You are on page 1of 1

GAWAIN 1: ANG WIKANG FILIPINO: KALIKASAN, TUNGKULIN AT KALAGAYAN

1. Paano mailalarawan ang kalagayan ng wikang Filipino bilang wikang


pambansa, wika ng bayan, at wika ng edukasyon at pananaliksik?
- Ang kalagayan ng wikang Filipino bilang bilang wikang pambansa, wika
ng bayan, at wika ng edukasyon at pananaliksik ay mailalarawan na
pinakamahalagang bagay na dahilan sa pagbubuklod-buklod ng mga
mamamayan. Ito ang susi ng ating bansa para sa pagkakaisa at
nagbibigay ng tulong sa pag-unlad ng bansa sa anumang aspeto.
Kailangan natin ang wikang Filipino sapagkat ito ang ating ginagamit sa
pakikipag-ugnayan o pakikipag-usap. Ang isang bansa ay hindi
magkakaroon ng kaunlaran kung ang mga mamamayan ay hindi
nagkakaroon ng pagkakaintindihan. Ayon kay Pool (1972), nakasagabal
sa kaunlarang pang-ekonomiya ang pagkakaiba-ibasa wika. Kung ang
mga mamamayan ay iba iba ang wikang ginagamit ay magkakaroon ng
problema na maaaring magdulot ng hindi pakikipagsunduan. Sa panahon
ngayon, patuloy pa ring umuulad at lumalawak ang ating wikang
pambansa. Patuloy na nadaragdagan ang mga salita at parirala. Kung
kaya’t mahalaga na gamitin at paunlarin pa rin ito.

2. Paano nauugnay ang pagpapalakas ng wikang pambansa sa pagpapatibay


ng kolektibong identidad at pagkakamit ng pambansang pagkakaisa at
kaunlaran?
- Kung ang lahat ng mamamayan ng ating bansa ay alam gamitin ang
wikang pambansa, magdudulot ito malinaw na komunikasyon. Sa paraang
ito, magkakaroon ng matibay na kolektibong identidad ang ating banda.
Ang pagpapalakas ng wikang pambansa ay daan sa pagkakamit ng
pambansang pagkakaisa at kaunlaran sapagkat ito ang ginagamit na
pangkomunikasyon ng mga mamamayan. Ang wika ang gamit na
pangkomunikasyon upang magkaroon ng pagkakaintindihan na
magdudulot ng pagkakaisa at kaunlaran ng bansa. Kung wala ang wikang
pambansa ay hindi magkakaroon ng komunikasyon ang mga
mamamayan. Kaakibat nito ang hindi pagkakaroong pagkakaintindihan
kung kaya’t hindi magkakaroon ng pagkakasundo ang bansa. Malinaw
nating makikita kung paano at gaano kalaking tulong ang pagpapalakas
ng wikang pambansa sa pagkamit ng pambansang pagkakaisa at
kaunlaran.

You might also like