You are on page 1of 78

Korbel Foundation College, Inc

Purok Spring, Brgy. Morales, City of Koronadal


Tel Number 877-2051/0228-1996

BATAYANG KAALAMAN SA WIKA


Filipino-1
Sining ng Pakikipagtalastasan

Prepared by:
Joy May C. Gulay, LPT

KFCI-Module 1
Sa katapusan ng ikatlong linggo
ang mga mag-aaral ay
inaasahang:

01 Nababatid ang tungkulin ng wika.

02 Naiisa-isa ang domeyn ng wika.

03 Napapahalagahan ang
tungkulin at kung bakit
kinakailangan sa bawat bansa
ang domeyn ng wika.
Introduksyon

Sa anumang bagay o gawain, saan mang lugar, o


pagkakataon ang wika ay lagi na nating ginagamit. Ito ang
nagbibigay katuparan sa lahat ng ating pagkilos, kinokontrol
nito ang pag-iisip maging ang ating pag-uugali. Isang
alternatibo ang wika, madalas upang maging higit na mabisa
ang komunikasyon, kinakailangang gamitin nag kumbinasyon
ng wika at ng iba pang alternatibo.

KFCI-Module 1
“Tungkulin ng Wika”

1. Interaksyunal
 Pagtatatag, pagpapanatili, pagpapaptatag ng relasyon sa kapwa tao.

2. Instrumental
 Ginagamit sa pagtugon sa mga pangangailangan.

KFCI-Module 1
“Tungkulin ng Wika”

3. Regulatori
 Pag-alalay sa mga nangyayaring nagaganap

4. Personal
 Pagpapahayag ng sariling damdamin sa pamamagitan ng pagpili ng
salita.

KFCI-Module 1
“Tungkulin ng Wika”

5. Imahinatibo
 Pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing pagpapahayag.

6. Heuristik
 Paghahanap o paghingi ng impormasyon.

KFCI-Module 1
“Tungkulin ng Wika”

7. Impormativ/ Representasyunal
 Pagbibigay impormasyon o datos.

KFCI-Module 1
“Domeyn Pangwika”

1. Mga Domeyn ng Wika na Nagkokontrol (controlling domains of


language)
 Ang wika at varayti ng wikang ginagamit dito ay dinidikta kapwa pasulat at
pasalita.

KFCI-Module 1
“Domeyn Pangwika”

2. Mga Domeyn ng Wika na Bahagyang Nagkokontrol (semi-


controlling domains of language)
 Ang wika at varayting ginagamit dito ay pasulat subalit tanging tagapakinig
lamang ang mga gumagamit nito.

KFCI-Module 1
“Domeyn Pangwika”

3. Mga Domeyn ng Wika na Di- nagkokontrol (non-controlling


domains of language)
 Ang wikang gamit dito ay pasalita lamang na kadalasang makikita sa
tahanan at lingua franca ng isang bansa.

KFCI-Module 1
Buod
 Higit na napag-aaralan ang wika sa mga tunay na karanasan sa
komunikasyon. Ang kasanayan sa isang tungkuling pangwika ay hindi
nangangahulugan na kasanayan sa iba. Hindi lamang isang tungkulin/
gamit pangwika ang nagagamit sa isang pagkakataon. Maaaring dalawa
o higit pa. Kailangan ng nagsasalita ang tagapakainig at kailangan ng
nagsusulat ang nagbabasa.
 Bagamat may itinatakdang wika na dapat gamitin sa bawat domeyn ng
wika, mlainaw naman na higit sa isang wika ang maaaring lumitaw sa
bawat domeyn. Ang iba’t ibang tao ay maaaring gumamit ng iba’t ibang
mga wika sa parehong domeyn. Ang pangyayaring ito ay bunga ng
impluwensiya ng iba’t ibang faktor-panlipunan na nakaapekto sa
repertwa ng pagsasalita ng isang indibidwal.

KFCI-Module 1 Korbel Foundation College, Inc


Purok Spring, Brgy. Morales, City of Koronadal
Tel Number 877-2051/0228-1996

BATAYANG KAALAMAN SA WIKA


Filipino-1
Sining ng Pakikipagtalastasan

Prepared by:
Joy May C. Gulay, LPT

KFCI-Module 1
Sa katapusan ng ikaapat na
linggo ang mga mag-aaral ay
inaasahang:

01 Natutukoy kung paano nabuo ang


wikang pambansa.

