Professional Documents
Culture Documents
UNANG YUNIT
MODYUL I
INTRODUKSIYON
May kapangyarihan ang wika at may wika ang kapngyarihan ( de Quiros, 2003). Ang
wika ay hindi lamang isang paraan ng komunikasyon; ito ay isa ring paraan upang
makapaghari. Hindi lamang ito susi sa impormasyon; susi rin ito sa kapangyarihan. Ang
wika ay makapangyarihan sapagkat ito ang kaluluwa ng bayan. Wika ang tagapamansag ng
lipunan at kultura. Ito ang tagapamahayag ng mithiin, pangarap at adhikain ng bawat
mamamayan. Ang pagkakaroon ng wikang pambansang wika ay magbibigkis sa mga
mamamayang may iba-ibang kultura, iba-ibang wika at katayuan sa buhay.
Walang wikang nagtataglay ng kanyang sariling galing. Ang pag-unlad ng isang wika
ay likas at natural. Lahat ng wika ay may sariling kakayahan. Kung sapat na nagagamit ng
bawat pangkat ang kanilang wika ay hindi maaaring sabihing primitive o mababang
grammar ang wikang ginagamit. Kaya’t mahalagang alamin ang simula ng pag-usbong ng
wika upang magkaroon ng kamalayan kung papaano ito lilinangin pa lalo.
MGA LAYUNIN
Aralin 1
Mga Layunin:
1. Naipapaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa
mga komunidad at sa buong bansa.
2. Nababanggit ang mahahalagang araw na may kaugnayan sa pag-unlad ng
wikang Pambansa.
3. Naipapahayag ang kaisipan at kahalagahan ng pagkakaroon ng wika sa
lipunan.
4. Napapahalagahan ang wika sa pamamagitan ng paggamit nito sa lahat ng
pagkakataon.
Simula nang lalangin ng Diyos ang tao ay biniyayaan niya ito ng isang wikang
magagamit niya sa pakikipag-ugnayan sa kanya, sa kalikasan at sa kanyang kapwa. Ito ang
wikang nagsilbing instrumento upang maipahayag niya ang kanyang nararamdaman at
adhikain sa buhay. Ang wika din na ito ang ginamit ng tao upang mabuhay sa kapaligirang
ipinagkaloob ng Poong Maykapal.
wika ng Beijing, ng Espanya ang wika ng Kastila, ng Rusya ang wika ng Moskba, at ng
marami pang bansa.
• 1936 (Nobyembre 13) – Pinagtibay ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelt Blg.
184 na lumikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa at itinatakda ang mga
kapangyarihan at tungkulin niyon. Ang mga naging tungkulin at gawain ng Surian ng
Wikang Pambansa ay ang sumusunod; Pag-aaral ng mga pangunahing wika na ginagamit
ng may kalahating milyong Pilipino man lamang; Paggawa ng paghahambing at pag-aaral
ng talasalitaan ng mga pangunahing dayalekto; Pagsusuri at pagtiyak sa ponetika at
ortograpiyang Pilipino; Pagpili ng katutubong wika na siyang magiging batayan ng wikang
pambansa na dapat umaayon sa (a) ang pinakamaunlad at mayaman sa panitikan (b) ang
wikang tinatanggap at ginagamit ng pinakamaraming Pilipino.
1937 (Enero 12) – Hinirang ni Pangulong Manuel L. Quezon ang mga kagawad na bubuo
ng Surian ng Wikang Pambansa alinsunod sa tadhana ng Seksyon 1, Batas Komonwelt
Blg. 184, sa pagkakasusog ng Batas Komonwelt Blg. 333. Ang mga nahirang na kagawad
ay ang mga sumusunod: Jaime C. Veyra (Visayang Samar), Tagapangulo Cecilio Lopez
(Tagalog), Kalihim at Punong Tagapagpaganap Santiago A. Fonacier (Ilokano), Kagawad
Filemon Sotto (Visayang Cebu), Kagawad Felix Salas-Rodriguez (Visayang Hiligaynon),
Kagawad Casimiro F. Perfecto (Bikol), Kagawad Hadji Batu (Muslim), Kagawad Lope K.
Santos (Tagalog) Jose I. Zulueta (Pangasinan) Zoilo Hilario (Kapampangan) Isidro Abad
(Visayang Cebu) .
1937 (Hunyo 18) – Pinagtibay and Batas ng Komonwelt Blg. 333, na nagsususog sa ilang
seksyon ng batas ng Komonwelth Blg. 184.
hinihingi ng Batas Komonwelt Blg. 184, kayat itinagubilin niyon sa Pangulo ng Pilipinas
na iyon ang pagtibayin o bilang saligan ng Wikang Pambansa.
1937 (Disyembre 30) – Bilang pag-alinsunod sa tadhana ng batas Komonwelt Blg. 184,
sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ay ipinahayag ng Pangulong
Quezon ang Wikang Pambansa na batay sa Tagalog.
1940 (Abril 12) – Pinalabas ng Kalihim Jorge Bocobo ng Pagtuturong Pambayan ang
isang Kautusang Pangkagawaran: ito’y sinundan ng isang sirkular (Blg. 26, serye 1940)
ng Panutgot ng Edukasyon Celedonio Salvador. Ang pagtuturo ng wikang pambansa ay
sinumulan muna sa mataas at paaralang normal.
1940 (Hunyo 7) – Pinagtibay ang Batas ng Komonwelt Blg. 570, na nagtatadhana, bukod
sa iba pa, na ang Pambansang Wika ay magiging isa na sa mga wikang opisyal ng
Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1940.
1954 (Marso 26) – Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg. 186 na
nagsusog sa Proklama Blg. 12, serye ng 1954, na sa pamamagitan nito’y inililipat ang
panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taun-taon simula ika-13
hanggang ika-19 ng Agosto. Nakapaloob sa panahong saklaw ang pagdiriwang ng
kaarawan ng Pangulong Quezon (Agosto 19).
1967 (Oktubre 24) – naglagda ang pangulong Marcos ng isang Kautusang Tagapangulo
(Blg. 96), na nagtatadhana sa lahat ng gusali, edipisyo at tanggapan ng pamahalaan ay
pangangalanan sa Pilipino.
Nauungkat lamang muli ang usapin sa wikang Filipino kapag pinagmasdan ang
pinakabagong dalawampung pisong papel na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Nakasaad doon ang “Filipino as the National Language 1935” ngunit itinatanong ng ilan ang
katumpakan ng gayong pahayag.
Hindi totoong noong 1935 nilagdaan ang batas at umiral ang Filipino bilang wikang
pambansa. Sa bisa ng Saligang Batas ng 1935, ang Kongreso “ay inaatasang magpaunlad at
FLMA 102 -Wika, Lipinan at Kultura RHODORA B. IBABAO
Modyul I Modyul I
7
Alinsunod sa Batas Komonwelt Blg. 184, itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa
“na mag-aaral ng mga diyalekto sa pangkalahatan para sa layuning magpaunlad at
magpatibay ng isang pambansang wikang batay sa isa sa mga umiiral na wika.” Ang pagpili
ng isang pambansang wika ay ibinatay sa “pagkaunlad ng estruktura, mekanismo, at
panitikan na pawang tinatanggap at ginagamit ng malaking bilang ng mga Filipino.” Sa
madali’t salita, Tagalog ang napili. At pinili ang Tagalog sa ilalim ng pamumuno ni Jaime
C. de Veyra (Samar-Leyte), at kinabibilangan ng mga kasaping sina Santiago A. Fonacier
(Ilokano), Filemon Sotto (Sebwano), Casimiro F. Perfecto (Bikol), Felix S. Salas Rodriguez
(Panay), Hadji Butu (Moro), at Cecilio Lopez (Tagalog). Tampok sa pagpili ng Tagalog ang
pagkilala rito “na ginagamit ito ng nakararaming bilang ng mga mamamayan, bukod pa ang
mga kategorikong pananaw ng mga lokal na pahayagan, publikasyon, at manunulat.” Hindi
nakaganap ng tungkulin si Sotto dahil sa kapansanan; samantalang si Butu ay namatay
nang di-inaasahan.
Noong 1986, pumapel ang SWP sa paghahanda ng salin ng Saligang Batas ng 1986,
at sa naturang batas din kinilalang ang pambansang wika ng Filipinas ay “Filipino.” Kung
paniniwalaan ang nasabing batas, “habang nililinang ang Filipino ay dapat itong
payabungin at pagyamanin nang nakasalig sa mga katutubong salitang umiiral sa wikang
Filipino at iba pang wika.”
