa lahat ng antas ng paaralan kaalinsabay ng Ingles
na nakatakda sa patakaran ng edukasyong bilinggwal.
 Kasalukuyang Konstitusyon (Konstitusyon ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6
& 7).
“Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang,
ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na Wika sa
Pilipinas at sa iba pang mga wika. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at
pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga’t
walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles…”
 Wikang Panturo - Ang wikang panturo ang opisyal na wikang ginagamit sa
pormal na edukasyon.

Sa pangkalahatan ay FILIPINO at INGLES ang mga opisyal na wika at


wikang panturo sa mga paaralan.
 Bilang hiwalay na asignatura
 B) Bilang wikang panturo
 Wikang Panturo - Ang mga wika at dayalektong ito ay ginagamit sa
dalawang paraan:
 Wikang Panturo - Ayon kay DepED Secretary Brother Armin Luistro, FSC
“Ang paggamit ng wikang ginagamit din sa tahanan sa mga unang baitang
ng pag-aaral ay makatutulong mapaunlad ang wika at kaisipan ng mga mag-
aaral at makapagpapatibay rin sa kanilang kamalayang sosyo- kultural”
 Nagtatadhana na ang Filipino ay bahagi na ng kurikulum na pangkolehiyo,
ayon sa CHED. Nag atas ito ng pagsasasama sa mga kurikulum ng siyam
(9) na yunit ng Filipino sa mga kolehiyo pero sa kasalukuyan ito ay
tinanggal na.

III. LEARNING
ACTIVI TIES MADALI / EASY
Gawain 1.
Pamagat ng Gawain: Rambulang Salita, Buuin mo ako!

Most Essential Learning Competency: Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga
pangyayaring may kaugnayan sa pag-unlad ng Wikang Pambansa.
F11WG – Ih – 86

Panuto: Buuin ang mga sumusunod na nagulong salita


upang matukoy ang mga halimbawa ng akademikong
sulatin. Isulat ang iyong sagot sa inilaang patlang.
Gawain 2

1. YBAABINY - BAYBAYIN
2. RYISTRKINMOAI - KRISTIYANISMO
3. SITALKA - KASTILA
4. ANSOLINSYMAO - NASYONALISMO
5. STOIHTAEMS - THOMASITES
6. ATGLOAG - ___TAGALOG__________
7. UWBAN GN AWIK - BUWAN NG WIKA___
8. KWINGA ASPBMANA - WIKANG PAMBANSA
9. LAPBAGTEON MRNOOA - ALPABETONG
ROMANO

10. KDROANIT RKITSIANAY – DOKTRINA KRISTIYANA


Pamagat ng Gawain: Hanap-Salita sa Panahon ng Wika!

Most Essential Learning Competency: Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng


mga pangyayaring may kaugnayan sa pag-unlad ng Wikang
Pambansa. F11WG – Ih – 86

Panuto: Hanapin sa kahon ang mga panahon/ bansa na


sumakop sa bansang Pilipinas na may epekto sa pag-unlad
ng Wika.
Gawain 3

H P C A U Y H A P O N R
I R B J I U O E E F X E
J O A A K O K V R T Z B
W P D M N I A K L N O O
O A P B E L S G C A P L
A G V N M R T D M H R U
S A C X B O I Q O P E S
F N I O T M L K K S V Y
D D U M E T A P A R S O
V A Y Z W R L S L N A N
B S B K A T U T U B O F

1. ___________HAPON______________

2. AMERIKANO___________

3. ____ _REBOLUSYON ____

4. __ ___KATUTUBO

5. ______ _KASTILA_ ____


Pamagat ng Gawain: Maramihang Pagpipilian

Most Essential Learning Competency: Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng


mga pangyayaring may kaugnayan sa pag-unlad ng Wikang
Pambansa. F11WG – Ih – 86

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


Gawain 1

1. Ito ang katawagan sa alpabetong ginamit sa panahon ng Kastila.


a. Alpabetong Romano b. El Abecedario c. Baybayin d. Abakada

2. Hudyat na ginagamit sa Alibata na tinutumbasan sa kasalukuyan na tuldok


(.).
a. // b. + c. = d. ( )

