You are on page 1of 152

Komunikasyon at Pananaliksik

sa Wika at Kulturang Filipino


I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Tukuyin
ang mga sumusunod na sitwasyon ng wika.Piliin ang tamang letra ng
inyong sagot.Gawin ito sa isang buong papel.
_____1. Isang mahalagang kasangkapan na ginagamit upang
maiparating ang mga nasa saloob na ideya at damdamin ng
isang tao.
A. salita B. ugali C. Wika D. prinsipyo
_____2. May pinakamalaking parte sa pagbabago ng iba’t
ibang bagay katulad ng wika dahil sila ay nabibilang sa
henerasyon na may malawak na kapasidad sa pagtuklas.
A. sangkatauhan C. mamamayan
B. kabataan D. dalubhasa
_____3. Ang pinakauso sa panahon ngayon
pinakamababang antas ng wika nakaraniwang
ginagamit ng mga kabataan.
A. hugot C. balbal
B. pick up lines B. makabago
_____4.. Ito ay isang aplikasyon na kung saan maaari
kang magpahayag ng iyong nararamdaman,
katanungan at nais mong malaman at ipost.
A. Facebook C. Instagram
B. Messenger D. Blogs
_____5. Ito ay parang pagtetext lamang ang tanging kaibahan
lamang ito ay konektado sa internet at Facebook. Maaari
mong padalhan ng mensahe ang sinumang nais mo kung siya
ay mayroong Facebook account.
A. Facebook C. Instagram
B. Messenger D. Blogs _____
6. Isang sistema na nilikha para komunikasyon ng mga tao.
Nagbibigay daan ito sa paglikha ng at pakikipagpalitan ng
kaisipan at kaalaman sa bawat mamamayan.
A. Facebook C. Vlogs
B. Messenger D. Social Media
_____7. Ang itinuturing na pinakamakapangyarihang
media sa kasalukuyan dahil sa dami ng mga
mamamayang naabot nito
A. Facebook C. Messenger
B. Telebisyon D. Instagram
_____8. Ang tawag sa mga taong gumagamit ng mga
makabagong teknolohiya at karaniwang may code
switching sa paggamit ng wika.
A. Kabataan C. Netizens
B. Makabago D. Moderno
_____9. Isa sa mga nagsisilbing daluyan ng wika at madalas
gumagamit ng wikang Filipino (lingua franca), wikang Ingles o
Taglish, upang mailahad ang mga balitang nakapaloob dito sa
iba’t-ibang tao sa iba’t-ibang sulok ng bansang Pilipinas.
A. Pahayagan C. Aklat
B. Magasin D.Tabloid
_____10. Mas binibili ng masa o karaniwang tao sapagkat mas
naiintindihan nila ang wikang ginagamit dito.
A. Pahayagan C. Aklat
B. Magasin D.Tabloid
Mga Sitwasyong Pangwika at
Kakayahang Pangkomunikatibo
Aralin 1
Isulat Mo

