You are on page 1of 15

Gawain 1 Panuto: Buuin ang mga pahayag upang makalikom ng kahulugan ng pagsulat mula

sa iba’t ibang sanggunian.

1. Ayon sa aklat ang pagsulat ay

Gawaing pisikalat mental dahilsapamamagitannitoay naipahahayag ng taoang

nais niyang ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa papel o

anumang kagamitang maaaring pagsulatan.

Sanggunian: Edwin Mabilin sa aklatna Transpormatibong Komunikasyon sa

Akademikong Filipino (2012)

2. Ayon sa internet ang pagsulat ay

Isang paraan ng pagpapahayag ng mag saloobin, damdamin at kaalaman ang

pagsulat katulad ng pagsasalita. Sa apat na makrong kasanayang pangwika

(pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat), ang pagsulat ang sinasabing

pinakamahirap matutuhan. Di tulad ng pagsasalita, hindi mga tunog kundi may

mga titik ang simbolong ginagamit ng manunulat upang makapagpahayag.

Bumubuo siya ng makahulugang salita mula sa mga titik, at ng mga pangungusap

at kabuuang diskors mula sa mga salita.

Sanggunian: https://study-everything.blogspot.com/2014/06/kahulugan-at-kahalagahan-

ng-pagsulat.html

3. Ayon sa guro ang pagsulat ay

Sanggunian:_______________________________

4. Ayon sa ibang mag-aaral ang pagsulat ay

Ang pagsulat ay pagpapahayag ng mga damdamin o kaisipan

Sanggunian: Jet Uy Emproso

5. Ayon sa aking sarili ang pagsulat ay

Ang pagsulat ay ang pagbibigay ideya, kaalaman or impormasyon sa

pamamagitan ng pagsulat o gamit ang mga titik

Sanggunian: Danya Mikyla Caraig

6. Ano ang kahalagahan ng pagsulat sa istrand na iyong kinabibilangan?

-Sa aking istrand na Science, Technology , Engineering at Mathematics kailangan

o mahalaga ang pagsusulat sapagkat sa aming istrand ay kinakailangan namin

ang pagsusulat sa kadahilanang eto ang aming paraan ng pakikipag

komunikasyon upang maresulbahan ang isang bagay, halimbawa na lamang ang

research at madami pang iba.


7. Bakit kailangang pag-aralan ang kasanayan sa akademikong pagsulat?

-Sa pagaaral ng akademikong pagsusulat ay nakakatulong upang tama at

mahusay na maipakita o mapahayag ang damdamin at ang mga nais iparating ng

isang tao.

8. Bakit mahalagang mabatid at maunawaan ng mga mag-aaral na tulad mo ang layunin

ng akademikong pagsulat?

-Mahalaga ito sapagkat ang akademikong pagsulat ay gabay natin sa lahat at sa

pang araw araw. Halmibawa na lamang ang mga bagay na kailangan gawin bago

ka makapag trabaho. Hindi lamang ito para malaman mo kung ano ang

akademikong pagsulat bagkus ay ang pagtuturo kung pano ito gawin na

magagamit natin sa araw araw at ang kasanayan sa pag gagawa nito na

makakatulong satin sa hinaharap.

9. Sa iyong palagay, bakit hindi mabuti ang plagiarismo o ang pangongopya ng ideya ng

iba lalo na sa pangangalap ng matibay na impormasyon sa pananaliksik?

-Dahil pinapakita mo lamang na hindi ka marunong sumulat at isa kang

magnanakaw ng kaalaman ng ibang tao.

10. Bakit mahalaga ang bibliograpiya sa wastong pangangalap ng impormasyon?

-Ang biblograpiya ay isang daan na makakapagpatunay na ang mga nalaganap na

impormasyon ay tama o imbento lamang at upang maiwasan natin ang maling

impormasyon of “fake news”.