02 Nauunawaan ang pinagmulan ng


wikang Filipino.
Introduksyon
Ayon kina barker ar barker (1993), ikinukunekta ng wika ang nakaraan,
ang kasalukuyan at ang hinaharap. Iniingatan din nito ang ating kultura
at mga tradisyon. Maaari raw mawala ang matatandang henerasyon,
subalit sa pamamagitan ng wika ay naipababatid pa rin nila ang
kanilang mga ideya, tagumpay, kabiguan at maging ang kanilang mga
plano o adhikain sa hinaharap. Sa pamamagitan nito, ang mga sumunos
at sumusunod pang mga henerasyon ay natututo o maaaring matuto sa
nakalipas na karanasan at sa gayo’y maiiwasan ang muling
pagkakamali. Masasabi kung gayon na sa pamamagitan ng wika ay
umuunlad tayo sa mga aspektong intelektwal, sikolohikal at kultural.
Ganito rin kaya ang mangyayari sa inyo kung babalikan natin at susuriin
ang kasaysayan ng ating wikang pambansa?
“Wikang Filipino”

 Saligang batas 1935, Artikulo XIII, Seksyon 3:

“Ang Pambansang Asemblea ay gagawa ng mga hakbang tungo sa


pagpapapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa batay sa isa
sa mga umiiral na katutubong wika. Hanggang hindi nagtatadhana ng iba
ang batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy na gagamiting opisyal.

KFCI-Module 1
“Wikang Filipino”
 Pangulong Manuel L. Quezon
 Batas Komonwelt Blg. 184 na inaprobahan noong Nobyembre 13, 1936.
 Surian ng Wikang Pambansa o SWP
Jaime C. de Veyra
(Tagapangulo ng SWP) Feliz S. Salas Filemon Sotto

Unang mga MiyembroCasimiro S. Perfecto


Hadji Butu

Cecilo Santiago
Lopez Fonacier

KFCI-Module 1
“Wikang Filipino”

Gampanin ng SWP:

1. Gumawa ng pag-aaral tungkol sa mga pangunahing wikang sinsalita ng hindi


bababa sa kalahating milyong Pilipino.

2. Gumawa ng komparatibong pag-aaral sa bokabularyo ng mga pangunahing


wikang ito

KFCI-Module 1
“Wikang Filipino”

3. Pag-aralan at malaman ang ponetiko at ortograpiya ng Pilipinas.

4. Gumawa ng masusing komparatibong pag-aaral ng mga panlapi sa


Pilipinas.

5. Pumili ng mga katutubong wika na gagawing batayan para sa ebalwasyon


at adapsyon ng pambansang wika.

KFCI-Module 1
“Wikang Filipino”

Diksyunaryo
 Nobyembre 17, 1937
 Kautusang tagapagpaganap Blg. 134- Disyembre 30, 1937

“A Tagalog English
Vocabulary”
“Ang Balarila bg Wikang
Pambansa”

KFCI-Module 1
“Wikang Filipino”

 Lope K. Santos- ABAKADA (20 titik)


 1940
 Batas Komonwelt Blg. 50
 Hulyo 19, 1942- Order Militar Blg. 13 ( Hapon at Tagalog)
 Jose P. Laurel- Kautusan Tagapagpaganap Blg. 10
-“Diwa ng Bayan”
 Lope K. Santos- Gazette

KFCI-Module 1
“Wikang Filipino”
 Batas Komonwelt Blg. 570 (Hunyo 4, 1946)- Wikang Pambansang Pilipino
 Jose Villa Panganiban (Hulyo 1946)
 Julian Cruz Balmaceda (Hulyo 28, 1947)- Setyembre 18, 1947
 Cirio H. Panganiban (Disyembre 29, 1947)
 Pangulong Ramon Magsaysay- Proklamasyon Blg. 12- Marso 26, 1954
go ng Wikang Pambansa Marso 29-Abril 4 Agosto 13-19 Buwan ng Wika Agosto 1-31
KFCI-Module 1
“Wikang Filipino”

