You are on page 1of 37

Epekto ng Modernisasyon ng Wikang

Filipino sa Pag-aaral ng mga Senior


High School sa Unibersidad ng
Pangasinan. (2017)

Jonalyn Albay

Abstrak

Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng wika

noon at maging ngayon sa kasalukuyan. Nagiging

tulay ito tungo sa kapayapaan ng bansan Pilipinas.

Mas nagkaka-intindihan ang bawat mamamayan dahil

madali at malayang naipapahatid ng mga Pilipino ang

kanilang saloobin at kaisipan. Wikang Filipino rin ang

nagiging susi tungo sa pagkakaisa ng mga Pilipino na

siyang kadahilanan ng patuloy na pag-unlad ng


ekonomiya ng Pilipinas. Ang pananaliksik na ito ay

patungkol epekto ng modernisasyon ng wikang

Filipino sa pag-aaral ng mga Senior High School sa

Unibersidad ng Pangasinan. Ang mga mananaliksik

ay humantong sa paksang ito dahil aming napapansin

na maraming kabataan o estudyante sa panahon

ngayon na ginugugol ang karamihan ng kanilang oras

sa pagbababad sa mga social networking sites. At

napuna din ng mga mananaliksik na dahil sa social

networking sites na ito ay tila ba maraming bagong

salita ang lumilitaw na siyang maaring nagbubunsod

ng modernisasyon ng wikang Filipino. Natuklasan sa

pag-aaral na ito na malaki ang papel na

ginagampanan ng modernisasyon upang mapaunlad


at maipalaganapang wikang Filipino at sa tulong ng

iba’t ibang social media networking sites ay

napapayabong ang wikang Filipino. Malaking

bahagdan din ng mga respondente na bilang isang

Senior High Shool ayresponsible at maayos nilang

ginagamit ang wikang Filipino sa pag-aaral"

pakikisalamuha" at paglalabas ng saloobin o opinion

sa social media at maging sa realidad.


PAGGAMIT NG WIKANG
FILIPINO NG MGA MAG-
AARAL SA PAARALAN
Batangas Country Club (2018)

ALVIN METRILLO

Abstrak

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa paggamit ng

wikang Filipino ng mga mag-aaral sa paaralan.

Isinagawa ang pananaliksik upang matukoy kung

paano ginagamit at kung paano nahihikayat ng mga

mag-aaral sa gawaing pampaaralan ang mga kapwa

mag-aaral, magulang at opisyales ng barangay.

Nilayon din na mabatid ang mga salik na


nakahahadlang sa kalagayan ng paggamit ng wikang

Filipino. Nakaangkla ito sa palarawang disenyo at

random sampling. Talatanungan ang pangunahing

instrumentong ginamit sa pangangalap ng datos at

tiniyak na kompidensyal ang mga impormasyon at

mga naging kasagutan ng mga kalahok. Sa

isinagawang pagsusuri, ginamit ang payak na

istadistika upang mapagtibay at maging balido ang

datos na nakalap. Natuklasang paminsan-minsang

ginagamit ang wikang Filipino ng mga mag-aaral sa

paaralan sa iba-ibang paraan. Sa pamamagitan ng

paggamit ng naturang wika, hinihikayat ang

pakikilahok ng mga mag-aaral, magulang at lokal na

opisyales ng barangay. Ang mga salik na


nakahahadlang sa paggamit ng wikang Filipino ay

panghihikayat ng paaralan sa paggamit ng wikang

Ingles sa pakikipag-usap, pagsusulat sa wikang

Ingles ng mga ulat-pasalaysay (narrative reports),

dokumento at iba pa. Ang mga naging kalahok sa

pananaliksik ay 224 na mga mag-aaral sa SHS, 224

na magulang at 16 na opisyales ng barangay

Bayorbor. Naniniwala ang mga mananaliksik na

mahalaga ang pag-aaral na isinagawa sapagkat ang

paggamit ng wikang Filipino ay isang paraan upang

pahalagahan at mapayabong ang sariling atin.

Gayundin, ito ay magisisilbing pundasyon upang

malinang ang kultura ng komunikasyon sa loob at

labas ng paaralan. Magsisilbing batayan ang


mungkahing gawaing pangmag-aaral na binuo ng

mga mananaliksik.