Panuto: Gamitin mo ngayon ang iyong kaalaman sa


modernong teknolohiya.Bumuo ka ng isang makabuluhang
Facebook post na tatangkilik sa iba Aralin 1 Mga Sitwasyong
Pangwika at Kakayahang Pangkomunikatibo 3 lalo na sa mga
kapwa mo kabataan upang gamitin , ipagmalaki , at mahalin
ang ating Wikang Pambansa.Maaari mo itong lagyan ng
naaangkop o kaugnay na larawan upang higit na makakuha
sa atensyon ng iyong Facebook friends. Isulat ito sa isang
buong papel.
Ang pinakadiwa ng wika ay panlipunan.
Marami ang mga gamit o tungkulin ang wika sa
lipunan. Ang wika din ay isang sistema ng
pakikipag-ugnayan na nagbubuklod sa mga tao.
Hindi matatawaran ang mahalagang gamit nito sa
lipunan. Ang isang tao na gumagamit ng Wikang
Filipino ibig sabihin isa siyang Pilipino pero bakit
ang ibang Pilipino ay ikinakahiya ang sariling
wika?
Ito ba ang sinasabing mahalaga at mahal raw ng
mga mamamayan ang sariling wika ngunit kahit
gamitin man lamang ito ay di magawa dahil sa mga
masasamang ideya, at kuro-kuro na nabuo sa isipan ng
ibang tao o mga banyaga tungkol sa Pilipino na dahilan
na ikahiya ang sariling wika. Kung mahalaga talaga sa
mga Pilipino ang Wikang Pambansa ay gagamitin ito
kahit kailan at saanman magpunta. Malinaw na ang
wika ay isang mahalagang kasangkapan na ginagamit
upang maiparating ang mga nasa saloob na ideya at
damdamin ng isang tao.
Hindi lamang ito isang paraan ng
pakikipag-usap sa kapwa kundi ginagamit din
ito upang makipagkaibigan,
makipagtalakayan at maibahagi ang iba’t
ibang opinyon at kaisipan. Sa buong
kasaysayan, maraming mga bagay, sitwasyon
at pangyayari natumutukoy sa kahalagahan
ng wika sa mga tao, sa kapaligiran at higit
lalo na sa bansa.
Kasimbilis ng mga pagbabago sa buhay
ang bilis ng pagbabago sa wika. Walang tigil
ang pagbabago sa wika dahil walang tigil ang
pagbabago ng kinalalagyan at kinikilusan ng
taong gumagamit nito. Dahil may talino at
galing na humanap ng paraan ang tao,
naibabagay niya ang kanyang wika sa
pagbabago sa kanyang kapaligiran at
pangangailangan.
Ang mabilis na pagsulong at pag-unlad ng
science at teknolohiya ay sagot sa
pangangailangan na gumaan ang buhay ng tao.
Kaagad itong nasasalamin sa wika. Isipin na lang
ang pagsulong ng teknolohiya sa isang aspekto ng
buhay, ang paglalakbay. Maraming bagong salita
ang maililista tungkol dito tulad ng bisikleta,
awto, jet, magjet, flayt, istuwardes, erport,
pambot, jip, motor, pasport, visa, at marami pang
iba.
Sa sitwasyon na kinasasadlakan ng mundo
ngayon, makikita ang sarisaring pagbabago at pag-
unlad ng iba’t ibang bagay mula sa pananamit,
pagkain, mga pelikula hanggang sa wika at mga
salitang ginagamit sa araw-araw. Ilan sa mga sanhi
nito ay ang mabilis na pagbabago lalong lalo na sa
teknolohiya, ang pakikisabay sa uso ng karamihan
at ang pag-abuso sa karapatang kalayaan sa
pagpapahayag.
Dahil sa impluwensya ng social media, hindi
na bago sa tenga ang mga salitang Selfie, Hashtag
at Emoji dahil ang mga ito ang karaniwang
ginagamit ng mga Pilipino sa panahon ngayon.
Dahil maraming Pilipino ang nakagagamit ng
internet, nagkaroon ng malawakang kalayaan sa
pagpapahayag ng damdamin at kaisipan, kasabay
nito ay umusbong na rin ang mga salitang bago sa
ilan at tanging naiintindihan lamang ng mga
aktibo sa social media.
Ang mga kabataan ng modernong
panahon ay saksi sa mga pangyayari kung
saan unti-unting naibaon ang wika na
ginagamit noong nakalipas na mga dekada.
Ang mga kabataan ang may pinakamalaking
parte sa pagbabago ng iba’t ibang bagay
katulad ng wika dahil sila ay nabibilang sa
henerasyon na may malawak na kapasidad sa
pagtuklas.
Dahil dito, malinaw nilang
nasusubaybayan ang mga pagbabagong
nagaganap sa paligidpartikular na ang wika sa
social media. Ang mga kabataan din ang
nagpapauso ng mga salitang hindi na angkop
sa wikang Filipino pero ang mga kabataan din
ang may kapasidad na pausbungin muli ang
ating wikang pambansa kung gagamitin sa
tama ang social media.
Ang wika ang ginagamit ng mga tao sa
pang-araw-araw na pamumuhay upang
magkaunawaan ang bawat isa. Isa na rito ang
paaralan kung saan ay dito nahuhubog ang
kaalaman at pag-uugali ng mga mag-aaral at
ito ang itinuturing na pangalawang tahanan.
Sa pormal na diskusyon ng mga aralin
gumagamit ang mga guro ng pormal na wika.
Gumagamit din ang mga guro ng di-pormal
upang higit na maipaliwanag ang aralin at higit na
maunawaan ng mga mag-aaral ang aralin. Ang