 Cecilio Lopez (Mayo 25, 1955)- Pangulong Magsaysay


 Jose Villa Panganiban (1970)- English- Tagalog Dictionary
 Kalihim Jorge B. Romero (1959)- “PILIPINO”
 Ponciano B.P. Pineda- Pangulong Marcos

KFCI-Module 1
“Wikang Filipino”
Edukasyon at Popularisasyon
Kultura at mga
Suliranin

Komite sa
Gramatika at Paglalathala at
Leksikograpiya …
Komite Istandardisasyon

ng
SWP
KFCI-Module 1
“Wikang Filipino”
 Oktubre 4, 1971- 31 na letra
 Batasang Pambansa- “FILIPINO”
 Hulyo 10, 1974- Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 ng Kalihim
ng Edukasyon
 “Edukasyong Billinggwal” (1974-1975)

KFCI-Module 1
“Wikang Filipino”

 Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6:


“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang
nililinang ito’y dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral
na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.

KFCI-Module 1
“Wikang Filipino”
 1987- Bagong Alpabetong Filipino na may 28 na titik
 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117- Pangulong Aquino ( Enero 1987)
- Linangan ng mga Wika sa Pilipinas o LWP
 Mga Kasapi ng LWP:
A. Direktor
B. Pangalawang Direktor
C. Sangay:
a.) pananaliksik at
pagpapaunlad b.)
leksikograpiya
c. pagsasalingwika at panitikan
d. preserbasyon at promosyon
e. pampangasiwaan
“Wikang Filipino”
 Agosto 25, 1988- Atas Tagapagpaganap Blg. 335 ni Pangulong
Corazon Aquino
 Saligang Batas ng 1987, Artikulo IV, Seksyon 9- Komisyon sa Wikang Filipino
o KWF (Agosto 14, 1991)

Sangay ng KWF
Dibisyon ng
Dibisyon ng Ibang mga Dibisyon ng
Dibisyon ng Dibisyon ng Dibisyong
pagsasaling- Wika at impormasyon at Pampangasiwaan
Leksikograpiya Linggwistika
wika Literatiura ng Publikasyon
Pilipinas

KFCI-Module 1
“Wikang Filipino”
Ponciano
B. P. Pineda
(Tagalog- Punong komisyoner)

Ernesto Cubar Teresita Maceda


(Ilokano) (Cebuano)

Komisyoner ng KWF
Nita P. Buenaobra Florentino Hornedo
(Bikolano) (Ivatan)

Andrew Gonzalez Angela P. Sarili


(Kapampangan)
(Kankanay)

KFCI-Module 1
“Wikang Filipino”
 Resolusyon Blg. 1-92 noong Mayo 13, 1992 na sinusugan ng Resulosyon Blg. 1-96 noong Agosto, 1996

“Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong


Pilipinas– bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad
ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng
paglinang sa pamamagitan ng mga paghihiram sa mga wika ng Pilipinas at
mga di- katutubong wika at sa ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika
para sa iba-ibang sitwasyon, sa mga nagsasalita nito na ma’y iba’t ibang
salitang sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling
pagpapahayag.”

KFCI-Module 1
“Wikang Filipino”
 Batas Republika Blg. 7104, Seksyon 14- Panrehiyong Sentro
sa Wikang Filipino o PSWF (Mayo 9, 1994) ng Board of
Commissioners

 Pangulong Fidel Ramos- Proklamasyon Blg. 1041 (1997)

Buwan ng Wikang Agosto 1-31


Pambansa

KFCI-Module 1
Buod
Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pamban
Mga naging Mga Wikang Ginamit sa Pilipinas
Lope K.
Santos
Direktor ng
SWP
Jose Villa
Panganiban

Ingles at astila Pilipino Marso 29-Abril 4 (Linggo ng Wika)


Julian Cruz
Balmaceda

Cirio H.
Panganiban Agosto 13-19
Wikang Pambansang Pilipino (Linggo ng Wika)
Wikang Tagalog
Ceclio Lopez

Jose Villa Agosto 1-31


Panganiban
(Buwan ng Wika)
Ponciano B. Wikang Filipino
P.Pineda

KFCI-Module 1
Korbel Foundation College, Inc
Purok Spring, Brgy. Morales, City of Koronadal
Tel Number 877-2051/0228-1996

BATAYANG KAALAMAN SA WIKA


Filipino-1
Sining ng Pakikipagtalastasan

Prepared by:
Joy May C. Gulay, LPT

KFCI-Module 1
Sa katapusan ng ikalimang linggo
ang mga mag-aaral ay
inaasahang:

01 . Makikilala ang mga tuntunin sa


bagong Ortograpiyang Filipino.

