You are on page 1of 10

Mga Salik na Nakakaapekto sa

Pagkatuto ng mga Mag-aaral


sa Asignaturang Filipino
AILYN R. ROSARIO
Agdao Integrated School

ABSTRAK

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang matukoy ang mga salik na nakakaapekto sa
pagkatuto ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. Ito ay kinabibilangan ng ikapitong
baitang sa District V-B ng Sangay ng Paaralang Panglungsod ng San Carlos, taong panuruan
2019-2020 na may kabuuang 316 na kalahok. Gumamit ang mananaliksik ng talatanungan
upang malaman ang profayl ng mga kalahok batay sa kanilang edad; kasarian; buwanang
kita ng magulang; wikang ginagamit sa tahanan; antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral
batay sa kanilang grado sa Filipino (Final Rating) sa nakaraang panuruang taon; iskor sa
lagumang pagsusulit (ikatlong markahan), mga salik na nakakaapekto sa pagkatuto ng mga
mag-aaral batay personal at sosyal na kaligiran. Gumamit ng tseklist ang mananaliksik
upang matukoy ang mga salik na nakakaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa
asignaturang Filipino. Karamihan sa mga kalahok sa pag-aaral na isinagawa ay nasa edad
11 – 12 taong gulang, babae, mababa sa 10,000 ang buwanang kita ng magulang, 81-
85 o mababa sa karaniwan ang grado sa Filipino (Final Rating) T.P. 2019 – 2020, at 21 -
30 o karaniwan naman ang iskor sa lagumang pagsusulit. Napag-alaman ng mananaliksik
na ang profayl ng mga mag-aaral ay walang makabuluhang kaugnayan sa kanilang antas
ng pagkatuto. Bagamat ang edad ng mga mag-aaral ay may makabuluhang kaugnayan
sa salik kaugnay sa personal na kaligiran. Ang naging resulta ng pag-aaral na ito sa
komunidad ay ang pagkakaroon ng kamulatan kung ano nga ba ang mga salik na
nakakaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa Asignaturang Filipino. Kailangan
mapaunlad ang kakayahan ng mga mag-aaral na umunawa ng wikang Filipino sa
pamamagitan ng pagtuturo sa kanila ng wikang Filipino. Dahil ang mga bata ay madalas
at mas madaling makipag-usap sa mga nakakatanda sa tahanan. Sa tahanan din
nahuhubog ang bata sa pananalita; ang pakikipag-usap ay mas matagal at mas madalas
na nagiging pundasyon ng lengguwahe ng mag-aaral.

Mga Susing Salita:


Nakakaapekto, Pagkatuto, Salik

Vol: 1 Isyu: 1 Taon: 2020


Dyornal ng Edukasyon at Araling Panlipunan
Publisher: College of Education, Lingayen Campus
Pangasinan State University, Pilipinas
Open Access Article
Rosario, 2020

ABSTRACT

The purpose of this study was to identify the factors that affect students' learning in the Filipino subject. It
includes seventh grade in District V-B of the San Carlos City School Branch, 2019-2020 school year with a
total of 316 participants. The researcher used a questionnaire to determine the profile of the participants
based on their age; gender; parent's monthly income; language spoken at home; students' level of learning
based on their grade in Filipino (Final Rating) in the previous school year; score on the summary test (third
mark), factors that affect students ’learning based personal and social environment. The researcher used a
checklist to identify the factors that affect students' learning in the Filipino subject. Most of the participants
in the study conducted were aged 11- 12 years old, female, less than 10,000 monthly parental income, 81-
85 or below average grade in Filipino (Final Rating) T.P. 2019 -2020, and 21 -30 or average test score.
The researcher found that the profile of the students had no significant relationship with their level of learning.
Although the age of the students was significantly related to the factor in relation to the personal environment.
The result of this study in the community is to become aware of what are the factors that affect the learning
of students in the Filipino Subject. It is necessary to develop the ability of students to understand the Filipino
language by teaching them the Filipino language. Because children often and more easily communicate with
adults at home. At home the child is also intoxicated with speech; communication takes longer and more often
becomes the foundation of the student’s language.

