Professional Documents
Culture Documents
INTELEKTUWALISASYON
• Ayon kay Mathesius na sinipi ni Gonzalez, ang “intelektuwalisasyon” ang siyáng pinakaangkop na terminong maglalarawan
sa penomenang ikakapit sa paggamit ng Filipino sa lalong mataas na edukasyon (Philippine Journal of Linguistics, vol.19.No.
2, 1988).
• Ito ay isang proseso upang ang isang wikang hindi pa intelektuwalisado ay maitaas at mailagay sa antas na intelektwalisado
nang sa gayo'y mabisang magamit sa mga sopistikadong lawak ng karunungan (Santiago, 1990).
• A language is considered intellectualized if it is used as medium of instruction in all levels of education, from the basic to
tertiary. From here, language is used in generating or expressing knowledge and technology in different fields like science,
mathematics, engineering, philosophy, politics and others.
FILIPINO
• katutubong wika, pasalita at pasulat sa Metro Manila, ang pambansang punong-rehiyon, at sa iba pang sentrong urban sa
arkipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo
• Lingua franca - wikang pantulong sa komunikasyon ng taong may sari-sariling wikang katutubo
Sa pagpapatupad ng patakarang bilinggwal sa bansa, malinaw na malinaw na mababakas pa rin ang mga pinaniniwalaang
doktrina ng gobyerno at magulang hinggil sa pagkatuto ng wika:
UNA: pinakamabisang paraan sa pagkatuto ng wika = paggamit dito bilang wikang panturo
IKALAWA: upang matuto nang pangalawang wika = matutunan ito sa murang edad pa lamang
IKATLO: wika sa tahanan = nakakasagabal sa pagkatuto ng ikalawang wika
• Cummins: hindi bababa sa limang taon nang pag-aaral nang pangalawang wika upang epektibong magamit ito bilang wikang
panturo
• Cenoz: mas maagang mag-aral ng pangalawang wika = mas madali ang pagkatuto; pagkatutong ito ay nangyayari kung mag-aaral
ng wika ay nasa "natural language environment"
• Ingles- banyagang wika sa Pilipinas dahil walang komunidad ng Ingles sa bansa
o Artispisyal ang paggamit ng Ingles dahil walang komunidad ng Ingles sa Pilipinas
o Nag-aaral ang mga batang Pilipino ng mga bagay na di nila alam sa wikang di rin nila alam (Ingles)
o Sapagkat mahirap matutuhan ang Ingles, kailangang pag-ukulan ito ng pansin dahil dito, nasasakripisyo ang ibang mga
sabjek
INTELEKTUWALISADONG FILIPINO
- Barayti ng Filipino na magagamit sa pagtuturo sa mga Pilipino sa lahat halos ng larangan ng karunungan mula sa
antas primarya hanggang sa pinakamataas na antas ng pag-aaral kasama na ang paaralang gradwado
- Ito ay pangunahing wika na gawain sa mga pinaiiral na larangan ng wika
PAGPAPAUNLAD NG WIKA
• Leksikal
- Nagaganap sa pamamagitan ng paglikha ng mga bagong termino
Hal. gigabyte, internet, sipnayan, haynayan, salumpuwit
• Semantikal
- Nagkakaroon ng bagong kahulugan ang mga dati nang salita
Hal. Computer: dati tumutukoy ito sa tao, ngayon sa makina na
SALIKSIK-WIKA
• Isang uri ng pananaliksik na naktuon sa iba't ibang konsepto sa larang ng wika
• Sakop ito ng araling pangwika o language studies
• Isang praktikal na gawain sa pagsusuri ng iba't ibang aspekto ng pag-unawa sa mga katangian at kabuluhan ng wika or mga
wika ng isang lipunan
Elaborasyon
• Kapag nililinang ang wika sa pamamagitan ng pagpapalawak ng mga kahulugan batay sa paggamit sa mas malawak na
mga larang at dominyo na kinakatawan ng mayamang bokabularyo
! Mahalagang gawain sa ilalim ng saliksik-wika ang pagtukoy sa iba't ibang kahulugan ng isang termino dahil ito ang
magiging batayan kung gaano kayaman ang kabuluhan ng isang salita, paano ito naiuugnay sa iba pang kauring salita o
paano ito naiiba sa mga kasalungat at kabaligtarang termino.