Kailangan ang KWF dahil ito ang ahensiyang makapagmumungkahi ng mga hakbang,
plano, patakaran, at gawain hinggil sa mga wika, lalo na sa paggamit ng Filipino bilang
pambansang wika. Maihahalimbawa ang kasong isinampa ni Inocencio V. Ferrer noong 1965
laban kay Direktor J.V. Panganiban at mga kagawad ng SWP; o kaya’y ang kasong isinakdal
ng Madyaas Pro-Hiligaynon Society laban sa SWP upang pigilin itong isakatuparan ang
gawaing bumuo ng pasiyang pangwika na labag umano sa Saligang Batas. Nagwagi ang
panig ng SWP na kinatigan ng korte, at sinabing may batayang legal ang pag-iral ng
nasabing tanggapan, bukod sa kinilalang ang “pagdalisay” at “pagpapayaman” ng
katutubong wika [i.e., pagpapakahulugan at talasalitaan] ay kaugnay ng proseso ng
“pagtanggap” o “pag-angkin” ng mga salita o impluwensiya mula sa banyagang wika na
siyang magpapatunay na ang Filipino ay buháy na wika.
pagtuturo,” at ang KWF ay malaki ang tungkulin sa pagpili kung aling hakbang ang
makabubuti sa pagsusulong ng anumang panukalang polisiya hinggil sa wika.
Maselang bagay ang pagbabago ng mga polisiya, kaya naman dapat ding maging
maingat ang Pangulo kung sino-sino ang itatalaga sa Lupon ng mga Komisyoner ng KWF.
Anumang mungkahing patakaran o programang pangwika ang imungkahi ng lupon, at
siyang sang-ayunan ng Pangulo alinsunod sa itinatakda ng Saligang Batas, ang iiral at dapat
ipatupad sa buong kapuluan.
1. Saligang Batas ng Biyak-na-Bato (1896) Ang Wikang Tagalog ang magiging opisyal na
wika ng Pilipinas.
3. Saligang Batas ng 1973 Ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng mga hakbang
tungo sa paglinang at pormal na adopsiyon ng isang panlahat na wikang pambansa
na tatawagingFilipino.
SEK.7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal
ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wika ng
rehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing opisyal na
pantulong na midyum ng pagtuturo.
Dapat itaguyod nang kusa at opsiyonal ang Kastila at Arabic.
SEK.8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin
sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila.
1. Disyembre 30, 1937 – iprinoklamang ang wikang Tagalog ang magiging batayan ng
Wikang Pambansa. Magkakabisa ang proklamasyong ito dalawang taon matapos
itong mapagtibay.
I
GAWAIN 1
I
11
I
GAWAIN 2
I
Pangalan _______________________________________________ Iskor ________
I Kurso/Taon/Seksyon _______________________________________ Petsa ________
I PANUTO: Sagutin ang mga inihandang gawain.
I
12
A. Bilugan ang titik ng salita o pariralang makabubuo sa diwa ng mga sumusunod na pahayag.
1. Nagkaroon ng unang hakbangin upang ang Pilipinas ay magkaroon ng Wikang Pambansa.
a.1935 b. 1945 c. 1955 d. 1987
2. Ang kahulugan ng akronim na SWP ay
a. Sambayanan ng Wikang Pambansa c. Sanggunian ng Wikang Pambansa
b. Samahan ng Wikang Pambansa d. Surian ng Wikang Pambansa
3. Noong 1987, iminungkahi ng SWP sa kanilang resolusyon na ang Wikang Pambansa ay
ibatay sa a. Iloco b. Tagalog c. Cebuano d. Waray
4. Ang mga ofisyal na wika ng Pilipinas noong 1940 ay
a. Ingles, Kastila at WikangPambansa c. Ingles, Kastila at Nihonggo
b. Ingles, Kastila at Tagalog d. Ingles, Tagalog at iloco
5. Simulang ituro ang Wikang Pambansa sa mga paaralan noong
a. 1935 b. 1937 c. 1940 d. 1941
6. Noong 1959, nilinaw ng Kagawaran ng Edukasyon na kalian ma’t tukuyin ang Wikang
Pambansa, ito ay tatawaging
a. Tagalog b. Filipino c. Pilipino d. Pilifino
7. Ayon sa Bagong Saligang batas (1987), ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay tatawaging
a. Pilipino b. Pilifino c. Filipino d. Filifino
8. Samantalang nililinang, ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay dapat payabungin at
pagyamanin pa sa salig sa
a. Umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika
b. Mga wikang katutubo sa mga lalawigan
c. Mga pangunahing wikang dayuhan
d. Ingles at Tagalog
9. Ang patakarang sinimulang ipatupad sa mga paarala noong 1974 ay tinatawag na
a. edukasyong multilinggwal c. edukasyong monolinggwal
b. edukasyong trilinggwal d. edukasyong bilinggwal
10. Ang alfabeto ng ating ninuno noong panahong pre-kolonyal ay tinawag na
a. alibata b. talibata c. alibaba d. alibangbang
11. Tinuruan ng mga Kastila ang mga Pilipino ng pagsulat sa Alfabetong
a. Espanyol b. Romano c. Griyego d. Arabik
12. Nakilala ang Alfabeto noong panahon ng Kastila sa tawag na
a. Abecede b. Ortografia c. Abecedario d. Letradario
13. Ang alfabetong binalangkas noong 1940 ay nakilala sa tawag na
a. Ey Bi Si b. Abakada c. Alpabeto d. Alfabeto
14. Ang Alfabetong binalangkas ay binubuo ng
a. 20 titik b. 25 titik c. 28 titik d. 31 titik
15. Ang Bagong Alfabetong Filipino ay binubuo ng
a. 25 titik b. 26 titik c. 28 titik d. 31 titik
I
16. Noong 1971, iminungkahing dagdagan ang affabeto ng
I a. 5 titik b. 7 titik c. 8 titik d. 11 titik
17. Ang mga titik sa Bagong Alfabetong Filipino ay tinatawag nang pa- Ingles maliban sa
I a. n b. ng c. q d. z
18. Ang ch,ll, ng at rr ay tinatawag na
I
a. digrafo b. diagrafo c. bigrafo d. bigrafi
I 19. Sa kasalukuyan, ang mga wikang ofisyal ng Pilipinas ay
a. Ingles at Pilipino c. Ingles at Filipino
I b. Filipino at Tagalog d. Ingles, Kastila at Filipino
20. Tuwing Agosto, ipinagdiriwang ang
I a. Araw ni Balagtas c. Buwan ni Quezon
I b. Linggo ng Wika d. Buwan ng Wikang Filipino
I 1. Wikang Filipino
I 2. Wika
I 3. Manuel L. Quezon
I
13
4. Tagalog
5. Katutubong Wika
6. Wikang Pambansa
7. Pilipino
8. Alpabeto
9. KWF
I
GAWAIN 3
I
Pangalan ___________________________________________Iskor ________
I Kurso/Taon/Seksyon __________________________________Petsa ________
I PANUTO: Gumawa ng islogan na tumutukoy sa wika at pagkakaisa ng mga Pilipino sa
kasalukuyang kinakaharap na sitwasyon ng bansa. Isulat sa loob ng kahon.
I
I
RUBRIK PARA SA MALIKHAING GAWAIN
I
KRITERIA DESKRIPSIYON
I Sapat ang mga pahayagat sumasang-ayon ang mga ito
Nilalaman – 30% sa nais na sitwasyong ipinapakita.
I
Maayos at mabisa ang pagkakalahad. Naipakita ang nais
I iparating na mensahe sa bawat kaisipan.
Kaayusan – 25%
I Malinaw a at angkop ang pahayag upang maunawaan
Kalinawan
FLMA – 20%
102 -Wika, Lipinan at Kultura ang kaisipang nais ipahiwatig. RHODORA B. IBABAO
I Naipapakita
Modyul I Modyul I ang pagiging mapamaraan at malikhain sa
Pormat/ paggawa/pagbuo ng kaisipan.
I Pagkamalikhain – 25%
I
14
Aralin 2
PANLAHAT NA GAMIT
AT ANTAS NG WIKANG FILIPINO
Mga Layunin:
Sa anumang bagay o gawain, saan mang lugar, o pagkakataon ang wika ay lagi na nating
ginagamit. Ito ang nagbibigay katuparan sa lahat ng ating pagkilos, kinokontrol nito ang ating pag-
iisip maging ang ating pag- uugali. Naglahad ang maraming mga paham o manunulat ng kanilang
pangkalahatang gamit ng wika upang mapag-aralan natin kung papaano napapakilos o napagagalaw
ng wika ang lahat ng bagay sa mundo.
1.Bilang Instrumento
Ang wika ay may iba’t ibang gamit sa lipunan na nakatutulong sa tao upang makipag-
ugnayan sa kapwa. Itinuturing itong instrumental dahil kaya nitong tugunan ang mga
pangangailangan ng tao tulad ng mga sumusunod:
1. Pagpapahayag ng damdamin
2. Naghihikayat
3. Direktang nag-uutos
4. Pagtuturo/pagkatuto ng maraming kaalaman
Halimbawa:
“Ang katawan ng tao ay parang isang banga. Ang banga ay may labas, loob, at ilalim.
Gayundin naman ang kaluluwa ng tao. Sisidlan na banga. Ang laman nito ay kaluluwa sa ilalim
tumatahan ang kaluluwa, kaniig ng budhi” (Covar, 1998)
2. Regulatoryo
Ang regulatoryong bisa ng wika ay nagtatakda, nag uutos, nagbibigay – direksiyon sa atin
bilang kasapi ng lahat ng institusyon.