3. Kauna-unahang alpabeto na ginamit ng ating mga ninuno.


a. Alibata b. Abakada c. Baybayin d. Alpabetong Romano

4. Kauna-unanahang aklat na naipalimbag sa wikang Kastila.


a. Alibata b. Doktrina Kristiyana c. Baybayin d. Abakada

5. Haba ng taon na namayagpag ang pagsakop ng Amerikano sa bansang


Pilipinas. 48 taon
a. 20 taon b. 25 taon c. 30 taon d. 35 taon

6. Katawagan sa mga Amerikanong guro na nagtuturo sa mga Pilipino.


a. Thomasites b. Valeriano c. Rizalians d. Deweyan

7. Ang kautusan na ito ay nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel simula sa taong


panuruuan 1979-1980 na ituturo ang 6 na yunit ng Pilipino sa kolehiyo.
a. Kautusan Blg. 20 b. Kautusan Blg. 21 c. Kautusan Blg. 22 d. Kautusan
Blg. 23

8. Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 ay naghahayag na wikang


_________ ang gagamitin sa paaralang pampubliko at pribado simula Hunyo
19, 1940.
a. Filipino b. Ingles c. Tagalog d. Pilipino

9. Ang tanggapang ito ang magsasagawa ng pag-aaral hinggil sa pagpili


ng wikang pambansa.
a. Surian ng Wikang Pambansa c. Kagawaran ng Edukasyon
b. Kapulungang Pansaligang-batas d. Batasang Pambansa

10. Ang pag-unlad ng Wika ng bansang Pilipinas.


a. Ingles – Tagalog – Filipino c. Tagalog – Pilipino - Filipino
b. Filipino - Tagalog – Pilipino d. Pilipino – Ingles - Filipino
Pamagat ng Gawain: Anong Panahon ito?

Most Essential Learning Competency: Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng


mga pangyayaring may kaugnayan sa pag-unlad ng Wikang
Pambansa. F11WG – Ih – 86

Panuto: Tukuyin ang mga mahahalagang pangyayari sa pag-unlad ng


wika kung anong panahon ito naganap. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.
Gawain 2
1. Ang lahat ng sabjek sa primaryang baitang, kahit na ang Ingles ay dapat ituro sa
pamamagitan ng diyalektong lokal.
a. Amerikano b. Kastila c. Katutubo d. Hapon
2. Nagkaroon ng suliranin hinggil sa komunikasyon dahil mas lalong nahati ang
mga Pilipino dahil sa wikang nagamit sa panahon na ito.
a. Katutubo b. Kastila c. Amerikano d. Propaganda
3. Ang Seksiyon 8 ng saligang batas ng 1987 ay nagsasaad na dapat ipahayag sa
Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic
at Espanyol.
a. Propaganda b. Pagsasarili c. Katutubo d. Hapon
4. Baybayin ang tawag sa katutubong paraan ng pagsulat.
a. Pagsasarili b. Amerikano c. Hapon d. Katutubo
5. Ito ang panahong namayagpag ang panitikang Tagalog.0
a. Hapon b. Amerikano c. Propaganda d. Kastila
6. Napili nila ang Tagalog bilang batayan ng wikang tatawaging Wikang
Pambansa.
a. Hapon b. Pagsasarili c. Propaganda d. Katutubo
7. Epektibong gamitin ang mga wikang bernakular sa pagtuturo sa mga Pilipino
a. Propaganda b. Katutubo c. Hapon d. Amerikano
8. Sa panahong ito, marami na ring mga Pilipino ang naging matindi ang
damdaming nasyonalismo.
a. Katutubo b. Propaganda c. Amerikano d. Pagsasarili
9. Ipinatupad nila ang Order Militar Blg. 13 na nag-uutos na gawing opisyal na
wika ang Tagalog at wikang Hapon.
a. Katutubo b. Hapon c. Pagsasarili d. Propaganda
10. Pinasimulan ang pagtuturo ng wikang pambansa sa mga paaralan pampubliko at
pampribado sa buong bansa.
a. Katutubo b. Amerikano c. Pagsasarili d.
Propaganda
11. Pawang mga akdang nagsasaad ng pagiging makabayan, masisidhing damdamin
laban sa mga Kastila ang pangunahing paksa ng kanilang mga isinulat.
a. Katutubo b. Amerikano c. Pagsasarili d.
Propaganda
12. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo ang isa sa naging layunin ng pananakop.
a. Hapon b. Amerikano c. Propaganda d. Kastila
13. Isang pambayang paaralan ang kailangan ng mga Pilipino.
a. Kastila b. Pagsasarili c. Propaganda d. Amerikano
14. Pinagtibay ng Batas Komonwelth Blg. 570 na ang Pambansang Wika ay
magiging isa na sa mga wikang opisyal ng Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1940
a. Pagsasarili b. Hapon c. Amerikano d. Kastila 5
15. Nilagdaan ni Pang. Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 186 na nag-uutos sa
paglilipat ng petsa ng Linggo ng Wika mula ika-13 hanggang 19 ng Agosto.
a. Katutubo b. Kastila c. Pagsasarili d. Hapon
Pamagat ng Gawain: TaMali !