Pagsasakatutubo
• Sikolohiyang Pilipino sa Sikolohiya (Enriquez)
• Pilipinolohiya sa Antropolohiya (Covar at Salazar)
• Pantayong Pananaw sa Kasaysayan (Salazar*)
• Pagdalumat-salita at PiliFilipino (Nuncio)
Implikasyon:
• Pag-shift ng paraang pang-adbertisment
• Konotasyon sa OPM
Kaakibat ng mga kaugaliang ito ang mga negatibong "kaugalian" diumano ng mga Filipino:
A. Mañana : Pilipino -> mamaya nalang
B. Ningas kugon : sa una lang magaling
C. Bahala na : inaasa nalang sa destiny, paganism
D. Utak-talangka : panghihila pababa ng kapwa
Rekonseptuwalisasyon:
Bahala na
• Determinasyon at pagharap sa anumang posibilidad
Utak-talangka
• Pagkakaroon ng utang na loob
• Kumilos para sa ikabubuti ng kabuuang komunidad at hindi ng sarili lamang
PILIPINOHIYA
• Prospero Covar at Zeus Salazar
• Pag-aralan ang Filipinas batay sa pambansang konteksto sa kagustuhang maipaunawa sa mga Filipino ang kanilang sarili,
lipunan, at ang kanilang kultura
• Kung walang umiiral na kabatiran at aktuwal na paggamit sa (mga) wika ng partikular na kultura, walang lalim o hindi ubos na
mauunawaan ang konteksto ng lipunan
• Nilalayon niyong maging matatag na makakatutubong disiplina na buhat din sa konteksto nito
• Tinatangka nitong makadebelop ng bagong tradisyong pangkaisipan na makalilikha ng kaalaman sa Filipinas at Filipino
"mula sa loob" na kabaliktaran ng tradisyonal na "mula sa labas"
PANTAYONG PANANAW
• Zeus Salazar
• Inobasyon sa pagteteorya na nakaangkla sa komunikasyong panlipunan
• Sinuri sa lente ng histograpiyang Filipino.
• Nilalayang makapag-ambag sa pag-unlad ng talastasang bayan o national discourse ng bansa
• Talastasan/Discourse
o Collective endeavor to know, fathom, realize, be sharpened in one's understanding of an idea/thought w/ the hope of further
refining it and making it better
• Pantayo
o For-US-Perspective
o Guillermo: From-Us-For-Us-Perspective
Bagong Kasaysayan
• Awtput ng Pantayong Pananaw
• Nagpapahiwatig na ang kasaysayan ay kuwento ng ikinuwento ng mga Filipino gamit ang sariling kaparaaanan ng
pagkukuwento at pagpapakahulugan, para sa mga kapwa Filipino para sa kapakinabangan ng mga Filipino.
PAGDALUMAT-SALITA
• Rhoderick Nuncio
• Sanghiyang = pagbubuo ng isang pamayanang virtual
• Isang ritwal
Mga argumentong sinusuportahan ng mga konseptong pagteteorya (pagdadalumat) at pangwika ni Isagani R. Cruz
Unang argumento
• Naniniwala ako na may kakayahan ang wikang Filipino na magamit ito sa pagdadalumat upang higit na mapayabong
ang karunungang Filipino at Araling Filipino
• Kakayahang Magdalumat
Ikalawang argumento
• Hindi na bansot ang ating wika, hindi na kulang-kulang ang ating bokabularyo para sa talastasang teoretikal
• Wika ng Teorya; Ideolohiya; Balanang Pananaw
Ikatlong argumento
• Nasa atin mismong kalinangan o kultura, sa balanang pananaw, at makaFilipinong diskurso sa tulong ng ating wika
ang pagbubukulan ng wika ng dalumat/teorya natin
• Batis ng dalumat-wika
PILIFILIPINO
• Pagpapabalik sa wika sa kaibaturan ng kamalayan ng mga Filipino at hindi sa sanga-sangang dila ng gahum.
• Ang istruktura ng Wikang Filipino ay dapat nakaangkla sa lalim at ubod ng wika o sa gramatika at pre-grammar
ng isang tao.
• Ang paimbabaw na wika'y 'di maglalaon ang magiging natural na wika (descriptive) na gagamitin ng mamamayan.
• Ang PiliFilipino ay kritikal at estratehikong pagpili ng taong malay sa ubod at lalim ng kanyang wika upang
maging kanyang wika sa pakikipagtalastasan, pamimilosopiya, paghahanapbuhau, pagkrikritika, at iba't ibang
komunikatibong sitwasyon at pagkilos
Tatlong susing konsepto:
Chomsky
1. Paimbabaw na Wika (Surface structure)
• Dominante sa tatlo (direksyon, ideolohiya, adbokasi)
• WF na nakasalig sa Ingles
Nuncio
3. Lalim ng Wika (Middle structure)
• Pumapagitna sa dalawang nauna
• Gramatikang nakaugat sa internal na himpilan ng kamalayan
Filipino - national language and/or the people
Tagalog - regional language like Ilocano, Hiligaynon, Waray, Bisaya, and etc.