Halimbawa ng regulasyon:
1. Saligang batas/konstitusyon – pundamental na batas ng bansa.
2. Batas ng republika – batas na itinakda ng kongreso
3. Ordinansa – batas sa probinsya, lungsod at munisipyo
4. Polisiya – kautusan sa organisasyon, ahensiya, at kompaniya.
5. Patakaran – alituntunin sa paaralan at iba pang samahan.
3. Interaksiyonal
Ang pakikipag-usap sa isa o higit pang tao ay interpersonal na komunikasyon. Ito ay
pagpapalitan ng impormasyon ng dalawa o higit pang mga tao. Bunga nito, umuunlad pa ang
kakayahan at nadaragdagan ang ating kaalaman sa pakikipag-komunikasyon.
4. Personal
Ang personal ay nagmula sa saliang personalidad. Nabubuo ang personalidad ng tao habang
siya’y nagkakaisip at nagiging bahagi ng lipunan.
Apat na dimensyon ng personalidad ayon kina Katherine Briggs at Isabel Myers (1950) bata sa
perosonality theory ni Carl Jung (1920)
Malikhaing Sanaysay
Ayon kay Alejandro G Abadilla “Ang sanaysay ay nakasulat nq karanasan ng isang sanay
sa pagsasalaysay”. Ito ay nagkalaman ng sariling pananaw ng may-akda.
Halimbawa:
Biograpiya – talambuhay ng tao tungkol sa tunay na pangyayari
Awtograpiya – talambuhay ng tao na siya mismo ang nag-sulat
Alaala (Memoir) – kwento ng buhay na pinagdaanan
Sanaysay – paglalarawan ng mga lugar na napuntahan
Personal na sanaysay – pagsasalaysay sa personal na pangyayari sa buhay
Blog – webpage na dyornal na pwedeng makita ng iba
Bahagi ng sanaysay
1. Panimula – pinakamahalagang bahagi dahil ito ang naghihikayat sa mga babasa.
2. Katawan – inilatag ang mahahalagang ideya ng paksa.
3. Wakas – pagbibigay konklusyo sa paksa.
5. Imahinatibo
Ayon kay Halliday (1973), qng imahinatibong wika ay ginagamit sa paglikha,
pagtiuklas at pag-aliw.
6. Heuristiko at Representibo
Heuristiko ang bisa sa tanong at sagot, pag-iimbestiga qt pag-eeksperimento ng tama at
mali. Representibo kung nais ipaliwanag ang datos, impormasyon at kaalamang natutuhan.
4. Paglalatag ng alternatibo
5. Maugnaying pag-iiisip – pagbabalanse ng iba’t ibang pananaw
Halimbawa:
Repleksiyon
Kritika
Interpretasyon
Pananaliksik sa multidisiplinado
Pananaliksik sa interdisiplinaryo
Halibawa :
Pagkakasunod-sunod
Paghahambing
Pagkakaiba
Pagdidiin
Daloy ng panahon
Pagwawakas
Kaantasan ng Wika
Ang pagkakaroon ng antas ng wika ay isa pang mahalagang katangian nito. Tulad ng
tao, ang wika ay nahahati sa iba’t ibang kategorya ayon sa kaantasan nito. Kung tutuusin, ang
antas ng wika madalas ginagamit ng isang tao ay isang mabisang palatandaan kung anong uri ng
tao siya at kung sa aling antas-panlipunan siya nabibilang.
Mahalagang maunawaan ng lahat ng tao ang mga antas ng wikang ito nang sa gayo’y
maibabagay niya ito sa kanyang katayuan, sa hinihingi ng panahon at pook at maging sa
okasyong dinadaluhan.
Mahahati ang antas ng wika sa kategoryang Formal at Informal. Sa bawat kategorya,
napapaloob ang mga antas ng wika.
1. Formal. Ito ang mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng
higit na nakararami lalo na ng mga nakapag-aral ng wika.
a. Pambansa. Ito ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika/
pambalarila sa lahat ng mga paaralan. Ito rin ang wikang kadalasang ginagamit ng
pamahalaan at itinuturo sa mga paaralan.
b. Pampanitikan o Panretorika. Ito naman ang mga salitang gamitin ng mga
manunulat sa kanilang mga akdang pampanitikan. Ito ang mga salitang karaniwang
matatayog, malalalim, makulay at masining.
2. Informal. Ito ang mga salitang karaniwan, palasak at pang-araw-araw na madalas
nating gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan.
a. Lalawiganin. Ito ang mga vokabularyong dayalektal. Gamitin ang mga ito sa mga
particular na pook o lalawigan lamang, maliban kung ang mga taal na gumagamit
nito ay magkikita-kita sa ibang lugar dahil antural na nila itong naibubulalas.
b. Kolokyal. Ito’y mga pang-araw-araw na salita na ginagamit sa mga pagkakataong
informal. Maaaring may kagaspangan nang kaunti ang mga salitang ito ngunit
maaari rin tiong maging refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita.
c. Balbal. Ito ang tinatawag sa Ingles na slang. Sa mga pangkat-pangkat nagmumula
ang mga ito upang ang mga pangkat ay magkakaroon ng sariling codes. Mababang
antas ng wika ito, bagamat may mga dalubwikang nagmumungkahi ng higit pang
mababang antas, ang antas vulgar ( halimabawa nito ay mga mura at mga salitang
may kabastusan).
I
GAWAIN 1
I
Pangalan ___________________________________________Iskor ________
I Kurso/Taon/Seksyon __________________________________Petsa ________
I
PANUTO: Sagutin ang nais ipahiwatig ng mga inihandang gawain.
I
A. Kilalanin ang bawat gamit o tungkulin ng wika ayon sa katangian at mga halimbawa nito ayon
I sa pagkakaunawa sa binasang paksa.
GAMIT/ KATANGIAN HALIMBAWA
I TUNGKULIN NG
PASALITA PASULAT
WIKA
I 1.
I
2.
I
3.
I
4.
I
I 5.
I 6.
I
Kategorya Halimbawa
I 1. a.
I b
2. a.
I
I b.
I c.
I
Il
Il
GAWAIN 2
Il
I
FLMA 102 -Wika, Lipinan at Kultura RHODORA B. IBABAO
I Modyul I Modyul I
I
20
B. Punan ang talahanayan ng iba pang salitang mababanghay sa iba’t ibang antas ng wika. Pansinin
at tularan ang mga kasunod sa halimbawa.
FORMAL INFORMAL
Pambansa Pampanitikan/ Lalawiganin Kolokyal Balbal
Panretorika
Hal. Ina ilaw ng tahanan Inang nanay ermat
1. Pulis
2. Baliw
3. Guro
4. Sigarilyo
5. Kaibigan
6. Asawa
7. Ama
8. Pera
9. Alak
10. Aklat
I GAWAIN 3
I
Pangalan ________________________________________Iskor ________
I Kurso/Taon/Seksyon _______________________________Petsa ________
I
FLMA 102 -Wika, Lipinan at Kultura RHODORA B. IBABAO
I
Modyul I Modyul I
I
I
I
21
2.
3.
Aralin 3
VARSASYONG PANLIPUNAN
Mga Layunin:
1. Naipaliliwanag ang kadahilanan kung paano ang bansang Pilipinas ay mayaman sa wika.
2. Naibibigay ang pagkakaiba ng baryasyon at barayti ng wika.
3. Nakapagbibigay ng mga halimbawang sitwasyon o dayalogo sa bawat barayti ng wika.
4. Naipapakita ang pagpapahalaga sa mga wika ng Pilipinas sa pamamagitan ng paggawa
ng pananaliksik.
5. Napapahalagahan ang estado ng wikang Filipino laban sa umiiral na globalisasyon sa
pamamagitan ng paggamit sa tama.
Ang wika ay bahagi ng kultura at kasaysasayan ng bawat lugar. Ito rin ay isang simbolismo
tungo sa pagkakakilanlan ng bawat indibidwal. Sa pamamagitan ng wika, nailalabas o naipahahayag
natin ang ating mg emosyon at saloobin, masaya man o malungkot. Gingawa natin ito sa
pamamaraan ng pagsusulat, pakikipagtalastasan at iba pa.
Ang ating wika ay mat iba’t ibang barayti. Ito ay sanhi ng magkakaiba ng lipunan na ating
ginagalawan, heograpiya, antas ng edukasyon, okupasyon, edad at kasarian at uri ng pangkat etniko
na ating kinabibilangan. Dahil sa pagkakaroon ng heterogenous na wika, tayo ay nagkaroon ng iba’t
ibang baryasyon nito, at dito nag-ugat ang mga barayti ng wika, ayon sa pagkakaiba ng mga
indibidwal.
Walang ganda ang mundo kung walang pagkakaiba-iba o barayti. Paano mapapahalagahan
ang kagandahan kung panay lamang mestisa? Paano na ang salitang “makulay” kung wala ang
barayti ng pula, asul, dilaw at iba pa? at masarap kayang mabuhay kung panay na lamang lungkot o
takot o kasiyahan? Pagkat likas ang wika, ganyan din dapat asahan. Walang dudang iba ang Filipino
sa Ingles, Espanyol, o maging sa Niponggo o Pranses.