02 Nalalaman ang pagbabago ng Wikang


Filipino sa paglipas ng makabagong
panahon.

03 Magagamit ang walong dagdag na titik sa


alpabetong Filipino.
Introduksyon
May isang popular na patnubay sa ispeling o baybay ng mga Filipino– kung ano ang bigkas ay siyang baybay. Ang tunog ng /k/ kahit nasa inisyal. Midyal o faynal na
lugar ay binibigkas lamang sa iisang tunog. Sa pasulat namang paraan. Inirerepresenta ito ng isa lamang titik, ang titik k. Ayon kay Padre Pedro Chririno may sariling wika ang
Pilipinas nang sakupin ito ng mga Kastila, Bilang patnubay, may alibata silabaryo ang mga katutubo na ginagamit sa kanilang pagsulat.

KFCI-Module 1
“Ang Alfabeto at Ortograpiyang Filipino 1987”

 Konstitusyon ng 1987

 Alpabetong Filipino- 28 letra (20 0rihinal na Abakada)

 Ang Pagbasa sa mga Letra


KFCI-Module 1
“Patnubay at Mga Tuntunin sa Panlahat s Ispeling”

Una. Pabigkas na Pabaybay

 Patitik at hindi papantig ang pagbigkas o pasalitang pagbaybay sa Filipino

Halimbawa:
• salita= boto= b-o-t-o
plano= p-l-a-n-o

• Pantig= a=a
la= l-a

• Daglat= Bb. = B-b.


Gng.= G-n-g.

KFCI-Module 1
“Ang Alfabeto at Ortograpiyang Filipino 1987 ”
Pangalawa. Pasulat na Pagbaybay
 Mananatili sa pagsulat at pagbasa ng mga karaniwang salita ang isa-isang
tumbasan ng letra at makabuluhang tunog.

a. Susundin pa rin ang pagsulat ng mga katutubong salita at ang


hiram na karaniwang salita na naasimila na sa sistema ng
pagbabaybay sa wikang pambansa na kung ano ang bigkas,
siyang sulat at kung ano ang sulat, siyang basa.
Halimbawa:
Vapor= Bapor
Centro=
Sentro Cajon=
Kahon
“Ang Alfabeto at Ortograpiyang Filipino 1987 ”
b. Ang gamit ng dagdag na walong letra : C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z
1) Pantanging ngalan
Halimbawa:
Tao Lugar
Carmelita Canada
Conchita Luzon
2) Salitang katutubo mula sa ibang wika sa Pilipinas.
Halimbawa:
cañao (panseremonyang sayaw ng Igorot)
hadji (lalaking Muslim na nakarating sa
Mecca)
“Ang Alfabeto at Ortograpiyang Filipino 1987 ”
Pangatlo. Panumbas sa mga Hiram na Salita.

a. Ang unang-unang pagkukunan ng mga salitang maaaring itumbas ay


ang leksikon ng kasalukuyang Filipino.
Halimbawa:
Hiram na Salita
Filipino rule
tuntunin
ability kakayahan
b. Maaaring kumuha o gumamit ng mga salitang mula sa ibang
katutubong wika ng bansa.
Halimbawa:
pinkabet bana
dinengdeng imam
“Ang Alfabeto at Ortograpiyang Filipino 1987 ”
c. Sa panghihiram ng salita na mayroon sa Ingles at sa Kastila, unang preperensya ang hiram sa
Kastila. Iayon sa bigkas ng salitang Kastila ang pagbaybay sa Filipino.
Halimbawa:
Ingles Kastila Filipino
check cheque tseke
liter litro litro
d. Kung walang katumbas sa Kastila o kung mayroon man at maaaring hindi maunawaan ng
nakararami, hiramin nang tuwiran ang katagang Ingles at baybayin ito ayon sa orihinal
na alpabeto, hangga’t maaari o ayon sa mga sumusunod na paraan:
1) Maaaring hiraming ganap ang mga salitang banyaga o hiram na pareho sa Filipino
ang pagbasa at pagbaybay.
Halimbawa:
Salitang Banyaga Filipino
reporter reporter
editor editor