PANIMULA
Ang pagkatuto ay pundasyon ng kaalaman. Ito ay isang salik sa pagkamit ng isang maganda at mahusay
na performans sa alin mang larangan. Sa pamamagitan ng pagkatuto, nahuhubog ng mga tao ang
kakayahang umunawa at maghinuha ng mga konsepto na maiuugnay sa lipunan. Inilahad sa Facilitation
Theory (Ursos, 2010) na ang pagkatuto ay mangyayari sa pamamagitan ng isang tagapagturo na
gumaganap bilang tagagabay, iyan ay sa pamamagitan ng pagtataguyod ng isang kaaya-ayang paligid
kung saan ang mag-aaral ay komportable sa pagsasaalang-alang sa mga bagong ideya at ang mga ito’y
hindi na naabala sa mga panlabas na mga aspeto. Marahil ito ang dahilan kung bakit inilunsad ng Philippine
Government at ang Department of Education dahilan sa gusto nila na malinang tayo sa kalidad ng edukasyon
na ibinibigay ng ating bansa. Ang asignaturang Filipino ay dinisenyo ng Departamento ng Edukasyon upang
mapalawak ang kaalaman ng bawat Pilipino patungkol sa sariling wika at ang mga kagamitan nito. Ayon
kay Abad at Ruedas (2006) ang mga may-akda ng librong, Filipino Bilang Tanging Gamit sa Pagtuturo,”Ang
wika ang pinakamalinaw at pinakamahusay magbigay ng himaton sa kung ano ang partikular na pananaw
ng tao sa daigdig na kanyang ginagalawan.”Dahil dito, binigyang-diin ng bawat paaralan ang pagtuturo
ng asignaturang Filipino.
Sa pag-aaral naman nina Belieg (2004) ang kaligirang sosyal ay isa rin sa salik na nakaapekto sa
akademikong performans ng mag-aaral, isang salik sa pagkatuto batay sa isang kaligirang natural.
Kaayusang pisikal, sitwasyunal at instruksyunal. At ang kaaya-ayang relasyon ng guro at mag-aaral. Ang
lahat ng ito ay mabibigyang kalutasan kung ang guro ay malikhain at may pagkukusa na gumawa ng
hakbang para sa ikatatagumpay ng kanyang pagtuturo. Ayon kina (Brown, Hammond, & Onikama, 1997)
sa karamihan ng pamilya, ang wika na natututunan ng mga bata ay masaganang nabubuo sa tahanan kaysa
sa paaralan. Ang mga bata ay madalas at mas madaling makipag-usap sa mga nakakatanda sa tahanan.
Sa tahanan din nahuhubog ang bata sa pananalita; ang pakikipag-usap ay mas matagal at mas madalas
na nagiging pundasyon ng lengguwahe ng mag-aaral.

Vol: 1 Isyu: 1 Taon: 2020


2
Dyornal ng Edukasyon at Araling Panlipunan
Publisher: College of Education, Lingayen Campus
Pangasinan State University, Pilipinas
Open Access Article
Rosario, 2020

Ayon kila (Momanyi, Too, & Simiyu, 2015) mayroong makabuluhang epekto ang edad sa pagganap
sa akademiko. Ang pinakabata sa mga mag-aaral ang nakukuha ng pinakamataas na iskor kumpara sa
mga mas nakakatandang mag-aaral. Subalit kontra naman dito ang pagaaral ni (Rumberger, 1995) na
nagsasaad na ang paguulit ng baitang o huling pagpasok sa paaralan ay hindi nagkakaroon ng negatibong
epekto sa pagganap sa akademiko. Inilahad niya na mas nangunguna ang mga nakakatanda kaysa sa mga
mag-aaral na mas bata. Idinagdag pa niya na mas matataas ang grado sa hayskul ng mga umulit ng baitang
lalo na sa mga mas matandang mag-aaral. Ayon kay (Awan, 2017) babae ang mas nakakaangat sa
pagganap sa lahat ng apat na kasanayan sa wikang Ingles. Subalit ang kasarian ang isa lamang sa
maraming kadahilanan na nakakaapekto ng pagkamit sa iba’t ibang panitikan. Mahalaga rin na isaalang-
alang ang background ng pamilya ng mag-aaral sa tabi ng kasarian sa pag-gabay ng mga mag-aaral na
mahina sa pag-aaral.
Ayon kay (Pagkaliwangan, 2014) karamihan ng mga mag-aaral ay tumitigil sa pag-aaral dahil sa
suliraning pampinansyal, marami din na nakakapag-aral na ngunit paminsan-minsan ay nakararanas parin
ng kakulangan. Subalit may mga pamilya parin naman na kahit lugmok na sa kahirapan ay nagagawan
parin ng paraan na pagaralin ang kanilang mga anak. Isinaad din ni (Pagkaliwangan, 2014), na
nakakatulong naman ng malaki ang pagkakaroon ng Scholarship ang mga mag-aaral upang hindi na nila
problemahin ang perang pang matricula o kaya naman ay mabawasan ng bahagdan ang kanilang
babayaran na matrikula sa paaralan.Sa social media , ayon kina (O’Keeffe & Clarke Pearson, 2011) sobra
pa sa kalahati ng mga kabataan ang gumagamit ng social media at sa isang araw ay higit pa sa isang
beses ang paggamit nila nito. Dito na rin kadalasan nakakasalumuha ng mga mag-aaral ang kanilang mga
kaibigan na nagiging dahilan ng pagdalas ng kanilang paggamit. Sa social media na halos natutuon ang
oras ng mga mag-aaral kaysa sap ag-aaral. Subalit bago pa man nagkaroon ng social media ay mayroon
ng iba’t ibang bisyo ang mga mag-aaral.
Ayon sa pag-aaral nina (Shield & Dockrell, 2003) ang pangunahing pinagmumulan ng ingay sa loob
ng silid-aralan ay ang ingay na nanggagaling sa labas na pumapasok at umiikot sa loob ng silid-aralan.
May iba’t ibang klase ng pinagmumulan ng ingay panlabas ngunit ayon sa kanilang pag-aaral ang ingay
ay nanggagaling sa sasakyan ang nangingibabaw. Ayon sa pag-aaral ni (Edza, 2016) pagdating sa
asignaturang Filipino ay hindi kumpleto ang mga estudyanteng pumapasok dahil sa kawalan ng interes sa
mga aralin. Ayon sa kanyang pag-aaral, ang metodolohiyang ginagamit ng bawat guro ay dapat malikhain
sapagkat dito nakasalalay ang interes ng mga mag-aaral upang pag-ibayuhin ang pag-aral at magkaroon
ng makabuluhang pagkatuto. Napag-alaman sa pag-aaral ni (Galarpe, 2015) na kadalasan may
mababang kumpiyansa sa sarili ay ang mga kabataan. Isinaad niya na maraming mga bagay na
nakakaapekto at mga kadahilanan kung bakit mababa ang kumpiyansa sa sarili ng bawat estudyante
maaaring dahil sa pagbabago ng kanilang katawan dahil dumadaan ang mga ito sa proseso na tinatawag
nating puberty at isa pang dahilan ay ang mga bagay-bagay na nagpapa-alala ng kanilang mga kabiguan
dahilan para mawalan sila ng pokus sa pag-aaral.
Ayon sa pag-aaral ni (Harlen, 2004) kapag ginamit ng mga guro ang lagumang pagsusulit para sa
panlabas na layunin katulad ng pag-papataas ng pagganap ng paaralan o kaya naman sa mga
sertipikasyon, ay nakakatulong sa mga mag-aaral upang malaganap sa kanilang isipan na nasa isang
magandang paaralan sila at alam nilng inaasahan sila upang itaguyod pang lalo ang paaralan. Ang epekto
ng panlabas na layunin ay nakadepende sa paggamit ng guro sa mga resulta, kung gagamitin ba ng guro
upang paigihin pa ang pag-aaral ng mga mag-aaral o pataasin pa ng higit ang kanilang mga grado.