PAMAGAT: Epekto ng teknolohiya sa tamang pag gamit ng wikang filipino ng mga mag-

aaral

MANANALIKSIK: Dimayacyac A.,et al

PAARALAN: Kolehiyo ng Sacred Heart

TAGAPAYO: Gng. Macalinao

PETSA: Septyembre 2020

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang alamin at masagot ang mga

katanungan na makakatulong sa mga mag aaral upang malaman ang epekto ng

teknolohiya sa tamang pag gamit ng wikang filipino ng mga mag-aaral.

Ang pananaliksik na ito ay ginawa upang alamin ang sagot sa mga katanungan

na 1. Ano ang demograpikong tala ng mga mag-aaral na gumagamit ng teknolohiya

batay sa kasarian, akademikong istrand at baitang? 2.Ano ang mga positibo at

negatibong naiaambag ng teknolohiya sa larangan ng wika? 3.Ano ang epekto ng

teknolohiya sa tamang paggamit ng wikang pilipino ng mga mag-aaral ng ikalabing

isa at ikalabing dalawa batay sa kasarian? 4.Sa katapusan ng pag-aaral, ano ang

kagamitang maaaring mabuo?

Ang pag-aaral na ito ay kwantitatibo. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng

serbey upang malaman ang epekto ng teknolohiya sa tamang pag gamit ng wikang

filipino sa mga mag-aaral sa Kolehiyo ng Sacred Heart.

Ayon sa resulta may pag kakaiba ang istatistikal na datos ng mga respondente

patungkol sa kanilang kaalaman sa positibong naiambag ng makabagong teknolohiya

sa larangan ng wika at istatistikal na datos ng mga respondente patungkol sa kanilang

kaalaman sa nrgatibong naiambag ng makabagong teknolohiya sa larangan ng wika.

Batay sa resulta mas nabibigyang epekto ng mga mag-aaral ang positibong naimbag

ng makabagong teknolohiya sa larangan ng wika mula sa serbey. Sa pamamagitan ng

pananaliksik na ito naunawaan at nagpag-aralan ang antas ng kaalaman ng mga mag-

aaral ng Kolehiyo ng Sacred Heart.

Sanggunian: Tesis ng mag-aaral taon 2020


EPEKTO NG MODERNISASYON SA EBOLUSYON NG WIKA NG MGA PILIPINO

Tesis

Na Iniharap sa Kaguruan ng Senior High School

Kolehiyo ng Sacred Heart

Lungsod ng Lucena

Bilang Bahagi

Ng mga Pangangailangan sa Pagtamo

ng Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto

Tungo sa Pananaliksik

Arcilla, John Benedick D.

Caraig, Danya Mikyla E.

De Luna, Migs Ryan P.

Empleo, Zennia Frachette P.

Erezo, Calvin A.

Jocson, Ghenelle S.

Tañala, Ma. Luisa R.

Disyembre 2022

KAUGNAY NA PAG AARAL

Kapansin-pansin ang mabilis na pag-unlad at pagbabago ng ating panahon. Kaugnay nito

ang pagbabago sa wika ng mga Pilipino, halimbawa nito dito ang paggamit ng mga makabagong

salita.

Ayon sa pag-aaral na isinagawa nina Añonuevo, X. R., at Nocum, V. na Komunikasyon

sa Makabagong Teknolohiya (2015). Ang wikang Filipino sa makabagong panahon ay patuloy

na umuunlad at nagbabago. Gumagamit na din tayo ng ibat-ibang paraan upang mas mapaikli
ang pagbigkas o paggamit ng ating wika, ilang halimbawa ng pagpapalawak ng bokabularyo at

ang paggamit ng akronim o ang paggamit ng mga letra na nagrerepresenta sa isang salita o

tumatayo bilang kapalit ng salita. Hinggil sa paggamit natin ng teknolohiya sa ating pang araw-

araw na komunikasyon at pakikipag-halubilo sa kapwa tao. Malaki ang nagiging epekto ng

teknolohiya sa ating wika at komunikasyon. Karamihan ay mga salitang gawa ng tao na naging