KFCI-Module 1
“Ang Alfabeto at Ortograpiyang Filipino 1987 ”
2) maaring hiramin ang mga salitang banyaga o hiram na naiiba ang ispeling
sa bigkas, siyang sulat at kung ano ang sulat, siyang basa.
Halimbawa:
Salitang Hiram Filipino
control control
meeting miting
a) Gayon pa man may ilang salitang hiram na maaaring baybayin sa
dalawang kaanyuan, ngunit kailangan ang konsistensi sa
paggamit.
Halimbawa:
barangay barangay
kongreso konggreso

KFCI-Module 1
“Ang Alfabeto at Ortograpiyang Filipino 1987 ”
3) may mga salita sa Ingles o iba pang banyaga ng wika o hiram na wika na
lubhang di-konsistent ang ispeling o lubhang malayo angispeling sa
bigkas na:
a) Maaaring hayaan na muna sa orihinal na anyo o panatilihin ang
ispeling ng mga hiram na salita na mahirap mabakas ang
orihinal na ispeling kapag binaybay ayon sa alpabetong
Filipino.
Halimbawa:
coach sausage
sandwich champagne
“Ang Alfabeto at Ortograpiyang Filipino 1987 ”
b) Maaaring hiramin nang walang pagbabago ang mga salitang pang-
agham at teknikal.
Halimbawa:
calcium xray
quartz Xerox

4) Hinihiram ng walang pagbabago ang mga simbolong pang-agham.


Halimbawa:
Fe (bakal)
C (Karbon, uling)

KFCI-Module 1
“Ang Alfabeto at Ortograpiyang Filipino 1987 ”
Pang-apat. Mga Salitang may Magkasunod na Patinig

 Maaaring baybayin sa dalawang kaanyuan ang mga salitang hiram na may


magkasunod na patinig, ngunit kailangang may konsistensi sa paggamit ng
alinmang kaanyuan.
Halimbawa:
Magkasunod na Patinig
a. ia= ya, iya piano= piano, piyano
b. ie= ye, iye tiempo= tyempo, tiyempo
c. io= yo, iyo Dios= Dyos, Diyos
d. ua= wa, uwa guapo= gwapo, guwapo
e. ue= we, uwe cuento= kwento, kuwento
f. ui= wi, uwi buitre= bwitre, buwitre

KFCI-Module 1
“Ang Alfabeto at Ortograpiyang Filipino 1987 ”
Panlima. Ang Pantig.

 Isang saltik ng dila o walang antalang bugso ng tinig ang pantig sa pagbigkas ng
salita.
Halimbawa:
ako= a-ko
mag-aaral= mag-a-a-ral

KFCI-Module 1
“Ang Alfabeto at Ortograpiyang Filipino 1987 ”
 Kayarian ng Pantig

 Tradisyunal na Kayarian Halimbawa


P u-pa
KP ma-li
PK ma-is
KPK han-da
 Karagdagang Kayarian
KKP pri-to
PKK eks-per-to
KKPK plan-tsa
KPKK kard
KKPKK trans-krip-syon

KFCI-Module 1
“Mga Tiyak na Tuntunin sa Gamitng Walong (8) Letra”

A. Letrang C

 Palitan ang Letrang C ng letrang S kung ang tunog ay /s/, at ng letrang K kung
ang tunog ay /k/ kapag binaybay sa Filipino ang hiram na salitang may Letrang
C.