Most Essential Learning Competency: Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng


mga pangyayaring may kaugnayan sa pag-unlad ng Wikang
Pambansa. F11WG – Ih – 86

Panuto: TAMA O MALI. Suriin ang mga pangungusap sa


ibaba. Kung tama ang buong pangungusap, isulat ang
TAMA, kung may bahagi namang mali sa pangungusap,
isulat ang MALI. Isulat ang iyong sagot sa nakalaang
patlang bago ang bilang.
Gawain 3
TAMA 1. Thomasites ang katawagan sa mga Amerikanong sundalo na nagturo sa
Pilipinas.
MALI 2. Sa Saligang-batas ng 1985, Artikulo X, Seksyon 6, Filipino ang wikang
pambansa ng Pilipinas.
TAMA 3. Panahon ng Hapon namayagpag ang paggamit ng Wikang Tagalog dahil
maraming naipalimbag na mga akdang pampanitikan sa wikang atin.
TAMA 4. Si Pangulong Ramon Magsaysay ang naglagda ngProklamasyon Blg. 186
na nag-uutos sa paglilipat ng petsa ng Linggo ng Wika mula ika-13
hanggang 19 ng Agosto.
MALI 5. Abakada ang kauna-unahang alpabeto na ginamit n gating mga ninuno.

MALI 6. Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 ay naghahayag na wikang


Filipino ang gagamitin sa paaralang pampubliko at pribado simula
Hunyo 19, 1940.
MALI 7. Sa panahon ng Katutubo, kailangan ng mga Pilipino ang pambayang
paaralan.

TAMA 8. Sa batas Komonwelt Blg. 570, ang wikang opisyal ay Tagalog.

MALI 9. Ipinagdiriwang ang Linggo ng Wika mula Marso 29 – Abril 4 ay dahil


kay Francisco Balagtas sa Proklamasyon Blg. 186.

MALI 10. Si Manuel L. Quezon ang naglagda at nagpalabas sa pamamagitan ng


Proklamasyon Blg. 1041 noong 1997 na nagtatakda na ang buwan ng
Agosto, ang buwan ng wikang Filipino.

KATAMTAMAN / AVERAGE
Pamagat ng Gawain: Natuto Ako kaya’t tatalakayin ko!

Most Essential Learning Competency: Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng


mga pangyayaring may kaugnayan sa pag-unlad ng Wikang
Pambansa. F11WG – Ih – 86

Panuto: Balikan sa isip ang mga pag-unlad ng wikang pambansa. Itala


ang mga naging sanhi (dahilan) ng pagkakaroon ng mga batas,
kautusang tagapagpaganap, proklamasyon, kautusang pangkagawaran,
memorandum sirkular at iba pa kaugnay ng wika at ano ang naging
bunga (resulta) nito.

Gawain 3 Halimbawa:

SANHI kung bakit dapat magkaroon ng Wikang Pambansa? BUNGA ng nasabing sanhi

 Ang wikang pambansa ay SANHI


isinamang asignaturakung
sa lahat ng antasbakit  Mabilis
dapat BUNGA
na lumaganap ang wikangng nasabing sanhi
pambansa
magkaroon ng Wikang Pambansa?
Ang wikang pambansa ay susi sa Nagagamit ang wikang pambansa upang
pagkakilanlan ng bansa at ang wikang magkaisa ang lahat ng mamamayan ng
ito a nagsisilbing repleksyon ng bansang ito at sa pamamagitan ng
kultura at tradisyon ng isang bansa. paggamit ng wikang pambansa
napapalago at napapanatili ang
paggamit ng wikang pambansa.