normal na sa wika ng Filipino at ito ay naging batayan ng bawat indibidwal o grupo sa isang

komunidad. Dagdag pa nito, sa ating panahon ngayon, marami na ang taong gumagamit ng iba't

ibang uri ng teknolohiya, gadgets, mobile cell phones, telepono, komputer at iba pa. Ito rin ang

naging daan sa ating panahon upang mapadali ang mga uri ng komunikasyon sa isa't isa. Sa pag-

susulat ng isang aklat, mensahe, talata, liham, at iba pang mga sulatin ay inaasa narin natin sa

teknolohiya. Nang dahil sa teknolohiya ang mga Pilipino ay nakabubuo ng mga salita na

naidadagdag natin sa ating pang araw-araw na buhay.

Ayon din sa pag-aaral na isinagawa ni Vegafria (2020), ang sanhi ng pag-usbong ng mga

wikang dulot ng modernisasyon ay ang makabagong panahon kung saan talamak ang paggamit

ng mga makabagong teknolohiya. Isa rin sa tinitignan dahilan ng mga Pilipino na ang paggamit

ng mga teknolohiya sa pag-aaral gaya na lamang ng “cellphone” ay dahilan ng pagbabago ng

wikang Filipino. Nag-udyok rin ito upang paliitin ang mga salitang ginagamit na pang teks o

panulat. Sa sobrang liit na ginagamit na panulat o iteks dito nag-uumpisa ang modernisasyon ng

wikang Filipino. Dahil sa pag usbong ng modernisasyon at paglaganap ng mga makabagong

teknolohiya sa panahon ngayon, laganap na din ang mga makabagong wika na madalas gamitin

ng mga Pilipino, partikular ang mga kabataan. Ilan na dito ay ang conyo, balbal, jejemenon, gay

lingo, at marami pang iba.

Ayon kay Noval (2021), ang paglaganap ng mga salitang balbal sa modernong panahon

ay dulot na rin ng mga sitwasyong pangwikang dinaranas ng tagapagsalita kasangkot ang

malikhaing pagpapahayag ng mga kaisipan at mga ideya tungkol sa isang tiyak na paksa.

Ang malikhaing pagpapahayag na ito ay sinangkapan ng malikhaing paghahabi ng mga salita sa,

makabuluhang pamamaraan sa pagbuo ng mga salitang balbal sa iba’t ibang henerasyon. Sa

kasalukuyang panahon, maraming wika ang nagsulputan sang-ayon sa kung paano ito ginagamit

ng lipunan. Maraming uri ng wika ang nabuo gaya ng bekimon, conyo, gay lingo at iba pa.

Ang mga wikang ito ay ang mga wikang gamit ng mga mag-aaral na kung hindi masasabayan ay

magiging malaking hadlang sa larangan ng komunikasyon hindi lamang sa tahanan pati na rin

sa paaralan. Kaya, nararapat lamang na maiangkop at magkaroon ng sapat na kaalaman sa mga

wikang ito nang sa gayon maiiwasan ang kung ano mang hindi pagkakaunawaan. Ang pag-
unawa at pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa mga balbal na pananalita ay magtutulay sa

agwat ng wikang gamit ng noon at ng wikang gamit ng mga kabataan na itinatampok ng kanilang

henerasyon.

Ayon kay Francisco, dahil sa mabilis na pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng

makabagong teknolohiya. Kahit saang social media sites ay hindi mo talaga maiiwasan na may

gumagamit ng mga salitang makabago gaya ng jejemon. Kung hindi naman jejemon, Ingles ang

kanilang gamit sa post. Makakatulong ang makabagong teknolohiya at media sa ating wika kung

ang mga ito’y gagamitin natin upang mas mapalaganap ang Wikang Filipino.

Isa sa mga sangkap at sakop na konsepto ng modernisasyon ay ang talamak at malawakang

paggamit ng social media na popular lalo na at higit sa mga kabataan.