2. Ito rin ang pagkakaiba-iba sa uri ng wika na ginagamit ng mga tao sa bansa. Maaaring
ang pagkakaiba ay nasa bigkas, tono, uri at anyo ng salita. Nagbigay si Cafford
(1965) ng dalawang uri ng varayti ng wika:
Nasa kamalayan na ng mga pilosopo sa ika-18 siglo (Williams, 1992) ang pagkakaroon ng
mga uri o varayti ng wika na nakikita sa katayuang panlipunan ng isang indibidwal. Dito nagsimula
ang mga pag-aaral sa varayti ng wika na naging bahagi ng larangan ng sosyolinggwistika. At sa
pagdaan ng panahon, nagbunga ito ng mga teorya at konsepto kaugnay ng pagtuturo at pagkatuto
ng wika.
1. Sosyolinggwistikong Teorya
May iba’t ibang uri ng pagpapalit-wika ayon pa rin kay Poplack na kanyang
naobserbahan sa iba’t ibang pagkakataon. Ayon sa kanya, ang pagpapalit-wika ay maaaring
tag-switching, intersentential, at intrasentential.
(Ang halimbawa ng tag sa Ingles ay you know, I mean, well, at iba pa). Ang mga
ito ay madaling isingit sa mga bahagi ng pahayag na monolinggwal nang hindi nila
nilalabag ang mga tuntuning sintaktik.
Ang pagpapalit wika ay hindi basta na lamang lumilitaw sa mga pahayag ng mga
salita kundi may sadyang gampanin. Si Gumperz (1982) ang nagsasabing ang pagpapalit
wika ay maaaring matagpuan sa halos lahat ng sulok ng pag-uusap at maaaring gumanap ng
alinman sa mga sumusunod:
Ito raw ang nagbibigay ng signal sa pagpapalit ng tono mula seryoso tungo sa
sitwasyong komiks.
Bahagi ng pag-aaral ng wika ang pagkilala sa mga barayti nito. Ang pagkakaroon ng barayti
ng wika ay ipinapaliwanag ng teoryang sosyolingguwistiko na pinagbatayan ng pagkakaiba-iba ng
wika.
Ang Dayalek
Ito ay barayti ng wika na nalilikha ng dimensyong heograpiko. Ito ang salitang gamit ng mga
tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na kanilang kinabibilangan. Tayo ay may iba’t ibang
uri ng wikang panrehiyon na kung tawagin ay wikain. Mayroon tayong tatlong uri ng dayalek:
1. Heograpikong kadahilanan
Kung saan ang grupo ng mga tao na nagsasalita at gumagamit ng isang wika ay
napaghihiwalay at napagwawatak-watak ng mga pulo, maging ng kabundukan at tubigan.
2. Language boundary
a. Kumain na akoye.
b. Ikaw baye ay hindi sasama?
c. Paano baga pumunta sa Subic?
d. Ano baga itong nangyayari sa akin?
e. Kailan baga ang alis natin?
Iba pang halimbawa:
Tagalog-Nueva Ecija:
Tagalog-Batangas:
ANG IDYOLEK
Idyolek ang tawag sa kabuuan ng mga katangian sa pagsasalita ng tao. May iba’t ibang salik
na nakapaloob dito kung bakit ito nagaganap. Ang mga salik na ito ay ang gulang, kasarian, hilig, o
interes at istatus sa lipunan.
Halimbawa:
Maaari po bang pakiabot ang bayad?
Pwede ho bang pakiabot ninyo ang bayad?
Pakiabot nga po ang bayad.
Pakiabot nga ang bayad.
Iabot mo ang bayad.
Halimbawa:
ANG EKOLEK
Barayti ng wika na kadalasang ginagamit sa loob ng tahanan. Ito ang mga salitang madalas
na namumutawi sa bibig ng mga bata at mga nakatatanda, malimit itong ginagamit sa pang-araw-
araw na pakikipagtalastasan.
Halimbawa:
Halimbawa:
Vakul – tumutukoy sa mga gamit ng Ivatan na pantakip sa kanilang ulo tuwing
panahon ng tag-init at tag-ulan
Bulalim – salitang naglalarawan sa pagkahugis buo ng buwan
Laylaydek Sika – salitang “iniirog kita” ng mga grupo ng Kankanaey ng Mountain
Province.
Palangga – iniiro, sinisinta, minamahal
Kalipay – tuwa, ligaya, saya
ANG SOSYOLEK
Ang barayting ito ay sinasalita ng mga tao sa isang lipunan. Sinasabing may barayti ng
wikang gamit ng grupo ng iba’t ibang uri o klasipikasyon ng mga mamamayan. May barayti ng wika
ang mga dukha, gayundin ang mga nasa matataas na antas ng lipunan.
Ang sabi nga, kung hindi gaanong nagda-diverge at mayroon pang mutual na
pagkakaunawaan, masasabing ito’y varayti o mga dayalek ng isang wika na ginagamit sa mga
relasyong sosyal, ang tawag sa mga salitang pangrelasyong sosyal ay sosyolek o sosyal-dayalek.
Ito rin ang wika na ginagamit ng isang partikular na grupo. Ang mga salitang ito ay may
kinalaman sa sossyo ekonomiko at kasarian ng indibidwal na gumagamit ng naturang salita
Mga halimbawa:
Mga Uri:
a. Ang Jejemon
1. Banayad (Mild) – “e0w pU. mxtTAh p0eh?” (Hello po. Kumusta po?)
2. Katamtaman (Moderate) – “e0w pf0w. Nham1sZ pfoh qtAh. MwAhxx!” (Hello po. Na-
miss po kita).
3. Matindi (Severe) – “3ow Po3h! an0h gWa U? TxT na LherN p036h zA giZing pFa!”
(Hello po! Ano po ang gawa ninyo? Text na rin pos a mga gising pa!)
4. Malubha (Terminal) – “30w p03h. M3N4 p!p0L nUa m1Xz k0 pHu0 k3o!” (Hello po.
Morning pipol! Na-miss kop o kayo!)
b. Ang Bekimon
Ang Swardspeak (kilala rin bilang "Bekimon" at "gay lingo") ay isang patagong wika
o salitang balbal na nagmula sa Englog (pagpapalit wika ng Tagalog-Ingles ) na ginagamit
ng ilang mga homoseksuwal sa Pilipinas
Pinagmulan
Ang salitang "Swardspeak", ayon kay Jose Javier Reyes, ay ginamit ng kolumnista at
kritikong pampelikula na si Nestor Torre noong 1970s. Sumulat mismo si Reyes ng aklat
patungkol sa paksa na pinamagatang "Swardspeak: A Preliminary Study" (Swardspeak: Isang
Paunang Pag-aaral). "Sward" ay isang salitang balbal para sa 'gay male' (baklang lalaki) sa
Pilipinas. Ang pinagmulan ng mga salita at parirala, gayumpaman, ay umiiral na at
nanggaling mula sa iba’t ibang mga mapagkukunan.
Balarila
a. Pinapalitan ang unang titik/pantig ng mga salita gamit ang titik "J"/"Sh" o mga
pantig "Jo-"/"Sho-" o "Ju-"/"Shu-".
b. Pinapalitan ang unang titik/pantig ng mga salita gamit ang diptonggong "Ky-" o "Ny-".
c. Pinapalitan ang dulong pantig ng mga salitang "-ash", "-is", "-iz", "-ish", "-itch", "-ech",
"-ush", o "-oosh" bilang mga hulaping nagmumunti o nagpapalaki.
d. Pagpapalit ng mga tunog "a", "o", or "u" ng "or", "er", or "ur", lalo na bago o
pagkatapos ng katinig na "l".
g. Mga sanggunian sa popular na kultura, karaniwang mga kilalang tao o mga palabas sa
telebisyon. Ito ay pinipili upang halilihan ang salita na tumutukoy sa mga bagay na
nagpasikat sa kanila, maaaring dahil ang mga salita ay nagkakaroon ng tugmaan, o
pareho.
h. Hiram na mga salita mula sa ibang mga wika, lalo na ang mga matagal nang di
nagagamit na mga salitang Kastila sa PIlipinas (kung saan pambabaeng anyo ng mga
salita na ginagamit sa Swardspeak na wala sa karamihan ng wikang Filipino), Ingles,
at Hapon.
Halimbawa:
Halimbawa:
Ako kita ganda babae. (Nakakita ako ng magandang babae.)
Kayo bili alak akin. (Kayo ay bumili ng alak para sa akin.)
Ako tinda damit maganda. (Ako ay may panindang damit na maganda.)
Suki ikaw bili akin ako bigay diskawnt. (Suki, bumili ka nan g paninda ko. Bibigyan kita ng
diskawnt.)
Ikaw aral mabuti para ika kuha taas grado. (Mag-aral kang mabuti upang mataas ang iyong
grado.)