Kapag ginamit naman ng mga guro ang lagumang pagsusulit sa panloob na layunin tulad ng pag-
grado o pag-uulat sa mga mag-aaral at kanilang magulang ay nagaganyak ang mga mag-aaral upang
pag-igihan pa ang pag-aaral. Subalit ang paggamit ng iskor sa gantimpala at parusa sa mga mag-aaral
Vol: 1 Isyu: 1 Taon: 2020
3
Dyornal ng Edukasyon at Araling Panlipunan
Publisher: College of Education, Lingayen Campus
Pangasinan State University, Pilipinas
Open Access Article
Rosario, 2020

ay maaaring makapagpababa ng pagganyak na mag-aral at makakasama sa pag-aaral mismo. Ang mga


nabanggit na literatura at pag-aaral ay mga lagakan ng mga sangguniang nagbibigay-halaga sa pag-
aaral na ito. Nabanggit sa mga kaugnay na literatura at mga kaugnay na pag-aaral ang kahalagahan ng
damdamin at saloobin sa pagtuturo ng mga asignatura upang mas lalong mas mapaunlad ang pagkatuto
ng mga mag-aaral. Ang ideya ng mananaliksik na saliksikin ang Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkatuto
ng mga Mag-aaral sa Asignaturang Filipino ay maaaring isang paraan upang matulungan ang mga mag-
aaral sa ikapitong baitang.