mga mag-aaral ay gumagamit ng pormal ng wika
sa paggawa ng mga takdang-aralin at mga
proyekto. Nagkakaroon din ng di-pormal na
paggamit ng wika ang mag-aaral kung sila ay nasa
labas ng silid-aralan at tapos na ang klase at
nakikipagkwentuhan sa kapwa mag-aaral.
Sa panahon ngayon marami nang bagong salita
ang lumalabas at nadadala ng mga mag-aaral sa
paaralan tulad ng “pak ganern”,”boom panes” at
marami pang iba na maaring makaapekto at
magamit sa paggawa ng mga takdang-aralin o mga
proyekto. Isa rin sa nakakaapekto sa paggamit ng
wika ay ang pagtetext kung saan nagkakaroon ng
pagdadaglat ng mga letra ng salita dahil maaring
ang nakasanayan sa pagtetext ang maisagawa sa
mga akademikong sulatin.
Mahalagang mapangalagaan
ang wastong estado ng wikang
Filipino sa mga paaralan dahil ang
itinuturo sa paaralan ay maaaring
dalhin ng mag-aaral sa kanyang
pagtanda.
Ang wika ay hindi lamang kumakatawan sa
isang tao. Ito ay hindi lamang isang paraan para
sa pagpapahayag ng mga sariling saloobin,
opinion , obserbasyon at halaga ng kanyang mga
katangian ay isang sisidlan na siyang
nagpapahayag ng mga aspeto ng isang
komunidad o bansa. Ang wika ay kumakatawan
din sa pangunahing pagpaparating sa iba ng
panlipunang pagkakakilanlan.
Sa maikling salita, ang wika ay
tumutulong na mapanatili ang mga
damdamin ng kultura, sining at
pagkabansa ng isang bayan, mga
personal na obserbasyon at halaga ng
kanyang mga katangian ay isang sisidlan
na siyang nagpapahayag ng mga aspeto
ng isang komunidad o bansa.
Sa araw-araw na gawain ng tao, lumilitaw
ang pakikipagtalastasan o pakikipagugnayan sa
kanyang kapwa. Halimbawa, sa loob ng klasrum
ang pagpapaliwanag ng guro ng mga leksyun
habang nakikinig ang mga estudyante at
pagkatapos ay magkaroon ng interaksyon batay
sa paksa na kung saan ang guro ay magtatanong
at ang mag-aaral ay sasagot. Ito’y isang
pakikipagtalastasan.
Gayundin naman sa lansangan o sa palengke, ang
transaksyon na nagaganap sa mga mamimili o samga
nagtatanong upang magkaroon ng ugnayan, ito ay isang
paraan ng pakikipagtalastasan.Sa tanggapan o sa
opisina ng mga empleyado at kung may mga kliyente
silang kakausapin,ito ay isang pakikipagtalastasan. Ito
ang nagpapatunay na ang pakikipagtalastasan ay isang
gawaing pang-araw-araw kasabay ng modernisasyon at
paglunsad sa mga makabagong teknolohiya" ay patuloy
din ang pag-unlad at pagbabago ng Wikang Filipino.
Halimbawa na lang ay ang paggamit ng ibat-ibang
paraan upang mas mapaikli ang pagbigkas at ang
baybay ng wikang Filipino" ilang halimbawa ng
pagpapalawak ng bokabularyo ay ang paggamit ng
akronim o ang paggamit ng mga letra na sumasagisag
sa isang salita o tumatayo bilang kahalili ng isang
salita upang mas madaling maintindihan. Sumunod na
halimbawa ay ang pagpapalit ng mga salita na
ginagamit noong unang panahon upang mas
magandang bigkasin at pakinggan.
At ang pinakauso sa panahon ngayon ay
ang paggamit ng mga balbal na salita" ang
pinakamababang antas ng wika
nakaraniwang ginagamit ng mga kabataan.
Ang mga mag-aaral sa urban ay gumagamit
ng ibat-ibang pagpapalawak ng bokabularyo
na nakakaapekto din sa kanilang
pamumuhay maging salipunan at
ekonomiya.
Ayon kay Jomar I. Empaynado
, isang propesor at manunulat ,
isa sa sitwasyong panwika ay
anumang panlipunang
phenomenal sa paggamit at
paghulma ng wika .
Ayon kay Ryan Atezora , isang akademiko
sa Wikang Filipino ito na ang sitwasyon ng
wika ay kung gaanong wika ang goinagamit
sa iba’t ibang sektor ng lipunan at ang status
ng pagkagamit nito.Samakatuwid ang
sitwasyong pangwika ay mga pangyayaring
nagaganap sa lipunan namay kinalaman sa
patalaran sa Wika at Kultura.
Gamit ng Wika
Ang wika ang nagsisilbing tulay sa mabisang
komunikasyon, mas epektibong pakikipagtalastasan at
mas epektibong pakikipag- ugnayan. Sa pamamagitan
ng paggamit ng wika malaya nating naipapahayag ang
ating saloobin at kaisipan hinggil sa mga bagay- bagay.
Ang wika ay isa ring napakahalagang instrumento
sapagkat ito ang nagiging tulay sa pagkakabuklod
buklod ng mga mamamayan ng isang bansa.
Pinagtitibay nito ang diwa ng pagkakaisa
at pakakintindihan ng mga mamamayang
nasasakupan. Bukod dito, ang pagkakaroon
din ng sariling wika ay nakakatulong sa pag-
angat ng ekonomiya ng isang bansa. Kung
kaya, bilang isang kabataan ng bagong
henerasyon dapat nating pangalagaan at
tangkilikin ang wikang sariling atin.
Social Media at Wikang Filipino sa
Akademikong Pag-aaral