Ang Creole
1. Heograpikal
2. Sosyal
a. Wika at Relihiyon
Ayon kay Joey M. Peregrino (2002) na ang wika ng relihiyon ay isang simbolikong
wika sapagkat ito ay kinapapalooban ng mga talinghaga at mga bagay na hindi basta
makikita, mararanasan o mararamdaman.
b. Wika at Showbiz
c. Okupasyunal
Ang register ay ang pagkakaroon ng iba’t ibang anyo ng wika batay sa uri at paksa ng
talakayan, sa mga tagapakinig o kinakausap o kaya ay sa okasyon at iba pang salik.
Tinatawag ding istilo sa pananalita o maging pasulat upang maipahayag ang nadarama
Dalawang Uri:
1. Pormal
Madalas kapag ang ating kausap ay mas matanda o kaya naman ay may mataas na
tungkulin o kaya’y hindi gaanong kakilala, ay formal ang ating pagsasalita. Formal pa rin
ang paggamit ng wika sa mga sermon at sermonya ng pari at ministro, loob ng korte, sa
akademya at sa iba’t ibang larangan.
2. Impormal
Kapag ang ating kausap ay kaedad lamang natin gaya ng ating mga kaibigan. Maging
sa pagsulat ng liham sa isang mahal sa buhay.
Ayon kay Michael Halliday (1979), may tatlong (3) dimension ang
pakikipagkomunikasyon batay sa register:
I
GAWAIN 1
I
Pangalan ________________________________________________ Iskor ________
I Kurso/Taon/Seksyon ________________________________________ Petsa ________
I
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
I
A. Magbigay ng mga halimbawa ng pahayag na nagpapakilala ng mga barayti ng wika.
I Dayalekto
Halimbawa: Mabalin ba agdamag kadi? (La Union)
I 1.
2.
I 3.
Idyolek
I Halimbawa: Sana oll, napapatik-tok mga to’l.
1.
I 2.
3.
I Sosyolek
Halimbawa: Tawaging mo ang teacher natin para makapagsimula na tayo sa ating
I discussion.
1.
I 2.
3.
I B. Bumuo ng mga pahayag at tukuyin kung kaninong register ng wika ang mga ito.
Pahayag Kaninong Register
I 1.
2.
I 3.
I
I C. Isulat sa patlang kung Code Switching o Code Mixing ang mga sumusunod na pahayag.
l Modyul I Modyul I
l
I
33
I
I
GAWAIN 2
I
I
34
KRITERIA DESKRIPSIYON
Sapat ang impormasyon na nasaliksik at nasusuri nang
Nilalaman – 30% maayos ang konteksto at teksto ng mga sipi.
Maayos ang pagkakalahad ng mga impormasyon batay sa
pagkakaunawa. Nailalahad mabuti ang mga pahayag ayon sa
Kaayusan – 25% kaangkupan ng istruktura.
Malinaw ang mga impormasyon na ibinahagi. Hindi nakalilito
Kalinawan – 20% at may mga pagpapatunay ang mga nakuhang datos.
Nasunod nang maayos ang pormat ayon sa napag-usapan.
Gumamit ng maikling kupon, in-encode, single spacing at may
Pormat – 15% margin o palugit na isang pulgada sa bahaging kanan, itaas,
kaliwa at ibaba, gumamit ng font size na 11 at font style na
Arial.
Maingat na nailagay ang pinagkuhanan ng mga datos ayon sa
pamamaraang American Psychological Association (APA).
Talasanggunian – 10% Ang mga impormasyon ay maaaring kinuha sa mga aklat,
mga babasahin on internet.
Aralin 4
Mga Layunin:
Ulat sa Estado ng Wika 2019 [SOLA 2019] Ang Katutubo at Banyaga sa Filipino
SA MANIWALA KAYÓ o hindi, hindi lámang buháy ang ating wikang Filipino. Ito ay malusog at
masiglang wikang pambansa.
Malusog at masigla ang wikang Filipino sa kabilâ ng patuloy ding paglikha ng hadlang ng mga
rehiyonalista na nagkukunwang tagapagtanggol ng ibáng katutubong wika ng Filipinas. Malusog at
masigla ang wikang Filipino sa kabilâ ng malakíng krisis na idinulot ng CHED Memo No. 20.
Nahihirapan ang mga rehiyonalistang igiit ang kaniláng makitid na pananaw dahil sa matatag
na kampanya at programang pangwika ng Komisyon sa Wikang Filipino na napapatnubayan ng isang
organisado’t sistematikong Medyo Matagalang Planong Pangwika. Higit na nabubulgar ang
mapanghati kundi man konserbatibong pananaw pangwika ng mga rehiyonalista dahil nakabatay sa
mga pambansa at makabansang adhika ang bawat pagkilos ng KWF.
Sa kabilâng dako, totoong isang masaklap na pangyayari ang CHED Memo No. 20, seryeng
2013, (CMO 20) kasáma na ang naging pangwakas na hatol ng Korte Suprema nitóng 5 Marso 2019,
lalo na para sa mga guro sa kolehiyo na sapilitang inilipat sa senior high school o nawalan ng tiyak
na trabaho. Subalit may mga itinuro itong leksiyon para sa mga guro ng Filipino at sa KWF mismo.
Naorganisa ang maraming guro para manghingi ng TRO laban sa CMO 20 at muling nagisíng sa halaga
ng sáma-sámang pagkilos para maipagtanggol ang wikang Filipino at ang kanilang sariling
kapakanan. Nalantad ang bangkarote at kontra-Filipinong oryentasyon ng mga lider at
administrador sa pambansang edukasyon (pati na ng mayorya sa Korte Suprema). Naituro sa KWF
ang malakíng limitasyon ng R.A. No. 7104 at ang katotohanan na ang tadhanang pangwika sa 1987
Konstitusyon ay non-self executory.
Ang hulíng nabanggit na aral mula sa CMO 20 ay nagbigay ng bagong uri ng adhika para sa
KWF para isagawa agad sa loob ng 2019. Subalit mainam na talakayin ang mga kasalukuyang
pambansa at makabansang adhika sa Medyo Matagalang Plano ng KWF, at kung paanong
nakapagdulot ng sigla’t kalusugan sa wikang Filipino ang mga binuo at isinagawang aktibidad ng
KWF sa nakaraang panahon alinsunod sa mga naturang adhika.
Sa pangkalahatan, may dalawang antas at sanga ang naging kampanyang pangwika ng KWF sa
loob ng nakaraang panahon: una, ang estandardisasyon ng Filipino simula 2013, at idinugtong ang
intelektuwalisasyon o kultibasyon ng Filipino simula 2016. Mahigpit na magkaugnay ang dalawang
kampanya, at kailangan para sa dalawang malakíng tungkulin ng KWF: (1) upang makalayà ang
wikang Filipino sa mga kasalukuyang problema sa loob at labas ng edukasyong pangwika, at (2)
upang maitulak ang pagtupad sa atas ng 1987 Konstitusyon na paunlarin at palaganapin ang wikang
Filipino bílang opisyal na wika ng pamahalaan at ng buong sistema ng edukasyong pambansa.
Naging pangunahing diin naman sa buong kampanya ang oryentasyong “katutubò.” Nakaangkla
ito sa dalawang batayang katotohanang itinataguyod ng KWF. Una, na ang Filipino ay isang wikang
katutubo dahil nakabatay sa isang wikang katutubo ng Filipinas. Ikalawa, na nakasaad sa 1987
Konstitusyon na kailangang payabungin ang Filipino at pangunahing pampayabong ang mga wikang
katutubo ng Filipinas. Pansalungat ang unang batayang katotohanan sa mahihiwatigang turing ng
mga rehiyonalista sa Filipino bílang isang wikang kaaway ng mga katutubong wika ng bansa. Adhika
namang salungatin ng ikalawang batayang katotohanan ang umiiral sa kasalukuyang lansakan at
walang-patumanggang panghihiram ng salitâ mula sa Ingles at ibáng wikang banyaga’t pandaigdig.
bahagi din nitó ang tungkulin para sa armonisasyon ng mga ortograpiya ng mga wikang katutubo na
ginagámit panturo alinsunod sa programang MTB-MLE at ang pagsuri at pagtuklas ng higit na
mabisàng pamamaraan ng pagtuturo ng Filipino sa mga pook na di-Tagalog. Sa unang pagkakataon
din, noong 2015, pinagtuonan ng saliksik at fildwork ng KWF ang mga wika ng maliliit na pangkating
etniko, upang matanto ang halaga ng pagbuo ng isang programa para sa pagsagip ng mga
nanganganib maglahòng wika.