LAYUNIN NG PAG-AARAL
Ang pag-aaral na ito ay nagnanais na matugunan ang mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkatuto
ng mga mag-aaral sa Asignaturang Filipino sa ikapitong baitang. Kung saan ang pag-aaral na ito ay
naglalayong malaman ang: una, ang demograpikong pagkakakilanlan ng mga mag-aaral batay sa edad;
kasarian; buwanang kita ng magulang; at wikang ginagamit sa tahanan. Pangalawa, ay ang antas ng
pagkatuto ng mga mag-aaral sa Asignaturang Filipino batay sa iskor sa lagumang pagsusulit (50 aytems);
grado sa Filipino. Pangatlo, mga salik salik na nakakaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa
asignaturang Filipino batay sa Personal na Kaligiran; at Sosyal na Kaligiran. Pang-apat, kumg mayroon
bang makabuluhang kaugnayan ng profayl ng mga mag-aaral sa antas ng pagkatuto sa asignaturang
Filipino; at panglima ay kung may mayroon bang makabuluhang kaugnayan ng profayl ng mga mag-aaral
sa mga salik na nakakaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
Batay sa suliraning nailahad, ipinakita ang propayl at salik na nakakaapekto sa pagkatuto ng mga
mag-aaral sa asignaturang Filipino. Mula doon, narito ang sinubukang haypotesis. Walang makabuluhang
kaugnayan ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa kanilang profayl. Walang makabuluhang
kaugnayan ang mga salik na nakakaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino sa
kanilang profayl.
DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK
Ang isinagawang pananaliksik ay ginamitan ng deskriptibong sarbey ng pananaliksik. Ang
mananaliksik ay gumamit ng talatanungan bilang pangunahing instrumento sa pagkalap ng mga datos na
ginamit sa pag-aaral. Ang talatanungan ay nahahati sa dalawang pangkat: ang demograpiya ng mga mag-
aaral at ang sarbey ukol sa paksang pinag-aaralan. Ang sarbey ay nagbigay ng iba’t ibang persepsyon
sa mga mag-aaral kung ano ang mga salik na makakaapekto sa kanilang pagkatuto sa asignaturang Filipino.
Ang mga naging respondente sa pagsusuring ito ay ang mga mag-aaral na nasa ikapitong baitang ng
District V-B ng Sangay ng Paaralang Panlunsod ng San Carlos, Taong-Panuruan 2019-2020. Ang kabuuang
bilang ng mga mag-aaral sa ikapitong baitang ay nahati sa labindalawang paaralan. Tinangkang ilarawan
at suriin sa pag-aaral na ito ang mga “Salik na nakakaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa
Asignaturang Filipino”.

Vol: 1 Isyu: 1 Taon: 2020


4
Dyornal ng Edukasyon at Araling Panlipunan
Publisher: College of Education, Lingayen Campus
Pangasinan State University, Pilipinas
Open Access Article
Rosario, 2020

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS


Profayl ng mga Mag-aaral
Profile Categories Frequency Percentage
Edad 11 – 12 taong gulang 247 78.16
13 – 14 taong gulang
69 21.8
Kasarian Babae 174 55.06
Lalaki 142 44.94

Buwanang kita ng Mababa sa 10,000 121 38.29


Magulang 10,000 – 20,000
20,000 – 30,000 115 36.39
Mahigit sa 30,000
52 16.46

28 8.86

Wikang ginagamit sa Pangasinan 189 59.81


tahanan Filipino 106 33.54
Ilokano 16 5.06
Ingles 5 1.58

Ang natuklasan sa pag-aaral batay sa kanilang profayl, lumabas na karamihan sa mga mag-aaral
na nasa ikapitong baitang ay nasa edad na 11-12 na may 274 (78.16%) kabuuang bilang at 69 (21.84%)
naman ay nasa edad labintatlo (13) at labing-apat (14). Sa kasarian, lumabas na 174 (55.06%) ang bilang
ng mga babae at 142 (44.94%) naman ang bilang ng mga lalaki.Sa buwanang kita ng magulang, lumabas
na 121 (38.29%) ang kumikita ng mababa sa 10,000, 115 (36.39%) ang kumikita ng 10,000-20,000, 52
(16.46% naman ay kumikita ng 20,000-30,000, at 28 (8.86%) naman ay kumikita ng mahigit sa 30,000.Ang
karaniwang ginagamit na wika sa tahanan ay Pangasinan na may 189 (59.81%), 106 (33.54%) naman ay
Filipino, sa Iloko naman ay 16 (5.06%), at 5 (1.58%) naman ay Ingles.

Antas ng Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa Asignaturang Filipino

Variable Categories Frequency Percentage Mean Description


Grado sa 80 pababa 67 21.20
Filipino (Final 81-85 105 33.23
Rating) T.P. 86-90 96 30.38 Mababa sa
2019-2020 91-95 40 12.66 84.84 Karaniwan
96 pataas 8 2.53

Iskor sa 41-50 18 5.70


Lagumang 31-40 38 12.03
Pagsusulit 21-30 136 43.04 27.70 Karaniwan
(Ikatlong 11-20 91 28.80
Markahan) 0-10 33 10.44

Vol: 1 Isyu: 1 Taon: 2020


5
Dyornal ng Edukasyon at Araling Panlipunan
Publisher: College of Education, Lingayen Campus
Pangasinan State University, Pilipinas
Open Access Article
Rosario, 2020

Ayon sa grado ng mga mag-aaral sa Filipino noong nakaraang taong panuruan lumalabas na
karamihan sa mga kalahok na nakakuha ng gradong 81-85 ay may kabuuang bilang na 105 (33.23%), 96
(30.38%) naman ay nakakuha ng gradong 86-90, 67 (21.20%) ang nakakuha naman ng gradong 80
pababa, 40 (12.66%) naman ang nakakuha ng gradong 91-95, at 8 (2.53%) naman ang nakakuha ng
gradong 96 pataas.
Ayon naman sa iskor ng mga mag-aaral sa lagumang pagsusulit na kinuha noong ikatlong markahan
na binubuo ng 50 aytem ay karamihan sa mga kalahok ay nakakuha ng iskor na 21-30 na may kabuuang
bilang na 136 (43.04%), 91 (28.80%) naman ay nakakuha ng iskor na 31-40, 38 (12.03%) ang nakakuha
ng iskor na 11-10, 33 (10.44%) naman ang nakakuha ng iskor na 40-50.