Ano-ano ba ang iba’t ibang uri ng social


media at paano ito nakatutulong sa
akademikong pag-aaral?
Facebook
Ito ay isang application na ung saan maari kang
magpahayag ng iyong nararamdaman,
katanungan at nais mong malaman at ipost.
Maaari itong makita ng mga friends o kaibigan
mo sa app din na ito, maaari silang magreact base
sa kanilang nais hingil sa paksa na iyong
ipinahayag.
Maaari din silang magkumento rito at
maaari nila itong ibahagi sa iba. Ito ay
nakatutulong sa paraang maaari kang magpost
ng mga katanungang na nais mong alamin at
maaari itong sagutin ng iyong mga kaibigan.
Dahil na rin sa maaari namang ibahagi ang post
ng iba mabilis na kumakalat ang isang
impormasyon na at nagiging dahilan ng
pagkakabasa ng mga estudyante na maaaring
magdulot ng pagkatuto ng mga bata.
Messenger
ito naman ay parang pagtetext lamang ang
tanging kaibahan lamang ito ay konektado sa
internet at Facebook.
Maaari mong padalhan ng mensahe ang sinumang
nais mo kung siya ay mayroong Facebook account.
Maaari ring gumawa ng grupo na bawat
mensaheng inilalagay roon ay makikita ng lahat ng
miyembro ng grupong ito.
Dito ay maaari kang magtanong at
mabilis ka ring masasagot ng iyong
kaibigan.Marami pang ibang uri ng social
media na maaaring makatulong sa
akademikong pagaaral. Isa itong magandang
senyales na ang mga app na ito ay nagagamit
ng tama. Ngunit laging tatandaan ang lahat
ng sobra ay maaaring makasama.
Sa makabagong henerasyon mababatid natin ang
mga epekto ng makabagong teknolohiya sa ating
wika at kultura. At dahil sa malikhaing pag-iisip at
pananaliksik nakakatuklas ang mga tao ng mga
bagong kaalaman tungkol sa teknolohiya katulad na
lamang ng mga “social media”. Ang social media ay
isang sistema na nilikha para komunikasyon ng mga
tao. Nagbibigay daan ito sa paglikha ng at
pakikipagpalitan ng kaisipan kaalaman sa bawat
mamamayan.
Sa pamamagitan din nito malayang
nakakapagpaskil at nakakapagbahagi ng kaalaman at
mga larawan ang isang indibidwal. Hindi na rin lingid sa
ating kaalaman na ang paggamit ng social media ay
may malaking ambag sa pag unlad ng pagkatao ng
isang mamamayan.Sa kasalukuyan maraming kabataan
ang 7 gumugugol ng oras sa paggamit ng iba’t ibang uri
ng “social media”. Isang halimbawa nito ay ang
“facebook”. Ang “facebook”. Ay isang uri ng aplikasyon
na kung saan maaring magbahgi ng mga ideya o
karanasan ang isang indididwal ng gumagamit nito.
Hindi rin natin maikakaila marami sa kabataan
ngayon ang gumagamit ng “facebook” sa
pakikipagtalastasan. Sa paggamit ng sistemang ito
malayang nilang naipapahayag ang mga kumentong
nais nilang iparating hinggil sa mga pahayag na
nakapaskil sa “facebook” ng isang kaibigan o kakilala.
Nagsisilbi itong tulay sa malayang
pakikipagkomunikasyon. Nakakatulong ito upang
mapaunlad ng isang indibidwal ang kakayahan sa
pakikipagkomunikasyon.
Dito naipapahayag nila ang positibo at
negatibong opinion hinggil sa isang paksa.
Natatalakay din at nabibigyang linaw ang
mga isyung napapanahon. Sa kabuuan ang
paggamit ng social media ay isang mainam
na paraan upang mapalawak ang pansariling
kakayahan upang makapagpahayag gamit
ang sariling wika.
Sa panahon ngayon, mahalagang
ding malaman ng mga kabataan
ang tamang paggamit ng social
media upang lalong mapalawak
ang kaalaman atkakayahang
magpamalas ng saloobin hinggil
gamit ang wikang Filipino.
Sa kabila ng lahat ng pagbabago at
paglaganap ng iba’t ibang teknolohiya sa
mundo, hindi pa rin tuluyang mapalitan ang
telebisyon bilang isang pangunahing paraan
ng telekomunikasyon. Ito’y sistema para sa
pagpapahayag at pagtanggap ng mga
gumagalaw na mga larawan at tunog sa
kalayuan.
Ito’y pangmasang panghatid ng
libangan, edukasyon, o mga balita.
Ngunit ano ang nagagawa o tulong ng
telebisyon sa pag-unlad ng Wikang
Filipino? May masama ba itong dulot sa
mga kabataan lalo’t higit sa maling
paraan ng pag-gamit nito? Sa Wika
Filipino?
Telebisyon sa
Pagpapaunlad ng
Wikang Filipino
 Ang telebisyon ang itinuturing na
pinakamakapangyarihang media sa
kasalukuyan dahil sa dami ng mga
mamamayang naaabot nito.
 Ang mabuting epekto ng
paglaganap ng cable o satellite
connection para marating ang
malalayong pulo at ibang bansa.
 Wikang Filipino ang ang nangungunang
midyum sa telebisyon sa bansa na
ginagamit ng mga lokal na channel.
 Mga halimbawa ng mga programang
pantelebisyon na gumagamit ng wikang
Filipino ay ang mga teleserye, mga
pangtanghaling mga palabas, mga
magazine show, news and public affairs,
reality show at mga programang
 Ang pagdami ng mga palabas sa
telebisyon partikular ang mga
teleserye o pantanghaling programa
na sinusubaybayan ng halos lahat ng
milyong-milyong manonood ang
dahilan kung bakit halos lahat ng mga
mamamayan sa bansa ay
nakakaunawa at nakakapagsalita ng
wikang Filipino.
 Walang subtitle o dubbing ang mga palabas
sa mga wikang rehiyonal.
Ang madalas na exposure sa telebisyon ang
isang dahilan kung bakit sinasabing 99% ng
mga mamamayan sa Pilipinas ang
nakakapagsalita ng Filipino at maraming
kabataan ang namulat sa wikang ito bilang
kanilang unang wika maging sa mga lugar na
di-katagalugan.
Sa paggamit ng telebisyon ay
nakakapagbigay ito ng impormasyong pormal at
di-pormal na mayroong malaking epekto sa
ating mga manonood. Hindi katakatakang
nagagawa nitong maipluwensiyahan ang paraan
ng pamumuhay ng masa, lalo na ang wika.
Nagdudulot ito ng madaling pagkakatuto at
madaling pagbigkas ng mga salita lalo na sa mga
kabataan ngayon.
Ngunit sa kabilang banda nito ay nagdudulot pa rin
ito ng masama o mga salitang hindi na-aangkop sa
pagkakaroon ng magandang lipunan, tulad ng pag-
papaikli ng mga salita at, ang mga binabanggit o
naririnig sa telebisyon na mga salitang hindi na
masyadong makahulugan. Ngunit nakakatulong pa
rin ang telebisyon sa pag-unlad ng wika, na
mababakas sa pang-araw-araw nating pakikipag-
ugnayan sa ating kapwa. Sapagkat sa pagtangkilik sa
telebisyon ay syang pag-unlad rin ng Wikang Filipino.
Isang halimbawa, ay ang iba kulturang napapanood
sa telebisyon, na sa tulong nito’y madaling
maintindihan dahil sa mga larawan at sa pagbigkas
nito. Nakakapagbigay rin ito ng mga bagong salita na
maaari nating gamitin sa pangaraw-araw. Ngunit
minsa’y may hindi ring magandang kinakalabasan
ang panonood ng telebisyon patungkol sa pag-unlad
ng Wikang Filipino, katulad ng mga mga salita,
parirala o kataga na pinasikat ng mga personalidad sa
telebisyon na naging bahagi na ng ating berbal na
komunikasyon.
At maging dahilan ng kakulangan ng kaalaman
natin sa wikang Filipino o sa hindi tamang pag-
gamit nito.