SANHI ng pagbuo ng batas, kautusang BUNGA ng nasabing sanhi


pangkagawaran at iba pang kaugnay
na wika
Ito ay nagbibigay ng gabay sa isang tao sa Lahat sa atin ay may sariling malayang
loob ng bansang sinusundan o pag-iisip sa ating bansa at ano ang dapat
pinamumunoan dahil ito ay isang daan nating gawin na ika bubuti ng ating
para hindi mawala ang respeto, disiplina bansa. Dahil sa pagbuo ng mga batas
at pagmamahal sa isa't-isa dahil ang wika napaunlad natin agn ating wikang
ay maraming ibang klasing connection at pambansa at ito ay ating nagagamit upang
isa yon ang connection na makapagbigay ipagmalaki na tayo ay isang Pilipino.
ng sariling opinyon natin para ipahiwatig
natin ano ang nararamdaman natin sa
ating bansa at anong kontribusyon natin
mabigay sa bayan.

*** Ang gawain ay hinango sa: Magdalena O. Jocson, 2016, Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino , Batayang Aklat sa Filipino, Senior High School, #1253 Gregorio
Araneta Avenue, Quezon City: Vibal Group, Inc.
Pangalan: ______________________________Petsa:
__________________________
Pangkat/Seksyon: ________________________ Iskor:
__________________________

Pamagat ng Gawain: Anong say mo?

Most Essential Learning Competency: Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng


mga pangyayaring may kaugnayan sa pag-unlad ng Wikang
Pambansa. F11WG – Ih – 86

Panuto: Ipaliwanag at ibigay ang reaksiyon sa mga nakahandang


katanungan.

Gawain 1

1. Balikan ang mga pag-unlad ng wikang pambansa, bilang isang mag-aaral ano ang
nagging epekto nito sa iyo? Nakatulong ba ang mga nalaman mo upang mapalawak
ang iyong kaalaman? Sa paanong paraan?

Sagot: Ang naging epekto sakin ng aralin na ito ay mas lalo kong minahal at patuloy
na papahalagahan and ating pambansang wika. Nakatulong ang aking mga nalaman
upang mapalawak ang aking kaalaman sa paraan ng pagtalakay at pag-unawa sa
kasaysayan ng ating wikang pambansa, ang wikang Filipino.

2. Ano-ano ang iyong reaksiyon na dapat daw maging wikang panturo ang Ingles sa
lahat ng asignatura mula sa mababa hanggang sa mataas na antas ng pag-aaral dito
sa ating bansa?
Sagot: Hindi maganda ang aking reaksiyon. Hindi naman sa sinasabi nating masama
ang madalas na pag-sasalita ng wikang ingles, sa katunayan, makabubuti pa ito sa
ating pamumuhay. Ang ingles ay ang ating Universal language at isa sa dalawang
opisyal na lengwahe sa ating bansa, at nagagagamit natin sa pagbabasa ng libro, sa
eskwela, sa Internet. Kahit saan tayo mag-punta e, kakailanganin natin ito. Sa aking
pananaw mas makakayaman ng ating kultura ang malugod na pagtangkilik sa sarili
nating wika bago ang sa iba.

3. Gaano kahalaga sa bansang Pilipinas ang pagbuo at pagpapatupad ng mga


patakaran, memorandum, saligang-batas atbp. Sa pag-unlad ng wikang pambansa?
Sagot: Malaki ang kahalagahan ng pagbuo at pagpapatupad ng mga patakaran,
memorandum, saligang-batas, atbp. sa Pilipinas upang mapaunlad ang wikang
pambansa dahil sa pamamagitan nito ay nap-protektahan an gating wikang
pambansa at pinapahalagahan natin ito sa pamamagitan ng pagdiwang dito katulad
ng pagdiwang ng buwan ng wika sa buwan ng Agosto.

Kraytirya 4 3 2 1
1.Maayos ang organisasyon ng pagkakasulat ng sanaysay
(may panimula, gitna, wakas)
2.Bungan g pananaliksik ang nilalaman ng sanaysay
3.Wastong gamit ng mga salita/pahayag na gamit sa
pagsaulat ng sanaysay sa isang yugto ng kasaysayan
4.Nasunod ang batayang paksa sa pagsulat
5.Isinaalang-alang ang mekaniks sa pagsulat na: wastong
bantas, wastong paggamit ng maliit at malalaking letra at
kalinisan sa gawain

MAHIRAP / DIFFICULT

Pamagat ng Gawain: Pagbabalik-Tanaw!