Ayon sa pananaliksik na isinagawa ni Magtibay taong (2015), mayroong negatibong

epekto ang paggamit ng social media sa kalinangan ng wika lalo na sa mga mag-aaral. Dulot ng

paggamit ng social media , nagagamit ang salitang Taglish o ang pinaghalong Tagalog at Ingles

sa pagkukumunika. Malaking porsyento ng mga mag-aaral ang nagpapalit ng baybay sa turwing

gumagamit ng nasabing teknolohiya, alinsunod rito mayroon lamang na maliit na porsyento ng

mga mag-aaral ang naisulat ang tamang baybay ng mga salita sa panahon ng pag-aaral.

TALASANGGUNIAN

airamarieee. (2019). Wika at Kultura sa ating Makabagong Panahon. WordPress.

https://airamarieee.home.blog/2019/08/28/wika-at-kultura-sa-ating-makabagong-panaho/

Añonuevo, X. R., & Nocum, V. (2015, August 20). Wikang Filipino: Komunikasyon sa

Makabagong Teknolohiya. LPU-Laguna | Filipino 3 - Retorika | BSIT 3-2. http://filipino3bsit3-

2.blogspot.com/2015/08/wikang-filipino-komunikasyon-sa_20.html

Cariño, J. V. (2014). Arkitektura at Globalisasyon sa Pilipinas: Isang Pagbabaka- sakali Tungo

sa Isang Kritikal na Teoryang Kultural / Architecture and Globalization in the Philippines: An

Attempt at a Critical Cultural Theory.

https://www.academia.edu/7897657/Arkitektura_at_Globalisasyon_sa_Pilipinas_Pagbabakasakal

i_Tungo_sa_Isang_Kritikal_na_Teoryang_Kultural

etnas123. (n.d.). Ang Epekto ng Modernisasyon sa Kultura at Wiking Filipino. WordPress.com.

https://decastrobastonero.wordpress.com/2016/09/21/ang-epekto-ng-modernisasyon-sa-k ultura-

at-wiking-filipino/

Francisco, R. (n.d.). Wikang Filipino Gamit ang Makabagong Teknolohiya. Academia.

https://www.academia.edu/40644240/Wikang_Filipino_Gamit_ang_Makabagong_Teknolohiya
Gime, A., & Macascas, C. (2020). WikaGenZ: Bagong anyo ng Filipino slang sa Pilipinas.

International Journal of Research Studies in Education. 9. 10.5861/ijrse.2020.5823.

Hannael, V., Lacuente, V., Lumbres, Y., & Gallardo, Z. (2016, November). Epekto ng

Teknolohiya sa Wika. Usaping-Filipino sa pananaw ng ilang kabataan.

https://usapingfilipino.wordpress.com/2016/11/13/epekto-ng-teknolohiya-sa-wika/

Introduksiyon sa Atlas ng mga Wika ng Filipinas. (n.d.). Komisyon sa Wikang Filipino.

https://kwf.gov.ph/introduksiyon/

KAHULUGAN NG EBOLUSYON (ANO ITO, KONSEPTO AT KAHULUGAN) - AGHAM

AT KALUSUGAN. (2021). Agham at Kalusugan. https://tl.encyclopedia-

titanica.com/significado-de-evoluci-n

Lumbera, B. (2007, August 09). Ang Wika ay kasangkapan ng maykapangyarihan:Ang Wika

Bilang Instrumentong Politikal. kultura.blogspot.com. http://avhrc-

kultura.blogspot.com/2007/08/ang-wika-ay-kasangkapan-ng.html

Magtibay, C. L. D. (2015, March). Ang Epekto ng Social Media sa Wikang Filipino ng mga

Mag-aaral ng PNTC sa Unang Antas. Scribd. https://www.scribd.com/doc/284753606/Ang-

Epekto-Ng-Social-Media-Sa-Wikang-Filipino-Sa-Mga-Mag-Aaral-Ng-PNTC-Sa-Unang-Antas

You might also like