Anupa’t mula sa Uswag: Dangal ng Filipino ay hindi kataká-takáng ipagdiwang ng KWF ang
Buwan ng Wika ngayong 2019 sa pamamagitan ng temang Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang
Filipino. Bukod sa nakatiyap nitó ang proklamasyon ng UNESCO na International Year of Indigenious
Languages ang 2019, sinasagisag ng tema ng KWF ang naging sigasig ng ahensiya upang palaganapin
ang pagmamahal at pangangalaga sa “katutubo,” maitampok ang makulay at makabuluhang
katangian ng mga “katutubo,” at mailahok ang mga ito sa pagkatha ng isang matatag, nagkakaisa,
at malikhaing bansang Filipino. Nakasalig din sa adhikang ito ang oryentasyon na ang wika ay isang
pangunahing salik sa tinatawag na intangible cultural heritage (ICH), at kayâ napakamakabuluhang
pinto upang higit na matuklasan ang sariling identidad ng mga Filipino.
Wika ng Katutubong Karunungan
Tatlong malakíng gawain ang tinupad ng KWF nitóng 2018 upang lingapin ang “katutubo.” Sa
tulong ng opisina ni Senador Loren Legarda, inilunsad ang Lingguwistikong Etnograpiya ng
Filipinas(LEF) at ang Bantayog-Wika. Sa bisà naman ng matiyagang networking sa Bataan, lalo na sa
opisina ni Gobernador Albert Garcia, naibukás ang Bahay-Wikapara sa Ayta Magbukun ng barangay
Bangkal, Abucay, Bataan.
Ang LEF ang pinakaambisyoso ngunit lubhang kailangang programa sa saliksik ng KWF.
Hanggang ngayon nakakálat at walang komprehensibong saliksik sa alinmang katutubong wika at sa
mga dominyo ng ICH ng alinmang pangkating etniko. Kayâ walang pambansang programa upang
maprotektahan ang buong ICH ng bansa. Puta-putaki at kani-kaniyang tuon ang mga programa para
sa indigenious people (IP) ng mga ahensiya ng gobyerno at kahit ang mga pribadong institusyon.
Bagaman pangunahing layunin ng LEF ang higit na matalik at masinop na kaalaman hinggil sa
umaabot sa 130 katutubong wika ng bansa, kinikilála nitó ang kabuluhan ng komprehensibong
dokumentasyon hinggil sa mga pangkating etnikong nag-aari ng naturang mga wika at ang kaugnay
na mga katutubong karunungan at karanasang pinagmumulan ng bawat wika. Inaasahan ang
kooperasyon ng lahat ng pribadong institusyon at ahensiya ng gobyerno para matupad ang
programa, gayundin ang patuloy na konsultasyon at pakikipag-ugnayan sa mga pangkating etniko
mismo. Sapagkat hindi rin magaganap ang naturang programa sa saliksik sa loob ng maikling
panahon at sapagkat kailangang subaybayan ang anumang pagbabago sa wika at búhay ng mga
pangkating etniko, bahagi ng programa ang pagdevelop sa isang artsibo ng impormasyon upang
ganap na mapangalagaan ang kasaysayan, karanasan, karunungan, at malikhaing anyo ng mga
pangkating etniko at katutubong wika na masasaklaw ng LEF.
Samantala, ang pondong kaloob ni Senador Legarda ay iniukol pa sa ibáng proyekto nitóng
2018. Katulong ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA), nagdaos ang KWF ng isang
kumperensiya sa ICH na may diin sa epikong-bayan nitóng 30-31 Agosto 19018. Nais ng
kumperensiya na matipon ang mga guro at iskolar at maipamálay sa lahat ang matinding
pangangailangan para sa sistematiko’t pambansang saliksik sa ICH. Sinundan ito ng International
Conference on Language Endangerment nitóng 10-12 Oktubre 2018 at ng Digital Archiving Workshop
nitóng 26-28 Nobyembre 2018. Nag-imbita ng mga eksperto mula sa ibáng bansa sa kumperensiya
ng Oktubre upang maitanghal ang salimuot at hirap ng pagpapasigla sa naglalahòng wika. Tatlong
resource persons naman mula sa School for Oriental and African Studies (SOAS), University of
London, ang nagbigay ng palihan upang ituro ang wastong pag-iimbak ng impormasyon sa tulong ng
makabagong kasangkapan. Bukod sa mga pilìng kawani ng KWF ay inanyayahan sa workshop ang
ilang kawani ng mga ahensiyang pangkultura.
Isa pang kaugnay na proyekto ang Bahay-Wika. Sinimulan itong idevelop bílang proyekto ng
KWF noong 2015, nabuo ang konsepto noong 2017, at ganap na ipinatupad nitóng 2018. Ito ang
unang eksperimento sa Filipinas hinggil sa pagpapasigla ng wikang nanganganib maglahò. Ang
gusaling Bahay-Wika para sa mga Ayta Magbukun ng Bangkal, Abucay, Bataan ay pormal na binuksan
nitóng 27 Setyembre 2018. Gayunman, nauna nang isinagawa ang pinagsanib na mga modelo ng
language nest at ng master-apprentice, na naglahok sa 24 batàng nása edad 2-4 taón at sa anim na
magulang bílang aprentis. Naging kaisa ng KWF sa proyekto ang panlalawigang sangay ng DSWD,
DepEd-Iped, NCIP, at LGU ng Abucay. Inaasahan na ang mga batàng nagdaan sa Bahay-Wika ay
sasaluhin sa Day Care ng DSWD, at pagkatapos, sa kinder ng DepEd, bukod sa itutuloy ng mga
magulang na nag-aprentis ang pagsasalità sa wikang Ayta Magbukun sa kani-kanilang tahanan.
Nagkaroon din ng mahalagang tungkulin ang mga Sentro ng Wika at Kultura (SWK) ng KWF sa
oryentasyong katutubo. May 41 SWK na sa mga state universities and colleges (SUC) sa buong
bansa. Nagdaraos ang mga ito ng tertulya, lalo na kapag Buwan ng Wikaat Buwan ng Panitikan, at
nakaukol ang bawat ganitong pagtitipon sa pagsusuri o pagtatanghal ng wika at kulturang katutubo
sa lalawigan o rehiyon ng SWK.
Isa pang pinondohan ni Senador Legarda ay ang proyektong Bantayog-Wika, na isang paraan
ng pagpaparangal sa mga wikang katutubo. Isang bantayog na idinisenyo ng eskultor na si Luis E.
Yee Jr. ang panukalang itayô sa mga tanyag na pook pangmadla upang maging simbolo ng paggálang
at pagmamahal sa wikang katutubo sa isang probinsiya o lungsod. Inaasahang aakit ito ng pansin ng
mga turista, bukod sa magagámit na lunan para sa mga pagtatanghal pangkultura na maglalahok sa
mga kabataang estudyante at mga mamamayan. Sa loob ng 2018, umaabot sa 12 bantayog-wika na
ang naipatayô, na bunga rin ng pakikipagtulungan ng mga LGU at SUC sa naturang 12 pook.
Inaasahang higit pang maraming bantayog-wika ang maitatayô kapag nahimok ang ganap na taguyod
ng mga lokal na lider politiko, at maging ng mga negosyanteng makawika, sa buong bansa.
Matalik na bahagi ng mga proyektong ito ang pambansa at makabansang adhika ng KWF. Sa
pamamagitan ng tuon sa mga wikang katutubo ay nalalantad mismo ang wikang Filipino sa mga
salitâ at konsepto na nagpapalawak sa batayang pangkultura nitó. Naaakit din ang partisipasyon ng
mga pangkating etniko tungo sa mga gawaing pambansa. Samantala, naididiin ang kabuluhan ng
malawakan at sistematikong saliksik wika, bílang makabuluhang bahagi ng pambansang adyenda sa
saliksik pangkultura, at dahil hindi ito nabibigyan ng kaukulan at nararapat na pansin kahit sa
pagkakaloob ng research grants sa mga kolehiyo at unibersidad. Kaugnay ng hulíng nabanggit na
puna, lumilitaw na walang puwang ang saliksik wika sa adyendang pampananaliksik kahit ng mga
SUC. Dahil sa kasalukuyang diin sa globalisasyon ay higit na nakatuon ang buong adyendang
pampananaliksik ng mga SUC sa agham at teknolohiya.
Na kailangang iwasto.
Kailangan ang malusog na lupain upang pag-ugatan ng anumang malikhaing gawain sa agham
at teknolohiya. Kung umaasa lámang ang saliksik sa kaalamang banyaga, natural lámang na lumikha
ito ng agham at teknolohiyang naglilingkod sa banyagang pangangailangan. Samantala, ang agham
at teknolohiyang sumibol mula sa isang katutubong kultura ay higit na maaasahang may
oryentasyong sumagot sa pangangailangan ng sariling lupain at magdulot ng pagbabagong batay sa
nasaliksik na pangangailangan ng sariling bansa.
Sinasáyang natin ang napakayamang katutubong karunungang ipinamana sa atin ng ating mga
ninuno kapag hindi natin ganap na inadhika ang tungkuling alagaan at pangalagaan ang ating mga
wikang katutubo, at hindi nailahok ang mga katutubong karunungang ito sa wikang Filipino.