Salik na Nakakaapekto sa Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa Asignaturang Filipino


Salik kaugnay sa Personal HN BN KN N LN WM DE
na Kaligiran
1. Iba ang dayalek na 8 10 87 148 63 3.78 N
ginagamit sa bahay/syudad 2.53 3.16 27.53 46.84 19.94
(hal. Ilokano, Pangasinan)
2.Kawalan ng interes sa mga 5 19 95 130 67 3.74 N
aralin o sa pagbabasa ng 1.58 6.01 30.06 41.14 21.20
mga akdang pampanitikan.

3. Kakulangan ng kaalaman 9 21 98 107 81 3.73 N


sa bokabularyong Filipino. 2.85 6.65 31.01 33.86 25.63

4. Mahinang kakayahan ng 37 53 102 76 48 3.14 KN


mga mag-aaral sa pang- 11.71 16.77 32.28 24.05 15.19
unawa.
5. Kakulangan ng oras sa 10 34 92 121 59 3.59 N
pag-aaral. 3.16 10.76 29.11 38.29 18.67

6. May pisikal na 21 36 110 88 61 3.42 KN


karamdaman na 6.65 11.39 34.81 27.85 19.30
humahadlang sa pagkatuto.

7. Palaging lumiliban sa klase. 12 29 101 113 61 3.58 N


3.80 9.18 31.96 35.76 19.30

8. Walang kumpiyansa sa 11 38 94 101 72 3.59 N


sarili. 3.48 12.03 29.75 31.96 22.78
9. Hindi maipokus ang pag- 13 17 136 93 57 3.52 N
aaral dahil sa emosyonal na 4.11 5.38 43.04 29.43 22.78
problema (pamilya, pinansyal,
pag-ibig).
10. Hindi binibigyang halaga 23 32 122 86 53 3.36 KN
ang pag-aaral dulot ng 7.28 10.13 38.61 27.22 16.77
katamaran.
Average Mean 3.54 (Nakakaapekto)
Note: Boldface means highest frequency.
Legend: 1.00-1.50: Hindi Nakakaapekto (HN), 1.51-2.50: Bahagyang Nakakaapekto (BN), 2.51-3.50: Katamtamang
Nakakaapekto (KN), 3.51-4.50: Nakakaapekto (N), 4.51-5.00: Lubhang Nakakaapekto (LN)

Vol: 1 Isyu: 1 Taon: 2020


6
Dyornal ng Edukasyon at Araling Panlipunan
Publisher: College of Education, Lingayen Campus
Pangasinan State University, Pilipinas
Open Access Article
Rosario, 2020

Ayon sa personal na kaligiran ang pagkakaiba ng dayalek na ginagamit sa tahanan ay nakakuha


ng 148 (46.84%) nakakaapekto, hindi maipokus ang pag-aaral dahil sa emosyonal na problema” na nasa
katamtamang nakakaapekto na may kabuuang bilang na 136 (43.04%), kawalan ng interes sa mga aralin
o sa pagbabasa ng mga akdang pampanitikan ay nakakuha ng 130 (41.14%) nakakaapekto, nasa
katamtamang nakakaapekto naman ang “hindi binibigyang halaga ang pag-aaral dulot ng katamaran” na
may kabuuang bilang na 122 (38.61%). sumunod ay ang “kakulangan ng oras sa pag-aaral” ito ay may
kabuuang bilang na 121 (38.29%) Nasa pang-anim na puwesto naman ang “palaging lumiliban sa klase”
na may kabuuang bilang na 113 (35.76%) na nasa kategoryang nakakaapekto. Nasa pampitong puwesto
naman ang “may pisikal na karamdaman na humahadlang sa pagkatuto” na may kabuuang bilang na 110
(34.81%) na nasa kategoryang katamtamang nakakaapekto. Pangwalo ay ang “kakulangan ng kaalaman
sa bokabularyong Filipino” na may kabuuang 107 (33.86%). Sumunod naman ay ang “mahinang kakayahan
ng mga mag-aaral sa pang-unawa na may kabuuang bilang na 102 (32.28%). Panghuli naman ay ang
“Walang kumpiyansa sa sarili” na may kabuuang bilang na 101 (31.96%) na nasa kategoryang
nakakaapekto. Sa kabuuan ang salik kaugnay sa personal na kaligiran ay may average weighted mean
(AWM) na 3.54 na nagsasaad na ito ay nakakaapekto.

