Professional Documents
Culture Documents
net/publication/356853584
CITATIONS READS
0 6,712
1 author:
Ronnel Lopez
La Consolacion University Philippines
1 PUBLICATION 0 CITATIONS
SEE PROFILE
Some of the authors of this publication are also working on these related projects:
Mga Kagamitang Maaaring Magamit sa Pagtuturo ng Asignaturang Filipino Ngayong Online Class View project
All content following this page was uploaded by Ronnel Lopez on 08 December 2021.
Abstrak: Ang pagtuturo ng asignaturang Filipino ay isang malaking hamon sa bawat kaguruan.
Ang kawalang interes ng mga mag-aaral na matutunan ang sariling wika ay lubhang
kalusugan na kinakaharap din ng sektor ng edukasyog kung paano maipagpapatuloy pa rin ang
pag-aaral kahit nasa gitna ng pandemya. Ang sulating ito ay tatalakay sa ilang pamamaraan na
Mga Susing Salita: online class, gamified application, asignaturang Filipino, at teknolohiya
Ang pagtuturo ng wikang Filipino sa kabataan noong bago ang pandemya ay lubhang
mapanubok para sa ilang mga guro. Ang kakulangan ng interes ng mga mag-aaral na matutunan
ang sariling wika ay kapansin-pansin sa karamihan ng mga kabataan ngayon. Dagdag pa rito ang
matinding impluwensya ng mga dayuhang kultura tulad ng anime ng Japan, Kpop ng Korea, at
mga pelikula ng mga Thai na mas nakaaagaw pansin sa mga kabataang Pinoy at mas nais nila itong
matutunan. Mas binibigyang pansin ang pagkatuto sa wikang Ingles upang makipagsabayan sa
umuunlad na panahon.
1
Paano nga ba mapananatili ang pagmamahal sa sariling wika kung hindi interesado ang
mga mag-aaral sa wikang sarili? Unti-unti nga bang nawawala ang pagmamahal sa sariling wika?
Ikinukunekta ng wika ang nakaraan sa kasalukuyan. Iniingatan din nito ang ating kultura at mga
tradisyon. Maaari raw mawala ang matatandang henerasyon subalit sa pamamagitan ng wika,
naipapabatid pa rin nila ang kanilang mga ideya, tagumpay, kabiguan, at maging ang kanilang mga
plano o adhikain (Barker, 1993). Ang wikang Filipino ay pamana ng ating mga ninuno na hindi
makadaragdag pa sa suliranin ng mga guro kung paano magiging kapana-panabik ang pagtuturo
ng sariling wika ay maibalik o tumimo sa puso ng bawat mag-aaral ang kahalagahan nito. Ang
sumisidhing kagustuhan ng mga guro sa Filipino na maturuang mahalin ng mga kabataan ang
Ang pagiging masaya sa serbisyo bilang guro at ang pagiging masaya sa klase ay
Anuman ang husay ng mga pamamaraan at kagamitan ng guro sa pagtuturo, huwag pa rin
nating kalilimutan ang malaking ambag ng mga magulang at ng tahanan sa lubos na pagkatuto ng
isang mahalagang estratehiya upang patuloy na mahikayat ang mga mag-aaral na makatugon sa
mga pangangailangan ng kanilang mga asignatura sa paaralan. Ang pakikilahok ng mga magulang
sa pag-aaral ng kanilang mga anak ay lubhang mahalaga (Cabigao, 2014). Makakamit ang inaasam
na layunin kung ang bawat guro sa paaralan, kaisa ng mga magulang sa tahanan ay magtutulungan.
2
2. Ang Pagtuturo ng Wika [at Gramatika]
Mas nagkaka-intindihan ang bawat mamamayan dahil madali at malayang naipapahatid ng mga
Pilipino ang kanilang saloobin at kaisipan (Albay, 2019). Hindi sapat na malaman lamang ng mga
bata kung paano makipag-usap na gamit ang ating sariling wika, nararapat lamang na tama ang
mga pangngalang kanilang gagamitin. Kung ito ba ay pangngalan ng tao, lugar, o hayop. Maging
ang tamang gamit ng mga panghalip ay dapat din nilang matutunan nang tama. Kung ang
pinapalitan ba ng panghalip ay para sa tao o hayop. Kung ang itinuturo ba ay nasa malayo o malapit
lamang. Kailangan matutunan ito ng mga kabataan upang magkaintindihan nang mabuti ang mga
Habang ang ayos ng ating paaralan ngayon ay online, maaaring samantalahin ang
paggamit ng mga gamified application sa pagtuturo upang maging mas epektibo ang mga ito. May
mga gamified application na maaaring magamit upang ang patuturo ng wika ay maging mas
naghihiraya. Nagagawa ng laro na maging kaenga-enganyo ang kapaligiran upang ang mga bata
pag-iisip ng mga bata at pinalalakas ang pagnanasang umalam at matuto.” (EYLF, 2009)
at gramatika:
1. Kahoot
2. Genially
3
3. Nearpod
Pinakita ng mga pag -aaral sa buong mundo na ang mga bata ay natututo at umuunlad
habang kasali sila sa makabuluhang larong batay sa mga karanasan (FKA Children’s Services).