Datapuwa’t ang telebisyon ay nakakatulong


rin sa magandang pagkaka-unawaan, dahil sa
ibang mga salitang ating naririnig. At mas
napapalawak ang ating kaalaman sa tulong ng
mga larawang ating nakikita.
Wika sa
Pahayagan
Pahayagan/Diyaryo
isa sa mga nagsisilbing daluyan ng wika
madalas gumagamit ng wikang Filipino (lingua
franca), wikang Ingles o Taglish, upang mailahad
ang mga balitang nakapaloob dito sa iba’t-ibang
tao sa iba’t-ibang sulok ng bansang Pilipinas
isang uri ng paglilimbag na naglalaman ng
balita, impormasyon at patalastas.
Ngunit, ano ba ang mayroon sa wikang ginagamit
sa mga pahayagan na nakakaakit ng mga mambabasa
upang makapagbigay-balita?Kung ating papansinin, ay
napakakomersyal rin ang paraan ng pagbabalita sa
mga pahayagan kaya ang madalas na nakapaloob dito
ay ang mga interesanteng salita. Hindi kumbensyunal
ang paggamit ng salitang pormal sa isang pahayagan.
Samakatuwid, isang malamang na dahilan ng
pagusbong ng mga pahayagan ay ang paggamit ng
mga aggresibo at mararahas na salita dito.
Nakakapukaw ng pansin para sa ibang
mga Filipino ang pagbabasa ng mga salita
tulad ng “dedo”,
“Niletson”,”inambus”,”winalwal”,atbp. Ang
paggamit ng mga salitang aggresibo ay isang
malaking sangkap sa pagiging marahas at
kapansin-pansin ang isang krimen lalo na sa
headlines ng pahayagan.
Sa kabilang dako, ang kapalit ng paggamit ng mga
mararahas na salita sa paggawa ng pahayagan ay ang
pagiging “sensationalized” ng mga balita dito. Dahil
dito ay marapat lang na isaisip natin na ang
pahayagan ay isang negosyo, kung kaya’t hindi
maiiwasan na maging “exaggerated” ang mga balitang
nakapaloob dito. Mula dito, mahihinuha ko na ang
wikang Filipino ang isa sa mga natatanging wika na
nagtataglay ng mga agresibo at mararahas na salita na
nakakapukaw ng pansin ng mga masa.
Kahit impormal at marahas ang tono
ng wikang ginagamit sa mga pahayagan,
ay napakalas ng dating nito sa iba’t-
ibang mga Filipino. Ngunit, marapat
lang na isaalaala natin na hindi lahat ng
balita na naisulat sa paggamit ng
agresibong mga salita ay kapani-
paniwala.
Dalawang Uri ng Diyaryo
• Broadsheet- ay isang uri ng pahayagan na may laki at haba ang pormat. Ito
ay isang uri ng pahayagan na mayroong seryosong pagbabalita. At ang
saklaw na sakop nito ay malawak sapagkat hindi lamang Pambansa ang
sakop nito kundi kasama din ang pang internasyonal.
Halimbawa: Philippine Daily Inquirer, Manila Bulletin, The Manila Times,
The Philippine Star, Sunstar Cebu