Salik na Nakakaapekto sa Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa Asignaturang Filipino


Salik kaugnay sa Sosyal na Kaligiran HN BN KN N LN WM DE
1. Pagpapanood ng mga bidyo at 7 22 93 125 69 3.72 N
powerpoint presentation sa pagtuturo ng 2.22 6.96 29.43 39.56 21.84
leksyon.
2. Ang guro ay hindi medyor sa Filipino. 37 48 107 81 43 3.14 KN
11.71 15.19 33.86 25.63 13.61

3. Paggamit ng gadyet sa oras ng klase na 12 30 91 110 73 3.64 N


nagdudulot ng pagkawala sa pokus ng 3.80 9.49 28.80 34.81 13.61
mag-aaral.
4. Kaaya-ayang relasyon ng guro at mag- 23 27 115 106 45 3.39 KN
aaral. 7.28 8.54 36.39 33.54 14.24
5. Hindi akmang oras o iskedyul na itinakda 35 44 102 97 38 3.19 KN
para sa asignatura. 11.08 13.92 32.28 30.70 12.03
6. Hindi makapagpokus sa pag-aaral dahil 14 33 126 95 48 3.41 KN
sa magulong kapaligiran (maingay, malapit 4.43 10.44 39.87 30.06 15.19
sa peryahan o sugalan)

7. Nahihirapan sa pakikinig bunsod ng 11 16 98 119 72 3.71 N


ingay ng mga kamag-aral. 3.48 5.06 31.01 37.66 22.78
8. Hindi sapat ang bilang ng mga aklat sa 13 17 134 95 57 3.53 N
bilang ng mga mag-aaral. 4.11 5.38 42.41 30.06 18.04
9. Natutuon ang oras ng pag-aaral sa 6 12 88 144 66 3.80 N
paggamit ng social networking site, 1.90 3.80 27.85 45.57 20.89
kaibigan at bisyo.
10. Kakulangan sa espasyo dahil sa 8 18 100 130 60 3.68 N
malaking populasyon ng mga mag-aaral. 2.53 5.70 31.65 41.14 18.99
Average Mean 3.52 (Nakakaapekto)
Note: Boldface means highest frequency.
Legend: 1.00-1.50: Hindi Nakakaapekto (HN), 1.51-2.50: Bahagyang Nakakaapekto (BN), 2.51-3.50: Katamtamang
Nakakaapekto (KN), 3.51-4.50: Nakakaapekto (N), 4.51-5.00: Lubhang Nakakaapekto (LN)

Vol: 1 Isyu: 1 Taon: 2020


7
Dyornal ng Edukasyon at Araling Panlipunan
Publisher: College of Education, Lingayen Campus
Pangasinan State University, Pilipinas
Open Access Article
Rosario, 2020

Ayon sa sosyal na kaligiran ang “natutuon ang oras ng pag-aaral sa paggamit ng social networking
site; sa kaibigan; sa bisyo” ay nakakuha ng kabuuang bilang na 144 (45.57%). Pangalawa dito ay ang
“hindi sapat ang bilang ng mga aklat sa bilang ng mga mag-aaral na may kabuuang bilang na 134
(42.41%) na nasa kategoryang katamtamang nakakaapekto. Pangatlo na sumunod na nakakaapekto ay
ang “kakulangan ng espasyo dahil sa malaking populasyon ng mga mag-aaral” na may kabuuang bilang
na 130 (41.14%) na nasa kategoryang nakakapaekto. Pang-apat, ay ang “hindi makapagpokus sa pag-
aaral dahil sa magulong kapaligiran (maingay, malapit sa peryahan o sugalan)” na may kabuuang bilang
na 126 (39.87%) na nasa kategoryang katamtaman. Panglima, ay ang “pagpapanood ng mga bidyo at
powerpoint presentation sa pagtuturo ng leksyon” na may kabuuang 125 (39.56%) na nasa kategoryang
nakakaapekto. Pang-anim, ay ang “nahihirapan sa pakikinig bunsod ng ingay ng mga kamag-aral na may
kabuuang bilang na 119 (37.66%) na nasa kategoryang nakakaapekto. Pampito, ay ang “kaaya-ayang
relasyon ng guro at mag-aaral” na may kabuuang bilang na 115 (36.39%) na nasa kategoryang
katamtamang nakakaapekto. Sumunod naman ay ang paggamit ng “gadyet sa oras ng klase na nagdudulot
ng pagkawala ng pokus ng mag-aaral” na may kabuuang bilang na 110 (34.81%). Nasa pangsiyam naman
na puwesto ang “ang guro ay hindi medyor sa Filipino” na may kabuuang bilang na 107 (33.86%). At ang
panghuli na nasa katamtamang nakakaapekto ay ang “hindi akmang oras o iskedyul na itinakda para sa
asignatura” na may kabuuang bilang na 102 (32.28%).
Inilahad sa talahanayan 4 na ang salik kaugnay sa Sosyal na Kaligiran ay may average weighted
mean (AWM) na 3.52, na nagsasaad na ito ay nakakaapekto. Sa kabuuan ang salik kaugnay sa sosyal na
kaligiran ay nakakaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino.
Makabuluhang Kaugnayan ng Profayl ng mga Mag-aaral sa Antas ng Pagkatuto