Ang pagkahumaling ng mga mag-aaral sa mga laro sa online ay maaaring gamitin ng mga guro
upang ang pagtuturo ng wika ay maging mas epektibo. Kailangan nating mga guro na sumabay sa
Maraming mabubuting epekto ang pagbabasa. Sinasabi rito na ang pagbabasa ay isang
upang maging malikhain ang isang tao (Nixon,2014). Malaking hamon sa ating mga guro ang
mahikayat ang mga mag-aaral na magbasa ng mga akdang katulad ng mga alamat, pabula, tula,
nobela at ilang mga panitikan na tiyak na kapupulutan ng gintong aral. Kalaban natin sa atensiyon
internet ni hindi na nga sila halos makabasa ng libro dahil ang katwiran nila ay may internet na.
Nakaasa na sila sa mga website na sa tingin nila ay makakatulong sa kanila (de Valle, et. al., n.d).
Maraming paraan upang maging kapana-panabik ang pagtuturo ng panitikan sa mga mag-aaral
ngayong online. May ilang kagamitang maaaring magamit upang ang pagtuturo niyo ay makaakit
sa mga mag-aaral upang magbasa. Ang mga sumusunod ay maaaring gamitin sa pag-prepresent
ng akdang babasahin:
1. PowerPoint Presentation
2. Nearpod Presentation
3. Canva
4. YouTube
4
Ang panitikang Filipino ay bahagi ng ating kultura na dapat pagyamanin at isalin sa mga
susunod na henerasyon. Huwag nating hayaan na tuluyang mawala ang ilang panitikan na bahagi
na ng ating kasaysayan. Ang mga guro ay dapat maging handa sa mga pagbabagong biglaang
nagyayari. Kung ang guro ay hindi handa, maaaring hindi niya magampanan ang
responsibilidad ng isang guro. Ang guro ay dapat laging handa sa kanyang pagtuturo upang
makita ang ganap at epektibong relasyon ng pagtuturo at pagkatuto. Kung ang guro ay hindi handa,
Isa sa mahalagang katuwang ng guro sa pagtuturo ang isang mabisang kagamitang panturo na
teksbuk, hindi dapat nitong naisasantabi ang kredibilidad at kwalidad na taglay nito bilang isang
Malaking hamon sa panahon ng pandemyang ito ang pagtataya ng pagkatuto ng mga mag-
aaral. Sa isang modelo ng pagtataya ng pagkatuto na binuo ni Cabigao (2021) ngayong COVID-
pagtataya. Binanggit niya na upang maging epektibo sa pagtataya, mahalaga ang ugnayan ng (a)
pagsunod sa minimum [required] health standards, (b) alternative learning delivery modalities, at
(c) learning resources. Nakaaapekto rin sa mabisang pagtataya ang ugnayang DepEd Vision-
5
tatlong anyo ng pagtataya, ang Assessment For-As-Of Learning. Kung maayos ang ugnayan ng
mga naturang salik, nakatitiyak na ang mga mag-aaral, bilang sentro sa proseso ng pagtuturo at
Ang pagtataya ang susukat sa kaalaman ng mga mag-aaral hinggil sa tinalakay na paksa.
Nararapat lamang na ang pagtatayang gagawin ng guro ay tiyak na masusukat ang lebel ng
kaalaman ng mga mag-aaral ayon sa paksang tinalakay. Bilang guro sa pribadong paaralan ang
pagtataya na aming ginagawa ay nasa loob ng aming platform, Schoology, may mga nakahandang
5. Sanggunian
Albay, J. (2019) Epekto ng Modernisasyon ng Wikang Filipino sa Pag-aaral ng mga Senior High
School sa Universidad ng Pangasinan
https://www.academia.edu/33470031/Epekto_ng_modernisasyon_ng_wikang_filipino_sa
_pag_aaral_ng_mga_Senior_High_School_sa_Unibersidad_Ng_Pangasinan
Cabigao, J. R. (2021). Class Observation Post Conference Framework for Teachers. IJAMR
Volume 5. 256-258.
https://www.researchgate.net/publication/349692651_Class_Observation_Post_Conferen
ce_Framework_for_Teachers
Cabigao, J. R. (2021). School-Based Assessment Framework Version 2.0 (The New Normal).
International Journal of Multidisciplinary Research Review. Volume 5. 106-108.
https://www.researchgate.net/publication/349463546_School-
Based_Assessment_Framework_Version_20_The_New_Normal
de Valle et. al. (n.d) Bilang bahagi ng pananaliksik sa Filipino II Pagbasa at pagsulat tungo sa
pananaliksik
6
https://www.academia.edu/11621043/Pagbaba_ng_Bilang_ng_mga_estudyanteng_nagba
basa_ng_libro