Halimbawa:
C—S C—K
Participant-Partisipant Magnetic-Magnetik
Central-Sentral Card-Kard

KFCI-Module 1
“Mga Tiyak na Tuntunin sa Gamitng Walong (8) Letra”

B. Letrang Q

 Palitan ang Letrang Q ng letrang KW kung ang tunog ay /kw/, at ng letrang K


kung ang tunog ay /k/ kapag binaybay sa Filipino ang hiram na salitang may
letrang Q.
Halimbawa:
Q—Kw Q—K
Quarter-Kwarter Quorom-Korum
equipment-ekwipment quota- kota

KFCI-Module 1
“Mga Tiyak na Tuntunin sa Gamitng Walong (8) Letra”

C. Letrang Ñ

 Palitan ang letrang Ñ ng mga letrang NY kapag binaybay sa Filipino ang hiram
na salitang may letrang Ñ.

Halimbawa:
ñ ------------------- ny
cariñosa Karinyosa
piña pinya

KFCI-Module 1
“Mga Tiyak na Tuntunin sa Gamitng Walong (8) Letra”

D. Letrang X

 Palitan ang letrang X ng KS kung ang tunog ay /ks/ kapag binaybay sa


Filipino ang hiram na salitang may letrang X.

Halimbawa:
x ----------------- ks
Experimental Eksperimental
Texto Teksto

KFCI-Module 1
“Mga Tiyak na Tuntunin sa Gamitng Walong (8) Letra”

E. Letrang F

 Gamitin ang letrang F para satunog /f/ sa mga hiram na salita.

Halimbawa:

Football= Futbol Photo= Foto


Focus= Fokus Fraternity= Fraterniti

KFCI-Module 1
“Mga Tiyak na Tuntunin sa Gamitng Walong (8) Letra”

F. Letrang J

 Gamitin ang letrang J para sa tunog /j/ sa mga hiram na salita.

Halimbawa
: Subject= Sabjek Jacket= Jaket
Jam= Jam Object= Objek

KFCI-Module 1
“Mga Tiyak na Tuntunin sa Gamitng Walong (8) Letra”

G. Letrang V

 Gamitin ang letrang V para sa tunog /v/ sa mga hiram na salita.

Halimbawa
:
Variety= Varayti Verbatim= Verbatim
Vedio= Video Value= Valyu

KFCI-Module
“Mga Tiyak na Tuntunin sa Gamitng Walong (8) Letra”

H. Letrang Z

 Gamitin ang letrang Z para satunog /z/ sa mga hiram na salita.

Halimbawa
:
Zebra= Zebra Magazine=
Magazin Zinc= Zinc Bazaar= Bazar

KFCI-Module 1
Buod
Ang gabay sa ortograpiya ng wikang Filipino ay binubuo ng mga kalakaran
kung paano ang mga Pilipino sa kanilang wikang pambansa. Inilalahad sa
ortograpiyang ito ang estandardisadong mga tuntunin sa paggamit at
pagbigkas ng mga simbolong ito.
Sa 1987 Patnubay sa Ispeling,ang paggamit ng walong dagdag na letra sa
mga salitang ekspresyonng hinihiram ay nakabatay lamang sa mga
kondisyong pantanging ngalan, salitang katutubo mula sa ibang wika sa
Pilipinas, salitang hindi konsistent ang ispeling o malayo ang ispeling sa
bigkas, na kapag binaybay ayon sa alfabetong Filipino ay hindi mabakas ang
orihinal na ispeling nito, salitang pang-agham at teknikal at sa mga
simbolong pang agham.
KFCI-Module 1
Korbel Foundation College, Inc
Purok Spring, Brgy. Morales, City of Koronadal
Tel Number 877-2051/0228-1996

BATAYANG KAALAMAN SA WIKA


Filipino-1
Sining ng Pakikipagtalastasan

Prepared by:
Joy May C. Gulay, LPT
KFCI-Module 1

Sa katapusan ng ikaanim na
linggo ang mga mag-aaral
ay inaasahang:

01 Natutukoy kung paano nabuo ang


mga salita at kung paano ito
bigkasin..