Profayl Grado sa Filipino Lagumang Pagsusulit

Edad a r – value -.057 .012


p - value .315 .835

Kasarian b r – value .075 .108


p – value .182 .054

Buwanang Kita ng r – value .025 .902


Magulang c p – value .504 .041

Unang wika d eta value .117 .123


p – value .679 .917

*. Correlation is significant at the 0.01 level (2-tailed).


Note: a. Pearson Correlation, b. Point Biserial, c. Spearman, d. eta

Gamit ang Pearson Correlation, Point Biserial, Spearman, at eta, natuklasan na ang edad base sa
grado sa Filipino ay ( r= -.057 na may significance level na .315) sa iskor naman sa lagumang pagsusulit ay
(r= .012 na may significane level na .835), kasarian base sa grado sa Filipino ay (r= .075 na may
significance level na .182) sa iskor naman sa lagumang pagsusulit ay (r= .108 na may significance level
.054), buwanang kita ng magulang base sa grado sa Filipino ay (r= .025 na may significance level na .504)
sa iskor naman sa lagumang pagsusulit ay (r=.902 na may significance level na.041), wikang ginagamit sa
tahanan base sa grado sa Filipino (r= 0.25 na may significance level na .902).

Vol: 1 Isyu: 1 Taon: 2020


8
Dyornal ng Edukasyon at Araling Panlipunan
Publisher: College of Education, Lingayen Campus
Pangasinan State University, Pilipinas
Open Access Article
Rosario, 2020

Makabuluhang Kaugnayan ng Profayl ng mga Mag-aaral sa mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkatuto

Profayl Personal na Kaligiran Sosyal na Kaligiran

Edad a r – value .141* .097


p - value .012 .085

Kasarian b r – value .000 .042


p – value .998 .457

Buwanang Kita ng r – value .046 .129


Magulang c p – value .483 .246

Unang wika d eta value .060 .425


p – value .441 .113

*. Correlation is significant at the 0.01 level (2-tailed).


Note: a. Pearson Correlation, b. Point Biserial, c. Spearman, d. eta

Gamit ang Pearson Correlation, Point Biserial, Spearman, at eta, natuklasan na ang edad base sa
personal na kaligiran ay (r = .141 na may significance level na .012), ang kasarian base sa personal na
kaligiran ay (r = .000 na may significance level na .998), ang buwanang kita ng magulang base sa personal
na kaligiran ay (r = .046 na may significance level na .483), at ang wikang ginagamit sa tahanan base sa
personal na kaligiran ay (eta value = .060 na may significance level na .441). Ang edad naman base sa
sosyal na kaligiran ay (r = .097 na may significance level na .085), ang kasarian base sa sosyal na kaligiran
ay (r = .042 na may significance leve na .457), ang buwanang kita ng magulang base sa sosyal na kaligiran
ay (r = .129 na may significance level na .246), at ang wikang ginagamit base sa sosyal na kaligiran ay
(eta value = .060 na may significance level na .113)
KONGKLUSYON
Batay sa mga resulta, pagsusuri, at mga natuklasan ng pag-aaral, ang mananaliksik ay nakabuo ng
mga sumusunod na kongklusyon: Karamihan sa mga mag-aaral sa ikapitong antas, ay nasa edad na labing-
isa at labindalawang taong gulang at ang karaniwang ginagamit na wika sa tahanan ay Pangasinan; Sa
salik kaugnay sa personal na kaligiran ay nakakaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa asignaturang
Filipino kapag iba ang dayalek na ginagamit sa tahanan samantalang ang walang kumpiyansa sa sarili
naman ang pinakahuli na nasa kategoryang katamtamang nakakaapekto; Sa salik kaugnay sa sosyal na
kaligiran ay nakakaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral ang natutuon ang oras ng pag-aaral sa mga
social networking site, kaibigan at bisyo, samanatalang ang hindi akmang oras o iskedyul na itinakda para
sa asignatura ang pinakahuli na nasa katamtamang nakakaapekto; Walang makabuluhang ugnayan ang
edad, kasarian, buwanang kita ng magulang at wikang ginagamit sa tahanan sa antas ng pagkatuto ng
mga mag-aaral; Mayroong makabuluhang ugnayan ang edad ng mga mag-aaral sa personal na salik na
nakakaapekto sa kanilang pagkatuto; sa salik kaugnay sa sosyal na kaligiran ay nakakaapekto sa
pagkatuto ng mga mag-aaral ang natutuon ang oras ng pag-aaral sa mga social networking site, kaibigan
at bisyo, samanatalang ang hindi akmang oras o iskedyul na itinakda para sa asignatura ang pinakahuli na
nasa katamtamang nakakaapekto; at, sa ginawang pag-aaral lumabas na ang mga salik na may kaugnay
sa personal na kaligiran at sosyal na kaligiran ay nakakaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa
asignaturang Filipino.