Batay sa resulta ng pananaliksik, ang mga

mungkahing gawain ng mgamananaliksik ay ang

pasasagawa ng mga pampaaralang paligsahan sa

spokenword poetry , pagsulat ng sanaysay, paggawa

ng islogan, pagsasaling-wika,dagliang talumpati at

balagtasan. Gayundin ang pagsasalin ng mga kalatas

atpaskil ng paaralan sa wikang Filipino

2.Iminumungkahi rin na isagawa ang binuong

gawaing pangmag-aaral gaya ng


Symposium,spoken poetry, dagliang talumpati,

pagsasaling-wika at epektibongpagpapahayag upang

mas magamit sa mas madalas na pagkakataon

angwikang Filipino.
Pagsasa-Filipino ng modyul pang-
awtomasyong industriyal: tungo sa
modernisasyon ng wikang Filipino
(2005)
Amelita M. Madrid

Abstrak

Ang pag-aaral na isinagawa ay pinamagatang ang

Pagsasa-Filipino ng Modyul Pang-awtomasyong

Industriyal: Tungo sa Modernisasyon ng Wikang Filipino.

Ang modyul ay pinili sapagkat ito ay isa sa mga

kagamitang panturo gamit sa makabagong kursong

panteknolohiya (awtomasyon) na maraming kabataan

ang gustong mag-aral at matuto. Maganda ang kursong

ito sapagkat ito ang napapanahong kursong dala ng


modernong panahon na nakikipagsabayan sa kalakaran

ng globalisasyon. Ang modyul ay naglalaman ng mga

kasangkapang pang-awtomasyon, panserbisyo at

panrepair kasama ang mekanikal na proseso na

sumasaklaw sa antas ng mga awtomatikong kontrol. Ang

mga kaalamang nakapaloob dito ay nagsisilbing tulong

para sa mga estudyante at mga kabataang nagsasanay,

nagnanais na maging matagumpay na manggagawa sa

kinabukasan. Inihahanda ng kursong ito ang mga

estudyante at mga kabataan sa uri ng hanapbuhay na

maaari nilang pasukan pagdating ng araw. Ang mga

kabataang ito ang mga magiging manggagawa sa

pagawaan, opisina at pabrika na may mga makabagong


kagamitan, mga kabataang magmementina ng mga

makina, magiging programmer ng kompyuter, opereytor

at iba pang gawaing may kaugnayan sa mga gawaing

pang-awtomasyon. Sa mga bagay na ito, ang mga

estudyante at kabataan ang inihahanda ng mga

paaralan/pamantasan at mga sentro ng pagsasanay na

maging ekspert sa larangang tulad nito. Malaki at may

mahalagang kapakinabangang maidudulot ang mga

kasangkapang automated sapagkat ito ang mga

modernong kasangkapang nakapagpapabilis ng

produksyon at trabaho, gayun din ng kalidad ng

produkto. Ang mga kasangkapang ito ay may mataas na

antas ng produksyon kumpara sa ibang uri ng paggawa


na pinagagana ng mga kasanayang pantao. Ang pagtaas

ng produksyon ang dahilan kung bakit kailangan at dapat

pahalagahan ang pag-aaral ng kursong ito. Sa

kasalukuyang panahon, hindi dapat isa-santabi ang pag-

aaral ng kursong ito sapagkat ito ang bagay na pilit na

nakikisabay sa hamon ng panahon.


PAGGAMIT NG ANIMATION FILM BILANG
KAGAMITANG PANTUROSA PAGTUTURO NG
KUWENTONG-BAYAN AT ALAMAT SA BAITANG 7
SA CALAUAG, QUEZON (2020)
Joana Marie J. Alday

ABSTRAK

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang mabatid ang

paggamit nganimation filmbilang kagamitang panturo sa

pagtuturo ng kuwentong-bayan at alamat sa baitang 7.

