You are on page 1of 2

Filipinolohiya at

Pambansang
Kaunlaran
JODELYN C. DELLORO
BAJ 1-1N
FILIPINO BILANG GLOBAL NA WIKA

Napakahalaga ng wika sa atin bilang mamamayan, bilang bahagi ng


lipunan at maging bilang mga Pilipino, noon pa man ito ay nagsisilbing
pagkakakilanlan sa isang bansa. Ito ay isang instrumento sa komunikasyon
upang magkaisa ang mga mamamayan at mapaayos ang daloy ng takbo ng
isang bansa o lipunan at upang tayo ay magkaroon ng pagkaunawaan sa isa’t-
isa, ito rin ay nagbibigay tulong sa pag-unlad ng isang bansa.

Tunay na maunlad ang wikang Filipino kung kaya’t masasabing ganap


na itong isang wikang “global” lalo na’t ikaanim na ito sa mga pangunahing
wika sa Estados Unidos maliban sa Ingles. Nakapaloob sa wikang ito ang ating
pamanang spiritwal at kultural bilang isang nasyonal na komunidad para
padaliin ang komunikasyon sa lahat ng mamamayan, palakasin ang ating
pagkakaisa bilang isang bansa, at itaguyod ang ikwalidad sa ating lipunan.
Ang Pilipinas ay hindi lamang isang bansa at ang mga Pilipino ay hindi
lamang isang nasyonal na komunidad. Iyan ang ating sosyal at pulitikal na
reyalidad. Ngunit sa diwa at sa kultura batay sa ating historikal na karanasan,
tayo ay isang natatanging sibilisasyon ng magkakaibang lokal at rehyonal na
kultural; isang sibilisasyong hinubog ng ating mga sariling katutubong
tradisyon, at ng mga impluwensya mula sa Asya at sa Kanluran.

Ang wikang Filipino ay isa sa mga 185 na wika ng Pilipinas na nasa


Ethnologue. Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino, ang wikang Filipino ay
"Ang katutubong wika, pasalita at pasulat" sa Kalakhang Maynila, ang
Pambansang Punong Rehiyon, at sa iba pang sentrong urban sa arkipelago,
na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Ang
pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbibigay daan sa pagkakaisa ng mga
mamamayan at nagbibigay tulong sa pag- unlad ng iba’t ibang aspeto sa isang
bansa. Ang wikang pambansa ay nagiging isang malaking daan ng
komunikasyon upang mapalago at mapagbuti angtakbo ng politikal,
sosyolohikal, at maging ang ekonomikal na aspeto ng lipunan. Ang
pamanahong papel na ito ay magtatalakay ng epekto ng pagkakaroon ng
sariling wikang pambansa sa ekonomikal na aspeto.

You might also like