Professional Documents
Culture Documents
Ang Filipino ay pambansang wika na naghahangad na maging higit sa isang katutubong wika at
naghahangad na maging opisyal na talumpati ng bansa. Ito ay nahawahan at nakompromiso
mula sa simula ng mismong mga wikang hinahangad na ibukod o sumailalim.
Ang ating wikang pambansa ay dapat natin na pahalagahan dahil ito ang daan upang
magkaintindihan ang bawat isa at mapabahagi ang ideya na mayroon ang tao. At ito din
ang dahilan para sa pagkakaisa ng bawat mamamayan at nagbibigay tulong sa pag-
unlad sa iba't ibang aspeto sa isang bansa. Magandang ideya na mapatibay natin ang
ating sariling wika upang magamit natin Ito sa mabuting gawi at sa pag unlad nang ating
bansa. Ito ay kinakailangan din ng isang bansa sapagkat ito ang ginagamit sa
pakipagtalastasan at pakikipag-ugnayan ng bawat mamamayan. Ang ekonomiya ay hindi
lalago o uunlad kung ang mga tao ay hindi nagkakaisa at nagkakaintindihan. Kaya dapat
na alam natin ang paggamit ng ating wikang pambansa at kung sa anong paraan natin
ito gamitin para sa ikabubuti ng lahat. Kung ang bawat isa ay marunong gamitin sa
maayos na paraan ang wikang pambansa hindi makakaila na uunlad ang bansa at bubuti
ang pamumuhay nang mamamayan. Kaya dapat na pahalagahan at magkaisa ang lahat
sa pagpapatibay ng wikang pambansa upang makamit ang kaunlaran at maayos na
buhay.