Layunin nitong malaman ang demograpikong profayl ng

mga tagasagot, malaman ang epekto ngpaggamit

nganimation filmbilang kagamitang panturo sa

pagtalakay ng kuwentong-bayan atalamat, at malaman

ang lebel ng pagtanggap ng mga guro sa paggamit


nganimation film. Ito ay isang deskriptibong pag-aaral na

gumamit ng kwantatibong paraan ng pananaliksik na

ginamitanng talanungang tseklist at maikling pagsusulit

para sa 342 na mag-aaral mula mababa at mataasna

pangkat at 15 guro sa Filipino mula sa baitang 7 na

kalahok sa isinagawang pananaliksik.Gumamit ang

mananaliksik ngpurposive samplingsa pagpili dahil ang

mga tagasagot sagagawing pananaliksik ay mga guro at

mag-aaral lamang sa baitang 7 na walang

pinipilingkasarian at edad. Mula sa pagsusuring

isinagawa sa mga datos na nakalap sa pananaliksik na

ito,karamihan sa mga naging tagasagot ay babae; ang

mga mag-aaral ay karaniwang nasa edad 13-14; ang mga


guro ay karaniwang nasa edad 20-25 at serbisyong 1

hanggang 5 taon. Nabuo angkongklusyon na ang

nabuonganimation filmay nakatutulong ng malaki upang

mapanatili angkawilihan ng mga mag-aaral sa pagtalakay

ng kwentong-bayan at alamat tungo sa pagkaunawanito.

Batay sa kinalabasan ng pag-aaral iminungkahi ng

mananaliksik na magdebelop pa ng mgakagamitang

pampagtuturo na makalilinang sa pagkaunawa ng mga

mag-aaral tulad ng animation film.