Most Essential Learning Competency: Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng


mga pangyayaring may kaugnayan sa pag-unlad ng Wikang
Pambansa. F11WG – Ih – 86

Panuto: Sumulat ng isang sanaysay na tumatalakay sa isang partikular


na yugto ng kasaysayan ng wikang pambansa. Lagyan ng sariling
pamagat. Isulat sa coupon bond ang sanaysay gamit ang pormat.

Gawain 2
Ang Pilipinas sa panahon ng pananakop ng mga hapon
(Pamagat)

Nang lumungsad sa dalampasigan ng Pilipinas ang mga Hapon


noong 1942, nabuo ang isang grupong tinatawag na “purista”. Sila ang
mga nagnanais na gawing Tagalog na mismoang wikang pambansa at
hindi na batayan lamang. Malaking tulong ang nagawa ng pananakop
ng mga Hapon sa kilusang nabanggit. Ang Pangasiwaang Hapon ang
nag-utos na baguhin ang probisyon sa konstitusyon at gawing Tagalog
ang Pambansang wika.

Sa layunin ng mga Hapon na burahin sa mga Pilipino ang anumang


kaisipang pang-Amerikano at mawala ang impluwensya ng mga ito,
Tagalog ang kanilang itinaguyod. Ang naging opisyal na wika ng
pilipinas sa panahong iyon ay ang niponggo at tagalog. Pinaunlad ng
pamahalaang Hapon ang panitikang nakasulat sa tagalog at dumarami
ang mga manunulat sa wikang Ingles ang gumagamit ng taglog sa
kanilang mga tula, maikling kwento, nobela, at iba pa.

Rubrik sa Paggawa ng Sanaysay:


Kraytirya 4 3 2 1
1.Maayos ang organisasyon ng pagkakasulat ng
sanaysay (may panimula, gitna, wakas)
2.Bungan g pananaliksik ang nilalaman ng sanaysay
3.Wastong gamit ng mga salita/pahayag na gamit sa
pagsaulat ng sanaysay sa isang yugto ng kasaysayan
4.Nasunod ang batayang paksa sa pagsulat
5.Isinaalang-alang ang mekaniks sa pagsulat na:
wastong bantas, wastong paggamit ng maliit at
malalaking letra at kalinisan sa gawain
IV. EVALUATION/ Pamagat ng Gawain: May magagawa ako!
POST ASSESSMENT
Most Essential Learning Competency: Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng
mga pangyayaring may kaugnayan sa pag-unlad ng Wikang
Pambansa. F11WG – Ih – 86

Panuto: Gumawa ng isang sanaysay na naglalahad ng sanhi at


bunga. Bilang isang mag-aaral, mula sa mga pinagdaanan
at pagbabago ng ating wika, kung ikaw ay kasangkot sa
mga panahong natapos na, ano ang maari mong maibigay
na mga suhestiyon. Kung may babaguhin ka sa mga
nangyari, ano ito at bakit?

Gawain 3

(Sanhi) Ang aking babaguhin sa panahong natapos na ay ang paggamit


ng wikang Ingles sa bilang wikang panturo na napili ng mga lider-
Pilipino. Ang aking ipapalit na wikang panturo ay ang ating
kasalukuyang pambansang wika, ang wikang Filipino.

(Bunga) Dahil sa pagbabago na ito mas mahahasa ang mga Pilipino


noon sa ating sariling wika at matututunan nilang pahalagahan, mahalin,
at paunlarin ang wika na kung saan magkakaisa ang mga Pilipino. Hindi
masama ang pag-aaral ng wikang Ingles ngunit dapat nating unahin ang
sariling atin bago ang mga dayuhan.
*** Ang gawain ay hinango sa: Magdalena O. Jocson, 2016, Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino , Batayang Aklat sa Filipino, Senior High School, #1253 Gregorio
Araneta Avenue, Quezon City: Vibal Group, Inc.

Pamantayan sa Pagmamarka
Nilalaman 20
Organisyasyon 15
Wika 15

You might also like