• Tabloid- isang uri ng pahayagan na mas maliit ang sukat ng pahina. Ito ay
itinuturing na dyaryong pang-masa dahil ito ay nakalathala sa Tagalog.
Ang binibigyang diin ng tabloid ay mga kwento, istorya, kolumn, o
impormasyon na tungkol sa sex o karahasan.
Halimbawa: Hataw, Remate, Abante, Bandera, Bulgar, Bagong Titik,
Philippine Star Ngayon
Broadsheet Tabloid

Ingles ang wikang ginagamit Wikang Filipino ang ginagamit

Pormal ang salitang ginagamit Di-pormal ang salitang ginagamit

Mas Malaki ang papel na ginagamit Mas maliit naman ang imprenta sa tabloid

Mas komprehensibo ang pagbabalita at mga Mabilisan ang pagbabalita dahil sa


seksyon o kategorya limitadong espasyong pagsusulatan

Medyo mahal Mura at abot kaya ang halaga


 Ngunit tabloid ang mas binibili ng masa o
karaniwang tao tulad ng mga drayber ng bus
at dyip, mga tindera sa palengke, mga
ordinaryong manggagawa atbp. na nakasulat
sa wikang higit nilang nauunawaan.
Ang lebel ng Filipinong ginagamit sa mga
tabloid ay kadalasan ay hindi pormal na
wikang ginagamit sa mga broadsheet.
Wika sa Radyo
 Wikang Filipino rin ang nangungunang
wika sa radyo sa AM man o sa FM.
May mga programa rin sa FM tulad ng
Morning Rush na gumagamit ng wikang
Ingles sa pagbrobroadcast subalit
nakakarami pa rin ang gumagamit ng
Filipino.
Ang mga inihahatid ng radyo sa mga tao
ay: impormasyon, musika, at opinyon.
 May mga estasyon ng radyo sa mga
probinsya na gumagamit ng rehiyonal na
wika ngunit kapag may kinakapanayam sila
ay karaniwan sa wikang Filipino sila
nakikipag-usap.
Halimbawa: Bombo Radyo Tacloban, Love
Radio, Radyo Natin Baybay
Wika sa Teknolohiya
Sa pag-usbong ng teknolohiya, sa paggamit
nito ng wika hindi natin maitatanggi na malaki
ang epekto nito sa ating sariling wika. Sa
modernong panahon mas madali na ang
kumunikasyon kaya’t, mas madaling maipapasa
ang mga wikang dipormal. Nakakatawang isipin
na kahit tayo ay mga Pilipino may iilang tao
parin ang hindi ganoon ka bihasa gamitin ang
wikang Tagalog.
Ang mga Pilipino ay lulong na lulong na sa
social media. Ayon sa aming pananaliksik
mayroong 30 milliong tao ang gumagamit ng
facebook, 4.9 million naman sa twitter 25
million sa youtube noong 2014. Dahil nga ba
sa teknolohiya ay mas umosbong ang di-
pormal na mga salita? Heto ang mga
halimbawa ng mga di-pormal na salita o mga
balbal:
Sitwasyong Pangwika sa
Pelikula
 Ang mga lokal na pelikulang gumagamit
ng midyum na Filipino ay tinatangkilik pa
din ng mga manonood.
 Ingles ang kadalasang pamagat ng mga
pelikulang Filipino tulad ng One More
Chance, Starting Over Again, It Takes a
Man and a Woman, Bride for Rent,
You’re My Boss, A Second Chance atbp.
 Filipino -ang lingua franca o
pangunahing wika ng telebisyon,
radyo, diyaryo at pelikula.
Isang mabuting senyales para sa
lalong pag-unlad at paglago ng
ating wikang pambansa.
Dahil sa malawak na impluwensiya
ng wikang ginagamit ng mass
media ay mas maraming
mamamayan sa bansa ngayon ang
nakakapagsalita, nakakaunawa at
gumagamit ng wikang Filipino.
 Ingles ang kadalasang pamagat ng mga pelikulang
Pilipino. Filipino ang lingua franca o pangunahing
wika ang ginagamit.
 Ang pangunahing layunin ay makaakit ng mas
maraming manunuod na malilibang sa kanilang mga
palabas at programa upang kumita ng malaki.
Malawak ang naging impluwensya dahil satulong nito
mas marami ng ng mamayan ng bansa ang
nakauunawa at nakapagsasalita ng wikang Filipino.
 Ang nananaig na tono ay impormal at waring hindi
gaanong istrikto sa pamantayan ng propesyonalismo.
Takdang aralin
Panuto: Pumili ng isang linya sa mga pelikulang napanood
na nag-iwan ng tatak sa iyong isip o kumintal sa iyong puso
at isulat ito sa speech balloon. Ipaliwanag ang kaugnayan
nito sa iyong buhay. Gawin ito sa sagutang papel.
Gawain 1
Panuto: Sagutin ang mga tanong.Gawin ito sa
sagutang papel.
1.Nakikinig kaba ng balita sa radyo? Ano-anong
mga isyu ang iyong napakinggan sa radyo?
2.Isulat ang pahayagan or dyaryo na nabasa mo na
at ang partikular na isyu na nabasa mo sa
dyaryo.
Sitwasyong Pangwika sa Text
Ang pagpapadala at pagtanggap ng
SMS (short messaging system) na
kilalang text message o text ay isang
mahalagang bahagi
ng komunikasyon sa ating bansa.
Humigit kumulang sa apat na bilyong
text ang ipinapadala at
natatanggap
sa bansa sa araw
ating arawna upangtayong ay
bilang
dahilan“Texting Capital of the World”
kilalanin
 Higit na popular sa pagtawag sa telepono
o cellphone dahil bukod sa mura ang
mag-text mas komportable ang taong
magparating ng maiikling mensaheng
nakasulat kaysa sa sabihin ito ng
harapan o gamit ang telepono.