Sa kabilâng dako, hindi dapat itakwil lámang ang mahabàng panahon ng pananakop sa ating
kasaysayan. Dapat itong makilála bílang makabuluhang bahagi ng kasalukuyang katauhan at
kamalayang Filipino. Kayâ makabuluhan ding bahagi ng makabagong wikang Filipino. Lahat yata ng
wikang katutubo ay nabahiran ng impluwensiyang Español o Americano mula noong 1521 at patuloy
na naiimpluwensiyahan ng kulturang banyaga at Kanluranin sa kasalukuyan. Ang buong sistema ng
karunungan sa pambansang edukasyon ay nakabatay sa makabagong kaalamang banyaga at
Kanluranin. Ang totoo, sa maraming aspekto, kapag sinabi nating banyaga ay Kanluranin ito; at
kapag Kanluranin ay inumpisahang idulot ito ng kolonyalismong Español at patuloy na pinalalaganap
ng modernong kultura, agham, at teknolohiyang Americano.
Sa ganoong pagtingin, malakíng bahagi ng ating sarili ang banyaga. Nanuot na ito sa
katauhang Filipino at sa wikang Filipino. Sa gayong pagtingin, hindi maaaring manatiling “katutubo”
lámang ang wikang Filipino. Sa katunayan, malakíng bahagi ng mga problema sa estandardisasyon
ang bunga ng Hispanisadong paraan ng pagsúlat gámit ang alpabetong romano na pinalaganap
noong tatlong siglo ng kolonyalismong Español at ng mga anomalyang dulot ngayon ng biswal at
binibigkas na Ingles. Hindi naman maiiwasan ang banyaga sa kultibasyon o intelektuwalisasyon ng
wikang Filipino. Dahil sa Amerikanisadong oryentasyon ng pambansang edukasyon, ang adhikang
maging wika ang Filipino ng pagtuturo at pagkatuto sa antas tersiyarya ay nakaangkla sa kapasidad
nitóng tumanggap ng mga salitâ at konseptong banyaga sa alinmang larang o disiplina ng
makabagong karunungan.
Bahagi ng kasalukuyang OP ang naturang pleksibilidad. Binago ang dáting puristang tuntunin
sa pagsasalin upang maging liberal sa paggámit ng mga terminong siyentipiko at teknikal sa orihinal
na mga anyo nitó sa Ingles, Español, Latin, German, French, o maski Greek. Hindi rin kailangang
reispel ang mga ito, lalo na kung higit pang mahirap basáhin ang anyong nireispel kaysa anyong
orihinal na banyaga, o may nagiging kakatwa itong anyo, o may nakakahawig na anyo sa katutubong
bokabularyo. Sa isang bandá, isang paghahanda din itong oryentasyon upang higit na maganyak ang
mga guro, lalo na ang mga guro sa agham at matematika, na gumámit ng Filipino sa pagtuturo. Sa
kabilâng bandá, isang paalala ito sa mga alagad ng wika na hindi kailangang ubusin nilá ang talino’t
panahon sa paghahanap ng mga pantumbas sa mga konseptong banyaga, gaya ng naganap noong
panahon ng Americano at hanggang noong dekada 70.
May mga leksiyon ang idinulot na krisis ng CMO 20 na magandang iugnay sa kampanya tungo
sa intelektuwalisasyon ng Filipino. Una, napagtuonan ng puna ang nilalaman ng karaniwang anim na
yunit sa Filipino para sa mga estudyante sa kolehiyo. May pumuna na ang nilalamang panitikan at
gramatika sa mga naturang sabjek ay maaari nang ituro sa senior high (at siyáng nangyari), at kung
gayon ay hindi kailangang ulitin sa kolehiyo. Ngunit ikinatwiran ng mga nagtatanggol sa naturang
mga sabjek na napakalawak ng panitikan at kung tutuusin ay kulang ang isang semetre upang
masaklaw ang kabuoan nitó. Iminungkahi din na panatilihin ang anim na yunit ngunit lagyan ng
ibáng nilalaman. Iminungkahi naman ng KWF na ituro ang mga panukalang bagong GEC ng CHED
gámit ang Filipino upang hindi mawalan ng trabaho ang mga guro. Ngunit nakahanda ba ang mga
kasalukuyang guro sa Filipino para ituro ang alinman sa mga bagong GEC, dili kayâ ang anumang
bagong kurso na ipalit sa dáting nilalaman ng anim na yunit?
Kung lumitaw na hindi handa ang mga guro, ikalawang dapat suriin ay ang edukasyong
normal. Kailangang bigyan ng mga bago’t dagdag na nilalaman ang programang BS at AB para sa
mga magiging guro sa Filipino. Hindi dapat maging limitado sa gramatika at lingguwistika ang
kaalaman ng isang guro sa Filipino. Kailangan ding palawakin at palalimin ang oryentasyong
pampanitikan niya. Higit pa, kailangan niyang magkaroon ng malakas na oryentasyon sa saliksik at
sa pagtuklas ng ibáng kaalaman sa ibáng disiplina upang mapalusog niya ang pagtuturo sa Filipino.
Bukod pa, hindi káyang gampanang mag-isa ng KWF ang lahat ng mga tungkulin sa pagsasalin.
Nitóng 2 Agosto 2018, sa himok ng KWF ay itinatag sa Unibersidad ng Santo Tomas (UST) ang isang
Sentro ng Salin sa ilalim ng Kagawaran ng Filipino sa naturang institusyon. May opisyal na pangalang
“Sentro sa Salin at Araling Salin,” ang sentro sa UST ang isang paraan upang maisangkot sa mga
gampaning pagsasalin ang ibáng institusyon at sa gayo’y mapabilis din ang pagsasanay para sa
kailangang hukbo ng mga tagasalin sa ibá-ibáng wikang katutubo at banyaga. Dagdag pa, ang
paghahandog ng mga pormal na kurso sa pagsasalin sa UST ay magiging isang malakíng hakbang
tungo sa propesyonalisasyon ng pagsasalin. Isang magandang pangyayari na may maka-Filipino nang
direksiyon ang saliksik sa agham sa UST, kayâ inaasahan ding higit na mag-uukol ng hasaan ang
sentro sa UST para sa pagsasaling teknikal.
Nakapagdaos na ang UST ng isang malakíng kumperensiya sa pagsasalin upang ipagdiwang ang
Pandaigdigang Araw ng Pagsasalin nitóng Setyembre 2018. Samantala, may mga plano nang buksang
sentro ng salin sa Cebu at sa Zamboanga upang higit na mapaglingkuran ang mga wika sa Visayas at
Mindanao.
Panahon nang maging demokratisado ang karunungang siyentipiko at upang pakinabangan ito
ng nakararaming mamamayan. Magaganap ito sa pamamagitan ng Filipino—ng isang
intelektuwalisadong Wikang Pambansa—at may bokabularyong nagtitipon sa karunungang banyaga
at Kanluranin at makagaganap na wikang panturo sa lahat ng disiplina at kurso sa antas tersiyarya.
Anupa’t ang Filipino bílang Wikang Pambansa ay kailangang magparangalan sa lahat ng
maipagmamalakíng sariling karunungan samantalang nag-aangkin ng mataas na kakayahang ibukás
ang pinto ng makabago’t progresibong karunungan para sa lahat ng nais gumámit.
Ferndale Home
21 Hulyo 2019
Makulay at makapangyarihan ang wikang Filipino kung ikukumpara sa ibang wika. Sadyang
napakasarap pakinggan ng ating pambansang wika kung gagamitin lamang sa tama ng nagsasalita.
Batid sa ating lahat na may suliranin pagdating sa usapin ng wika dito sa ating bansa sapagkat mas
tinatangkilik ang wikang banyaga. Kahit saan ka magawi ay maririnig mo ang hindi wastong
paggamit ng ating wika kahit sa mga paaralan at mga establisyementong propesyunal. Mababasa
ang kamaliang ito maging sa mga tabloid at mga post sa social media at sa pagsusulat sa mga
artikulong ipinapahayag sa mamamayan. Ngunit mayroon pang pag-asa sa kabila nang lahat ng ito.
Ang mga kabataan ang may malaking responsibilidad sa pagpapaahon ng ating wikang pambansa
mula sa kinasasadlakan nito sa kasalukuyan. Ang mga kabataan ang may kapangyarihan na iangat
ang antas ng wikang Filipino kung may matinding pagnanais sila at masidhing pag-ibig sa bayan. May
pag-asa pa at hindi mawawalan ng pag-asa hangga’t buhay sa bawat Pilipino ang kanyang
pagmamahal sa wikang pambansa.
Bilang isang Pilipino, ang mass media ay may malaking impluwensya sa atin. Kahit saan ka
tumingin, nariyan ang mass media na nagbibigay impormasyon at nagpapalabas ng mga nakakaaliw
na panoorin. Ang mass media and nagsisilbing tinig ng taumbayan sa pagpapahayag ng kanilang
saloobin at ito rin ang rason kung bakit may alam sa mga isyu ang bawat Pilipino. Napakalaki ng
naitutulong ng mass media sa tao ngunit may mga pagkakataon din na hindi maganda ang nagiging
epekto nito. May mga palabas na hindi angkop para sa lahat ng manonood at ito ay maaaring
makapagturo sa mga kabataan ng karahasan at masasamang salita. Malaki ang nagiging epekto ng
gawit ng wika sa mass media sa totoong buhay ng bawat Pilipino. Masasabing ang kalagayan ng wika
sa mass media ay hindi na masyadong maganda dahil minsan ginagawa nang Taglish ang pag-uusap
at maging pagsusulat sa mga artikulong nababasa lalong-lalo na sa telebisyon. Kadalasan ay
pinapaikli ang mga salita hanggang dumadating na sa punto na hindi na ito nagiging wasto.