Vol: 1 Isyu: 1 Taon: 2020


9
Dyornal ng Edukasyon at Araling Panlipunan
Publisher: College of Education, Lingayen Campus
Pangasinan State University, Pilipinas
Open Access Article
Rosario, 2020

REKOMENDASYON
Batay sa kaliwanagan ng mga resulta at konklusyon sa pag aaral, ang mananaliksik ay bumuo ng
mga mungkahing solusyon para sa suliraning tukoy o natuklasan sa pananaliksik. Ang mga sumusunod ay ang
mga tagubilin: Kailangan mapaunlad ang kakayahan ng mga mag-aaral na umunawa ng wikang Filipino sa
pamamagitan ng pagtuturo sa kanila ng wikang Filipino; Sa mga guro, hikayatin ang mga mag-aaral sa
pamamagitan ng pagpapalakas ng kanilang loob at pagbibigay ng mga payo lalong-lalo na ang mga
mag-aaral na walang kumpiyansa sa kanilang sarili; Para sa mga mag-aaral, unang una sa lahat ay
magkaroon ng tiyaga at disiplina sa sarili. Isantabi ang mga ugaling hindi kailangan sa pag aaral katulad
ng katamaran, pagbibisyo atbp. Mahalagang malaman nila kung paano gamitin ang mga bagay bagay ng
maayos at hindi sobra upang hindi makaapekto sa pag -aaral. Ang tanging paraan upang tumaas ang
kakayahan sa pagkatuto ay tulungan ang sarili at mag aral ng Mabuti; Para sa mga magulang, maging
bukas sila sa anumang kondisyon ng kanilang mga anak at bigyan ng pang unawa, tiyaga, suporta at
pagtitiwala na malalagpasan nila ang kanilang mga kinakaharap na suliranin; Para sa mga guro,
magsagawa ng iba’t ibang paraan upang maitaas ang kompetensi ng kanilang mga mag aaral sa iba’t
ibang asignatura. Ito ay maari ring magbigay pansin sa kanila sa pagpapaunlad ng estilo ng kanilang pag
tuturo.
BIBLIOGRAPIYA
Abad, Ruedas (2006). Filipino Bilang Tanging Gamit sa Pagtuturo. National Book Store (first
published 1993)
Awan, D. A. (2017). Gender Differences and it's Impact on Student's Performance: A SocioLinguistic Analysis.
Global Journal of Management, Social Sciences and Humanities Vol. 3, 352-372.
Belieg (2004). Retrieved from https://www.slideshare.net/xhimaii24/fildox
Brown, Z. A., Hammond, O. W., & Onikama, D. L. (1997). Language Use at Home and School: A Synthesis of
Research for Pacific Educators. Research Series. Pacific Resources for Education and Learning.
Edza, A. B. (2016). Makabagong Teknik sa Pagtuturo ng Asignaturang Filipino. Retrieved from
https://aisahedza.blogspot.com
Galarpe, M. J. (2015). Kumpiyansa sa Sarili (Pananaliksik sa Filipino). Retrieved from
https://www.scribd.com
Harlen, W. (2004). A systematic review of the evidence of the impact on students, teachers and the
curriculum of the process of using assessment by teachers for summative purposes. London: Evidence
for Policy and Practice Information and Co-Ordinating Centre, Social Science Research Unit, Institute
of Education.: Wynne Harlen
Momanyi, J. M., Too, J., & Simiyu, C. (2015). Effects of Students' Age on Academic Motivation and
Academic Performance among High School Students in Kenya. Asian Journal of Education and e-
Learning (ISSN: 2321-2454), 337-342
O'Keeffe, G. S., & Clarke-Pearson, K. (2011). Clinical Report - The Impact of Social Media on Children,
Adolescents and Families. Pediatrics Official Journal of the American Academy of Pediatrics, 1-7.
Pagkaliwangan, A. (2014). Epekto ng Kakulangan Pampinansyal sa Performans ng mga Mag-aaral sa
Unang Taon na Kumukuha ng Kursong Bachelor of Science in Accountancy sa Cavite State University
- Main Campus
Rumberger, R. W. (1995). Dropping out of Middle School; A Multilevel Analysis of Students and Schools.
American Educational Research Journal, 583-625
Shield, B., & Dockrell, J. (2003). The Effects of Noise on Children at School: A Review. Building Acoustics, 97-106.
Ursos (2010). Facilitation Theory. Retrieved from https://www.academia.edu

Vol: 1 Isyu: 1 Taon: 2020


10

You might also like