 Hindi makikita ang ekspresyon ng mukha


o tono ng boses na tumatanggap ng
mensahe.
Siwasyong Pangwika sa Social
Media at Internet
Ano nga ba ang SOCIAL MEDIA?

Ay tumutukoy sa Sistema ng pakikipag-


ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay
lumilikha, nagbabahagi, at
nakikipagpalitan ng impormasyon at
ideya sa isang virtual na komunidad at
network.
SOCIAL MEDIA?

Ito ang tawag sa kinahihiligan natin sa


internet sapagkat dito ay may mga
aplikasyon na maari nating magamit
kung gusto mong malaman ng mga tao
ang nangyayari sa’yo.
Ang tawag sa mga taong gumagamit nito
ay netizen. Karaniwang may code switching.
Mas pinag-iisipang mabuti ang mga
gagamiting salita bago ipost. Ingles ang
pangunahing wika dito.
Isa sa katangian ng wika ang pagiging
malikhain. Sa patuloy na paglago ng wika ay
umuusbong ang ibàt ibang paraan ng malikhaing
paggamit dito dala na rin sa impluwensya ng mga
pagbabagong pinanalaganap ng media.
Pagyabong ng paggamit ng social media sites
kagaya ng Facebook, Twitter, Instagram, Pinterest,
Tumblr atbp. Lahat ng uri ng tao ay umaarangkada
ang social life at kabilang na rin sa mga netizen.
Daan sa pagpapadali ng komunikasyon sa pagitan
ng magkakaibigan o mga mahal sa buhay.
Madaling makabalita sa mga nangyayari sa buhay
sa pamamagitan ng mga nakapost na
impormasyon, larawan at pagpapadala ng
pribadong mensahe (pm) gamit ang mga ito.
Karaniwang code switching ang wikang ginagamit
sa social media o pagpapalit palit ng Ingles at
Filipino sa pagpapahayag.
PAANO KA MAKAKASABAY SA
MABILIS NA PAGBABAGONG ITO?

•Sa pamamagitan ng
pagpapayaman lalo sa ating wika.
PAANO?
MAAARI NATIN ITONG SIMULAN SA
PAMAMAGITAN NG PAGLALAGAY SA INTERNET
NG MGA SUMUSUNOD:

• Wikang Filipinong Diksyunaryo


• Mga akdang pampanitikan
• Mga rebyu ng pelikulang Filipino; at
• Patuloy na paggawa ng blogs na nasusulat sa
ating wika
Sitwasyong Pangwika sa iba
pang anyo ng Kulturang Popular
SPOKEN POETRY
Sa sitwasyon na kinasasadlakan ng mundo
ngayon, makikita ang sarisaring pagbabago at
pag-unlad ng iba’t ibang bagay mula sa
pananamit, pagkain, mga pelikula hanggang sa
wika at mga salitang ginagamit sa araw-araw. Ilan
sa mga sanhi nito ay ang mabilis na pagbabago
lalong lalo na sa teknolohiya, ang pakikisabay sa
uso ng karamihan at ang pag-abuso sa karapatang
kalayaan sa pagpapahayag.
Dahil sa impluwensya ng social media, hindi na
bago sa tenga ang mga salitang Selfie, Hashtag at
Emoji dahil ang mga ito ang karaniwang ginagamit ng
mga Pilipino sa panahon ngayon. Dahil maraming
Pilipino ang nakagagamit ng internet, nagkaroon ng
malawakang kalayaan sa pagpapahayag ng damdamin
at kaisipan, kasabay nito ay umusbong na rin ang mga
salitang bago sa ilan at tanging naiintindihan lamang
ng mga aktibo sa social media.
Alam mo ba?
Isa pang mahalagang midyum sa larangan ng
broadcast media at hindi maikakailang bahagi ng buhay
ng bawat Pilipino ang telebisyon. Naging bahagi at
sinasabing kasama nga sa daily routine ng mga Pilipino
ang panonood ng mga palabas sa telebisyon simula sa
paggising sa umaga sa mga morning show hanggang sa
oras na bago matulog sa mga prime time na mga
panoorin kabilang na ang mga teledrama, balita at mga
dokumentaryong pantelebisyon
Buuin Natin

Panuto : Sa isang buong bondpaper ,


gumawa ng isang blog ng napapanahong
isyung panlipunan sa radyo at telebisyon,
mga patok na linya sa mga pelikula at post
sa social media na nagpapakita ng gamit ng
wika.Gawing gabay ang halimbawa.Huwag
kalimutang lagyan ng mga sanggunian o mga
pinagkukunan kaalaman.
Magagawa Natin

Panuto: Gawin ito sa isang buong papel. Iugnay ang


mga natutuhang paggamit ng wika ayon sa iyong
sariling kaalaman, pananaw at mga karanasan sa
pamamagitan ng pagsasagawa nito.
Hindi na nga maikakaila ang lawak at dami ng naabot ng social media at ang papel nito sa
pagpapadaloy ng impormasyon at balita sa panahon natin ngayon.Bilang isang kabataang
Pilipino , Papaano mo gagamitin nang tama ang social media lalo na sa ating pang-araw –
araw na gawain.Itala ang iyong mga saloobin kung papaano maging responsableng
mamamayan sa pagtugon nga panawagan ni Senator Win Gatchalian na maging
responsableng paggamit ng social media.

1._______________________________________________________________________
2. _______________________________________________________________________
3. _______________________________________________________________________
4._______________________________________________________________________
5. _______________________________________________________________________
TAYAHIN
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa isang buong
papel.Piliin ang letra ng tamang sagot.
(NOTE:Isumite. Huwag kalimutang isulat ang pangalan, baitang , seksyon at
bilang ng modyul.)

__________1. Ito ay ang pagtatalong oral na pa-rap


A. Fliptop
B. Pick -up Lines
C. Hugot lines
D. Spoken poetry

__________2. Tinatawag ding loveliness o love quotes


A. Fliptop
B. Pick -up Lines
C.Hugot lines
D. Spoken poetry
_______3. Nagtataglay ng malalaki at nagsusumigaw na headline
na naglalayong maakit agad ang mambabasa.
A. Telebisyon
B. Pahayagan
C. Balita
D. Blogs

_______4. Ang itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa


kasalukuyan dahil sa dami ng mga mamamayang
naabot nito
E. Telebisyon
F. Pahayagan
G. Balita
H. Blogs
________5. Ang tawag sa mga linya ng pag-ibig na nakakakilig,
nakakatuwa, cute, cheesy at minsan nakakainis
A. Fliptop
B. Pick -up Lines
C. Hugot lines
D. Spoken poetry

________6. Ang texting capital of the world dahil 4 bilyon na


text ang pinadala araw-araw
A.Pilipinas
B. Singapore
C.Amerika
D. Hongkong
____7. Ang modernong pamamaraan ng pagsusulat kung saan nagbibigay ng
impormasyon sa pamamagitan ng internet sa pagkuha ng mga
artikulo na may iba't-ibang mga partikular na
paksa.
A. Telebisyon C. Pahayagan
B. Balita D. Blogs

____8. Ito ang madalas gumagamit ng wikang Filipino (lingua franca),


wikang Ingles o Taglish, upang mailahad ang mga balitang
nakapaloob dito sa iba’t-ibang tao sa iba’t-
ibang sulok ng bansang Pilipinas
A. Telebisyon C. Pahayagan
B. Balita D. Blogs
____9. Ito ay isang aplikasyon na kung saan maari kang magpahayag ng
iyong nararamdaman , katanungan at nais mong malaman at ipost.
A. Facebook C. Instagram
B. Messenger D. Twitter

You might also like