Mapapansin din sa mga tagalog na pelikula, teleserye, at iba pa na marami pa din and salitang
Ingles na kung tutuusin ay wala dapat dahil ito ay mga pelikulang dapat ay Wikang Filipino ang
ginagamit. Ang mga maliliit na bata ay natututo ng kung ano-anong bagay na hindi pa naman dapat
nila nalalaman dahil napapanood at naririnig nila sa mass media. Alam ng isang tipikal na bata kung
ano ang ibig sabihin ng mga nauusong salita na hindi alam ng mga matatanda. Ang mass media
dapat ang mangunang magpatibay ng pundasyon ng Wikang Filipino dahil napakaraming Pilipino ang
naniniwala sa sinasabi ng mass media. Mas magiging mabunga ang ating sariling wika kung
nagagamit ng wasto at makabuluhan.
Ang wika ang ginagamit ng mga tao sa pang-araw-araw na pamumuhay upang magkaunawaan
ang bawat isa. Isa na rito ang paaralan kung saan ay dito nahuhubog ang kaalaman at pag-uugali ng
mga mag-aaral at ito ang itinuturing na pangalawang tahanan. Sa pormal na diskusyon ng mga
aralin gumagamit ang mga guro ng pormal na wika. Gumagamit din ang mga guro ng di-pormal
upang higit na maipaliwanag ang aralin at higit na maunawaan ng mga mag-aaral ang aralin. Ang
mga mag-aaral ay gumagamit ng pormal ng wika sa paggawa ng mga takdang-aralin at mga
proyekto. Nagkakaroon din ng di-pormal na paggamit ng wika ang mag-aaral kung sila ay nasa labas
ng silid-aralan at tapos na ang klase at nakikipagkwentuhan sa kapwa mag-aaral. Sa panahon
ngayon marami nang bagong salita ang lumalabas at nadadala ng mga mag-aaral sa paaralan tulad
ng “pak ganern”,”boom panes” at marami pang iba na maaring makaapekto at magamit sa paggawa
ng mga takdang-aralin o mga proyekto. Isa rin sa nakakaapekto sa paggamit ng wika ay ang
pagtetext kung saan nagkakaroon ng pagdadaglat ng mga letra ng salita dahil maaring ang
nakasanayan sa pagtetext ang maisagawa sa mga akademikong sulatin. Mahalagang mapangalagaan
ang wastong estado ng wikang Filipino sa mga paaralan dahil ang itinuturo sa paaralan ay maaaring
dalhin ng mag-aaral sa kanyang pagtanda.
I
GAWAIN 1
I
Pangalan _________________________________________________ Iskor ________
I Kurso/Taon/Seksyon _________________________________________ Petsa ________
I
PANUTO: Itala ang kaisipang napapaloob sa mga sumsunod na salita. Isulat sa loob ng kahon ang
I sagot.
I
Salita Kaisipan
I 1. Virgilio Almario
I
43
2. KWF
4. Wikang Pambansa
5. Intelektwalisasyon
6. Estandardisado
7. MTB-MLE
8. Social Media
9. Mass Media
10. Teknolohiya
I
GAWAIN 2
I
Pangalan ___________________________________________________Iskor ________
I
Kurso/Taon/Seksyon ___________________________________________Petsa ________
I
Panuto: Panoorin ang dokumentaryong may pamagat na “Sulong Wikang Filipino: Edukasyong
I Pilipino, Para Kanino?” ni Det Neri. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
I
FLMA 102 -Wika, Lipinan at Kultura RHODORA B. IBABAO
I Modyul I Modyul I
I
44
5. Ano ang iyong damdamin sa “Pahayag para sa Pagpapatibay ng Wikang Filipino Bilang
mga Sabjek sa Kolehiyo?”
I GAWAIN 3
I PANUTO. Pumili ng isa at saliksikin. Magbigay ng opinyon higgil dito. Ilahad ang pagsang-ayon o
pagtanggi sa mga usapin.
I
a. Resolusyon ng National Committee on Language and Translation Kaugnay ng Filipino sa
I Kolehiyo.
I
45
KRITERIA DESKRIPSIYON
Sapat ang impormasyon na nasaliksik at sumasang-ayon ang mga
Nilalaman – 30% kasagutan sa katanungan.
Maayos ang pagkakalahad ng mga impormasyong nasaliksik.
Nasagot nang maayos ang mga katanungan. Hindi isinama ang
Kaayusan – 25% mga kulay o guhit ng salita ayon sa paraan ng pagkakakuha sa
internet. Malinis at walang mga braket sa mga piling salita.
Malinaw ang mga impormasyong nasaliksik. Hindi nakalilito at
Kalinawan – 20% may mga pagpapatunay ang mga nakuhang datos.
Nasunod nang maayos ang pormat ayon sa napag-usapan.
Gumamit ng maikling kupon, in-encode (portrait), single
Pormat – 15% spacing at may margin o palugit na isang pulgada sa bahaging
kanan, itaas, kaliwa at ibaba, gumamit ng font size na 12 at
font style na Arial.
Maingat na nailagay sa talasanggunian ang pinagkuhanan ng mga
datos ayon sa pamamaraang American Psychological Association
Talasanggunian – 10% (APA). Ang mga impormasyon ay maaaring kinuha sa mga aklat,
mga babasahin on internet.
BUOD NG MODYUL:
Sa ikatlong aralin, Baryasyon ng Wika. Dito malalaman ang iba’t ibang barayti na
sanhi ng pagkakaiba-iba ng mga tao na nananahan sa isang lipunan. Dahil sa
pagkakaroon ng heterogenous na wika, tayo ay nagkakaroon ng iba’t ibang baryasyon
nito.
Sa huling aralin, ang estado ng kasalukuyang wika ay nasa pangangalaga ng
Komisyon ng Wikang Filipino na pinapangunahan ni Virgilio Almario. Malaki ang hamong
ng makabagong panahon sa pagbabagong nagaganap sa wika sa kabila nito
nagagampanan pa rin ng wikang Filipino ang kanyang gamapanin na magkaunawaan ang
mga tao sa lahat ng bagay.
I LAGUMANG PAGSUSULIT
I
Pangalan _________________________________________________ Iskor ________
I Kurso/Taon/Seksyon _________________________________________ Petsa ________
I
47
II. PAGBUBUO: Buuin ang pahayag hinggil sa ebolusyon at kasaysayan ng wikang pambansa.Isulat sa
patlang ang sagot.
1. Taong ________ sa saligang batas ng Pilipinas nagtadhana ng tungkol sa wikang pambansa.
2. Itinagubilin ng Pangulong manuel L. Quezon sa kanyang mensahe sa Assemblea Nasyonal ang
paglikha ng isang _________ na gagawa ng isang pag-aaral ng wikang katutubo sa Pilipinas.
3. Taong 1937 (Disyembre 30) bilang alinsunod sa tadhana ng batas komonwelt blg. 184 sa
pamamagitan ng kautusang tagapagpaganap blg. 134 ay ipinapahayag ng pangulong Quezon
na ang wikang Pambansa ay batay sa ________.
4. Taong _______. Ang pagtuturo ng wikang pambansa ay sinimulan muna sa mataas at
paaralang normal.
5. Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama blg. 186 na nagsusug sa Proklama
blg. 12 serye ng 1954 na sa pamamagitan nito’y inililipat ang panahon ng pagdiriwang ng
Lnggo ng Wikang Pambansa taon-taon simula _________.
6. Ang kautusang pangkagawaran blg. 7 na nagsasaad na kalian may tutukuyin ang wikang
pambansa, ang salitang ________ ay siyang gagamitin.
7. Ang walong dagdag na alpabeto ay ang mga _______.
8. Ang Alpabetong Filipino ay binubuo ng _______,
9. Na ang ayos ay _________.
10-15. Ang Artikulo XIV, seksyon 6 ay ________.
III. PAGKILALA: Isulat sa patlang kung Code Switching o Code Mixing ang mga sumusunod na
pahayag.
I
48
D. Varayti ng Wika
17. 19. 21.
18. 20. 22.
E. Pangunahing Wika ng Pilipinas
23-30
Pamantayan:
8-10 Nakapagbigay ng sitwasyon,
naipaliwanag nang mahusay at
nakagamit ng wasto at malinaw na
gramatika.
5-7 Nakapagbigay ng sitwasyon,
naipaliwanag ngunit hindi gaano
maayos at malinaw ang gramatika.
1-4 Nakapagbigay ng sitwasyon,
hindi gaanong naipaliwanag at hindi
rin gaano malinaw at maayos ang
gramatika
0- Walang sagot.