02 Makapagtatamo at mapaghuhusay
ang kaalaman sa kaangkinan ng
03 wikang ang ponolohiya.

Mababatid ang kaalaman sa ng


istruktura wikang ang morpohiya.
Introduksyon
Magkakatulad ang lahat ng wika dahil lahat ng taong gumagamit ng wika
ay nakapagpapahayag o nakapagtatalastasan sa paraang nagkakaunawaan sila
ng kanilang kagrupo. Ang lahat ng wika ay binubuo ng mga tunog at sagisag.
Bagamat sinasabing magkakatulad ang mga wika, nagkakaiba naman ang
mga ito sa dahilang arbitraryo ang relasyon ng tunog sa kahulugan ng salita.
Ang tagagamit ng wika ang nagtatakda ng kahulugan ng bawat salita, at maging
ang pagbubuo at ang pag-uugnay ng mga salitang ito. Upang masabing alam
mo ang wika, kinakailangang alam mo ang sistema ng pag-uugnay ng tunog sa
kahulugan ng tunog na ito.
Lahat ng wika ay pantay-pantay. Lahat ng wika ay may grammar. Lahat ng
wika ay may fonema,morfema, leksikon, sintaks. Bagamat lahat ng wika ay may
grammar, natatangi ang mga ito tulad ng sa wikang Filipino.
KFCI-Module 1

“Istruktura ng Wikang Filipino”


 FONOLOHIYA
 Pag-aaral ng mga mahahalagang tunog na nagbibigay ng kahulugan sa
pagsambit.
 Ang mga Fonema

 Yunit ng tunog o pinakamaliit na bahagi ng wika na may kahulugang tunog.


 Kategorya ng Fonemang Filipino:
1. Mga Fonemang Segmental
2. Mga Fonemang Suprasegmental
KFCI-Module 1

“Istruktura ng Wikang Filipino”


1. Mga Fonemang Segmental
 Ang fonemang patinig at fonemang katinig ay maaaring
pagsamahin upang makabuo ng isang tunog.

Mga Fonemang Patinig

Harap Panggitna Likod

Mataas i u

Gitna e o

Mababa a
“Istruktura ng Wikang Filipino”
Palabi Pangipin Pagilagid Matigas na Malambot na Palalamunan Paimpit Ang mga Fonemang Ktainig
Ngalangala Ngalangala
Paraan ng
Pagbigkas

PASARA
1. Walang tinig p t k ?
2.May tinig b d

PASUTSOT
Walang tinig s
PAILONG m n ng
May tinig
PAGILAGID i
May tinig
PANGATAL r
May tinig

MALAPATINIG y w
may tinig
“Istruktura ng Wikang Filipino”
 Diptonggo
 Pag isinudlong ang alin man sa fonemang patinig sa unahan ng malapatinig
na fonemang w at y.

 Pares Minimal
 Mga pares ng salita na magkatulad na magkatulad ang bigkas maliban sa
isang fonema na siyang ipinagkakaibang kahulugan.

 Fonemang Nagpapalitan
 Ang pagkakataong ang fonemang e at i, gayundin ang o at u, ay
nagkakapalit nang hindi nagbabago ang kahulugan ng salita.

KFCI-Module 1
“Istruktura ng Wikang Filipino”
2. Fonemang Suprasegmental
 May tatlong fonemang supra-segmental ang Filipino. Ang mga ito ay tono,
diin at antala.

a) Tono= ang pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng pantig


ng isang salita.

b) Diin= ang haba ng bigkas na inuukol sa patinig ng pantig ng


isang salita.

c) Antala= isang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang maging


malinaw at mabisa ang kaisipang ipinapahayag.

KFCI-Module 1
“Istruktura ng Wikang Filipino”
 MORFOLOHIYA
 Pag-aaral sa formulasyon o pagbuo ng mga salita.

 Morpema
 Tawag sa makabuluhang yunit ng mga salita.

 Ang mga Anyo ng Morfema sa Filipino:


1. Morfemang Kataga
2. Morfemang salitang-ugat
3. Morfemang Panlapi
4. Morfemang /o/ at /a/ na itinuturing na morpema sa ilang
sitwasyon

KFCI-Module 1
“Istruktura ng Wikang Filipino”
1. Morfemang Kataga
 Ang kataga ay isang morfema na karaniwang iisahing pantig lamang
at ang mga ito’y walang kahulugan kung nag-iisa.
Ang mga engklitiko, “mga katagang iisahing pantig na sa ganang sarili
ay walang kahulugan ngunit kapag ginamit sa loob ng pangungusap ay
nakadaragdag ng diwa nito”

2. MorfemangPanlapi
 Ikinakabit ito sa salitang-ugat na kung saan ay maaaring
unlapi, gitlapi, hulapi, kabilaan at laguhan.