Abstrak: Nakatuon ang
pag-aaral na ito sa
pagpapayabong na
magagamit na mga
pamamaraan sa
pagtuturo at pagkatuto sa
wikang Filipino sa
panahon ng pandemya.
Sa patuloy na pakikibaka
sa
distance learning,
maraming umusbong na
pagbabago, hindi lamang
sa paraang ng pagkatuto
ng
mga mag-aaral gayundin
sa paraan ng pagtuturo ng
mga guro. Dahil dito, ang
paggamit ng iba’t
ibang pamamaraan sa
pagtuturo ang susi sa
pagtamo ng mas mataas
na antas ng kaalaman at
masasabing may
malaking
kapakinabangan sa mga
tagpagbigay-kaalaman at
maging sa pag-aaral
ng mga mag-aaral.
Nilayon ng mananaliksik
na maging matagumpay
ang makabuluhang pag-
aaral
sa tulong ng mga
detalyadong datos batay
sa ibinigay na paksa: (1)
Ako bilang guro sa
asignaturang filipino, (2)
ang pagtuturo ng wika [at
gramatika], (3) ang
pagtuturo ng panitikan, at
(4) Ang pagtataya ng
pagkatuto sa asignaturang
filipino. Ang paglalakbay
ang naging daan upang
maisakatuparan ang pag-
aaral na ito, na inangkop
sa mahuhusay sa
pagbigay na mga
naangkop at
sinuring impoormasyon
nakuha sa pinag-aralan
ng mga mananaliksik.
Matapos maisagawa ang
pag-aaral, kinakitaan na
ang pagkakaroon ng
kalidad sa pagtuturo, ay
kung mapagyayaman ang
mga pamamaraan na
makatutulong sa lahat ng
aspekto; face-to-face
class o sa paraan
paggamit ng
teknolohiya --- ang
makabagong klasrum,
upang makamit ang
layunin bilang isang
epektibo at
mahusay na guro.
Abstrak: Nakatuon ang
pag-aaral na ito sa
pagpapayabong na
magagamit na mga
pamamaraan sa
pagtuturo at pagkatuto sa
wikang Filipino sa
panahon ng pandemya.
Sa patuloy na pakikibaka
sa
distance learning,
maraming umusbong na
pagbabago, hindi lamang
sa paraang ng pagkatuto
ng
mga mag-aaral gayundin
sa paraan ng pagtuturo ng
mga guro. Dahil dito, ang
paggamit ng iba’t
ibang pamamaraan sa
pagtuturo ang susi sa
pagtamo ng mas mataas
na antas ng kaalaman at
masasabing may
malaking
kapakinabangan sa mga
tagpagbigay-kaalaman at
maging sa pag-aaral
ng mga mag-aaral.
Nilayon ng mananaliksik
na maging matagumpay
ang makabuluhang pag-
aaral
sa tulong ng mga
detalyadong datos batay
sa ibinigay na paksa: (1)
Ako bilang guro sa
asignaturang filipino, (2)
ang pagtuturo ng wika [at
gramatika], (3) ang
pagtuturo ng panitikan, at
(4) Ang pagtataya ng
pagkatuto sa asignaturang
filipino. Ang paglalakbay
ang naging daan upang
maisakatuparan ang pag-
aaral na ito, na inangkop
sa mahuhusay sa
pagbigay na mga
naangkop at
sinuring impoormasyon
nakuha sa pinag-aralan
ng mga mananaliksik.
Matapos maisagawa ang
pag-aaral, kinakitaan na
ang pagkakaroon ng
kalidad sa pagtuturo, ay
kung mapagyayaman ang
mga pamamaraan na
makatutulong sa lahat ng
aspekto; face-to-face
class o sa paraan
paggamit ng
teknolohiya --- ang
makabagong klasrum,
upang makamit ang
layunin bilang isang
epektibo at
mahusay na guro.
Abstrak: Nakatuon ang
pag-aaral na ito sa
pagpapayabong na
magagamit na mga
pamamaraan sa
pagtuturo at pagkatuto sa
wikang Filipino sa
panahon ng pandemya.
Sa patuloy na pakikibaka
sa
distance learning,
maraming umusbong na
pagbabago, hindi lamang
sa paraang ng pagkatuto
ng
mga mag-aaral gayundin
sa paraan ng pagtuturo ng
mga guro. Dahil dito, ang
paggamit ng iba’t
ibang pamamaraan sa
pagtuturo ang susi sa
pagtamo ng mas mataas
na antas ng kaalaman at
masasabing may
malaking
kapakinabangan sa mga
tagpagbigay-kaalaman at
maging sa pag-aaral
ng mga mag-aaral.
Nilayon ng mananaliksik
na maging matagumpay
ang makabuluhang pag-
aaral
sa tulong ng mga
detalyadong datos batay
sa ibinigay na paksa: (1)
Ako bilang guro sa
asignaturang filipino, (2)
ang pagtuturo ng wika [at
gramatika], (3) ang
pagtuturo ng panitikan, at
(4) Ang pagtataya ng
pagkatuto sa asignaturang
filipino. Ang paglalakbay
ang naging daan upang
maisakatuparan ang pag-
aaral na ito, na inangkop
sa mahuhusay sa
pagbigay na mga
naangkop at
sinuring impoormasyon
nakuha sa pinag-aralan
ng mga mananaliksik.
Matapos maisagawa ang
pag-aaral, kinakitaan na
ang pagkakaroon ng
kalidad sa pagtuturo, ay
kung mapagyayaman ang
mga pamamaraan na
makatutulong sa lahat ng
aspekto; face-to-face
class o sa paraan
paggamit ng
teknolohiya --- ang
makabagong klasrum,
upang makamit ang
layunin bilang isang
epektibo at
mahusay na guro.
Sanggunian:

https://www.academia.edu/33470031/
Epekto_ng_modernisasyon_ng_wikang_filipino_sa_pag_
aaral_ng_mga_Senior_High_School_sa_Unibersidad_Ng_
Pangasinan
https://www.academia.edu/40167448/
PAGGAMIT_NG_WIKANG_FILIPINO_NG_MGA_MAG_AAR
ALSA_PAARALAN_Batangas_Country_Club
Pagsasa-Filipino ng modyul pang-awtomasyong
industriyal: tungo sa modernisasyon ng wikang Filipino -
https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/1356/
PAGGAMIT NG ANIMATION FILM BILANG
KAGAMITANGPANTUROSA PAGTUTURO NG
KUWENTONG-BAYAN AT ALAMATSA BAITANG 7 SA
CALAUAG, QUEZON
-https://www.coursehero.com/file/68634674/RESEARCH
-JOURNAL-ALDAYdocx/

You might also like