KFCI-Module 1
“Istruktura ng Wikang Filipino”
3.Morfemang Salitang – Ugat
 Ito ay ang payak na anyo ng mga salita na walang halong panlapi.

 Homofonus= ang isang morfemang salitang-ugat na naiiba-iba ang kahulugan


dahil sa bigkas.

4. Morfemang a at o
 Makabuluhang tunog ito sapagkat nagpapakilala ito ng pagkakaiba ng seks o
kasarian ng pangngalan.

KFCI-Module 1
“Istruktura ng Wikang Filipino”
 Ang Pagbabagong Morfofonemiko
 Ito ay pagbabago ng anyo ng morfema dahil sa impluwensya ng kaligiran nito
 Mga Uri ng Pagbabagong Morfofonemiko:
1) Asimilasyon
2) Pagpapalit ng Fonema
3) Pagkawala ng Fonema
4) Metatesis
5) Paglilipat-diin

KFCI-Module 1
“Istruktura ng Wikang Filipino”
1)Asimilasyon
 Pagbabagong nagaganap sa isang morfema dahil naasimila ng isang morfema
ang tunog ng katabing morfema.
 May Dalawang Uri ng Asimilasyon:
a. Asimilasyong Parsyal o Di-ganap
 Halimbawa: Pangwakas, pambabae,pambata, panggatong

b. Asimilasyong Ganap
 Halimbawa: pandakot, panakot, panlaro, panradyo

KFCI-Module 1
“Istruktura ng Wikang Filipino”
2) Pagpapalit ng Fonema
 Nagpapalitan ang fonema sa loob ng salita.
a. /d/-- /r/
lakad + an= lakadan=lakaran
ma + dunong= madunong= marunong

b. /o/-- /u/
tao= tauhan
tago= tagu-taguan
c. /an/-- /han/
sara + an= sarahan
pasa + an=
pasahan
“Istruktura ng Wikang Filipino”
3) Pagkawala ng Fonema
 may nawawalang fonema sa salita.
 Halimbawa:
tupad + in= tupadin =
tupdin kuha + in= kuhain
= kunin
“Istruktura ng Wikang Filipino”

4) Metatesis
 Nagkakapalitan ng posisyon ang mga fonema at kung minsan ay may
nawawala pa.
 halimbawa:
tanim + an= taniman=
tamnan atip + an= atipan=
aptan
“Istruktura ng Wikang Filipino”
5) Paglilipat-diin
 Pagbabagong morfofonemiko na nagbabago sa diin ng salita kapag
nilalagyan ng panlapi.
 Halimbawa:
lúto + an= lutúan
sáma + an= samáhan

KFCI-Module 1
“Istruktura ng Wikang Filipino”
Ang Mga Bahagi ng Pananalita
I. Mga Salitang Pangnilalaman
A. Nominal
1. Pangngalan
2. Panghalip
B. Pandiwa
C. Panturing
1. Pang- uri
2. Pang- abay
II. Mga Salitang Pangkayarian
A. Mga Pang- ugnay
1. Pangatnig
2. Pang-angkop
3. Pang-ukol
B. Mga Pananda
1. Pantukoy
2. Pangawil

KFCI-Module 1
Buod
Ang bawat wika sa daigdig ay binubuo ng mga tunog na binibigkas.
Ang wikang Filipino ay may sariling kakanyahan na nakabuhol sa
natatanging kultura nito. Kayat magiging madali at malinaw ang pagkatuto
ng Filipino kung lubos nating nauunawaan kung paano nalilikha ang mga
tunog na bumubuo rito. Anupa’t kung ang tunog ang bumubuo ng mga
salita sa isang wika, ang morfolohiya naman ang pag-aaral sa pagbuo ng
mga salita sa pamamagitan ng iba’t ibang morpema.

You might also like